You are on page 1of 18

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 4:
Paghubog ng Konsensiya Batay sa Likas
Batas Moral
(Linggo: Ika-Apat)

NegOr_Q1_EsP10_Modyul4_v2
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Paghubog ng Konsensiya Batay sa Likas Batas Moral

Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Amancio M. Gainsan Jr.
Editor: Amancio M. Gainsan Jr.
Tagasuri: Conchita T. Caballes Cita J. Bulangis
Tagaguhit: Edyl Kris B. Ragay
Tagalapat: Amancio M. Gainsan Jr.
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira Nilita L. Ragay

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Paghubog ng Konsensiya
Batay sa Likas Batas Moral

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paghubog ng Konsensiya Batay sa Likas Batas
Moral

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.

iv
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
PAGHUBOG NG KONSENSIYA BATAY SA LIKAS BATAS
MORAL

Alamin

Napatunayan na ang konsinyensiyang nahubog batay sa likas na batas moral ay


nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasiya at pagkilos. EsP10MP-lc-2.3

Nakakagawa ng angkop na kilos upang itama ang mga maling pasyang ginawa
EsP10MP-lc-2.4

Mga Layunin
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,
kakayahan, at pag-unawa:

1. Napapahalagahan ang paggawa ng angkop na kilos upang itama ang mga


maling pasya.
2. Napatitibay ang kawilihan ng paghubog ng konsensiya na nagsilbing gabay
sa tamang pagpapasiya at kilos sa pamamagitan ng pagtataya
3. Nakapapakita ng mga angkop na kilos na siyang magtuturo na itama ang
maling pagpapasya.
4. Nakapagsusuri sa mga angkop na kilos na nagtuturo ng tamang pasya.

NegOr_Q1_EsP10_Modyul4_v2
1
Subukin

Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang mga sagot sa
iyong kuwaderno.

1. Alin sa sumusunod ang tamang gawin?


A. Regular na makipag ugnayan sa Diyos sa takdang oras sa bawat
araw.
B. Mas bigyang pansin ang trabaho
C. Huwag makipag ugnayan sa Diyos
D. Huwag ng baguhin ang nagawang maling pasya.
2. Bakit mahalaga na mahubog ang konsensiya ng tao?
A. Dahil nakatutulong ito sa tao na makilala ang katotohanan.
B. Dahil ito ang nagbibigay lakas ng tao
C. Dahil dito kumukuha ng lakas ang tao
D. Dahil ito ang nag iisang kahinaan ng tao
3. Piliin sa sumusunod kung alin ang tumutulong sa paghubog ng konsensiya
ng tao upang kumiling ito sa mabuti?
A. Matapat at masunuring isagawa ang paghahanap at paggalang sa
katotohanan.
B. Maglaan ng panahon para sa regular na panalangin.
C. Letrang a laman ang tama
D. Letrang a at b ang tama.
4. Bakit mahalagang simulan mula bata pa lamang ang paghubog ng
konsensiya?
A. Upang lumaki siyang matatag.
B. Upang lumaki siyang makapangyarihan sa lahat
C. Upang hindi siya magkamali sa kaniyang paghusga ng mabuti o
masama sa hinaharap
D. Ito ay hindi totoo dahil bata ay wala pang muwang sa mundo.
5. Ano ang layunin sa paghubog ng konsensiya?
A. Upang maging handa sa buhay
B. Magkaroon ng kakayahang magpasya
C. Mahubog ang pagkatao batay sa pagsasabuhay ng mga birtud,
pagpapahalaga at katotohanan
D. Wala sa nabanggit
6. Saan mabuting humingi ng gabay upang mapaunlad ang paghubog ng
konsensiya?
A. Mga taong may kaalaman at nagsasabuhay ng mga
pagpapahalagang moral, may sapat na kakayahan sa proseso ng
paghubog ng konsensiya tulad ng mga magulang at nakatatanda
B. Sa simbahan mula sa mga turo, panulat at magandang halimbawa
ng mga pari, pastor at iba pang namumuno dito
C. Sa Diyos gamit ang kaniyang mga salita at halimbawa
D. Lahat ng nabanggit

2 NegOr_Q1_EsP10_Modyul4_v2
7. Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo at
binigyan ng kakayahan upang malaman kung ano ang mabuti at totoo. Sa
kabila nito, bakit kaya maraming tao ang gumagawa pa rin ng bagay na
masama?
A. Kahit alam na ng tao ang mabuti, pinipili pa rin ng ilan ang masama
B. Higit na madaling gawin ang masamang bagay sa mabuti
C. Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umuusbong na bagong
kultura
D. Hindi tuluy-tuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kaya’t nalilito siya.
8. Bakit hindi inaasahan ang agarang pagbabago ng tao?
A. Sapagkat ang paghubog sa konsensiya ng tao ay isang mabagal na
proseso.
B. Sapagkat ang tao ay tamad
C. Sapagkat an gang tao ay may karapatang pumili kung kailian siya
magbabago.
D. Wala sa nabanggit
9. Alin sa mga sumusunod ang antas ng paghubog ng konsensiya?
A. Ang antas ng likas na pakiramdam at reaksiyon
B. Ang antas ng super ego
C. Konsensiyang moral
D. Lahat ng nabanggit
10. Sa proseso ng paghubog ng konsensiya gamitin nang mapanagutan ang
sumusunod maliban sa:
A. Pamayanan
B. Isip
C. Kilos-loob
D. Puso

Balikan

Magbigay ng dalawang sitwasyon kung saan ikaw ay naipit at kailangan mo


lang na mamili ng isa sa dalawa, ano ang pinili mo at bakit?

Tuklasin

Pag-aralan ang case study sa ibaba. Ano ang iyong gagawin kapag ikaw ay
nahaharap sa ganitong sitwasiyon? Piliin ang iyong gagawin sa apat na pagpipilian
at sagutin ang mga tanong pagkatapos.

Naiwan kang mag-isa sa iyong silid-aralan, may nakita kang pitaka sa ibabaw

3
NegOr_Q1_EsP10_Modyul4_v2
ng mesa. Nang tinignan mo naglalaman ito ng dalawang libong piso. Naroon ang
I.D. ng may ari na isa mong kaklase. May sakit ang tatay mo at kinakapos kayo sa
perang pambili ng kaniyang gamot.

Sa apat na gawain, tukuyin mo kung ito ay tama o mali. Pangatwiranan ang iyong
naging sagot. Isulat ito sa espasyo para sa paliwanag. Gawing gabay ang
ilustrasyon sa ibaba

Hahayaan ko lang ito sa mesa total hindi naman ito sa akin.


( ) TAMA ( ) MALI
Paliwanag ________________________
_________________________________

Ibili ko ito ng gamot para sa tatay ko.


( ) TAMA ( ) MALI
Paliwanag ________________________

_________________________________

Ibibigay ko ito sa kaklase ko na nagmamay-ari nito.


( ) TAMA ( ) MALI
Paliwanag ________________________

_________________________________

Ituturo ko ito kaklase kompara siya ang sasabihing kumuha.


( ) TAMA ( ) MALI
Paliwanag ________________________

_________________________________
NegOr_Q3_EsP10_Modyul4_v2

4
NegOr_Q1_EsP10_Modyul4_v2
Suriin
n

Paano nga ba mahuhubog ang konsensiya ng ato upang kumiling sa mabuti?


1. Matapat at masunuring isagawa ang paghahanap at paggalang sa
katotohanan.
Kung minsan ang tao’y magiging mapursige lamang sa unang
pagkakataon ngunit hindi ito tumatagal. Kailangang sa kaniyang sarili
alam niya kung ano ba ang dapat gawin at wag dadayain ang sarili para
lamang kumiling sa hindi mabuti.
a. Kilalanin at pagnilayan ang mga tunay na pagpapahalagang moral
b. Suriin ang mga sariling hangarin
c. Unawain at pagnilayan ang mga karanasan at hamon sa buhay
d. Alamin at unawain ang mga talakayan tungkol sa mga napapanahong
isyung moral.
2. Maglaan ng panahon para sa regular na panalangin
Hinuhubog natin ang konsensiya kapag nagdarasal tayo. Ang regular
na pakikipag-ugnayan sa Diyos sa takdang oras sa bawat araw na
nakatutulong sa pagpapanatag ng kalooban, paglinaw ng pag-iisip, at
kapayapaan ng puso.

Mga kilos o hakbang ng paghubog ng likas batas moral ayon sa konsensiya.


Ang konsensiya ay isa sa mga kilos ng isip na nag-uutos o naghuhusga sa mabuting
dapat gawin at masamang dapat iwasan. Malaki ang bahaging ginagampanan nito
sa pagsisikap ng tao na makapagpapasya at makakilos nang naaayon sa kabutihan.
Sa ating buhay humaharap tayo sa maraming katanungan gaya ng “ano”, “alin”,
“paano”, at “bakit”. Sa araw-araw nating paggising kailangan tayong gumawa ng
mga pagpapasiya na kung saan nakakaapekto sa ating pagkatao. Kailangang
gumawa tayo ng mga pasya mula sa ating pagkagising sa umaga hanggang sa
pagtulog sa gabi. Ang konsensiya ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad
na gumagabay sa ating pamumuhay tungo sa kabutihan.

5
Maroong mga antas sa paghubog ng konsensiya, una ang antas ng likas na
pakiramdam at reaksiyon. Nagsimula ito sa pagkabata. Dahil hindi sapat ang
kaalaman ng isang bata ukol sa tama at mali, mabuti o masama, umaasa lamang
siya sa mga paalala, paggabay, at pagbabawal ng kaniyang magulang. Dito niya
NegOr_Q1_EsP10_Modyul4_v2
ibinabatay ang kaniyang kilos. Pangalawa, ang antas ng super ego. Habang
lumalaki ang isang bata malaki ang bahaging ginagampanan ng isang taong may
awtoridad sa kaniyang mga pasiya at kilos. Mahalagang simulan mula bata pa
lamang ang paghubog ng konsensiya. Makatutulong ito upang hindi siya magkamali
sa kaniyang paghusga na mabuti o masama sa hinaharap. Kapag natutuhan niyang
tanggapin at isaloob ang mga mabubuting prinsipyo at pagpapahalagang moral mula
sa kaniyang mga magulang. Ito ang simula ng pagkilos ng “Konsensiyang Moral”
ang ikatlong antas ng paghubog ng konsensiya. Ang layunin sa paghubog ng
konsensiya ay mahubog ang pagkatao batay sa pagsasabuhay ng mga birtud,
pagpapahalaga at katotohanan upang matiyak na ang sarili ay magpapasiya at
kikilos batay sa kung ano ang tama at mabuti.

Upang higit na mapaunlad ang paghubog ng konsensiya makakabuti na


humingi ng gabay sa sumusunod:
a. Mga taong may kaalaman sa at nagsasabuhay ng mga pagpapahalagang
moral, may sapat na kakayahan sa proseso ng paghubog ng konsensiya tulad
ng mga magulang at nakatatanda
b. Sa simbahan mula sa mga turo, panulat at magandang halimbawa ng mga
pari, pastor at iba pang namumuno dito.
c. Sa Diyos gamit ang kaniyang mga salita at halimbawa

Sa proseso ng paghubog ng konsensiya gamitin nang mapanagutan


ang sumusunod”
a. Isip. Sa pamamagitan ng pag-aaral, pagkatuto, pagtatanong, pag-alam at
pagkuha ng mga impormasyon, paghingi ng payo, panalangin,
pagkakaroon ng kahandaan na baguhin ang nilalaman ng isip, pagiging
maingat sa pagpapasiya sa kung ano ang pinakamabuting kilos na
nararapat gawin, pag-unawa sa birtud
b. Kilos-loob. Sa pamamagitan ng pagpili, pagpapasiya at pagkilos tungo sa
kabutihan at pagninilay kung ang nabubuong pagkatao sa sarili ay
patungo sa paglinang ng pagka-personalidad.
c. Puso. Pananalangin, pagkakaroon ng mas malalim na kakayahan sa
pagkilala ng mabuti laban sa masama, kahandaan na mas piliin ang
mabuti.
d. Kamay. Palaging isakilos ang ginawang pagkiling o pagpili sa mabuti,
pagkakaroon ng pananagutan sa anumang kilos, pagsasabuhay ng mga
birtud at pagpapahalaga, pakikihalubilo sa mga taong tunay na susuporta
sa paghubog ng mga moral na pagpapahalaga.

6
Pagyamanin
NegOr_Q1_EsP10_Modyul4_v2

Kompletohin ang kahon sa ibaba, at sagutin ang mga katanungan.

Petsa/araw Pasiya at kilos na Mabuti o Mga angkop na


ginawa masama? hakbang na dapat
gawin upang
mabago at
mapaunlad ang
mga masasamang
pasiya at kilos
Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

Linggo

1. Ano ang mga mahahalagang pasiya at kilos na nagawa?

2. Alin sa mga ito ang mabuti? Masama?

3. Ano ang mga hakbang na iyong ginagawa upang mabago at mapaunlad ang
mga masasamang pasiya at kilos?

4. Bakit mahalagang tukuyin ang mga masama at mabuting pasya?

5. Ano ang iyong naging reyalisasyon pagkatapos mong maisagawa ito?

7
NegOr_Q1_EsP10_Modyul4_v2

Isaisip

Napag-alaman ko na ____________________________________.

Napagtanto ko na _______________________________________

Ang aking gagawin ay ___________________________________

8
Gumawa ng sariling sitwasiyon na kung saan ginamit mo ang isip at kilos-loob.
Sundin ang pormat sa kahon

Pamatayan sa Pagmamarka
Nilalaman 5
Organisasyon 3
Wika 2
10

Sitwasiyon Para saan ginamit ang:


1. Isip Kilos-loob

Tayahin
NegOr_Q1_EsP10_Modyul4_v2

A. Suriing mabuti ang bawat pahayag. Lagyan ang patlang ng AK kung nagpapakita ng
angkop na kilos at HA naman kapag hindi angkop.
___.1. Pumunta sa simbahan tuwing Lingo upang ipagdasal ang kanyang kaaway
na magkaroon ng karma.
___2. Nagbabasa ng aklat araw-araw para lalawak ang kanyang kaalaman.
___3. Nakikinig sa payo ng mga magulang at guro.
___4. Tumatalima sa batas na ipinatupad ng pamahalaan.
___5. Umiiwas sa mga tukso at paggawa ng panglalamang sa iba.
___6. Handang tumulong sa mga nangangailangan kahit masakripisyo ang
sariling kapakanan.
___7. Mahalagang sanayin ang sarili na gagawa ng pagpapasiya para sa kabutihan
sa tuwing umaga lamang.
___8. Mahalagang makinig lagi sa payo ng magulang, guro at ,mga
nakakatanda upang mas lalong mahubog ang likas batas moral at
makagagawa ka ng kabutihan.
___9. Tumupad at gumawa ng tungkulin na kaakibat ang pagmamahal
___ 10. Patatagin ang relasyon sa Diyos.

B. Ipaliwanag (10 puntos)

Pamatayan sa Pagmamarka

9
10
Gawain1.Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba.
Pagsusuri: Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba.
Gawain 2. Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba.
Gawain 3. Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba.
Panimulang pagtataya:
Pangwakas na pagtataya:
1. a
1. HK
2. a 2.AK
3. d 3.AK
4. c 4.AK
5. c 5.HK
6. d 6.AK
7. c 7.HK
8. a 8.AK
9. d 9.AK
10. a 10.AK
Ang sagot ay maaring magkaiba-iba
Pagwawasto
Susi sa
NegOr_Q1_EsP10_Modyul4_v2
10
2 Wika
3 Organisasyon
5 Nilalaman
Pamatayan sa Pagmamarka
konsensiya.
Bumuo ng isang awit o tula na nagpapakita sa kahalagahan sa paghubog sa
Gawain
Karagdagang
Ikaw bilang mag-aaral, paano mo sinasanay ang iyong likas batas moral
10
2 Wika
3 Organisasyon
5 Nilalaman
Sanggunian

Mary Jean B. Brinzuela et.al, 2015, Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasampung


Baitang, Unang Edisyon, 5th Floor Mabini Bldg.,DepEd Complex Meralco Avenue,
Pasig City Philippines 1600

Division of Negros Oriental ESP DLP Initiated

NegOr_Q1_EsP10_Modyul4_v2

NegOr_Q3_EsP10_Modyul1_v2

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like