You are on page 1of 17

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan- Modyul 7:
Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid,
at Wastong Pamamahala sa Naimpok
(Linggo: Ikapito)

NegOr_Q3_EsP9_Modyul7_v2
Edukasyong Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 7: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid, at Wastong
Pamamahala sa Naimpok
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Kathleen B. Emia
Editor: Anna Mae I. Tejada Amancio M. Gainsan Jr.
Tagasuri: Anna Mae I. Tejada | Amancio M. Gainsan Jr.
Tagaguhit: Trisha Arella
Tagalapat: Anna Mae I. Tejada
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kasipagan, Pagpupunyagi,
Pagtitipid, at Wastong Pamamahala sa Naimpok!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid, at Wastong
Pamamahala sa Naimpok!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid, at Wastong
Pamamahala sa Naimpok

Alamin

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


Napapatunayan na ang mga hirap, pagod at pagdurusa ay nadadaig ng pagpupunyagi tungo
sa pagtupad ng itinakdang mithiin (EsP9KP-IIIb-11.3)
Nakagagawa ng chart ng pagsunod sa hakbang upang matupad ang itinakdang gawain nang
may kasipagan at pagpupunyagi (EsPKP-IIIb-11.4)

Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-


unawa:

Kaalaman: Nakikilala ang mga indikasyon ng taong masipag at mayroong


papupunyagi sa paggawa.

Saykomotor: Nakagagawa ng chart sa pagsasagawa ng itinakdang gawain na may


kasipagan at pagpupunyagi.

Apektiv: Napapahalagahan nang boung puso ang mga indikasyon ng taong


masipag at mayroong pagpupunyagi sa paggawa ng itinakdang panahon

panahon.

1 NegOr_Q3_EsP9_Modyul7_v2
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem sa bawat bilang. Piliin ang pinakaangkop
na sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.

1. Ano ang kahulugan ng kasipagan?


A. Tumutulong sa tao upang mapaunlad ang kanyang pagkatao.
B. Umiiwas sa anumang gawain
C. Gawain upang gumanda ang buhay
D. Ito ay pumipigil sa isang tao upang siya ay magtagumpay.
2. Bakit maraming tao na matapos kumita at magkaroon ng maraming pera dahil
sa kanilang kasipagan at pagpupunyagi ay nabalewala lamang pagdating ng
panahon?
A. Naging matipid sila
B. Naging simple ang pamumuhay
C. Naging maaksaya sa kanilang buhay.
D. Naging praktikal sila
3. Ito ay sa kabila ng mga balakid at mga problema na kaniyang susuungin ay
hindi siya dapat panghinaan ng loob bagkus kinakailangan na magpatuloy at
maging matatag.
A. Kasipagan C. Pagtitipid
B. Pagpupunyagi D. Pagkakawanggawa
4. Ito ay kakambal ng pagbibigay.
A. Kasipagan C. Pagtitipid
B. Pagpupunyagi D. Pagkakawanggawa
5. Tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong
kalidad.
A. Kasipagan C. Pagtitipid
B. Pagpupunyagi D. Pagkakawanggawa
6. Ang _____ ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho. Ito ang
pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
A. Pagtitimpi C. Suliranin
B. Pagsuko D. Katamaran
7. Ang pasuko ay karuwagan.
A. Mali, dahil matapang tayo C. Mali, dapat ipakita ang kasipagan
B. Tama, hindi dapat sumuko D. Tama, tayo ay magtagumpay
8. Isang Americanong imbentor. Siya ang nakaimbento ng electric light bulb.
A. Thomas Edison C. Gennett Roselle
B. Leonardo da Vinci D. Manuel Dy
9. Ito ang nagiging motibasyon ng iba. Ang mag-impok para sa _____ na
mabigyan ng magandang edukasyon ang mga anak, magkaroon ng sariling
buhay, at magkaroon ng maayos na pamumuhay.
A. Pagreretiro C.Hangarin sa buhay
B. Proteksiyon sa buhay D. Kalamidad
10. Maraming hindi inaasahan na maaring mangyari sa buhay ng tao tulad lamang
ng pagkakasakit, kalamidad, pagkawala ng trabaho o pagkabaldado.Kung sa

2 NegOr_Q3_EsP9_Modyul7_v2
hindi inaasahang pagkakataon ay mangyayari ito, Ano ang dapat paghandaan
ng tao?
A. Pagreretiro C.Hangarin sa buhay
B. Proteksiyon sa buhay D. Kalamidad

Balikan

Panuto:

Panuto:
1. Tingnan ang kahon sa ibaba. Lagyan ng tsek ( / ) ang kolum kung ito ay iyong
Naipamalas at ekis ( x ) kung hindi. Kopyahin ang chart at isulat sa kuwaderno
ang iyong sagot.

Sitwasyon Naipamalas Hindi Naipamalas


1. Tiniyak na magiging
maayos ang
kalabasan
ng gawain.
2. Ibinibigay ang buong
kakayahan, lakas at
panahon sa gawain
nang
buong husay.
3. Naglalakad imbis na
sumasakay kung
malapit
ang pupuntahan.
4. Hindi sumusuko
hanggat
hindi natatapos ang
gawain.
5. Hindi na kailangan na
utusan pagdating sa
gawain sapagkat
mayroong pagkukusa.

2. Sagutin ang sumusunod na tanong sa kuwaderno.


a. Ano-ano ang indikasyon ng taong masipag, mayroong pagpupunyagi, at
marunong
magtipid?
b. Sa iyong palagay tinatagkay mo ba ang mga iyan? Pangatwiran.
c. Ano ang kaugnayan ng mga ito sa paggawa? Ipaliwanag.

3 NegOr_Q3_EsP9_Modyul7_v2
Tuklasin

Panuto:

1. Pagnilayan ang isang awit ng Orient Pearl na may pinamagatang “ Pagsubok” sa


ibaba. Sagutin ang mga tanong at isulat ang iyong mga posibleng sagot sa Iyong
kuwaderno.

Huwag mong isiping ikaw lamang


Ang may madilim na kapalaran
Ika’y hindi tatalikuran
Ng ating Ama na Siyang lumikha
Hindi lang ikaw ang nagdurusa
At hindi lang ikaw ang lumuluha
Pasakit mo’y may katapusan
Kaya mo ‘yan….

Pinagkukunan:
http://www.metrolyrics.com/pagsubok-lyrics-orient-pearl.html

2. Mga Tanong:
a. Ano ang masasabi mo sa awitin? Pangatuwiran.
b. Kung hihimay-himayin mo ang bawat linya nito ano ang kahulugan nito para sa
iyo?
c. Naniniwala kaba na mahirap ang buhay? Ikaw ano ang pananaw mo ukol dito?

Suriin

Kasipagan,
Pagpupunyagi, Pagtitipid,
at Wastong Pamamahala
sa Naimpok
Lahat ng tao ay naghahangad ng magandang buhay. Ito ay hindi lamang para
sa ating sarili, kundi pati na rin sa ating mga minamahal sa buhay. Kung mas maganda

4 NegOr_Q3_EsP9_Modyul7_v2
o magiging sagana ang ating buhay mas magkakaroon pa tayo ng higit na
pagkakataon na makapagbigay o tumulong sa ating kapuwa. Mahalaga sa tao ang
pagkakataon na makapagbigay o tumulong sa kapuwa.
Kahit anong bagay at anumang larangan ang ating gagawin kinakailangan
natin ng Kasipagan.
Mahalaga sa tao ang maging masipag upang siya ay mayroong maabot o
marating na magandang bukas. Kung ikaw ay masipag sa iyong pag-aaral ay
makapagtatapos ka.Kung ang isang empleyado ay masipag siya ay kikita at aasenso.
At kung ang isang nilikha ng Diyos ay masipag na gumawa ng kabutihan makakamit
niya ang buhay na walang hanggan.
Lagi nating tandaan na ang kasipagan sa paggawa nang may kabutihan ang
magpapaunlad sa ating bansa.
Hindi natin dapat taglayin ang katamaran sapagkat ito ay pumapatay sa isang
gawain, hanapbuhay o trabaho. Ang isang taong tamad ay ayaw tumanggap ng
gawain. Hindi pa niya ito nasisimulan ay umaayaw na siya. Palagi niyang
nararamdaman ang kapaguran kahit kaunti pa lamang ang kaniyang nagagawa.
Kadalasan, hindi niya natatapos nang maayos ang isang gawain.
Dapat na puksain natin ang katamaran at huwag itong bigyan ng puwang sa
ating kalooban sapagkat wala itong maidudulot na maganda sa ating kinabukasan.
Tunay ngang bahagi ng tao ang mga pagsubok at problema ngunit ang
mahalaga ay huwag sumuko bagkus kailangan na magpatuloy. Ang pagpapatuloy sa
gawain kahit na ikaw ay nahihirapan, ang pagpapatuloy kahit minsan ikaw ay
nasasaktan o nagdurusa, ang pagpapatuloy kahit maraming natatanggap na mga
puna mula sa iba, at ang pagpapatuloy sa kabila ng matinding pagod at hirap makamit
mo lamang ang iyong minimithi sa buhay ay palatandaan lamang ng Pagpupunyagi.
Ang pagpupunyagi ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang iyong layunin o
mithiin sa buhay. Ito ay may kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis, kasipagan, at
determinasyon.

Bakit maraming mga tao na matapos kumita at magkakaroon ng maraming pera


dahil sa kanilang kasipagan at pagpupunyagi ay nabalewala lamang pagdating ng
panahon? Paano kaya nila ginagamit ang pera na ipinagkatiwala ng Diyos sa kanila?
Mayroong isang ina na sa tuwing papaubos na ang kanilang toothpaste ay
pinipiga pa niya ito nang husto, kumukuha pa siya ng gunting upang hatiin ang tube
ng toothpaste at simutin na maigi ang laman nito. Para sa kaniya kahit kaunti lamang
ang makuha niya dito ay magagamit pa niya ito sa kaniyang pagsisipilyo. Para sa
kaniya, hindi kailngan na punuin ng maraming toothpaste ang haba ng sipilyo, para
lamang makasipilyo. Sa tuwing siya ay pupunta sa palengke ay sinisiguro niya na
umaalis siya ng maaga at siya ay naglalakad lamang imbis na sumasakay ng tricycle
mula sa kanilang bahay. Ayon sa kaniya makatutulong ang paglalakad sa kaniyang
kalusugan at ang pera na dapat sana’y gagamitin niya bilang pamasahe sa tricycle
ay kaniyang itinatabi sa kaniyang lalagyan upang pagdating ng pangangailangan ay
makatulong din ang kaunti niyang naitabi. Sa puntong ito, ipinakita ng isang ina ang
kaniyang pagiging matipid kahit sa pinakamaliit na bagay.

Ang pagtitipid ay kakambal ng pagbibigay. Ito ay isang birtud na nagtuturo sa


tao na hindi lamang mamuhay nang masagana, kundi gamitin ang pagtitipid upang
higit na makapagbigay sa iba. Ang pagtitipid ay hindi paggasta ng pera nang walang
saysay. Sapagkat dapat mong mahalin ang bunga ng iyong ginagawang pagsisikap
at pagtitiyaga.

5 NegOr_Q3_EsP9_Modyul7_v2
Upang lubos mong maunawaan ay narito ang ilang paraan na nagpapakita ng
pagtitipid.

1. Magbaon ng pagkain sa opisina o eskuwela. Mas makakatipid kung magbaon


na lamang ng pagkain kaysa bibili pa sa kantina o kakain sa labas.
2. Matutong maglakad lalo na kung malapit lang ang paroroonan. Maganda itong
ehersisyo at natitipid mo pa ang pamasahe na gagamitin mo.
3. Mas matipid na bumili sa palengke kaysa mga mall. Maaaring hindi gaanong
kombinyente sapagkat mainit at maputik ngunit mas malaki naman ang iyong
matitipid.
4. Gamitin ang load ng cellphone sa mga importanteng bagay lamang.
5. Orasan ang paggamit ng TV, computer, electric fan, at iba pa. Kung hindi
naman ito ginagamit ay patayin mo ang mga ito.
6. Sa pagsisipilyo ay gumamit ng baso. Huwag hayaang tumapon ang tubig
mula sa gripo.
7. Huwag nang bumili ng imported. Marami na tayong produkto ng ating bansa
na pareho lamang ang kalidad tulad ng imported. Kung sa tingin mo ay
mapapamahal ka pa ay mas tangkilikin mo na ang produkto natin.
Nasasayang ang kasipagan at pagpupunyagi ng isang tao kung hindi niya
napapamahalaan nang wasto ang kaniyang mga pinaghirapan. Kaya nga, kung ang
isang tao ay magtitipid ay mapamamahalaan niya nang tama ang kaniyang mga
naimpok. Ang pag-iimpok ay paraan upang makapag save o makapag-ipon ng salapi,
na siyang magagamit sa ating pangangailangan sa takdang panahon.
Bakit kailangan na mag- impok ng pera? Ayon sa Teorya ni Maslow, The
Hierarchy of Needs, ang pera ay makakatulong sa tao na maramdaman ang kanilang
seguradad sa buhay lalo na sa hinaharap. Kung kaya’t dapat pahalagahan ang ating
mga naipon. Sapagkat hindi napupulot ang pera, hindi ito mapipitas sa mga puno, o
di kaya hindi ito nalalaglag mula sa langit. Ang pera ay pinagpapaguran upang kitain
ito. Kaya kinakailangan lamang na gastusin sa tama upang huwag itong mawala. Ayon
sa isang financial expert na si Francisco Colayco, may tatlong dahilan kung bakit
kailangan na mag-impok ng tao.

1. Proteksiyon sa buhay. Maraming mga hindi inaasahan na maaaring mangyari


sa buhay ng tao tulad na lamang ng pagkakasakit, kalamidad, pagkawala ng
trabaho, o pagkabaldado. Kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay mangyari
ito, kailangan na ang tao ay nakahanda at mayroong magagamit na emergency
fund sapagkat kung wala ay mahihirapan siyang makabangon mula dito.
2. Hangarin sa buhay. Ito ang nagiging motibasyon ng iba. Ang mag-impok para
sa hangarin sa buhay na mabigyan ng magandang edukasyon ang mga anak,
ang magkaroon ng sariling bahay, at magkaroon ng maayos na pamumuhay.
Mahalaga na matamo ang mga ito bilang bahagi n gating kaganapan sa buhay.
3. Pagreretiro. Hindi lamang kailangan na mag-impok para sa proteksiyon sa buhay
at sa hangarin sa buhay, mahalagang nag-iipon din para sa pagtanda sapagkat
hindi lahat ng oras ay kakayanin pa ang magtrabaho. Darating din sa kasukdulan
ang buhay ng tao na siya ay magiging matanda at mahina at hindi kakayanin
pa na magbanat ng buto.

6 NegOr_Q3_EsP9_Modyul7_v2
Pagyamanin

Panuto: Sagutin ang mga katanungan.Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno, gamit ang
sumusunod na gabay na tanong:

a. Ano- ano ang mga katangian ng kasipagan?


b. Paano makatulong sa tao ang mga katangian na ito lalo na pagdating sa
trabaho?
c. Ano sa palagay mo ang mangyayari sa tao kung hindi niya pinagsikapan
na linangin ito sa kanyang sarili? Bakit?

Isaisip

Panuto: Sumulat ng pagninilay sa kuwaderno sa paksa gabay ang talahanayan sa


Ibaba.

Ano-ano ang konsepto at Ano ang aking Ano-anong hakbang ang


kaalaman na pumupukaw pagkaunawa at aking gagawin upang
sa akin? realisasyon sa bawat mailapat ang mga pang-
konsepto at kaalamang unawa at realisasyong ito
ito? sa aking buhay?

Isagawa

Panuto:

Gumawa ng Chart na nagpapakita ng pagpupunyagi at kasipagan na naipamalas


mo na sa iyong kapuwa. Gumawa ng hanggang limang sitwasyon Ilagay sa
kuwaderno.

7 NegOr_Q3_EsP9_Modyul7_v2
Halimbawa:

Sitwasyon na nagpapakita ng Naipamalas


Pagpupunyagi at Kasipagan
1. Hindi ako umiiwas sa anumang /
gawain lalo na kung nakaatas ito sa akin
2.

3.

4.

5.

Tayahin

Panuto: Isulat sa kuwaderno ang tamang sagot.

____________1. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.


____________2. Tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na
mayroong kalidad.
____________3. Pagtitiyaga na maabot o makukuha ang iyong layunin o mithiin.

____________4. Pinagpaguran upang kitain ito. Kaya kailangan na gastusin ito sa


tama upang huwag itong mawala.
____________5. Tunay ngang bahagi ng buhay ng tao ang mga pagsubok at
problema ngunit ang mahalaga ay huwag ______ bagkus kailangan
na magpatuloy.

Karagdagang
Gawain

Panuto: Ipaliwanag ang iyong pagkaunawa sa mga sumusunod na pahayag.Isulat sa


iyong kuwaderno ang iyong kasagutan.

Pagkatapos ng ulan ay sisikat ang araw, pagkatapos ng gabi ay darating ang


umaga, at pagkatapos ng hirap ay darating ang ginhawa.

NegOr_Q3_EsP9_Modyul7_v2
8
Rubric para sa karagdagang gawain

Kraytirya Di- Kahanga- Katanggap- Pagtatangka


Pangkaraniwan hanga tanggap
10 3 1
5
Paksa Angkop na May May maliit na Walang
angkop at kaugnayan sa kaugnayan kaugnayan
eksakto ang paksa
kaugnayan sa
paksa
Pagkamalikhain Gumagamit ng Gumamit ng Makulay subalit Hindi makulay
maraming kulay kulay at iilang hindi tiyak ang
at kagamitan na kagamitan na kaugnayan
may kaugnayan may
sa paksa kaugnayan sa
paksa
Kalidad ng Makapukaw Makatawag Pansinin ngunit Di-pansinin, di-
ginawa interes at pansin di makapukaw makapukaw ng
tumitimo sa isipan interes at isipan
isipan
Kalinisan Maganda, Malinis Ginawa ng Inapura ang
malinis at apurahan paggawa at
kahanga-hanga ngunit di- marumi
ang pagkagawa marumi

NegOr_Q3_EsP9_Modyul7_v2
9
NegOr_Q3_EsP9_Modyul7_v2 10
Division of Negros Oriental ESP DLP Initiated
Philippines 1600
Unang Edisyon, 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City
Sheryll T. Gayola et.al, 2015, Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasiyam na Baitang,
Sanggunian
Subukin (Panimulang Pagtataya) Tayahin (Pangwakas na Pagtataya)
1. A 6. D 1. KATAMARAN
2. C 7. B 2. KASIPAGAN
3. B 8. A 3. PAGPUPUNYAGI
4. C 9. C 4. PERA
5. A 10. B 5. SUMUKO
Tuklasin
Ang sagot ay maaaring magkaiba-iba
Pagyamanin
Ang sagot ay maaring magkaiba-iba
Karagdagang Gawain
Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba.
Pagwawasto
Susi sa
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like