You are on page 1of 19

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao 8
Unang Markahan – Modyul 8:
Ang Papel na Panlipunan at
Papel Pampolitikal ng Pamilya
(Linggo: Ikawalo)

NegOr_Q1_EsP8_Modyul 8_v2 i
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 8: Ang Papel na Panlipunan at Papel Pampolitikal
ng Pamilya
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Lucili Baliola Pis-an


Editor: Ysmaela Chat A. Asdillo
Tagasuri: Florence A. Casquejo Lorna R. Renacia
Tagaguhit: Elmar L. Cabrera
Tagalapat: Ysmaela Chat A. Asdillo
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira, Ed. D.
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental


Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Papel na Panlipunan
at Papel Pampolitikal ng Pamilya
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Papel Panlipunanat Papel Pampolitikal ng
Pamilya.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang


mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa aralin
ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat
ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at
mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap
o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot


sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

iv
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulu-
gang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

Nahihinuha na may pananagutan ang pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na


pamayanan sa pamamagitan ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan at pagbabantay
sa mga batas at institusyong panlipunan (papel na pampolitikal) EsP8PBIh-4.3

Naisasagawa ang isang gawaing angkop sa panlipunan at pampulitikal na papel ng


pamilya EsP8PBIh-4.4

Mga Layunin:

Ang modyul na ito ay ginawa upang maibahagi sa iyo ang mga kaalaman na
nararapat ninyong matutuhan sa nasabing baitang. Pagkatapos pag-aralan ang
modyul na ito, magagawa mo ang sumusunod:

Kaalaman : Nahihinuha ang mga uri ng gawaing panlipunan at pampolitikal na may


kinalaman sa pagpapahalaga sa kalikasan

Saykomotor : Nakabubuo ng poster na may konseptong pangangalaga sa


kalikasan.

Apektiv : Nakapagbibigay ng mga gawaing panlipunan at pampolitikal

1 NegOr_Q1_EsP8_Modyul 8_v2
Subukin

PANIMULANG PAGTATAYA
Panuto: Suriin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang at piliin ang
pinakatamang sagot. Isulat ang titik sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagbabantay sa karapatan ng


pamilya?
A. Suportahan ang proyektong pabahay ng gawad kalinga
B. palaguin ang kabuhayan ng pamilya at kalusugan
C. mahigpit na ipinagbabawal ang panghuhuli at pagbebenta ng tuko sa
ating bayan
D. Tutulan black sand mining sa Lingayen
2. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin
nito?
A. maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon
B. hindi maisusulong at mapoprotektahan ang mga karapatan at tungkulin
ng pamilya kung hindi nito alam kung ano-ano ang karapatan at tungkulin
nito
C. bahagi ang mga ito ng papel na pampolitikal na pamilya
D. maraming pamilya na karapatan lamang ang ipinaglalaban
ngunit hindi ginampanan ang tungkulin
3. Ang mga pagbabago sa daigdig ngayon ang unti-unting sumisira sa pamilya,
ano ang nararapat mong gawin upang maagapan ito?
A. makiayon sa takbo ng panahon upang hindi mapag-iwanan
B. ang mga tao sa kasalukuyan ay hindi mapagbantay sa mga karapatan at
tungkulin nito
C. hindi kailangang sumabay sa mga pagbabago na hindi kailangan at
maging responsable
D. ang tao ay likas sa kanyang pakatao ang pagigingmapagtanto
4. Ano ang magandang maidudulot kung ang kabutihan ng pamilya ay
napangalagaan, naitataguyod at nabibigyang proteksiyon sa lipunan?
A. ang bawat- isa ay magkakaroon ng pagkakataong lumaki at maging
ganap na tao sa pinakamabuting kapaligiran
B. nasusuri ang isang halimbawa ng pamilyang ginampanan ang papel na
panlipunan at political nito
C. nailalahad ang komprehensibong pangangatwiran o rationale para sa
isinagawang gawain
D. magiging kapaki-pakinanabang ang tao sa kapaligirang kaniyang
ginagalawan
2 NegOr_Q1_EsP8_Modyul 8_v2
5. May karapatan at tungkulin ang bawat- isa sa pagpapahayag ng
pananampalataya at pagpapalaganap nito. Ikaw bilang isang
mananampalatayang katoliko, paano mo ito iginiit, binabantayan o ipaglalaban
ang isang sitwasyon kapag sa inyong lugar ay walang simbahan o kapilya na
malapit sa iyong tinitirhang barangay?
A. maghintay ng tamang panahon kung kailan pagtatayuan ng kapilya
B. lumipat sa ibang uri ng pananampalataya hanggang walang
naipatayong kapilya
C. magtayo ng sariling relihiyon at mag- anyaya ng mga bagong kasapi
D. sumulat ng liham sa Obispo ng Diosesis upang mapatayuan ng kapilya at
magkakaroon ng pari na magmimisa

B. Suriin ang bawat pahayag at tukuyin kung ito ay akma o naaayon sa papel o
tungkulin ng isang tao. Isulat sa iyong nakalaang papel.

6. Papel Panlipunan
A. pansamantala naming patutuluyin sa aming bahay ang mga kapitbahay
naming naapektuhan ng pagbaha.
B. tumulong sa kampanya ng aking tiyuhing tumakbong alkalde sa aming
bayan.
7. Papel Pampolitikal
A. sumali sa fraternity ng isang Universidad ang aking kaibigan
B. susulat kami sa isang kongresista sa gumawa ng proyektong paglilinis sa
kapaligiran
8. Papel Pampolitikal
A. pinahiram ko ang aking sasakyan sa kapitbhay na may malubhang
karamdaman upang madala sa ospital
B. nakiusap ako sa aming Gobernador na magsagawa ng medical mission
sa aming lungsod
9. Papel Pampolitikal
A. nakilahok ako sa aming mayor at mga konsehal sa aming lungsod upang
magbigay ayuda sa mga biktima ng lindol
B. sumali ako sa mga progama ng aming nayon tulad ng “Tree Planting
activity”
10. Papel Panlipunan
A. nakikiisa sa pananatili ng kalinisan sa kapaligiran
B. gumawa ng batas para sa panlipunang kaunlaran

3 NegOr_Q1_EsP8_Modyul 8_v2
Balikan
Panuto: Punan ang mga patlang ng mga salitang natalakay sa nakalipas na aralin
upang mabuo ang konsepto tungkol sa panlipunan at pampolitikal na gampanin ng
pamilya.

Bukod sa pagiging ama, ina, o anak, sila ay mga mamamayang maaaring


maging punong-guro, doctor, abogado, at iba pang propesyon sa lipunan. Bilang
bahagi ng lipunan, tungkulin ng pamilya na panatilihin at paunlarin ang lipunang
kaniyang ginagalawan. Magagawa ito ng pamilya sa pamamagitan sa pagtupad sa
kaniyang papel sa ____________ (pagiging bukas-palad, pagsusulong ng
bayanihan, at pangangalaga sa kaniyang kapaligiran) at papel ___________ (ang
pagbabantay sa mga batas at nga institusyong panlipunan).

Tuklasin
Panuto: Suriin ang nakikitang larawan.at sagutin ang mga gabay na tanong sa
ibaba.

1.Ano ang iyong nakita at natanto sa larawan?


2. Sa tingin mo, anong uring panyayaring ipinakita nito?
3. Ano ang papel panlipunan at papel pampolitikal na pwede mong maibigay
sa pangyayaring ito?

4 NegOr_Q1_EsP8_Modyul 8_v2
Suriin

Ang Papel Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya

Ang Papel Panlipunan ng Pamilya

Ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan ay ang karanasan sa


pakikibahagi at pagbibigayan na dapat na bahagi ng buhay pamilya sa araw-araw.
Sa loob ng pamilya nagsisimula ang pagiging bukas palad at ang diwa ng
bayanihan. Ngunit hindi sapat na panatilihin lamang ang mga ito sa loob ng pamilya.

Sa loob ng pamilya dapat natututunan ng tao na iwaksi ang pagiging


makasarili at magsakripisyo alang-alang sa kapwa, alang-alang sa ikabubuti ng
lahat. Dito niya natututunan na ang pagkakawang-gawa ay katumbas ng
pagmamahal; na ang paglilingkod sa kapwa ay kinakailangan upang maging
kabilang sa kapatiran ng tao. Ang kapatirang ito ay mangyayari lamang kung
mayroong pinag-ugatang pagkakapatiran sa pagitan ng mga tunay na magkakapatid
sa loob ng pamilya.

Ang pagiging bukas palad ay maipakikita ng pamilya sa pamamagitan ng mga


gawaing panlipunan. Maaari itong makilahok sa mga samahan na boluntaryong
naglilingkod sa pamayanan o kaya’y tumutulong sa mga kapus-palad. Higit sa lahat,
dapat na tumulong ang pamilya sa mga nangangailangang hindi naaabot ng tulong
ng pamahalaan. Isang halimbawa ang mga pamilyang nagbukas ng kanilang mga
tahanan para sa mga naaapektuhan ng pagbaha at mga sakuna. Marami ang mga
pamilyang ito na hindi nagdalawang-isip at buong pagtitiwalang pinatutuloy ang mga
kapitbahay na kumakatok sa kanilang pinto at mga puso. Nakalulungkot lamang na
mayroon ding mga nagbibingibingihan sa mga daing ng mga kapitbahay dahil sa ang
pagtulong ng pamilya sa pamayanan ay paraan upang maisabuhay ang mga
pagpapahalaga at birtud na itinuturo at natututuhan sa loob ng tahanan.” Minsan
kung sino pa ang higit na makapagbibigay sila pa ang nagsasara ng kanilang pinto.
Nakatali sila sa materyalismo at higit na nagpapahalaga sa mga ari-arian kaysa sa
kanilang kapwa-tao. Ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan ay paraan upang

5 NegOr_Q1_EsP8_Modyul 8_v2
maisabuhay ang mga pagpapahalaga at birtud na itinuturo at natututuhan sa loob ng
tahanan. May mga pamilyang naging tradisyon na kumukuha sila ng isang bata sa
bahay-ampunan tuwing sasapit ang panahon ng kapaskuhan, upang
pansamantalang tumira sa kanila. Namimigay din sila ng mga regalo sa mga batang
nasa bahay-ampunan o sa mga batang-lansangan. May anak na sa halip na
maghanda para sa kaniyang kaarawan ay hinihiling sa kaniyang mga magulang na
ibahagi na lamang sa bahay ampunan ang perang dapat gugulin sa kaniyang handa.
Mayroon ding gustong idaos ang kaniyang kaarawan sa bahay-ampunan o sa piling
ng mga batang lansangan.

Ang pagbabayanihan ay hindi na bago sa mga Pilipino. Isa ito sa


ipinagmamalaki nating pagpapahalagang Pilipino. Naipakikita ang pagbabayanihang
ito sa lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino. Sa isang kapitbahayan ay
hindi na bago ang pagbibigayan ng ulam lalo’t may okasyon, ang pagbibilin sa mga
anak sa kapitbahay kung walang magbabantay ditong kapamilya, at ang
pagpapahiram ng mga kagamitan sa bahay sa mga kapitbahay.
Isa sa ipinagmamalaki nating katangiang Pilipino ang magiliw na pagtanggap
lalo sa mga panauhin. Inihahain natin ang pinakamasarap na pagkain para sa kanila,
ang pinakamainam na higaan ang ating pinatutulugan, at ang pinakamaganda nating
gamit ay inilalabas lamang kapag may panauhin. Ngunit may mas malalim na antas
ng pagtanggap ng mga panauhin. Ang mabuting pagtanggap na higit na
kinakailangan nating ugaliin ay ang pagbubukas ng ating mga pintuan sa mga
nangangailangan. Magagawa kaya nating maghain ng masasarap na pagkain,
patulugan ang pinakamainam nating higaan, at ipagamit ang pinakamaganda nating
gamit sa mga palaboy sa lansangan?

Ang Papel Pampolitikal ng Pamilya

Ang papel na panlipunan ng pamilya ay dapat ding maipahayag sa


pamamagitan ng pakikialam sa politika. Nararapat na manguna ang pamilya sa
pagtiyak na ang mga batas at ang mga institusyong panlipunan ay hindi taliwas, sa
halip ay nagsusulong at nangangalaga sa mga karapatan at tungkulin ng pamilya.
Kalakip nito ay dapat na alam din ng pamilya ang mga natural at legal na karapatan
nito. Dapat din na pangunahan nito ang pagpapanibago sa lipunan at hindi
magpabaya sa kaniyang mga tungkulin.

Ang sumusunod ang mga karapatan ng pamilya:

1. Ang karapatang umiral at magpatuloy bilang pamilya o ang karapatan ng lahat ng


tao, mayaman man o mahirap, na magtatag ng pamilya at magkaroon ng sapat
na panustos sa mga pangangailangan nito
2. Ang karapatang isakatuparan ang kaniyang pananagutan sa pagpapalaganap ng
buhay at pagtuturo sa mga anak
6 NegOr_Q1_EsP8_Modyul 8_v2
3. Ang karapatan sa pagiging pribado ng buhay mag-asawa at buhay pamilya
4. Ang karapatan sa pagkakaroon ng katatagan ng bigkis at ng institusyon ng kasal
5. Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at
pagpapalaganap nito.
6. Ang karapatang palakihin ang mga anak ayon sa mga tradisyon,
pananampalataya, at pagpapahalaga at kultura sa pamamagitan ng mga
kailangang kagamitan, pamamaraan, at institusyon
7. Ang karapatan, lalo na ng mga may sakit, na magtamo ng pisikal, panlipunan,
pampolitikal, at pang-ekonomiyang seguridad
8. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya
9. Ang karapatan upang makapagpahayag at katawanin (ng mambabatas o
asosasyon), sa harap ng mga namamahala o namumuno kaugnay ng mga
usaping pang-ekonomiya, panlipunan, o kultural
10. Ang karapatang magbuo ng asosasyon kasama ang ibang mga pamilya at
samahan, upang magampanan ng pamilya ang mga tungkulin nito ng mas
karapat-dapat at madali

Kung ang kabutihan ng pamilya ay napangangalagaan, naitataguyod, at


nabibigyang-proteksyon sa lipunan, ang bawat isa ay magkakaroon ng
pagkakataong lumaki at maging ganap na tao sa pinakamabuting kapaligiran - isang
kapaligirang nakatutulong sa paghubog ng mga birtud na dapat taglayin ng isang
mapanagutang mamamayan sa lipunan. Ang kapaligirang ito ay may lugar para sa
kaniyang sarili na nagpapatatag ng kaniyang kakayahang tumayo sa sariling paa at
ng kaniyang pagiging mapanagutan. May pagmamahalan dito na nagpapatingkad ng
kaniyang pakikibahagi sa lipunan at pakikipagkapwa. Ang pagiging epektibo ng iba
pang mga institusyon sa lipunan ay nakasalalay sa kabutihan ng pamilya. Dapat
pag-ibayuhin ng bawat pamilya ang pangangalaga at pagbabantay sa mga
karapatan at tungkulin nito dahil maraming banta sa integridad ng pamilya sa
makabagong panahon.

7 NegOr_Q1_EsP8_Modyul 8_v2
Pagyamanin

Panuto: Suriing mabuti ang mga pangyayaring nasa larawan at bigyan ito ng
angkop na gawaing papel panlipunan at papel pampolkitikal na dapat gawin ng
pamilya.

Papel Panlipunan

Papel Pampolitikal

Papel Panlipunan

Papel Pampolitikal

8 NegOr_Q1_EsP8_Modyul 8_v2
Isaisip

Napag alaman ko na ________________________________________

Napagtanto ko na ___________________________________________

Ang aking gagawin ay _______________________________________

Isagawa
Panuto: Gumupit ng mga balita sa pahayagan tungkol sa iba’t- ibang sitwasyon o
pangyayaring dapat bigyan ng papel panlipunan at papel pampolitikal na gampanin.
1. Nasunugan
2. Nabagyo/Nabaha
3. Nadisgrasya
4. Namatayan
5. Nalindol

Krayterya sa pagbibigay ng marka:

Nilalaman: 10 puntos
Pagkamalikhain: 10 puntos
Paggamit ng wika/salita 10 puntos
Kabuuan 30 puntos

9 NegOr_Q1_EsP8_Modyul 8_v2
Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa inyong kwaderno
ang titik ng inyong napiling sagot.

1. Alin sa mga pagpipilian ang maaaring magpapagaan at magpapadali sa pagtupad


ng iyong tungkulin o papel sa lipunan?
A. Pagiging positibo sa isip
B. pagkakaroon ng suportang pinansyal sa pamahalaan
C. Pagkakaroon ng pagmamahal sa kapwa at lipunan
D. pagtanggap ng sahod katumbas ng pagtupad

2. Bakit kailangan ng pagtutulungan ang pamahalaan at mamamayan sa pagganap


ng papel sa lipunan?
A. dahil ang mamamayan ay sumusunod lamang sa utos ng pamahalaan
B. dahil ang pamahalaan ang siyang nagpapatupad ng batas na sundin ng
mamamayan
C. ang pagkakaisa at pagtutulungan ang siyang susi sa pagkakaroon ng tiyak na
pagbabago at kaunlaran
D. ang mamamayan at pamahalaan ang tanging kinapalooban ng tungkulin sa
pagganap ng kanilang tungkulin.

3. Kailangan ng tao ang kapwa, kailangang matuto tayong makiayon sapagkat


kailngan natin ang ating kapwa tao upang tayo ay lumago sa pag-iisip,
karunungan, spirituwal o materyal na bagay sa tulong ng ibang tao. Ano ang
unang dapat gawin ng isang tao upang maisakatuparan ito?
A. matutong tumulong rin sa kapwa
B. matututong makikipagkapwa
C. matutong mapagkumbaba
D. matutong magpahalaga sa kapwa

4. Bilang bahagi ng lipunan, tungkulin ng pamilya na panatitihin at paunlarin ang


lipunang kaniyang ginagalawan. Magagawa ito ng pamilya sa pamamagitan ng
pagtupad ng mga sumusunod, maliban sa isa;
A. pagkakaroon ng tungkulin sa loob ng tahanan
B. pagiging bukas-palad
C. pagsusulong ng bayanihan
D. pangangalaga sa kaniyang kapaligiran

10 NegOr_Q1_EsP8_Modyul 8_v2
5. Alin dito sa sumuusnod ang nagpapakita ng pagtupad ng papel pampolitikal?
A. pangangalaga sa kapaligiran
B. pagiging bukas-palad
C. pagsusulong ng bayanihan
D. pagbabantay sa mga batas at mga institusyong sa lipunan

6. Ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan o lipunan ay paraan upang maisabuhay


ang mga pagpapahalaga at birtud. Saan ito unang naituro o natutunan?
A. sa loob ng bahay sambahan B. sa labas ng tahanan
C. sa loob ng tahanan D. sa batas ng pamahalaan

7. Anong tawag sa kaugaliang naipapamana ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng


pagtutulungan, pagbibigayan, pagbibilin ng anak sa kapitbahay at iba pa.?
A. pagbabayanihan
B. pagtutulungan
C. pagkakaisa
D. pag-uunawaan

8. Likas sa mga Pilipino ang pagbubukas ng tanahanan sa mga panauhin at


nagangailangan. Naiwaksi ang pagkamakasarili alang-alang sa kapwa. Ano ang
naipapakita sa kaugaliang Pilipino?
A. mapagbigay ang mga Pilipino
B. likas na mapagmahal ang mga Pilipino
C. maalalahanin ang mga Pilipino
D. masinop ang mga Pilipino

9. Ang pagiging bukas palad ay maipapakita ng pamilya sa pamamagitan ng mga


gawaing panlipunan. Paano ito naiapakita?
A. nakilahok sa mga samahan na boluntaryong naglilingkod sa pamayanan
B. tumulong sa mga kapos palad
C. tumulong sa mga pamilyang nagangailangan na hindi naaabotan ng tulong
sa pamahalaan
D. lahat ng nabanggit

10. Bilang isang Pilipino at mag-aaral, paano o nabibigyang pagpapahalaga ang


kaugalian o magandang katangian ng mga Pilipino?
A. hahangaan an gating mga ninuno
B. pasalamatan natin ang ating kapuwa mga Pilipino
C. hangaan, isabuhay at ipagpatuloy ang ganung kaugalingan
D. lahat ng nabanggit

11 NegOr_Q1_EsP8_Modyul 8_v2
Karagdagang
Gawain
Panuto: Gumuhit ng isang larawan (poster making) na nagpapakita ng pagtulong sa
lipunan at isang larawang nagpapakita ng pagtulong pampolitikal. Gawin ito sa isang
construction paper.

Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman 10 puntos
Organisasyon 10 puntos
Kabuuan 20 puntos

Susi sa Pagwawasto

10.C 5. D 10. A D 5.
9. C 4. A 9. A A 4.
8. B 3. B 8. B C 3.
7. A 2. C 7. B B 2.
6. C 1. C 6. A D 1.

Pangwakas na Pagtataya Panimulang Pagtataya

SANGGUNIAN
EsP 8 Learner’s Manual, pahina 91-97

Regina Mignon C. Bognot, et. al., 2014 Edukasyon sa Pagpapakatao. Pasig City.
FEP Printing Corporation

12 NegOr_Q1_EsP8_Modyul 8_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

13 NegOr_Q1_EsP8_Modyul 8_v2

You might also like