You are on page 1of 16

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan- Modyul 6:
Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid,
at Wastong Pamamahala sa Naimpok
(Linggo: Ikaanim)

NegOr_Q3_EsP9_Modyul6_v2
Edukasyong Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid, at Wastong
Pamamahala sa Naimpok
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Kathleen B. Emia
Editor: Anna Mae I. Tejada Amancio M. Gainsan Jr.
Tagasuri: Anna Mae I. Tejada | Amancio M. Gainsan Jr.
Tagaguhit: Trisha Arella
Tagalapat: Anna Mae I. Tejada
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kasipagan, Pagpupunyagi,
Pagtitipid, at Wastong Pamamahala sa Naimpok!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid, at Wastong
Pamamahala sa Naimpok!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid, at Wastong
Pamamahala sa Naimpok

Alamin

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag, nagpupunyagi sa paggawa, nagtitipid at
pinamamahalaan ang naimpok. (EsP9KP-IIIa-11.1)
Nakagagawa ng journal ng mga gawaing natapos nang pinaghandaan,ayon sa pamantayan
at may motibasyon sa paggawa. (EsPKP-IIIa-11.2)

Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-


unawa:

Kaalaman: Nakapagsusuri ng mga palatandaan na nagpapakita ng kasipagan.

Saykomotor: Nakagagawa ng Chart ng pagsunod sa hakbang upang matupad ang


Itinakdang gawain nang may kasipagan at pagpupunyagi.

Apektiv: Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag at mayroong


pagpupunyagi.

1 NegOr_Q3_EsP9_Modyul6_v2
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem sa bawat bilang. Piliin ang pinakaangkop
na sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.

1. Mula sa saknong ng isang tula, ”Marami ang nagtuturing na mahirap daw itong
buhay, Araw-araw ay paggawang tila rin walang humpay; Datapuwat isang
pantas ang nagbadya at nagsaysay; Tagumpay ay nakakamit kapag tao ay
masikhay.”
A. Mahirap ang buhay kaya’t ang tao ay kinakailangan na magtiis.
B. Kahit mahirap ang buhay ang tao ay dapat na maging marangal.
C. Sa kabila ng kahirapan, ang tao ay kinakailangan na maging masipag.
D. Mahirap man ang buhay ang tao ay hindi dapat mawalan ng pag-asa.
2. Ang sumusunod ay kahulugan ng kasipagan maliban sa:
A. Ito ay pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong
kalidad.
B. Ito ay pagtingin ng kasiyahan at positibo sa isang gawain
C. Nakatutulong ito sa tao sa kaniyang pakikipagrelasyon sa kaniyang gawain,
kapuwa, at lipunan.
D. Tumutulong ito sa tao na malinang ang mabubuting katangian tulad ng
tiwala sa sarili, mahabang pasensiya, katapatan, at disiplina.
3. Si Rony ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali sa kaniyang mga gawain
at sinisiguro niya na magiging maayos ang kalabasan nito. Ano kayang
palatandaan sa kasipagan ang taglay ni Rony?
A. Hindi umiiwas sa anumang gawain
B. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal
C. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa
D. Hindi nagrereklamo sa ginagawa
4. Ang isa sa palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan ay hindi pag-iwas
sa anumang gawain. Alin sa mga halimbawa ang nagpapakita nito?
A. Si Marife ay hindi ay hindi na kailangan pang utusan ng kaniyang ina sa
gawaing bahay. Siya ay gumagawa nang mayroong pagkukusa.
B. Si Jazmine ay palaging nagbibigay ng kaniyang malasakit sa anumang
gawain na ipinapagawa sa kaniya ng kaniyang ina.
C. Masipag mag-aaral sa Hans; sa tuwing siya ay nag-aaral ay ibinibigay niya
ang kaniyang panahon at oras dito nang buong husay.
D. Sa tuwing gumagawa ng proyekto sa paaralan si Marianne ay hindi niya
ginagawa ito basta lamang matapos, kundi naghahanap siya ng
perpeksiyon dito.
5. Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o layunin sa buhay na
may kalakip na pagtitiis at determinasyon.
A. Kasipagan C. Pagsisikap
B. Katatagan D. Pagpupunyagi
6. Ito ay kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na gamitin ito upang higit
na makapagbibigay sa iba.
A. Pag-iimpok C. Pagtulong

2 NegOr_Q3_EsP9_Modyul6_v2
B. Pagtitipid D. Pagkakawanggawa
7. Ano ang naglalarawan sa pinakamahalagang ng pagtitipid?
A. Maging mapagkumbaba at matutong makuntento
B. Maging mapagbigay at matutong tumulong
C. Maging maingat sa paggastos at matutong maging simple
D. Maging masipag at matutong maging matiyaga
8. Ano ang sinasabi ng Teorya ni Maslow, The Heirarchy of Needs, tungkol sa
pera?
A. Ang pera ay nagsisilbing pantulong sa araw-araw na kailangan.
B. Ang pera ay dapat nating ingatan at huwag sayangin.
C. Ang pera ay tumutulong sa tao na maramdaman ang kaniyang seguridad
sa buhay lalo na sa hinaharap.
D. Ang pera ay nagbibigay sa tao ng kasiguraduhan upang ang kaniyang
buhay ay maging maayos sa hinaharap.
9. Ang sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao ayon
kay, Francisco Colayco maliban sa:
A. Para sa pagreretiro
B. Para sa mga hangarin sa buhay
C. Para maging inspirasyon sa buhay
D. Para sa proteksiyon sa buhay
10. Hindi dapat taglayin ng tao ang ugaling katamaran. Ang
sumusunod na pangungusap ay nagbibigay ng kahulugan nito maliban sa:
A. Ito ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay, o trabaho.
B. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay
C. Ito ay maaring sumira sa ating kinabukasan.
D. Ito ay magdadala ng panganib sa buhay.

Balikan

Panuto:

1. Tingnang mabuti ang mga larawan. Ilagay ang angkop na titik sa loob ng kahon
upang mabuo ang mga salita. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.

a.

3 NegOr_Q3_EsP9_Modyul6_v2
b.

2. Sagutin ang sumusunod na tanong sa kuwaderno.


a. Ano-ano ang nabuo mong salita mula sa larawan?
b. Sa iyong palagay tinatagkay mob a ang mga iyan? Pangatwiran.
c. Ano ang kaugnayan ng mga ito sa paggawa? Ipaliwanag.

Tuklasin

Panuto:

1. Pag-aralan ang maikling kuwento sa ibaba. Isulat ang iyong mga posibleng sagot
sa iyong kuwaderno.

Natapos mo na ang gawaing bahay na nakatalaga sa iyo. Nakita mo ang iyong


kapatid na hindi pa natatapos ang pinagawa sa kaniya ng iyong ina sapagkat
napakarami niyang modyul sa araw na iyon. Humihingi ng tulong sa iyo ang
nakababata mong kapatid na gawin muna kung maaari ang gawaing bahay na
nakatalaga sa kaniya. Ikaw naman malapit na ring matapos sa modyul mo sa EsP,
Ano kaya ang magiging tugon mo dito?

2. Mga Tanong:
a. Naging mahirap ba para sa iyo ang pagsasagot sa sitwasyon? Pangatuwiran.
b. Bakit mahalaga ang kasipagan, pagpupunyagi, at pagtitipid at wastong
pamamahala sa naimpok sa buhay ng tao? Ipaliwanag.
c. Paano ito makakatulong sa tao at sa lipunana na kaniyang kinabibilangan?
Ipaliwanag.

4
NegOr_Q3_EsP9_Modyul6_v2
Suriin

Kasipagan,
Pagpupunyagi, Pagtitipid,
at Wastong Pamamahala
sa Naimpok
Kahit anong bagay at anumang larangan ang ating gagawin kailangan
natin ng kasipagan. Kung walang sipag ang isang tao, wala siyang matatapos na
gawain. Kung kaya’t kaakibat ng sipag ay tiyaga na kung wala ang mga ito,
mahihirapan ang tao na makaahon sa buhay na ito.
Layunin ng modyul na ito na mas lalo kang bigyan ng sapat na pagkaunawa
sa mga katangian na dapat taglayin ng isang manggawa. Sa pamamagitan nito,
matutulungan ka hindi lamang upang mapaunlad ang iyong sarili kundi upang
mapaunlad ang bansa na iyong kinabibilangan at mula rito ay masasagot mo ang
Mahalagang Tanong na:

Bakit mahalaga ang Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid, at Wastong


Pamamahala sa Naimpok?

Ang kasipagan ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang


gawain na mayroong kalidad. Pagpupunyagi ang mahalagang katangian na
makatutulong upang magtagumpay ang isang tao. Kung ikaw ay may ganitong mga
katangian ay ipagpatuloy mo lamang sapagkat ito ay magbubunga ng tagumpay.
Isang tagumpay na maaaring makapagbigay sa iyo ng masagana at magandang
buhay.

Narito ang ilang palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan

1. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa. Ang taong masipag ay hindi


Nagmamadali sa kaniyang ginagawa. Sinisiguro niya na magiging maayos ang
Kalalabasan ng kaniyang gawain.
2. Ginagawa ang Gawain nang may pagmamahal. Ang isang taong nagtataglay ng
Kasipagang kaniyang puso sa kaniyang ginagawa- ibig sabihin, naroon ang
kaniyang
malasakit.
3. Hindi umiiwas sa anumang gawain. Ang taong masipag ay hindi umiiwas sa
anumang
gawaiin lalo na kung ito ay nakaatang sa kaniya.

5
Ang Pagpupunyagi ay mahalagang katangiaan na makatulong upang
magtagumpay ang isang tao. Sa kabila ng mga balakid at mga problema na kaniyang
susuungin ay hindi siya dapat panghinaan ng loob bagkus kinakailangan na
magpatuloy at maging matatag. NegOr_Q3_EsP9_Modyul6_v2

Bakit maraming tao na matapos kumita at magkaroon ng maraming pera dahil sa


kanilang kasipagan at pagpupunyagi ay nabalewala lamang pagdating ng panahon?
Tulad na lamang ng ilang mga nagging sikat na personalidad sa industriya na matapos
kumita ng malaking pera ay bumalik ang kanilang buhay sa paghihikahos o
paghihirap. Ano kaya ang masasabi mo ukol dito? Paano kaya nila ginagamit ang pera
na ipinagkatiwala ng Diyos sa kanila?

Walang kinalaman ang liit o laki ng kinikita ng isang tao; ang mahalaga ay kung
paano niya ito pinamamahalaan ng tama at wasto.

Pagyamanin

Panuto: Suriin ang mga katangian na dapat mong taglayin bilang isang mag-aaral.
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno, gamit ang sumusunod na gabay na tanong:

a. Masipag ka ba? Naitanong mo na ba ito sa iyong sarili?


b. Ano-anong hakbang ang iyong gagawin upang maisabuhay ang
Pagpupunyagi at wastong pamamahala sa naimpok?
c. Paano kung ang isang tao ay hindi magtataglay ng ganitong katangian,
ano kaya ang mangyayari sa kaniyang buhay?

Isaisip

Panuto: Sumulat ng pagninilay sa kuwaderno sa paksa gabay ang talahanayan sa


Ibaba.

Ano-ano ang konsepto at Ano ang aking Ano-anong hakbang ang


kaalaman na pumupukaw pagkaunawa at aking gagawin upang
sa akin? realisasyon sa bawat mailapat ang mga pang-
konsepto at kaalamang unawa at realisasyong ito
ito? sa aking buhay?

6
NegOr_Q3_EsP9_Modyul6_v2
Isagawa

Panuto:

1. Gumawa ng Chart at isulat ang mga itinakdang gawain sa araw-araw at kung ito
ay natutupad ng may kasipagan at pagpupunyagi. Isulat ang mga hakbang kung
paano mo ito isasagawa.
2. Gumawa ng daily log na nagpapakita ng iyong gawain.

Rubric para sa paraan ng paggawa ng chart.

5 3 1
Pagkakabuo Angkop at wasto May iilang salitang Walang
ang mga salitang ginamit na hindi kaugnayan at
ginamit sa pagbuo angkop at wasto hindi wasto ang
ng chart. mga salitang
Nilalaman Mabisang Hindi gaanong Hindi naipahayag
naipahayag ang naipahayag ng nang mabisa ang
mensahe ng mabisa ang nilalaman ng
sanaysay. mensahe ng sanaysay.
sanaysay.

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang salitang Tama kung sa
palagay mo ay makatotohanan ito at isulat naman ang salitang Mali kung hindi ito
nagsasabi ng katotohanan. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

1. Ang kabaligtaran ng kasipagan ay katamaran.


2. Ang kasipagan ay tumutulong sa tao upang mapaunlad niya ang kaniyang
pagkatao.
3. Ang pagpupunyagi ang pumapatay sa isang Gawain, hanapbuhay o trabaho. Ito
ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
4. Ang taong masipag ay hindi nagmamadali sa kaniyang ginagawa.
5. Ang pagpupunyagi ay mahalagang katangian na makatutulong upang
magtagumpay ang isang tao.

NegOr_Q3_EsP9_Modyul6_v2
Karagdagang
Gawain

Panuto:
1. Maghanap ng isang manggawa na nagpapakita ng kasipagan, pagpupunyagi,
Pagtitipid, at wastong pamamahala sa naimpok.
2. Kapayamanin sila at ipakuwento ang kanilang mga naging karanasan sa kanilang
mga naging karanasan sa kanilang trabaho at paano sila nagging matagumpay.
maaring sila ay iyong kapitbahay, magulang, guro, at iba pa.
3. Isulat sa iyong kuwaderno

Rubric para sa karagdagang gawain

Kraytirya Di- Kahanga- Katanggap- Pagtatangka


Pangkaraniwan hanga tanggap
20 10 1
15
Paksa Angkop na May May maliit na Walang
angkop at kaugnayan sa kaugnayan kaugnayan
eksakto ang paksa
kaugnayan sa
paksa
Pagkamalikhain Gumagamit ng Gumamit ng Makulay subalit Hindi makulay
maraming kulay kulay at iilang hindi tiyak ang
at kagamitan na kagamitan na kaugnayan
may kaugnayan may
sa paksa kaugnayan sa
paksa
Kalidad ng Makapukaw Makatawag Pansinin ngunit Di-pansinin, di-
ginawa interes at pansin di makapukaw makapukaw ng
tumitimo sa isipan interes at isipan
isipan
Kalinisan Maganda, Malinis Ginawa ng Inapura ang
malinis at apurahan paggawa at
kahanga-hanga ngunit di- marumi
ang pagkagawa marumi

NegOr_Q3_EsP9_Modyul6_v2
8
NegOr_Q3_EsP9_Modyul6_v2 9
Division of Negros Oriental ESP DLP Initiated
Philippines 1600
Unang Edisyon, 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City
Sheryll T. Gayola et.al, 2015, Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasiyam na Baitang,
Sanggunian
Subukin (Panimulang Pagtataya) Tayahin (Pangwakas na Pagtataya)
1. D 6. B 1. TAMA
2. B 7. A 2. TAMA
3. C 8. C 3. MALI
4. A 9. C 4. TAMA
5. D 10. C 5. TAMA
Tuklasin
Ang sagot ay maaaring magkaiba-iba
Pagyamanin
Ang sagot ay maaring magkaiba-iba
Karagdagang Gawain
Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba.
Pagwawasto
Susi sa
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like