Professional Documents
Culture Documents
Elmido G9 Q2 W7
Elmido G9 Q2 W7
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 8.a:
Pakikilahok at Bolunterismo
(Linggo: Ikaapito)
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 8.a: Pakikilahok at Bolunterismo
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
9
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul
8.a:
Pakikilahok at Bolunterismo
(Linggo: Ikapito)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.
ii
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
iii
iv
v
Pakikilahok at Bolunterismo
Alamin
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Naiuugnay ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo sa pag-unlad ng
mamamayan at lipunan.(EsP9TTIIg-8.1)
Nakapagsusuri ng kuwentong buhay ng mga taong inilaan ang malaking bahagi ng
kanilang buhay para sa pagboboluntaryo.
Hal. Efren Penaflorida, greenpeace volunteers atbp. (EsP9TTIIg-8.2)
Mga Layunin
Ang modyul na ito ay ginawa upang maibahagi sa iyo ang mga kaalaman na
nararapat ninyong matutuhan sa nasabing baitang. Pagkatapos pag-aralan ang
modyul na ito, magagawa mo ang sumusunod:
1. Nakapagsusuri ng kuwento ng mga taong inilaan ang malaking bahagi ng
kanilang buhay para sa pagboboluntaryo;;
2. Naisasagawa ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo sa pag-unlad
ng mamamayan at lipunan.
3. Nakalalahok sa isang proyekto o gawain sa Barangay o mga sektor na may
partikular na pangangailangan.
1
Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang tamang sagot
sa iyong kwaderno.
1. Alin ang hindi kahulugan ng pakikilahok?
A. Isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan
at pananagutan tungo sa ikabubuting panlahat?
B. Isang malayang pagpili. Hindi maaaring pilitin o pwersahin ang tao upang
isagawa ito.
C. Maaring tawaging bayanihan, damayan, o kawanggawa.
D. Tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapwa.
2. Alin ang taglay ng tao kaya siya karapat-dapat sa pagpapahalaga at paggalang ng
kaniyang kapwa?
A. Bolunterismo C. Pakikilahok
B. Dignidad D. Pananagutan
3. Bakit mahalaga na may kamalayan at pananagutan sa pakikilahok?
A. Upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
B. Upang magampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong
pagtutulungan
C. Upang maibahagi ang sariling kakayahan o makatutulong sa pagkamit ng
kabutihang panlahat
D. Upang maipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan
4. Ano ang dapat kilalanin ng tao upang makagawa ng pakikilahok?
A. Pananagutan C. Dignidad
B. Tungkulin D. Karapatan
5. Alin ang hindi maituturing na benepisyo ng bolunterismo?
A. Nagkakaroon ang tao ng personal na pag-unlad.
B. Mas higit niyang nakikilala ang kaniyang sarili.
C. Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan.
D. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at ugnayan sa iba.
6. Sa bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba
na hindi mo tinulungan. Ang pahayag na ito ay:
A. Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong.
B. Mali, sapagkat ang hindi mo pagtulong ay isang bagay na maaaring
makaapekto sa iyo.
C. Tama, sapagkat maaari kang managot sa iyong konsensya sapagkat hindi ka
tumugon sa pangangailangan ng iyong kapwa sa mga sandaling iyon.
D. Mali, sapagkat hindi maaaring pilitin ang tao sa kaniyang gagawin. Ito dapat ay
manggaling sa puso.
7. Alin ang hindi halimbawa ng bolunterismo?
A. Tuwing Sabado at Linggo ay tinuturuan ni Karen ang mga batang hindi
nakapag-aral sa kanilang lugar upang matutong bumasa at sumulat.
B. Si Jerick ay pumupunta sa bahay-ampunan ng mga bata upang alagaan ang
mga ito tuwing bakasyon.
C. Tuwing eleksiyon ay sinisiguro ni Rechelle na bumuto at piliing mabuti ang
karapat-dapat na mamuno.
D. Sumali si Darlyn sa paglilinis ng paligid sa kanilang barangay dahil nais niyang
makiisa sa layunin nitong mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng kaniyang
2
mga kapit-bahay.
8. Hindi nakalahok si Rico sa Oplan Linis ng kanilang barangay dahil nais
inaalagaan niya ang kaniyang bunsong kapatid na maysakit ngunit siya ay
nagbigay ng ng gamit sa paglilinis tulad ng walis tingting at sako sa paglalagyan
ng basura. Ano kaya ang antas ng pakikilahok ang ipinakita ni Rico?
A. Impormasyon C. Sama-samang Pagkilos
B. Konsultasyon D. Pagsuporta
9. Anu-ano ang dapat Makita sa isang taong nagsasagawa ng pakikilahok at
bolunterismo?
A. Pagmamahal, Malasakit, at Talento
B. Panahon, Talento, at Kayamanan
C. Talento, Panahon, at Pagkakaisa
D. Kayamanan, Talento, at Bayanihan
10. Ano ang makakamit ng ating lipunan kung ang bawat isa ay nagsasagawa ng
pakikilahok at bolunterismo?
A. Pagkakaisa C. Pag-unlad
B. Kabutihang Panlahat D. Pagtataguyod ng Pananagutan
Balikan
Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Mahalaga ba ang pakikilahok at bolunterismo ng isang kabataan? Pangatwiranan.
2. Anu-ano ang maidudulot nito sa iyong kapuwa? Sa paaralan? Sa lipunan?
Ipaliwanag.
3. Ano ang ipinagkaiba ng pakikilahok sa bolunterismo? Ipaliwanag gamit ang
halimbawa sa bawat isa.
Tuklasin
Panuto: Isulat mo sa loob ng kahon ang salita o mga salita na nagbibigay-
kahulugan para sa iyo ng salitang Pakikilahok. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderbo. Gamiting pormat ang nasa susunod na pahina
Pakikilahok
3
Bolunterismo
Panuto: Mula sa iyong mga sinulat na kahulugan, tingnan at suriin ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang konsepto. Sagutin ang mga
sumusunod na tanong:
1. Batay sa mga kahulugang ibinahagi, ano ang mabubuo mong konklusyon tungkol
sa pakikilahok? Sa Bolunterismo?
2. May kaugnayan ba ang pakikilahok sa pag-unlad ng mamamayan at lipunan? Ang
Bolunterismo? Pangatwiranan
Suriin
n
Pakikilahok at Bolunterismo
Sa mga panahon na nangangailangan ng mga volunteer na makikilahok sa
gawaino proyekto sa iyong paaralan, barangay o lipunan, naranasan mo na bang ilaan
o ibigay ang iyong srili? Ano nga ba ang kahulugan para sa iyo ng Bolunterismo at
Pakikilahok?
Nang likhain ng Diyos ang tao sinabi Niya “hindi mainam na mag-isa ang tao
bibigyan ko siya ng makakasama at makakatulong” (Genesis 2:18). Ito ang dahilan
kung bakit ang tao ay may kapuwa sapagkat hindi siya mabubuhay na mag-isa. Ang
kapuwa ay bahagi rin ng lipunan, kung kaya’t ang bawat tao ay may pananagutan sa
kaniya. Hindi makakamit ng tao ang kaniyang kaganapan kung hindi siya
nakikipamuhay na kasama ng iba.
Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., mahalaga sa Ang pakikilahok ay
pagpapakatao ang pagkilala ng tao na kailangan niya makakamit lamang kung
ang lipunan dahil binubuo siya ng lipunan at binubuo kinikilala ng tao ang
niya ang lipunan. Sa lipunan sumasakasaysayan ang kaniyang pananagutan.
tao. Ang ibig sabihin, nagkakaroon ng saysay ang
4
buhay sa kaniyang nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. Tunay ngang nagkakaroon
ng saysay ang buhay kung ito ay ginagamit nang makabuluhan tuwing siya ay
nagbabahagi ng kaniyang sarili sa kapuwa, sa lipunan dahil bilang tao nilikha ng
Diyos, ang tao ay may pananagutan sa magbahagi sa kaniyang kapuwa at sa lipunang
kaniyang kinabibilangan.
Pakikilahok
Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na
mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat. Ito ay
nagbibigay sa tao ng makabuluhang pakikitungo sa lipunan na kung saan ang bawat
nakikilahok ay dapat tumupad sa kanyang tungkulin para sa kabutihang panlahat. Ang
obligasyon na ito ay likas dahil sa taglay na dignidad ng tao.
Kahalagahan ng Pakikilahok
Ang pakikilahok ay makakamit lamang kung kinikilala ng tao ang kanyang
pananagutan. Mula dito makakamit ang kabutihang panlahat. Ang pakikilahok ay
mahalaga sapagkat:
1. Maisasakatuparan ang isang gawain na makatutulong upang matugunan
ang pangangailangan ng lipunan.
2. Magagampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong
pagtutulungan.
3. Maibabahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng
kabutihang panlahat.
Antas ng Pakikilahok
1. Impormasyon - mahalagang magbahagi ng nalalaman.
2. Konsultasyon - hindi lang ideya o opinyon mo ang mahalaga;; matutong
makinig sa iba
3. Sama-samang pagpapasiya - kailangang isaalang-alang ang kabutihang
maidudulot sa nakararami o sa lahat.
4. Sama-samang pagkilos - – mapapadali ang gawain kung may
pagtutulungan.
5. Pagsuporta - pinansyal, moral o pagbibigay ng buong husay at talento na
nangggagaling sa puso.
Ang pakikilahok ay isang patuloy na proseso hangga’t kaya mo at mayroong
kang kayang gawin para sa ikabubuti ng iyong lipunan, kailangan mong makilahok
sapagkat mula dito nabibigyang saysay ang iyong pagiging tao na nilikha ayon sa
wangis ng Diyos. Sa pamamagitan ng pakikilahok, ang tao ay nagiging mapanagutan
hindi lamang sa kanyang sarili kundi pati na rin sa kanyang kapwa. Maipapakita ito sa
pamamagitan ng:
• Paggalang sa makatarungang batas
• Pagsisikap na maging masigasig sa tungkulin tulad ng pagtataguyod ng
maayos na pamilya at pagiging tapat sa gawain.
5
Bolunterismo
Ito ay isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa
at sa lipunan. Ito ay pagbibigay ng sarili na hindi naghahangad ng anumang kapalit.
(Hal: kawanggawa, bayanihan). Naiaangat ang pagkatao ng tao at nagiging
mapanagutan siya sa kanyang lipunan na nagiging daan tungo sa kabutihang
panlahat.
Mga Benepisyo ng Bolunterismo
1. Nagkakaroon ng kasiyahan ang isang tao kapag siya ay naglilingkod.
2. Nagkakaroon siya ng personal na paglago.
3. Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan.
4. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at relasyon sa iba.
5. Nagkakaroon siya ng panahon na higit na makilala hindi lamang ang iba
kundi pati na ang kanyang sarili.
Pagkakaiba ng Pakikilahok at Bolunterismo
Sa pakikilahok, nagiging konsiderasyon ang personal na interes o tungkulin.
Kailangan mong gawin dahil kung hindi, may mawawala sa iyo.
Sa bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na
hindi mo tinulungan. Kung ikaw man ay managot, ikaw ay mananagot sa iyong
konsensya sapagat hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong kapwa. Hindi lahat
ng pakikilahok ay may aspekto ng bolunterismo pero lahat ng bolunterismo ay may
aspekto ng pakikilahok.
Pagyamanin
6
Ang tunay na magic sa kuwentong ito ay wala sa pagsasagawa ni Kevin
ng iba’t-ibang trick kundi sa kaniyang pagiging sensitibo at mapagbigay sa
pangangailangan ng kaniyang kapwa. (Melannie Svoboda, Seeking the Holy in
All Things, pp 97-98)
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong damdamin pagkatapos basahin ang kwento? Ano ang sinasabi nito
sa iyo bilang panlipunang nilalang?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. Ano ang tawag sa ginawang pagtulong ni Kevin Kaplowitz? Ipaliwanag ang
pagkakaunawa mo rito.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
3. Ano ang kaniyang talentong taglay? Paano niya ito ginamit nang makabuluhan?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
4. Anong karanasan ang nakaimpluwensiya sa kaniya na nag-
udyok upang tumulong sa kapwa?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
5. Mayroon na bang ginawang tulad ng ginawa ni Kevin Kaplowitz? Ano ang maaari
mong simulant gamit ang iyong talento?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
Isaisip
Isagawa
Panuto: TAMA o MALI. Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay
nagsasaad ng wastong diwa. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
_______ 1. Ang tao ay may kapwa sapagkat siya ay mabubuhay na mag-isa.
_______ 2. Ang tao ay binubuo ng lipunan at binubuo niya ang lipunan ayon kay
Max Scheler.
_______ 3. Hindi lahat ng tao ay may dignidad.
_______ 4. Mahalaga ang pakikilahok sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
_______ 5. May pagkakaiba ng pakikilahok sa bolunterismo.
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Ito ang antas ng pakikilahok ng kung saan kinakailangan mong makinig sa opinion
o ideya ng iba na maaaring makatulong sa isang proyekto o gawain.
A. Konsultasyon C. Sama-samang pagpapasya
B. Impormasyon D. Sama-samang pagkilos
2. Isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at sa
lipunan. Ito ay pagbibigay sa sarili na hindi naghahangad ng anumang kapalit.
A. Paggalang sa batas C. Pakikilahok
B. Bolunterismo D. Paggalang sa indibidwal
3. Ang bolunterismo ay maihalintulad sa sumusunod maliban sa?
A. Konsensya C. Bayanihan
B. Bahaginan D. Kawanggawa
4. Kadalasan tuwing may kalamidad o sakuna, likas sa ating mga Pilipino ang mag-
alay ng ating panahon, sarili at yaman para sa iba. Anong pagpapahalaga ang
ipinapakita natin?
A. Kabayanihan C. Pagmamalasakit
B. Kasipagan D. Pagmamahal sa kapwa
5. Ano ang makakamit ng ating bayan kung ang bawat isa ay magsasagawa ng
pakikilahok at bolunterismo?
A. Pagtaguyod ng Pananagutan C. Pagkakaisa
B. Kabutihang Panlahat D. Pag-unlad
6. Tungkulin na kailangan maisakatuparan ng lahat ng may kamalayan at
pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
A. Pakikilahok C. Bolunterismo
B. Pagmamahal D. Bayanihan
7. Pagbibigay ng sarili ng walang hinihintay na kapalit.
A. Pakikilahok C. Bolunterismo
B. Pagmamahal D. Bayanihan
8. Ito ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at
paggalang mula sa kanyang kapwa.
A. Pakikilahok C. Bolunterismo
B. Dignidad D. Pananagutan
8
9
10
Division of Negros Oriental ESP DLP Iintiated
Philippines 1600
Unang Edisyon, 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City
Sheryll T. Gayola et.al, 2015, Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasiyam na Baitang,
Aklat:
Sanggunian
Tuklasin
Isagawa
1. MALI Ang sagot ay maaaring
2. MALI magkaiba-iba.
3. MALI
4. TAMA Pagyamanin
Ang sagot ay maaaring
5. TAMA
magkaiba-iba.
Tayahin
1. A Subukin
2. B
3. A 1. B
4. D 2. B
5. B 3. C
6. A 4. B
7. C 5. A
8. B 6. C
9. D 7. C
10. B 8. D
9. B
Karagdagang Gawain 10. B
Ang sagot ay maaaring magkaiba-iba.
Susi sa Pagwawasto