You are on page 1of 22

7

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan-Modyul 1:
Konsepto at Kahulugan
ng Kabihasnan at Sibilisasyon
Araling Panlipunan – Baitang Pito
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Konsepto at Kahulugan ng Kabihasnan
at Sibilisasyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Merylen O. Rodriguez
Editor: Rosario G. Caluya
Tagasuri: Pedro J. Dandal Jr., Margielyn E. Tomanggong, Nora A. Nangit
Tagaguhit: Teodorico A. Cabildo, Sergio M. Tupaz
Tagalapat: Esperidion D. Soleta Jr.
Tagapamahala: Benjamin D. Paragas
Mariflor B. Musa
Melbert S. Broqueza
Danilo C. Padilla
Freddie Rey R. Ramirez
Aurelia B. Marquez
Rodgie S. Demalinao
Pedro J. Dandal Jr.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – MIMAROPA Region

Office Address: 5th Floor Mabini Building, DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan-Baitang Pito ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Konsepto at Kahulugan ng
Kabihasnan at Sibilisasyon!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit
sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan-Baitang Pito ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Konsepto at Kahulugan ng Kabihasnan at
Sibilisasyon!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan .

ii
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat
mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

iii
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Alam mo ba pagkatapos ng Panahong Neolitiko hanggang sa sumapit ang ika-


16 na siglo umusbong at lumawak ang iba’t ibang Kabihasnang Asyano? Sa paksang
ito inaasahang iyong magagawa ang sumusunod na kasanayan:
• Nabibigyang kahulugan ang mga konsepto ng salitang Kabihasnan at
Sibilisasyon
• Nasusuri ang pagkakaiba ng mga konseptong Kabihasnan at Sibilisasyon
• Nasusuri ang mga batayang salik o katangian sa pagkakaroon ng kabihasnan
at sibilisasyon
• Napahahalagahan ang pag-usbong at pag-unlad ng sinaunang kabihasnang
Asyano

Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard)


Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga kaisipang Asyano,
pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa
Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.
Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard)
Kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na
nagbigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng
pagkakakilanlang Asyano.
Tiyak na Kasanayan
Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan at ang mga katangian nito. (AP7KSA-
IIb-1.3)

1
Subukin

Bago mo tuluyang tuklasin ang susunod nating paksa, maaari mo bang sagutan
ang unang pagsubok na ibibigay ko sa iyo bilang pagtataya sa iyong paunang
kaalaman tungkol sa paksa? Marahil ikaw ay handang-handa na para isagawa ito.
Maari mo ng simulan. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwadernong pang aktibiti.

Gawain 1: #MGA MAG-AARAL SA IKA-21 SIGLO HANDA SA MAKABAGONG


PAGBABAGO

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na impormasyon. Isulat ang malaking


titik K kung sa palagay mo ang impormasyon ay naglalarawan ng Kabihasnan at
malaking titik S kung tumutugon sa konsepto ng Sibilisasyon.

__________1. May maayos na sistema ng pamahalaan ang mga sinaunang Asyano.


__________2. Nakadepende lamang sa kapaligiran ang mga sinaunang Asyano
noong panahon ng Paleolitiko.
__________3. Naranasan ng sinaunang Asyano na manirahan sa kweba.
__________4. Ang mga sinaunang Asyano ay may mataas na kaalaman sa
teknolohiya at sining
__________5. Natutunan ng mga sinaunang Asyano ang pagtatanim at
pagpapaamo ng mga hayop.
__________6. Ang konseptong ito ay may makitid na saklaw.
__________7. Ang konseptong ito ay may malawak na saklaw.
__________8. Isa sa pangunahing pamumuhay ng mga Asyano ay pangingisda.
__________9. Maraming mga mag-aaral ngayon ang may mataas na kaalaman sa
larangan ng teknolohiya.
__________10.Pamumuhay ng mga sinaunang Asyano na umusbong sa mga
lambak.

2
II. Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon. Isulat ang salitang TAMA kung

ang impormasyon ay tumutugon o naglalarawan ng konseptong Kabihasnan at

Sibilisasyon, isulat ang salitang MALI kung hindi ito tumutugon sa mga naturang

konsepto.

11. Masasabi natin na may kabihasnan ang isang bansa kung ito ay may
sentralisadong pamahalaan.

12. Ang sibilisasyon ay tumutugon sa pamumuhay ng mga lipunang umusbong sa


mga lambak at ilog tulad ng Sumer, Indus, at Shang.

13. Ang isang lugay ay inilalarawan ng sibilisasyon kung lahat ng mga mamamayan
ay nagkaroon ng kakayahan na mapaunlad ang kanilang pamumuhay

14. Umiiral ang kabihasnan at sibilisasyon kapag ang mga tao ay natutong humarap
sa hamon ng kapaligiran at pagkakaroon ng kakayahan na baguhin ang kanyang
pamumuhay gamit ang lakas at talino.

15. Ang kabihasnan ay masalimuot na pamumuhay sa lungsod.

Binabati kita sa iyong ginawang pagsagot. Kung hindi mo nasagutan ang lahat
ng tama sa susunod na gawain ay iyong tutuklasin at aalamin ang 3mga
mahahalagang impormasyon na may kaugnayan sa paksa.

3
Aralin
Konsepto at Kahulugan ng
1 Kabihasnan at Sibilisasyon

Balikan

Ngayon naman maaari mo bang sagutan ang pagsubok na ito na aking


ibibigay na pinamagatang… #ATING BALIKAN MGA LARAWAN SA NAKARAAN
AT IUGNAY SA KASALUKUYAN
Panuto: Tunghayan mo ang mga larawan sa ibaba. Tukuyin ang mga pag-unlad nito
sa kasalukuyang panahon. Isulat ang titik ng tamang sagot mula sa Hanay B, batay
sa mga larawan na nasa Hanay A. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwadernong pang
aktibiti.
HANAY A HANAY B

________1. A.

________2. B.

________3. C.

________4. D.

________5. E.
4
Pamprosesong Tanong:
1. Batay sa inyong mga naging kasagutan, masasabi mo ba na may pag-unlad
ang pamumuhay ng mga sinaunang Asyano?
2. Naniniwala ka ba na patuloy ang pag-unlad ng pamumuhay ng mga tao sa
kasalukuyan?
3. Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang katangian ng tao na naging daan
sa pag-unlad ng kanyang pamumuhay?

Tuklasin

Gawain: KONEKSYON KO, BUOIN MO

Panuto: Batay sa mga letra na nakasulat sa bilog sikapin mong buoin hanggang sa
makabuo ng isang konsepto. Gamitin ang mga gabay na ibinigay.

S N
A. ___________ ____ _____ ____ ____ ____ ____ ____ ____ ____ ______

L I S A S N Y S
I I

B O

K N
B. ___ ___ ____ ____ _____ ____ ____ _____ ____ ____ ____ _____

A B H K I N A N A S

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang konsepto na iyong nabuo sa letrang A?
2. Ano naman ang konseptong iyong nabuo sa letrang B?
3. Nagustuhan mob a ang iyong ginawa? Maramaming salamat.

5
Binabati kita sa iyong kahusayan sa katatapos mong pagsubok. Pagkatapos
mong maunawaan ang mga layunin ng paksa at batay sa resulta ng iyong paunang
pagtataya maaari ka bang gumawa ng sulat sa iyong quiz notebook kung paano mo
maisasakatuparan ang mga layunin sa paksa. Sundan ang sumusunod na halimbawa
upang makamit ang iyong pag-unawa sa paksa. Iyong matutuklasan sa susunod na
gawain ang mga mahahalagang impormasyon sa paksa. Kaya inaasahang ko na ito
ay uunawain mo ng buong husay.
Dear Heart,

Ito ang unang paksa sa Ikalawang yunit tungkol sa kasaysayan ng Asya

Batay sa paunang pagtataya na aking isinagawa o sinagutan aking

natututunan ang mga konsepto ng kabihasnan at sibilisasyon at ang mga salik sa

pag-usbong ng sinaunang Asyano. Sa paksang ito nais kong ipag-hambing

ang….

Gusto kong matutunan ang tungkol sa__________________________

Gusto ko rin maisagawa at maikapakita kung___________________

Ang iyong Kaibigan ,

__________________

Mahalagang paalala: Huwag kalilimutan ang mga layunin at paraan kung paano
mo makakamit ang iyong pag-unawa sa paksa. Ang mga susunod na gawain ay iyong
matutuklasan ang mga mahahalagang impormasyon sa paksa. Kaya inaasahang ko
na ito ay uunawain mo ng buong husay.

Suriin

Ngayon alam mo na ang paksa sa ating modyul lalo pa natin pauunlarin ang
iyong kaalaman tungkol sa araling ito. Ang gawaing ito ay pinamagatang… IDEYA KO
SA MGA KONSEPTO IBABAHAGI KO. Sundin ang panuto.

6
Panuto: Gamit ang sumusunod na larawan ng graphic organizers, isulat ang mga
salita na angkop sa mga salitang nasa kaliwa. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

KABIHASNAN

SIBILISASYON

Pamprosesong Tanong
1. Batay sa mga salita o ideya na may kinalaman sa Kabihasnan at Sibilisasyon,
bumuo ng iyong sariling pakahulugan tungkol sa mga naturang konsepto. Gawin ito
sa iyong kuwadernong pang aktibiti. Maaari simulan ang iyong sagot sa pamamagitan
ng;

Para sa akin ang konseptong Kabihasnan ay tumutukoy


sa_________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Para sa akin ang konseptong Sibilisasyon ay tumutukoy
sa_________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Ngayon may ideya ka na kung ano ang ibig sabihin ng mga konseptong
kabihasnan at sibilisasyon, ang susunod na mga gawain sa Modul ay kailangan mong
7
suriin, unawaiin ang teksto upang lubusan mong malaman ang mga impormasyon na
may kinalaman sa paksa at ihanda ang sarili sa pagsagot ng mga tanong.

Gawain: Pokus-suri
Panuto: Basahin, suriin at unawain ang nilalaman ng teksto tungkol sa kabihasnan at
sibilisasyon pagkatapos mong basahin sagutan ng buong husay ang sumusunod na
mga katanungan.

Sinasabing ang kabihasnan ay masalimuot na pamumuhay sa


lungsod at kadalasang kasingkahulugan ng salitang sibilisasyon. Kapag ang
isang tao ay nagkaroon ng kasanayan sa isang bagay masasabi natin na
nagiging bihasa siya o nagiging magaling. Katulad ng nangyari sa sinaunang
Asyano, naninirahan sila sa mgaa lambak ng Ilog. Nalinang nila ang
pamumuhay tulad ng pangingisda at pagsasaka dahil sa kapaligiran at
kanilang permanenteng tirahan. Kinasanayan na nila ang pangingisda at
pagsasaka at ito ang nagsilbing pang araw-araw nilang hanap-buhay. Dahil
dito nabuo ang konsepto ng kabihasnan na pamumuhay nakasanayan o
nakagawian.

Ang sibilisasyon naman ay tumutugon sa pamumuhay ng mga


lipunang umusbong sa mga lambak at ilog tulad ng Sumer, Indus, at Shang.
Subalit hindi tahasang sinasabi na kapag namuhay ka sa lungsod ay hindi
ka na sibilisado. Ang pagkakaroon ng sibilisasyon ay batay sa pagharap sa
hamon ng kapaligiran at sa pagkakaroon ng kakayahan na baguhin ang
kanyang pamumuhay gamit ang lakas at talino nito. Ito ang magpapaunlad
sa kaniyang pagkatao.

May mga batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan. Ito ay ang


pagkakataon ng organisado at sentralisadong pamahalaan, masalimuot na
relihiyon, espesyalisasyon sa gawaing pang-ekonomiya at uring
panglipunan, mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya, sining,
arkitektura, at sistema ng pagsusulat.

8
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang bagay na makapagpapatunay na nagkaroon ng kabihasnan ang mga
sinaunang Asyano?
2. Naging sapat ba ang kakayahan ng sinaunang Asyano upang mapaunlad ang
kanilang kabihasnan?
3. Batay sa sinuring teksto, ano-ano ang katangian ng kabihasnan at sibilisayon?

Pagyamanin

Gawain: SURIIN AND LABEL


Sa bahaging ito ay muli nating susubukin ang iyong kakayahan na lalong
magpapatibay ng iyong pagkatuto sa modyul na pag-aaralan. Bilang patunay na ikaw
ay may natutunan sa naturang modyul, subukan mong sagutan ang sumusunod na
gawain na ating tatawagin…SURIIN ANG LABEL..Sundan ang panuto.

Panuto: Suriin at tukuyin ang sumusunod na impormasyon kung saan mas nararapat
ilagay ang sumusunod na simbolo. Gawin ito sa iyong kuwadernong pang aktibiti.

Kabihasnan Sibilisasyon

1. Eksperto ang mga sinaunang Asyano sa iba’t ibang gawaing pang-ekonomiya.

2. Tumutugon sa pamumuhay na umusbong sa lambak ng ilog.

3. May organisadong uri ng pamahalaan.

4. Ito ay nakabatay sa pagharap sa hamon ng kapaligiran at kung paano mo ito

matutugunan.

5. May mataas na antas ng kaalaman sa sining, arkitektura, at sistema ng

pagsulat.

9
Gawain: Paghambingin Mo!

Panuto: Paghambingin ang kabihasnan at sibilisasyon. Isulat ang pagkakaiba ng


kabihasnan at sibilisasyon sa bilang 1 at 2, pagkakatulad naman sa bilang 3. Gawin
ito sa iyong kuwadernong pang aktibiti.

1 2

Pamprosesong Tanong:

1. Paano nagsimula ang sibilisasyon?

2. Sa paanong paraan nagkakaiba at nagkakatulad ang kabihasnan at


sibilisasyon?

3. Paano nagkakaugnay ang sibilisasyon at kabihasnan?

10
Isaisip

Gawain: Natutuhan Isulat


Sa bahaging ito kaya mo na bang ipakita sa pamamagitan ng pagsagot sa
gawain? Ating tunghayan ang gawain SA RECORD ARALIN.

Panuto: Sagutan sa pamamagitan ng pagtala ng mga salik na may kaugnayan at


tumutugon sa pagbuo ng kabihasnan at sibilisasyon.

Mga Salik sa Pagbuo ng


Kabihasnan

Mga Salik sa Pagbuo ng


Sibilisasyon

11
Isagawa

Gawain: PANGAKO KO SA BAYAN KO

Sumulat ng isang pangako kung paano ka makatutulong para lalo pang


mapaunlad ang iyong kinabibilangang pamayanan. Maaari itong isulat sa isang buong
papel o sa iyong Data o Quiz notebook.

Tayahin

Binabati kita dahil matagumpay mong naisakatuparan ang isa sa


pinakamahalagang bahagi ng iyong pagkatuto at sana masagutan mo ng buong husay
ang susunod na pagtataya.
Sana bilang Asyano patuloy mo na maipakita sa isip, sa salita at sa gawa ang
mga aral at pagpapahalagang natututunan.

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na impormasyon. Isulat ang malaking


titik K kung sa palagay mo ang impormasyon ay naglalarawan ng Kabihasnan at
malaking titik S kung ito’y tumutugon sa konsepto ng Sibilisasyon.

_________1. May maayos na sistema ng pamahalaan ang mga sinaunang Asyano.


_________ 2. Nakadepende lamang sa kapaligiran ang mga sinaunang Asyano
noong panahon ng Paleolitiko.
__________3. Naranasan ng sinaunang asyano na manirahan sa kweba.
__________4. May mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya at sining ang mga
sinaunang Asyano.
__________5. Natutunan ng mga sinaunang Asyano ang pagtatanim ay
pagpapaamo ng mga hayop.
__________6. Ang konseptong ito ay may makitid na saklaw.
__________7. Ang konseptong ito ay may malawak na saklaw.
__________8. Isa sa pangunahing pamumuhay ng mga Asyano ay pangingisda.

12
__________9. Maraming mga mag-aaral ngayon ang may mataas na kaalaman sa
larangan ng teknolohiya.
_________10. Pamumuhay na mga sinaunang Asyano na umusbong sa mga lambak.

II. Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon. Isulat ang salitang TAMA kung
ang impormasyon ay tumutugon o naglalarawan ng konseptong Kabihasnan at
Sibilisasyon at isulat ang salitang MALI kung hindi ito tumutugon sa mga nabanggit
na konsepto.
_______11. Masasabi natin na may kabihasnan ang isang bansa kung ito ay may
sentralisadong pamahalaan.
_______12. Ang sibilisasyon ay tumutugon sa pamumuhay ng mga lipunang
umusbong sa mga lambak at ilog tulad ng Sumer, Indus, at Shang.
_______13. Naglalarawan ng may sibilisasyon ang isang lugar kung lahat ng mga
mamamyan ay nagkaroon ng kakayahan na mapaunlad ang kanilang pamumuhay
_______14. Umiiral ang kabihasnan at sibilisasyon kapag ang mga tao ay natutong
humarap sa hamon ng kapaligiran at pagkakaroon ng kakayahan na baguhin ang
kanyang pamumuhay gamit ang lakas at talino.
_______15. Ang sibilisasyon ay masalimuot na pamumuhay sa lungsod.

Karagdagang Gawain

Gawain: BARANGAY PATROL

Sa iyong kwarderno sumulat ng isang paglalarawan kung paano


pinahahalagahan ng iyong kinabibilangan barangay ang sumusunod na aspeto na
may kinalaman sa katatapos lang na aralin na inyong natutunan.

A. Pamumuno sa barangay
B. Pagtugon sa edukasyon ng mga mamamayan

13
14
SUBUKIN BALIKAN TUKLASIN PAGYAMANIN TAYAHIN
1.K 1.B A.Sibilisasyon 1.Kabihasnan 1.K
2.S 2.A b.Kabihasnan 2.Sibilisasyon 2.S
3.S 3.C 3.Kabihasnan 3.S
4.S 4.D 4.Sibilisasyon 4.S
5.K 5.E 5.Kabihasnan 5.K
6.S 6.S
7.K 7.K
8K 8K
9.K 9.K
10.S 10.S
11.Tama 11.Tama
12.Tama 12.Tama
13.Mali 13.Mali
14.Tama 14.Tama
15.Tama 15.Tama
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
A. Mga Aklat
Mateo, Grace Estela C., Ph.D. : Asya Pag-usbong ng Kabihasnan,
Pp.128-130

B. Modyul

Blando, Rosemarie C., et al.Asya: Pagkakaisa sa Gitna Ng Pagkakaiba,


Pp.110-114

15
16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like