You are on page 1of 21

9

10

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1

DEMAND

i
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Demand
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Filmore Parong & Tito B. Jardiniano Jr.
Editor: Divina May S. Medez & Junlie P. Calidguid
Tagasuri: Gemma F. Depositario, Ed.D.
Tagaguhit:
Tagalapat: Vanesa R. Deleña
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Carmelita A. Alcala

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
9

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1
DEMAND
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Demand!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Demand!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan


ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang
kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking
kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-
akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
Subukin tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
Balikan kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
Tuklasin tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin
matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
Pagyamanin at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

iii
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
Isaisip
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
Isagawa
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
Tayahin
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang Gawain panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.

iv
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa
iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito

v
Pasiuna
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa upang matututunan ang mga paksang dapat mong pag-
aaralan habang wala ka sa paaralan. Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Most Essential Learning Competency (MELC)

Natatalakay ang konsepto at salik ng ekonomiks na


nakakaapekto sa demand sa pang-araw-araw na
pamumuhay.

K-Nalalaman ang kahulugan ng demand sa pang araw-araw na


pamumuhay ng bawat pamilya.

S-Nakakapag-kompyut gamit ang Demand Function upang


makabuo ng demand schedule.

A-Nabibigyang halaga ang pagkokumput ng demand function upang


makabuo ng demand schedule.

1
Subukin
Paunang Pagtataya: Subukan Natin! Isulat ang titik ng tamang sa sagot sa kwaderno.

1. Isa sa mahalagang elemento na sinusuri sa pag aaral ng microeconomics ay ang konsepto


ng demand na idinidikta o nagmumula sa mga konsyumer. Alin sa sumusunod ang tamang
pagpapakahulugan sa konsepto ng demand?
A. Ito ay tumutukoy sa mga produktong kahalili ng mga
pangangailangan ng iang konsyumer.
B. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa(willing) at
kayang(able) bilhin ng mga konsyumer sa ibat ibang halaga o presyo.
C.Ito ay tumutukoy sa kabuuang dami ng produkto na mabibili sa
bawat presyo kung ang konsyumer ay makkabili ng lahat ng kanilang
pangangailangan.
D.Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng produser sa ibat
ibang presyo.

2. Ito ay ang bayad sa isang tao dahil sa pagbibigay ng serbisyo.


a. Kita b. sahod c. panlasa d. demand

3. Ito ay salik na nakakaapekto sa Demand. Ito ay sa kadahilang ang dami


ng bumibili sa isang produkto.
a. Bandwagon b.Presyo c. Panlasa d. Kita

4.Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa


ibat ibang presyo sa ibat ibang panahon.
a. demand b. supply c. presyo d. demand schedule

5. Sa ekonomiks, pinag aaral kung papaano matugunan ang walang katapusang


pangangailangan ng tao. Ang gawaing ito ay tungkulin ng prodyuser na handa at kayang
ipagbili ng mga prodyuser.
a. demand b. ekwilibriyo c.produksiyon d.supply

6. Kapag ang kurba ng demand ay gumagalaw mula itaas, pababa, at pakanan o downward
sloping, ito ay nagpapahiwatig ng_____?
a. walang kaugnayan ang demand sa presyo.
b. hindi nagbabago ang presyo ayon sa dami ng demand
c. negatibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand.
d. positibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand.

2
7. Malaki ang papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatagan ng presyo sa pamilihan.
Alin sa sumusunod ang nagpapahiwatig nito?
A. panghuhuli sa illegal vendors na nagkalat sa paligid
B. pagtatakda ng price ceiling at floor price upang magkaroon ng gabay
sa presyo ng mga bilihin
C. pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga ng karapatan ng mga konsyumer.
D. patuloy na paghihikayat sa mga maliit na negosyante na palawakin pa ang
negosyo.

8. Ito ay nagsasaad na mayroong magkataliwas na ugnayan sa pagitan ng presyo at at


quantity demanded.
a. batas ng demand b. demand c. ekonomiks d.kurba

9. Isa sa mga salik na nakaaapekto sa demand ay ang ______ . Ito ay mga


produktong magkaroon ng alternatibo.
a. substitute b. demand c. panlasa d. complementary

10.Upang masabing supply, kailangang may kagustuhan at kakayahan na ipagbili ng


prodyuser ang isang uri ng produkto. Halimbawa,may 30,000 lata ng sardinas ang
kailangan ng pamilihan. Ayon sa datos, mayroong 10 kompanya ng sardinas ngunit sa
bilang na ito, 6 lamang ang nais gumawa ng kabuuang 20,000 lata ng sardinas kung
ipagbibili ito sa presyong Php10.00. Batay sa pahayag, ilan ang maitatalang supply ng
sardinas.
a. 6 b. 10 c. 20,000 d. 30,000

Balikan
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na katanungan tungkol sa karapatan ng mamimili. Pumili
lamang ng isa na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno.

1. Magbigay ng dalawang karapatan ng mga mamimili.


2. Sa dalawang ibinigay mo na karapatan, ipaliwanag ito at magbigay ng isang
halimbawa na naranasan mo o naranasan ng iyong kapamilya o kapitbahay.
3. Bakit mahalagang malalaman natin ang ating karapatan bilang isang mamimili?

3
Tuklasin

Panuto: Isulat sa iyong kwaderno ang sagot.


1. Paano ka maging isang matalinong mamimili?

https://thumbs.dreamstime.com/b/busy-businessman-clipart-picture-male-cartoon-character-35918296.jpg

4
Suriin
May mga pangangangailangan ang tao na dapat matugunan upang mabuhay!

Batas ng Demand

Isinasaad ng Batas ng Demand na mayroong inverse o magkasalungat na ugnayan


ang presyo sa quantity demanded ng isang produkto. Kapag tumaas ang presyo, bumababa
ang dami ng gusto at kayang bilhin (ceteris paribus). CETERIS PARIBUS-
nangangahulugang ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakaaapekto sa
pagbabago ng quantity demanded. Habang ang ibang salik ay hindi nagbabago o
nakaaapekto nito. Halimbawa: Sa tuwing ikaw at ang iyong pamilya ay nagdedesisyon na
bumili ng isang produkto o serbisyo, ang PRESYO ang inyong pangunahing pinagbabatayan.
Sa bawat pagbili mo sa tindahan, itinatanong mo muna ang presyo bago ka magdesisyon
kung ilan ang iyong bibilhin.

5
Dalawang konseptong nagpapaliwanag kung bakit may magkasalungat o inverse na
ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demanded.

1.SUBSTITUTION EFFECT 2.INCOME EFFECT


Kapag tumaas ang presyo Nagpapahayag na mas malaki ang
ng isang produkto, ang mga halaga ng kinikita kapag mas mababa ang
mamimili ay hahanap ng pamalit na presyo. Kapag mababa ang presyo ng bilihin,
mas mura. Sa gayon, mas mas mataas ang kakayahang ng kita ng tao
mababawasan ang dami ng na makabili ng mas maraming produkto.
mamimiling gusting bumili ng Kapag tumaas naman ang presyo, lumiliit
produktong may mataas na presyo naman ang kakayahang ng kaniyang kita na
maghahanap ng mas mura. maipambili. Lumiliit ang kakayahan ng kita na
Halimbawa: Kapag mahal ang makabili ng mga produkto o serbisyo kaya
ballpen maaring bumili ng lapis na mababawasan ang dami ng mabibiling
mas mura. produkto.

Tatlong Pamamaraan sa pagpapakita ng Konsepto ng Demand

1.Demand Function

Nagpapakita ng matematikong ugnayan ng presyo(P) naman ang independent


variable. Ibig sabihin, nakababatay ang Qd sa pagbabago ng presyo.. Ang presyo ang
nakapagbabago sa dami ng handa at kayang bilhin ng mga mamimili.

EQUATION:
Qd= a-b(P)
Kung saan;
Qd=quantity demanded(dependent)
P=presyo
a=intercept(bilang ng Qd kung ang presyo ay 0)
∆𝑸𝒅
b= slope=
∆𝑷
Nagpapakita ang slope ng pagbabago sa quantity demanded sa bawat pisong
pagbabago sa presyo.
Halimbawa: Upang mapatunayan na ang mga datos sa demand schedule sa itaas at
ang demand function ay iisa, suriin at pag –aralan ang kompyutasyon sa ibaba.
Demand function mula sa Demand Schedule para sa kendi: Qd+60-10P

Kapag ang P=1 Qd=?


Qd=60 – 10P
Qd= 60 10 (1)
Qd=60 -10
Qd= 50 piraso

Kapag ang P= 5 Qd=?


Qd= 60 -10P
Qd= 60 -10 (5)
Qd= 60 -50
Qd= 10 piraso

6
Gamit ang demand function ay maaring makuha ang dami ng quantity demanded
kung may given na presyo. I-substitute ang presyo na piso sa variable na P at I –multiply ito
sa slope na -10. Ang makukuhang sagot ay ibabawassa 60. Mula rito ay makukuha ang sagot
na 50 na quantity demanded. Sa ikalawang halimbawa naman ay Php5 ang presyo kaya ang
naging quantity demanded ay 10.

2.Demand Schedule

Maliban sa demand schedule, maipapakita rin ang ugnayan ng presyo sa quantity


demanded sa isang dayagram o graph. Isang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo
at quantity demanded.
Ang graph ay batay sa demand schedule. Kung ilalapat sa graph ang ibat ibang
kombinasyon ng mga presyo at quantity demanded ay mabubuo ang demand curve para sa
kendi.
Halimbawa: Sa punto A na ang presyo ay limang piso (Php5.00), sampu(10) ang dami
ng kendi na gusto at handing bilhin ngmamimili; sa puntong B na ang presyo ay apat na
piso(Php4.00),dalawampu (20) ang dami ng kendi na gusto at handang bilhin ng mamimili.
Kung tutuntunin ang mga puntong ito hanggang F ay makabuo ng isang kurbang pababa o
downward sloping curve. Ito ay nagpapakita ng salungat na ugnayan sa pagitan ng presyo at
sa dami ng gusto at kayang bilhin ng mamimili. Halimbawa sa paggalaw sa kurba mula punto
A na papuntang punto B, makikita na sa pagbaba ng presyo mula limang piso (Php5.00)
pababa ng apat na piso (Php4.00), ang demand sa kendi ay tataas ng sampung (10) piraso.
Kapag ang presyo naman ay tumaas ng piso makikita sa graph na bumababa.

Presyo bawat piraso Quantity Demanded

5 10
4 20
3 30
2 40
1 50
0 60

3. Demand Curve - Ang demand curve ay isang grapikong naglalarawan ng di- tuwirang
relasyon ng presyo at daming bibilhing produkto.

6
A
5
Presyo ng kendi sa piso

B
4
C
3
D
2
E
1
F
0
10 20 30 40 50 60
Quantity

7
Pagyamanin
COMPLETE IT!

Kompletuhin ang mga katawagan at konseptong tinutukoy ng sumusunod na


pangungusap. Isulat ang mga tamang letra sa patlang upang mabuo ang salita.

1. _ _ _ A _ _ tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong gusto at kayang


bilhin ng mga mamimiili.

2. _ _ _ A _ _ _ _ _ _ A _ _ nagsasaad na mayroong magkataliwas na


ugnayan sa pagitan ng presyo at quatity demanded.

3. _ _ _ _ A _ _ _ _ _ _ _ grapikong paglalarawan ng presyo at quantity


demanded.

4. _ _ _ E _ _ _ _ _ _ I _ _ _ ipinapagpalagay na ang presyo lamang ang salik na


nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded, habang ang ibang salik ay hindi
nagbabago.

5. _ N _ _ _ _ _ _ _ _ _ T nagpapahayag na mas Malaki ang halaga ng


kinikita kapag mas mababa ang presyo.

Isaisip
Panuto: Mula sa datos na nasa ibaba, kompletuhin ang talahanayan upang maipakita ang
demand schedule.
A. Demand Function: Qd = 300 – 20P
P Qd
1
200
6
100
15

8
Isagawa
Panuto: Magsagawa ng graph sa nabuong sagot batay sa nabuong demand schedule na
nasa isaisp at isulat ito sa kwaderno.

16
14
12
10

(P) 8
6
4
2
0
80 100 120 140 160 170 180 200 220 240 260 280 30

(Qd)

9
Tayahin
Demand Reading!

Panuto: Lagyan ng (√) check ang kolum ng sang ayon, kung naniniwala ka na tama ang
pahayag ukol sa konsepto ng demand at lagyan naman ng (x) eks ang kolum ng hindi-sang
ayon kung hindi ka naniniwala.

Pahayag Sang - Di- sang


ayon ayon

1.Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo


na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa ibat ibang presyo sa
isang takdang panahon.

2. Ang ugnayan ng presyo at quantity demanded ay maaring


ipakita gamit ang demand schedule, demand curve, at demand
function.

3. Ayon sa Batas ng Demand, ang presyo at quantity


demanded ay mayroong tuwirang relasyon.

4. Ang ceteris paribus assumption ay ginagamit upang


ipagpalagay na ang presyo lamang ang salik na nakaapekto
sa pagbabago ng quantity demanded habang ang ibang salik
ay hindi nagbabago o nakaaapekto rito.

5.Ang income effect ay nagpapahayag na kapag tumaas ang


presyo ng isang produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng
mas murang pamalit dito.

10
Karagdagang Gawain
Panuto: Isulat ang TD kung tataas ang demand, BD kung bababa ang demand, at PD kung
walang pagbabago sa demand habang ang presyo ay di nagbabago.

________1. Inaprubahan ang dagdag na sahod ng mga manggagawa.


________2. Ipinatutupad ang batas upang pigilan ang paglaki ng populasyon.
________3. Nalalapit na ang pagdiriwang ng kapaskuhan sa bansa.
________4. Nagsawa na ang isang tao sa pagkain ng tsokolate.
________5. Gustong-gusto ng tao ang pagkain ng lechon na may kasamang
sarsa.
________6. Naglunsad ng programang wastong paghuhugas- kamay ang
pamahalaan.
________7. Nag-iimbestiga ng katiwalaan sa pamahalaan ang mga senador.
________8. Biglang sumiklab ang digmaan sa bansang Libya.
________9. May bagong uso na damit sa pamilihan.
________10. Nagtitipid ang kompanya kaya walang dagdag sa sahod ng
manggagawa.

11
12
Isagawa
A. Demand Function:
Qd=300 – 20P
1.Qd= 300 – 20(P)
Qd= 300 – 20 (1)
Qd= 300 – 20
Qd= 280
2.Qd= 300 – 20 (P)
200 = 300 – 20P
20P = 300 – 200
20P = 100
20 20
P=5
3. Qd= 300 – 20(P)
Qd = 300- 20 (6)
Qd = 300 – 120
Qd= 180
Subukin
1. B 4. Qd = 300 -20 (P)
2. B 100 = 300 – 20P
Tuklasin 3. A Tayahin
20P = 300 - 100
1.Answers may vary 4. D *1,2,3,4,5 20P=200
5. D Answers may 20P=200
6. C vary 20 20
7. B P = 10
8. A
Balikan 5. Qd = 300 -20P
9.A
Qd= 300 – 20 (15)
1.Answers may Vary 10. C Qd = 300 -300
Karagdagang
Gawain Qd = 0
1. TD
2. PD
Pagyamanin 3. TD
1.Demand 4. BD
2. Batas ng 5. TD
Demand 6. PD
7. PD
3.Demand Curve 8. PD
4.Ceteris Paribus 9. TD
5.Income Effect 10. BD
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Aklat

EKONOMIKS
Araling Panlipunan
Modyul para sa Mag- aaral

Websites

https://thumbs.dreamstime.com/b/busy-businessman-clipart-picture-male-cartoon-
character-35918296.jpg
https://www.bing.com/search?q=pictures+of+basic+needs&form=EDGEAR&qs=HS&
cvid=623023b4a77144ce82737a5ce3410350&cc=PH&setlang=en-
US&DAF0=1&plvar=0&PC=NMTS

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like