You are on page 1of 17

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan- Modyul 4:
Kagalingan sa Paggawa
(Linggo: Ikaapat)

NegOr_Q3_EsP9_Modyul4_v2
Edukasyong Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Kagalingan sa Paggawa
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Kathleen B. Emia
Editor: Anna Mae I. Tejada
Tagasuri: Anna Mae I. Tejada | Amancio M. Gainsan Jr.
Tagaguhit: Trisha Arella
Tagalapat: Anna Mae I. Tejada
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kagalingan sa Paggawa!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Kagalingan sa Paggawa!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Kagalingan sa Paggawa

Alamin

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


Naipaliliwanag na kailangan ang kagalingan sa paggawa at paglilingkod na may
wastong pamamahala sa oras upang maiangat ang sarili , mapaunlad ang
ekonomiya ng bansa at mapasalamatan ang Diyos sa mga talentong Kanyang
kaloob. (EsP9KP-IIIh-10.3)

Nakapagtapos ng isang gawain o produkto na mayroong kalidad o kagalingan


sa paggawa. (EsP9KP-IIIh-10.4)

Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-


unawa:

Kaalaman: Naipaliliwanag ang kahalagahan ng produkto o gawaing naisagawa.

Saykomotor: Nakapagtapos ng isang gawain o produkto na may kalidad o kagalingan.

Apektiv: Nakakilala at mapasalamatan ang Diyos sa mga talentong kanyang kaloob.

1 NegOr_Q3_EsP9_Modyul4_v2
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem sa bawat bilang. Piliin ang pinakaangkop
na sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.

1. Hindi natapos ni Baldo ang kaniyang kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Sa kabila
nito siya ay matagumpay dahil sa negosyong kaniyang itinayo at pinaunlad. Naging
madali ito para sa kaniya dahil ito ay ayon sa kaniyang gusto at hilig. Ano ang
katangian ang mayroon si Baldo?
A. Masipag, madiskarte, at matalino
B. May pananampalataya, malikhain, may disiplina sa sarili
C. Maganda ang relasyon niya sa Diyos, may pagpapahalaga sa sarili, kapuwa at
bansa.
D. May angking kasipagan, pagpupunyagi, at tiwala sa sarili
2. Bata pa lang si Juan Daniel, pinapangarap na niyang maging isang guro tulad ng
kaniyang mga magulang. Alin sa sumusunod and dapat niyang isaalang-alang
upang maging madali sa kaniya na upang maabot ang pangarap at sa huli’y
magkaroon ng kagalingan sa paggawa?
A. Maging masipag, mapagpunyagi, at magkaroon ng disiplina sa sarili
B. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera at paraan ng
paggastos
C. Maging matalino, marunong magdala ng damit, magaling nmakipag-usap
D. Magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
3. Alin ang hindi nagpapakita ng katangiang Patuloy na Pagkatuto gamit ang Panlabas
na Pandama?
A. Laging nakikinig sa iba’t ibang instrumenting pangmusika si Roberto del
Rosaryo, imbentor ng karaoke
B. Gumugugol na maraming oras si Leonard de Vinci upang pagmasdan ang
mga Ibong lumilipad at hugis ng bulaklak at dahon.
C. Pinauunlad ng mga magsasakang Hapones ang pagtatanim ng maraming
puno sa tabi ng palaisdaan dahil nahinuha nila ang kaugnayan ng malusog na
isda sa malusog na ecosystem.
D. Inoobserbahan ng mga scientist ng maraming oras ang kanialng specimen
bago bumuo ng konklusyon tungkol dito.
4. Isang Pilipino ang nakaimbento ng Videoke.
A. Sandy Javier C. Angel Alcala
B. Roberto del Rosario D. Rafael Guerrero
5. Isang Amerikanong imbentor. Siya ang nakaimbento ng Electric Bulb.
A. Thomas Edison C. Max Scheler
B. Leonardo de Vinci D. John F. Kennedy
6. Ito Ay ang pagkakaroon ng kasiyahan sa paggawa.
A. Tiyaga C. Masigasig
B. Malikhain D. Disiplina
7. Ang _______ ay pinapaguran para kitain ito kaya kailangan na gamitin ito sa tama
upang huwag itong mawala.

2 NegOr_Q3_EsP9_Modyul4_v2
A. Kayamanan C. Pera
B. Pag-iimpok D. Materyal na bagay
8. Maganda ang pagkakagawa ng pamilya ni Suzanne sa mga bag na yari sa tetra
pack juice. Mabili ang mga ito lalo na iyong may iba’t iabg kulay at disenyo. Alin
sa sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay o nagpapakitan sa kagalingan
ng tao sa paggawa?
A. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kaniyang mga kakayahan
B. Nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kaniyang pamumuhay
C. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sama sa mithiin ng lipunan
D. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay.
9. Ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain nang walang
pagmamadali at buong pagpapaubaya.
A. Pagsisikap C. Kasipagan
B. Pagtiyaga D. Pagkatamad
10. Ang kagalingan sa paggawa ay naisasabuhay kung taglayin mo ang mga
sumusunod maliban sa:
A. Pagkatuto bago ang paggawa
B. Pagkatuto kahit walang gumagabay
C. Pagkatuto pagkatapos gawin ang isang gawain
D. Pagkatuto habang gumagawa

Balikan

Panuto:
A. IKONEK MO gawin sa iyong kuwaderno.

Ano-anong mga katangian sa paggawa ang dapat kung


taglayin upang ang isang gawain o produkto ay may kalidad o
kagalingan.
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________

Ano ang kailangan ko pang


malinang_______________________
________________________________________

Paano ko maisabuhay ito__________


___________________________________________
___________________________________________

3 NegOr_Q3_EsP9_Modyul4_v2
Tuklasin

Panuto:

1. Basahin at unawaing mabuti ang mensahe ng maikling kuwento tungkol sa


Pagiging Palatanong (Curiosita) ni Johnlu Koa na hango sa aklat Edukasyon sa
Pagpapakatao 9 Modyul sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015

Sa pamamasyal ni Johnlu Koa sa ibang bansa, napansin niya na kakaiba ang mga
tindang tinapay sa isang restaurant na pinuntahan nila. Nagtanong-tanong si G. Koa
kung paano ito ginagawa, ano-ano ang sangkap nito, ang paraan ng pagluto nito at
marami pang iba. Ang mga nakalap na impormasyon ang nagbigay-daan sa kaniya
upang dalhin ito sa ating bansa. Ito ang simula ng pagkakatayo ng “French Baker.”
Noong 1989, binuksa ni G. Koa ang kauna-unang sangay ng French Baker sa SM
North Edsa at nagsimulang magtinda ng iba’t ibang klase ng tinapay sa mababang
halaga.

2. Sagutin ang mga tanong:


a. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili pagkatapos mong mabasa ang maikling
kuwento? Ipaliwanag.
b. Bakit mahalagang isaalang- alang katangian sa paggawa? Patunayan.
c. Paano makatutulong ang kagalingan sa paggawa sa pagkamit ng kabutihang
panlahat? Patunayan.

Suriin

Katarungang Panlipunan
Ang pagsasagawa ng isang gawain o paglikha ng produkto ay nangangailangan ng
sapat na kasanayan at ang angking kahusayan. Hindi sapat ang lakas ng katawan at
layunin sa paggawa. May mga particular na kakayahan at kasanayan na kailangan sa
paggawa. Ang pagkakaroon ng propesyon o kursong natapos ay isang salik na dapat
isaalang-alang, ngunit hindi lang ito ang kailangan upang makagawa ng isang
produkto o gawaing mag-aangat sa iyo bilang tao.

Ayon sa Laborem Exercens, ang paggawa ay mabuti sa tao dahil sa pamamagitan


nito naisakatuparan niya ang kaniyang tungkulin sa sarili, kapuwa at sa Diyos. Ang
kagustuhang maisabuhay ang layuning ito ang nagtutulak sa kaniya upang
magkaroon ng kagalingan sa paggawa.

4 NegOr_Q3_EsP9_Modyul4_v2
Ang kagalingan sa paggawa ay naisasabuhay kung taglayin mo ang sumusunod na
katangian:

(1) nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga


(2) pagtataglay ng positibong kakayahan
(3) nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos

Ang isang matagumpay na tao ay may mga pagpapahalagang humuhubog sa


kaniya upang harapin ang anumang pagsubok na pagdaraanan sa pagkamit ng
mithiin. Ang mga pagpapahalagang ito ang nagsisilbing gabay niya upang gumawa
ng kakaibang produkto o serbisyo na may kalidad. Ang mga produktong kaniyang
lilikhain ay bunga ng kasipagan, tiyaga,pagiging masigasig, pagkamalikhain, at
pagkakaroon ng disiplina sa sarili.

A. Kasipagan. Ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain


nang buong puso at may malinaw na layunin sa paggawa. Ang produkto o gawaing
likha ng isang taong masipag ay bunga ng kahusayan at buong pagmamahal na
ginagawa. Dahil dito ang nagiging resulta ng kaniyang pagsasagawa ng gawain ay
maayos, kahanga-hanga at kapuri- puri, May kagalingan ang produkto o Gawain o
ang paggawa sa kabuuan kung ito ay bunga ng pagmamahal at pagkagustong gawin
ito nang buong
husay.
B. Tiyaga. Ito ay ang pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa
kaniyang paligid. Isinasantabi ng taong may tiyaga ang mga kaisipang
makahahadlang sa paggawa ng isang produkto o gawain tulad ng: pagrereklamo,
pagkukumpara ng Gawain sa likha ng iba, at pag-iisip ng mga dahilan upang hindi
isagawa ang gawain. Ang likhang taong may kagalingan sa paggawa ay bunga ng
inspirason, turo at gabay na kaniyang nakukuha sa ibang tao.
C. Masigasig. Ito ay ang pagkakataon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang
nararamdaman sa paggawa ng gawain o produkto. Ang atensiyon o oras niya ay
nakatuon lamang sa produkto o gawaing kaniyang lilikhain. Sa pamamagitan nito
madali siyang nakatapos ng produkto at Gawain nang hindi nakakraramdam nang
anumang pagod o pagkabagot.
D. Malikhain. Ang produkto o gawaing lilikhain ay bunga ng mayamang pag-iisip at
hindi ng panggagaya o pangongopya ng gawa ng iba. Dapat ay orihinal, bago, at
kakaiba ang produkto. Gayundin sa pagbibigay ng serbisyo o iba pang gawain, hindi
kailangang katulad ito ng iba o nang nakararami. Madaling nakikilala at natatanggap
ang isang produkto o serbisyo kapag bago ito sa panlasa ng tao. Kung sakaling may
ginaya o kinopya sa anumang likha, kailangang mas higit na mabuti at katanggap-
tanggap ito.
E. Disiplina sa sarili. Ang taong may disiplina sa sarili ay alam ang hangganan ng
kaniyang ginagawa at mayroong paggalang sa ibang tao. Maari niyang isantabi ang
pansariling kaligayaha para sa kapakanan ng ibang tao. Ang kagalingan ng Gawain o
produkto ng taong may disiplina sa sarili ay para sa ikabubuti ng lahat.

5 NegOr_Q3_EsP9_Modyul4_v2
Pagyamanin

Panuto: Suriin ang kahalagahan ng pagiging malikhain gamit ang iba’t ibang
pagpapahalaga. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno, gamit ang sumusunod na
gabay na tanong:

a. Ano- anong pagpapahalaga sa paggawa ang taglay mo nan a kailangan mo pang


malinang?
b. Ano-anong hakbang ang iyong gagawin upang maisabuhay ang mga ito?

Isaisip

Panuto: Sumulat ng pagninilay sa kuwaderno sa paksa gabay ang talahanayan sa


Ibaba.

Ano-ano ang konsepto at Ano ang aking Ano-anong hakbang ang


kaalaman na pumupukaw pagkaunawa at aking gagawin upang
sa akin? realisasyon sa bawat mailapat ang mga pang-
konsepto at kaalamang unawa at realisasyong ito
ito? sa aking buhay?

Isagawa

Panuto:

1. Iguhit gamit ang short bond paper at idikit sa iyong kuwaderno .Gamit ang iyong
malikhaing pag-iisip, dugtungan ang mga guhit sa loob ng mga kahon upang makabuo
ng isang larawan ng kahit na anong bagay. Ano kaya ang mabubuo mo? Kulayan at
gawing kaaya- aya. Gawin ito ng buong husay. Gawin ito sa kuwaderno.

6 NegOr_Q3_EsP9_Modyul4_v2
2. Sagutin ang mga katanungan:
a. Nahirapan ka bang dugtungan ang mga guhit at makalikha ng kakaibang larawan?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
b. Ano-anong larawan ang naiguhit mo?
c. Naniniwala ka bang ito ay bunga ng iyong pagkamalikhain? Ipaliwanag ayon sa
iyong pagkaunawa ng katangian ng pagkamalikhain.

Rubric para sa paraan ng pag drawing

5 3 1
Pagkakabuo Angkop at wasto May iilang pagbuo Walang
ang mga pagbuo ng larawan.ginamit kaugnayan at
ng larawan. na hindi angkop at hindi wasto ang
wasto mga pagbuo ng
larawan.ginamit.
Nilalaman Mabisang Hindi gaanong Hindi naipahayag
naipahayag ang naipahayag ng nang mabisa ang
pagbuo ng mabisa ang pagbuo ng
larawan. pagbuo ng larawan.
larawan.

7 NegOr_Q3_EsP9_Modyul4_v2
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem sa bawat bilang. Piliin ang pinakaangkop
na sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.

1. Mula sa saknong ng isang tula, ”Marami ang nagtuturing na mahirap daw itong
buhay, Araw-araw ay paggawang tila rin walang humpay; Datapuwat isang pantas
ang
nagbadya at nagsaysay; Tagumpay ay nakakamit kapag tao ay masikhay.”
A. Mahirap ang buhay kaya’t ang tao ay kinakailangan na magtiis.
B. Kahit mahirap ang buhay ang tao ay dapat na maging marangal.
C. Sa kabila ng kahirapan, ang tao ay kinakailangan na maging masipag.
D. Mahirap man ang buhay ang tao ay hindi dapat mawalan ng pag-asa.
2. Ito ang yugto ng pagkilala sa iba’t ibang istratehiyang maaaring gamitin.
A. Pagkatuto Habang Ginagawa
B. Pagkatuto Pagkatapos Gawin ang isang bagay
C. Pagkatuto Bago ang Paggawa
D. Pagkatuto ng istratehiya
3. Tumutukoy ito sa yugto ng paggawa ng plano na gabay sa pagbuo ng isang gawain
o
produkto
A. Pagkatuto Habang Ginagawa
B. Pagkatuto Pagkatapos Gawin ang isang bagay
C. Pagkatuto Bago ang Paggawa
D. Pagkatuto ng istratehiya
4. Ito ay tumutukoy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kaniyang paligid.
A. Masipag C. Tiyaga
B. Malikhain D. Kasipagan
5. Tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain nang buong puso.
A. Masipag C. Tiyaga
B. Malikhain D. Kasipagan

Karagdagang
Gawain

Panuto: Gumawa ng isang liham ng pasasalamat sa Diyos sa talento, kakayahan,


at biyayang ipinagkaloob Niya na makatutulonhg upang magtagumpay sa
buhay para sa sarili, pamilya, at sa bansa, Isulat sa short bond paper at
idikit sa kuwaderno.

NegOr_Q3_EsP9_Modyul4_v2
8
Rubric para sa Liham Pasasalamat

Kraytirya Di- Kahanga- Katanggap- Pagtatangka


Pangkaraniwan hanga tanggap
4 2 1
3
Paksa Angkop na May May maliit na Walang
angkop at kaugnayan sa kaugnayan kaugnayan
eksakto ang paksa
kaugnayan sa
paksa
Pagkamalikhain Gumagamit ng Gumamit ng Makulay subalit Hindi makulay
maraming kulay kulay at iilang hindi tiyak ang
at kagamitan na kagamitan na kaugnayan
may kaugnayan may
sa paksa kaugnayan sa
paksa
Kalidad ng Makapukaw Makatawag Pansinin ngunit Di-pansinin, di-
ginawa interes at pansin di makapukaw makapukaw ng
tumitimo sa isipan interes at isipan
isipan
Kalinisan Maganda, Malinis Ginawa ng Inapura ang
malinis at apurahan paggawa at
kahanga-hanga ngunit di- marumi
ang pagkagawa marumi

9 NegOr_Q3_EsP9_Modyul4_v2
Susi sa
Pagwawasto
Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba.
Karagdagang Gawain
Ang sagot ay maaring magkaiba-iba
Pagyamanin
Ang sagot ay maaaring magkaiba-iba
Tuklasin

5. D 5. A 10. B
4. C 4. B 9. C
3. C 3. C 8. A
2. A 2. A 7. C
Sanggunian
1. C 1. D 6. C
Tayahin (Pangwakas na Pagtataya) Subukin (Panimulang Pagtataya)

Sanggunian

Sheryll T. Gayola et.al, 2015, Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasiyam na Baitang,


Unang Edisyon, 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600

Division of Negros Oriental ESP DLP Initiated

NegOr_Q3_EsP9_Modyul4_v2
10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like