You are on page 1of 21

7

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan-Modyul 1:
Mga Batayang Salik sa Pagbubuo ng
Kabihasnan

i
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Mga Batayang Salik sa Pagbubuo ng
Kabihasnan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jesila D. Cancio
Editor: Gemma F. Depositario, Ed. D.
Jimmelyn D. Corsame
Verna Mae A. Fonollera
Tagasuri: Marites A. Abiera
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Henry T. Dayot
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed. D. Elmar L. Cabrera
Carmelita A. Alcala, Ed. D.
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan
Modyul 1:
Mga Batayang Salik sa
Pagbubuo ng Kabihasnan

ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7__ ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Batayang Salik sa Pagbubuo ng
Kabihasnan
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito
sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan _7_ ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa__ Mga Batayang Salik sa Pagbubuo ng Kabihasnan
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
Subukin tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
Balikan kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
Tuklasin ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
Pagyamanin at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

iii
iv
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
Isaisip
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
Isagawa
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
Tayahin
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

ivv
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang


ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
vi
Alamin
Nais mo bang malaman ang pagsibol at pag-unlad ng sinaunang kabihasnan sa
Asya? Sa bahaging ito ng aralin sisikapin nating tuklasin ang mga konsepto at kahulugan
ng kabihasnan at ang mga katangian nito. May mga kasanayan na gagawin para sa
pagtuklas ng mga kaalaman na may kaugnayan sa pag- usbong ng kabihasnan sa Asya.
Marahil ay handa ka na para sa pagtupad at pagsasagawa ng mga gawain.

Most Essential Learning Competency:

Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan at mga katangian nito


(AP7KSA- IIb-1.3)

Sa pagtatapos ng modyul, inaasahang matutunan mo ang sumusunod:

K: Natutukoy ang kahulugan ng kabihasnan;


S: Nakapagtatala ng angkop na mga katangian o mga batayang salik sa
pagkakaroon na kabihasnan;
A: Napapahalagahan ang mga uri ng pamumuhay na natuklasan ng mga sinaunang
Asyano sa pag-usbong ng kabihasnan

Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap at piliin ang titik ng tamang
sagot. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno.

1. Alin sa sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?


A. Pamumuhay na nakagawian at pinauunlad nang maraming pangkat ng tao
B. Mataas na uri ng paninirahan sa malawak na lupain
C. Paninirahan sa malalapit at mauunlad na pamayanan
D. Pamumuhay na tumutugon sa pangangailangan ng mamammayan.
2. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa batayang salik sa pagkakaroon ng
kabihasnan?
A. Organisado at sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan,
sining, arkitektura, at sistema ng pagsulat.
B. Pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura, at pagsulat
C. Sinaunang pamumuhay, relihiyon, pamahalaan, mga batas, at pagsusulat
D. Pamahalaan, relihiyon, kultura, tradisyon, populasyon, at estado

1
3. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng kabihasnan na sumibol sa Asya,
maliban sa isa. Alin dito ang hindi kabilang?
A. Indus B. Shang C. Sumer D. Nippur
4. Ano ang pangunahing uri ng pamumuhay ang nalilinang sa sinaunang
kabihasnan?
A. Pangingisda at pagsasaka C. Pagtuturo
B. Pagkakarpentero D. Pagkukumpyuter
5. Bakit nalinang ng sinaunang tao ang pamumuhay na pangingisda at pagsasaka?
A. Dahil sa ito ang kanilang gusto.
B. Dahil sa kapaligiran na kanilang permanenteng tirahan
C. Dahil ito ang kanilang pamumuhay.
D. Wala sa nabanggit.
6. Ano ang relihiyong pinaniniwalaan ng mga sinaunang kabihasnan?
A. Animism B. Kristiyanismo C. Buddhism D. Politeismo
7. Paano umiiral ang kabihasnan at sibilisasyon?
A. Umiiral ang kabihasnan at sibilisasyon kapag ang tao ay natutong humarap
sa hamon ng kapaligiran at sa pagkakaroon ng kakayahan na baguhin ang
kaniyang pamumuhay gamit ang lakas at talino nito.
B. Pagkakaroon ng kakayahan na baguhin ang kaniyang pamumuhay gamit
ang lakas at talino nito.
C. Kapag ang tao ay natutong humarap sa hamon ng kapaligiran
D. Wala sa nabanggit.
8. Ano ang dahilan kung bakit pagsasaka at pangingisda ang pangunahing nalinang
na hanapbuhay ng mga sinaunang kabihasnan?
A. Dahil umusbong ang unang kabihasnan malapit sa lambak-ilog.
B. Dahil umusbong ang unang kabihasnan sa bundok.
C. Dahil umusbong ang unang kabihasnan sa ilog.
D. Wala sa nabanggit.
9. Ang sibilisasyon ay mula sa salitang – ugat na civitas, salitang Latin. Ano ang ibig
sabihin ng civitas?
A. Lalawigan B. Barangay C. Lungsod D. Munisipalidad
10. Ang salitang kabihasnan na kadalasang ginagamit bilang kasingkahulugan ng
sibilisasyon ay katutubo na salita sa Pilipinas. Mula ito sa salitang – ugat na bihasa.
Ano ang ibig sabihin nito?
A. Munisipalidad B. Eksperto o magaling C. Maganda D. Matalino

2
Balikan

Kumusta na ba kayo?

Ngayon pa lamang ay binabati na kita ng congratulations


sa mahusay at magaling na pagsagot sa mga isinasagawang
gawain sa unang markahan. Nawa’y sa susunod na mga
gawain para sa ikalawang markahan ay mas lalo mo pang
galingan at husayan ang iyong mga sagot sa bawat gawain.

Pero bago kayo dadako sa sunod na aralin para sa ikalawang markahan ay babalikan
mo muna kung ano ang iyong natutunan mula sa mga aralin ng unang markahan sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sa iyong
kwaderno.

1. Ano ang limang rehiyon ng kontinenteng Asya?


2. Magbigay ng tatlong salita na maglalarawan sa bawat rehiyon.

Tuklasin
Gawain A
Panuto:

Isulat mo ang mga salita na naisip mo na bubuo sa kahulugan ng salitang


kabihasnan. Isulat ito sa iyong kwaderno.
Matapos kang makapagbigay ng mga ideya o mga salita na may kinalaman sa salitang
kabihasnan ay subukan mong pag-ugnay-ugnayin ang mga nasabing salita upang
makabuo ka ng kaisipan o pangungusap na kakatawan sa magiging kahulugan ng
kabihasnan.

3
Suriin

Panuto: Basa – Suri- Unawa


Ano ba ang nararapat na katawagan- kabihasnan o sibilisasyon? Ang sibilisasyon ay mula
Basahin, suriin, at unawain mo ang nilalaman ng teksto tungkol sa kabihasnan at
sa salitang – ugat na civitas, na salitang Latin. Ibig sabihin ng civitas ay lungsod. Kung gayon,
sibilisasyon. Pagkatapos mong basahin ay sagutin ang mga sumusunod na gawain na
ang sibilisasyon ay masalimuot na pamumuhay sa lungsod.
may kinalaman sa pag- usbong ng sinaunang kabihasnan. Mga Batayang Salik sa
Pagbubuo ng Kabihasnan

Ano ba ang nararapat na katawagan- kabihasnan o sibilisasyon? Ang


sibilisasyon ay mula sa salitang – ugat na civitas, na salitang Latin. Ibig sabihin ng
civitas ay lungsod. Kung gayon, ang sibilisasyon ay masalimuot na pamumuhay sa
lungsod. Sa kabilang banda, ang salitang kabihasnan na kadalasang ginagamit bilang
kasingkahulugan ng sibilisasyon ay katutubo na salita sa Pilipinas. Mula ito sa salitang-
ugat na bihasa – ibig sabihin ay eksperto o magaling. Kung gayon, ang kabihasnan ay
pamumuhay na nakagawian at pinipino ng maraming pangkat ng tao. Maliban sa
pamumuhay, kasama rito ang wika, kaugalian, paniniwala, at sining. Mas malawak ang
saklaw ng salitang kabihasnan kaysa sibilisasyon dahil maaring tawaging kabihasnan
ang pamumuhay batay sa lungsod at maging ang hindi batay sa lungsod. Kabihasnan
ang pamumuhay ng mga nomadikong pastoral sa damuhan ng Gitnang Asya at disyerto
ng Arabia. Kabihasnan din ang pamumuhay ng mga mangingisda sa karagatang malapit
sa mga isla sa Timog Silangang Asya.

Ang sibilisasyon naman ay tumutugon sa pamumuhay ng mga lipunang


umusbong sa mga lambak at ilog tulad ng Sumer, Indus, at Shang. Subalit hindi tahasang
sinasabi na kapag namuhay ka sa lungsod ay sibilisado ka na o kung namuhay ka sa
hindi lungsod ay hindi ka na sibilisado. Ang pagkakaroon ng sibilisasyon ay batay sa
pagharap sa hamon ng kapaligiran kung paano mo ito matutugunan. Umiiral ang
kabihasnan at sibilisasyon kapag ang tao ay natutong humarap sa hamon ng kapaligiran
at sa pagkakaroon ng kakayahang baguhin ang kaniyang pamumuhay gamit ang lakas
at talino nito. Ito ang magpapaunlad sa kaniyang pagkatao.

May mga batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan. Kabilang dito ang


pagkakaroon ng organisado at sentralisadong pamahalaan, masalimuot na relihiyon,

4
espesyalisasyon sa gawaing pang- ekonomiya at uring panlipunan, mataas na antas ng
kaalaman sa teknolohiya, sining at arkitektura, at sistema ng pagsusulat. Ang Sumer,
Indus, Shang ay may mga lungsod, samakatwid sibilisasyon din sila.

Kadalasan, ang lungsod noong sinaunang panahon ay may mataas na


populasyon na hindi bababa sa limang libo at napalilibutan ng pader. Agrikultura ang
pangunahing gawaing pang- ekonomiya nito, malapit sa matabang lambak- ilog. Dahil
sa paggawa ng irigasyon, kontrolado ang pag-apaw ng ilog. Umaani ito ng pagkain na
kayang suportahan ang malaking populasyon.

Sa kabilang banda, ang salitang kabihasnan na kadalasang ginagamit bilang


kasingkahulugan ng sibilisasyon ay katutubo na salita sa Pilipinas. Mula ito sa salitang-
ugat na bihasa – ibig sabihin ay eksperto o magaling. Kung gayon, ang kabihasnan ay
pamumuhay na nakagawian at pinipino ng maraming pangkat ng tao. Maliban sa
pamumuhay, kasama rito ang wika, kaugalian, paniniwala, at sining. Mas malawak ang
saklaw ng salitang kabihasnan kaysa sibilisasyon dahil maaring tawaging kabihasnan
ang pamumuhay batay sa lungsod at maging ang hindi batay sa lungsod. Kabihasnan
ang pamumuhay ng mga nomadikong pastoral sa damuhan ng Gitnang Asya at disyerto
ng Arabia. Kabihasnan din ang pamumuhay ng mga mangingisda sa karagatang malapit
sa mga isla sa Timog Silangang Asya.

Ang sibilisasyon naman ay tumutugon sa pamumuhay ng mga lipunang


umusbong sa mga lambak at ilog tulad ng Sumer, Indus, at Shang. Subalit hindi tahasang
sinasabi na kapag namuhay ka sa lungsod ay sibilisado ka na o kung namuhay ka sa
hindi lungsod ay hindi ka na sibilisado. Ang pagkakaroon ng sibilisasyon ay batay sa
pagharap sa hamon ng kapaligiran kung paano mo ito matutugunan. Umiiral ang
kabihasnan at sibilisasyon kapag ang tao ay natutong humarap sa hamon ng kapaligiran
at sa pagkakaroon ng kakayahang baguhin ang kaniyang pamumuhay gamit ang lakas
at talino nito. Ito ang magpapaunlad sa kaniyang pagkatao. Noong simula, ang namuno
sa mga lungsod ay matataas na pari. Nagmula ang kapangyarihan ng pari sa kanilang
kaalaman at kakayahan na kausapin ang mga diyos at diyosa. Nang lumaon, napalitan
sila ng pinunong militar bilang hari ng lungsod. Gayunpaman, nananatiling
makapangyarihan ang pari sa larangang ispirituwal.

5
Politeismo o paniniwala sa maraming diyos ang karaniwang relihiyon. Ang mga diyos
ay sumisimbolo sa mga pwersa ng kalikasan. Ilan sa mga unang naulat na diyos o
diyosa ng pag-ani at fertility, diyos o diyosa ng araw, at diyosa ng ilog. Nagsagawa ng
iba’t ibang mga seremonya, dasal, at ritwal ang pari para sa mga diyos. Ang mga templo
at dambana ng diyos ang sentral at pinakamalaking gusali sa lungsod.

Maliban sa mga magsasaka, nagkaroon ng ibang espesyalisasyon sa trabaho


ang mamamayan. May pinunong pulitikal – military (ang hari) at pinunong panrelihiyon
(ang pari). Bukod ditto, may artisan, mangangalakal, at sundalo. Ang uri ng gawain o
trabaho ang batayan sa pagbubuo ng uring panlipunan. Nasa taas ng lipunan ang hari
at pari na namumuno. Kasunod ang ilang mababang opisyal ng palasyo at templo,
mangangalakal, sundalo, artisan, at magsasaka. Pinakamababang uring panlipunan
ang mga alipin.

Makikita ang antas ng teknolohiya sa paggawa ng mas maraming uri ng


kagamitan sa pagsasaka at iba pang gawain. Matutuklasan ang paggamit ng iba’t ibang
uri ng metal. Maiimbento ang gulong at iba’t ibang sasakyang pandagat at panlupa para
sa kalakalan.

Sa sining at arkitektura, gagawa ang mga artisan ng iba’t ibang palamuti sa


katawan at magtatayo ng malalaking monumento bilang templo. Dahil sa
pangangailangan na itala ang mga bagay na ipinapasok sa mga imbakan ng templo,
naimbento ng mga pari ang ilang simbolo na siyang magiging batayan ng sistema ng
pagsulat.

(Sangguniang Aklat Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan at Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba)

6
Pagyamanin

Gawain A

Ngayon ay subukan mong sukatin ang iyong kaalaman batay sa iyong napag-aralang
teskto sa pamamagitan ng pagbibigay ng sagot sa mga sumusunod na tanong na
nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
1. Ano ang kahulugan ng kabihasnan?

2. Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga sinaunang tao?

3. Naging sapat ba ang kakayahan ng mga sinaunang Asyano upang mapaunlad


ang kanilang kabihasnan? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Gawain B
Itala Mo!!!
Alam ko nang batid mo na ang lahat na kaalaman tungkol sa aralin na iyong pinag-
aralan, ngayon ay itala mo ang mga salik at batayan sa pagbuo ng kabihasnan mula
sa natutuhan mo mula sa aralin. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

Mga Batayang Salik sa pagkakaroon ng kabihasnan

1. ______________ 4. ________________________

2._______________ 5. ________________________

3._______________ 6. ________________________

7
Isaisip

Alam ko nang batid mo na ang lahat na kaalaman tungkol sa aralin na iyong pinag-
aralan, ngayon ay muling pupunan ang patlang ng pangungusap o talata na sa
ibaba upang maproseso kung anong natutunan mo mula sa aralin.

Sinimulan Ko. Tapusin Mo!


Ang kabihasnan ay pamumuhay na nakagawian at ________ ng maramimg pangkat
ng _________. Maliban sa pamumuhay, kasama rito ang _____, ________,
________, at _________.
Ang mga batayang o salik sa pagbuo ng kabihasnan ay ang __________,
__________, ___________, __________, ___________, at __________.

Isagawa

Magaling, binabati kita!


Alam kung batid mo na ang lahat ng kaalaman tungkol sa paksang iyong
napag-aralan. Ngayon, ay iyong isagawa ang sunod na gawain upang
mapalalim at mapalawak pa ang iyong pag-unawa tungkol sa paksa. Ilagay ito
sa iyong kuwaderno.
Batayan na tanong sa pagsasagawa ng gawain.

Paano mo mapapahalagahan ang mga ambag ng sinaunang kabihasnan, halimbawa


sa paggawa ng mas maraming uri kagamitan sa pagsasaka at sa iba pang gawain?
Nakakatulong ba ito hanggang sa kasalukuyan? Ipaliwanag ang iyong sagot sa
pamamagitan ng mga sumusunod. Pumili lamang ng isa.

A. Sumulat ng Sanaysay
B. Sumulat ng Tula
C. Advocy Campaign

8
D. (May batayan o rubrics sa pagsagot ng mga tanong na makikita sa ibaba
para sa iyong puntos. Ang pinakamataas na puntos na makukuha mo ay 40
points.)
Pamantayan o Rubrics sa pagbibigay ng puntos.
Sa iskalang 6 – 10 kung saaan 10 ang pinakamataas at 6 ang pinakamababa.

Pamantayan Iskala Iskor


Nilalaman 6-10
Pagkamalikhain 6-10
Presentasyon 6-10
Kaangkupan ng
Impormasyon 6-10

Tayahin
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa bawat aytem. Piliin lamang ang
titik ng iyong sagot at isulat ito sa inyong kwaderno.
1. Ano ang naging batayan sa pagbubuo ng uring panlipunan sa sinaunang
kabihasnan?

A. Ang uri ng sining C. Ang uri ng arkitektura


B. Ang uri ng gawain o trabaho D. Ang uri ng artisan

2. Bakit naimbento ng mga pari sa sinaunang kabihasnan ang ilang simbolo na naging
batayan sa sistema ng pagsulat?

A. Dahil sa pangangailangan na itala ang mga bagay na ipinapasok sa mga


imbakan ng templo.
B. Dahil sa pangangailangan na iguhit ang mga bagay na ipinapasok sa mga
imbakan ng templo.
C. Dahil sa pangangailangan nito na mailagay ang mga bagay sa templo.
D. Lahat ng nabanggit.

3. Paano pinatunayan ng sinaunang kabihasnan na mayroon na silang makikitang


antas ng teknolohiya?

A. Nakikita ang antas ng mas maraming uri ng kagamitan sa pagsasaka at iba


pang gawain.

9
B. Natutuklasan ang paggamit ng iba’t ibang uri ng metal.
C. Naiimbento ang gulong at iba’t ibang sasakyang pandagat at panlupa para sa
kalakalan.
D. Lahat ng nabanggit.

4. Ano ang pinakamababang uri ng tao sa lipunan noong sinaunang kabihasnan?

A. Alipin B. Hari at Pari C. Sundalo D. Magsasaka

5. Paano nakakatulong ang paggawa ng irigasyon ng mga sinaunang kabihasanan?

A. Kontrolado ang pag- apaw ng ilog.


B. Umaani ito ng pagkain na kayang suportahan ang malaking populasyon.
C. Para umapaw ang ilog nito.
D. A at B

6. Ang salitang kabihasnan na kadalasang ginagamit bilang kasingkahulugan ng


sibilisasyon ay katutubo na salita sa Pilipinas. Mula ito sa salitang – ugat na bihasa.
Ano ang ibig sabihin nito?

A. Munisipalidad B. Eksperto o magaling C. Maganda D. Matalino

7. Alin sa sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?


A. Pamumuhay na nakagawian at pinauunlad nang maraming pangkat ng tao
B. Mataas na uri ng paninirahan sa malawak na lupain
C.Paninirahan sa malalapit at mauunlad na pamayanan
D.Pamumuhay na tumutugon sa pangangailangan ng mamammayan
8. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa batayang salik sa pagkakaroon ng
kabihasnan?

A. Organisado at sentralisadong pamahalaan,relihiyoon, uring panlipunan, sining,


arkitektura, at sistema ng pagsulat
B. Pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura, at pagsulat
C. Sinaunang pamumuhay, relihiyon, pamahalaan, mga batas, at pagsusulat
D. Pamahalaan, relihiyon, kultura, tradisyon, populasyon, at estado

9. Ang mga sumusunod ay mga halimbawang kabihasnan na sumibol sa Asya,


maliban sa isa. Alin dito ang hindi kabilang?

A. Indus B. Shang C. Sumer D. Nippur

10. Ano ang pangunahing uri ng pamumuhay ang nalilinang sa sinaunang


kabihasnan?

A. Pangingisda at pagsasaka C. Pagtuturo


B. Pagkakarpentero D. Pagkukumpyuter

10
Karagdagang Gawain

Pumili ng isa sa mga sumusunod na gawain. Ilagay ito sa isang kapirasong short
band paper. (May pamantayan o rubrics sa pagbibigay ng puntos nito na makikita sa
ibaba.)
A. Gumupit ng mga larawan tungkol sa mga uri ng pamumuhay ng sinaunang
kabihasnan na ginagawa hanggang sa ngayon at gawin itong collage.

B. Gumuhit ng mga uri ng pamumuhay sa sinaunang kabihasnan na ginagawa


hanggang sa kasalukuyan. Kulayan ito ayon sa iyong nais na kulay.

Pamantayan o Rubrics sa pagbibigay ng puntos.

Sa iskalang 6-10 kung saan 10 ang pinakamataas at 6 ang pinakamababa. Ang


pikamataas na puntos ay 30 points.

Indicator Iskala Iskor


Nilalaman 6-10
Presentasyon 6-10
Biswal na Pang-akit 6-10

11
Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN

1. A
2. A 10.C D 5.
9. D B 4.
3. D
8. A A 3.
4. A 7. A A 2.
5. B 6. B D. 1.
6. D TAYAHIN
7. A
8. A
9. C
10. B

PAGYAMANIN

Gawain A

1. Ang kabihasnan ay pamumuhay na nakagawian at pinipino ng maraming pangkat ng tao.


2. Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga sinaunang tao ay ang pagsasaka at pangingisda.
3. Opo, Dahil msy mga natutuhan na silang iba’t ibang gawain. (Sariling Opinyon. Isangguni sa
tagapatnubay na guro ang sagot.)

Gawain B

1. pagkakaroon ng organisado at sentralisadong pamahalaan


2. masalimuot na relihiyon
3. espesyalisasyon sa gawaing pang-ekonomiya at uring panlipunan
4. mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya
5. sining at arkitektura
6. sistema ng pagsulat

ISAISIP

Ang kabihasnan ay pamumuhay na nakagawian at pinipino ng maramimg pangkat ng tao. Maliban sa pamumuhay,
kasama rito ang wika, kaugalian, paniniwala, at sining.

Ang mga batayang o salik sa pagbuo ng kabihasnan ay ang pagkakaroon ng organisado at sentralisadong
pamahalaan, masalimuot na relihiyon, espesyalisasyon sa gawaing pang-ekonomiya at uring panlipunan, mataas
na antas ng kaalaman sa teknolohiya, sining at arkitektura, at sistema ng pagsulat.

12
Sanggunian

Aklat

Grace Estela C. Mateo, Ph.D. et.al. Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan, Punong Tanggapan:
G. Araneta Avenue, Quezon City, Vibal Publishing House, Inc. pages 128-130

Rosemarie C. Blando et. al. ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba Araling Panlipunan
Modyul para sa Mag- aaral, Inilimbag sa Pilipinas ng Eduresources Publishing, Inc. pages
108-110

Website

http://worldartsme.com/images/clip-art-book-page-clipart-2.jpg

https://encrypted-tbn0.gs tat ic.com/images?q=tbn%3AANd9GcRPY7bnPrISZZ5QJM-


LVwMUlAlkD7uEYOThiA&usqp=

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like