You are on page 1of 16

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 3:
Paghubog ng Konsensiya Batay sa Likas
Batas Moral
(Linggo: Ikatlo)

i
NegOr_Q1_EsP10_Modyul3_v2
Edukasyong Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Paghubog ng Konsensiya Batay sa Likas Batas Moral

Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Amancio M. Gainsan Jr.
Editor: Amancio M. Gainsan Jr.
Tagasuri: Conchita T. Caballes Cita J. Bulangis
Tagaguhit: Edyl Kris B. Ragay
Tagalapat: Amancio M. Gainsan Jr.
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira Nilita L. Ragay

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Paghubog ng
Konsensiya Batay sa Likas Batas Moral
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paghubog ng Konsensiya Batay sa Likas
Batas Moral
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
PAGHUBOG NG KONSENSIYA BATAY SA LIKAS BATAS
MORAL

Alamin

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


Natutukoy ang mga prinsipyo ng likas Batas Moral. EsP10MP-lc-2.1

Nakapagsusuri ng mga pasyang ginagawa sa araw-araw batay sa paghusga ng


konsensiya. EsP10MP-lc-2.2

Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,


kakayahan, at pag-unawa:

1. Naisasabuhay ang mga pasiya na batay sa mga prinsipyo ng likas batas moral
sa pamamagitan ng patuloy ng paggawa ng mabuti at pagpanig sa tama.

2. Nakagagawa ng mga pasiyang ginawa batay sa mga prinsipyo ng likas-batas


moral tulad ng pag-iisip ng kabutihan sa iba bago ang pansariling kapakanan

3. Nasusuri at naipaliliwanag ang mga prinsipyo ng likas-batas moral at


nakapagsisiyasat nang masusi sa mga yugto ng konsensiya.

1 NegOr_Q1_EsP10_Modyul3_v2
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang mga sagot sa
iyong kuwaderno.

1. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay payo sa tao at nag-uutos sa kaniya


sa gitna ng isang moral na pagpapasiya kung paano kumilos sa isang
konkretong sitwasyon?
A. Mga magulang
B. Kapamilya
C. Konsensiya
D. Kaalaman
2. Alin sa mga sumusunod ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad?
A. Mga magulang
B. Kapamilya
C. Konsensiya
D. Kaalaman
3. Ano ang unang prinsipyo ng likas na batas moral?
A. Gawin ang mabuti, iwasan ang masama
B. Gawin ang masama, iwasan ang mabuti
C. Gawin ang masama at mabuti
D. Wala sa mga nabanggit
4. Ano ba ginagawa ng konsensiya sa tao
A. Nagbibigay ng trabaho at pera
B. Nagbibigay ng payo sa tao at nag-uutos sa kaniya sa gitna ng isang
moral na pagpapasiya kung paano kumilos sa isang konkretong
sitwasyon.
C. Nagbibigay kapangayarihan sa tao na mag desisyon para sa sarili
D. Nagbibigay karapatan sa tao na gawin kung ang nanaising gawin nito
5. Ang mga sumusunod ay mga pangalawang prinsipyo ng Likas na Batas Moral
maliban sa:
A. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong
pangalagaan ang ating buhay
B. Kasama ng mga hayop. Likas sa tao ang pagpaparaming uri at papag-
aralin ang mga anak
C. Bilang rasyonal, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang
katotohanan lalo na tungkol sa Diyos at mabuhay sa lipunan
D. Bilang tao na nilikha ng Diyos may puwang ang tao na magkamali dahil
sa pagkakamali mas yumayaman ang kaalaman at karanasan ng tao
6. Ang sumusunod ay katangian ng Likas na Batas Moral maliban sa:
A. Ito ay sukatan ng kilos
B. Ito ay nauunawaan ng kaisipan
C. Ito ay pinalalaganap para sa kabutihang panlahat
D. Ito ay personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao
7. Bakit mahalagang mahubog ang konsensiya ng tao?

2
A. Upang makilala ng tao ang katotohanan na kinakailangan niya upang
magamit niya nang tama ang kaniyang kalayaan.
B. Upang matiyak na hindi na magkakaroon NegOr_Q1_EsP10_Modyul3_v2
ng pagtatalo sa pagitan ng
tama at mali, ng mabuti at masama sa kaniyang isipan.
C. Upang matiyak na palaging ang tamang konsensiya ang gagamit sa
lahat ng pagkakataon
D. Lahat ng nabanggit.
8. Alin sa sumusunod ang yugto ng Konsensiya?
A. Alamin at naisin ang mabuti
B. Ang pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon
C. Paghatol para sa mabuting pasya at kilos
D. Lahat ng nabanggit
9. Kailan nalalapat natin ang ating nalalaman sa mga prinsipyo ng moralidad
upang kilatisin ang mabuti sa isang partikular na sitwasyon.
A. Kapag pinag-aaralan ang sitwasyon, pangangalap ng impormasyon at
pagsangguni na sinusundan ng pagninilay.
B. Kapag naging masaya sa nagawang desisyon sa buhay
C. Kapag naging maingat sa mga ginagawa
D. Wala sa nabanggit

10. Bakit kailangan na pagninilayan ang hatol?


A. Upang matuto tayo sa karanasan
B. Upang maging masaya tayo sa ating nagawa
C. Upang maging mayaman sa buhay
D. Lahat ng nabanggit

Balikan

Magbigay ng limang sitwasyon sa buhay na ginamit mo ang iyong isip at kilos-loob


upang laging manindigan sa katotohanan at pagmamahal?

Tuklasin
sarili
Basahin ang sitwasyon at sagutin ang mga tanong.

Nalalapit na ang markahang pagsusulit sa paaralan nila John nang kausapin siya ng
kaniyang ama. Ayon kay Mang Jun, bibilhin niya ang pinakabagong modelo ng
cellphone na gustong gusto ng kaniyang anak, sa kondisyong makakuha siya ng

NegOr_Q1_EsP10_Modyul3_v2
mataas na marka sa lahat ng asignatura. Magandang motibasyon ito para kay John
na wala sa kaniyang pinag-aralan ang mga tanong sa pagsusulit. Kahit kinakabahan
ay sinimulan niyang sagutin ang mga tanong. Dahil hindi sigurado, makailang beses
siyang tumingin sa sagutang papel ng kaniyang katabi lalo na kapag hindi nakatingin
ang guro. Naisip niya na markahang ito lamang siya nangongopya at hindi na niya
ito uulitin pa. Bukod dito ayaw niyang mawala ang pagkakataonng mapasaya ang
kaniyang ama at magkaroon ng bagong cellphone. Kung ikaw ang nasa kalagayan
ni John, ano ang iyong gagawin?

Unang hakbang _____________________________________________________


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Ikalawang hakbang
____________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Ikatlong hakbang ____________________________________________________


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Ikaapat na hakbang __________________________________________________


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4
Suriin NegOr_Q1_EsP10_Modyul3_v2
n

Sa ating buhay humaharap tayo sa maraming katanungan gaya ng “ano”, “alin”,at


“bakit”. Kailangang gumawa tayo ng mga pasiya mula sa ating pagkagising sa
umaga hanggang sa pagtulog sa gabi. Ilan sa ating mga pasiya ay may kabigatan
dahil nakasalalay sa mga ito ang pagbuo ng ating pagkatao at ang kapakanan ng
kapwa. Ang konsensiya ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad sa
gumagabay sa ating pamumuhay tungo sa kabutihan, Marahil ang pinakatumpak at
pinakasimpleng paliwanag sa konsensiya ay ang praktikal na paghuhusga ng isipan
na magpapasiya na gawin ang mabuti at maiwasan ang masama (Lipio, 2004, ph.2)
Ang konsensiya ang munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo sa tao at
nag-uutos sa kaniya sa gitna ng isang moral na pagpapasiya kung paano kumilos sa
isang kongkretong sitwasyon. Ito’y nagbibigay payo sa tao at nag-uutos sa kaniya sa
gitna ng isang moral na pagpapasiya kung paano kumilos sa isang konkretong
sitwasyon. Naghuhusga sa ating sariling katuwiran sa pamamagitan nito ay nailapat
ng tao ang batas na naitanim sa ating puso. Tumatawag ito sa atin upang gumawa
ng pagpili o pagpasiya. Humuhusga ito kung paano ilalapat ang pangkalahatang
kaalaman na ito sa particular na sitwasyong ating kinakaharap. Gumagabay din ito
kung paano ang mabuting gawain at masamang dapat iwasan.
Inaanyayahan kitang suriin ang isang sitwasyon mula sa aklat ni Felicidad
Lipio (2004 p 3-4). “Gagrahe na sana ang drayber ng taxi na si Mang Tino nang
matuklasan niya na may nakaiwan ng pitaka sa likod ng upuan ng sasakyan niya.
Nang buksan niya ito ay natuklasan niya na marami itong laman; malaking halaga
na maari na niyang gawing puhunan sa negosyo. May nakabukod ding mga papel
na dolyar sa kabilang bulsa ng pitaka. Walang nakakita sa kaniya kaya minabuti niya
na itabi ang pera. “ Malaki ang maitutulong nito sa pamilya ko,” sabi niya sa sarili.
Noong dumating ang gabi ay hindi siya mapakali. Sa kalooban niya
nararamdaman niyang para siyang nalilito. Bago dumating ang umaga, nagbago na
ang isip niya. “hahanapin ko ang may-ari ng pitaka at isasauli ko ito, “ nasabi niya sa
sarili”. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Mang Tino, ano ang gagawin mo?

5
Ang naging dahilan kung bakit hindi mapakali o walang kapayapaan si Mang
Tino ayon kay Lipio dahil sa binagabag siya ng kaniyang konsensiya. Ito ang
nagbibigay-liwanag sa kaniyang isip upang makita ang kaniyang Obligasyong Moral
na maging tapat. Ang konsensiya ay isang natatanging NegOr_Q1_EsP10_Modyul3_v2
kilos pangkaisipan, isang
paghuhusga ng ating sariling katuwiran.

Ang Apat na Yugto ng Konsensiya


a. Alamin at naisin ang mabuti
Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo
b. Ang pagkilatis sa particular na kabutihan sa isang sitwasyon
Gawaing may kaugnayan tulad ng pag-aaral ng sitwasyon,
pangangalap ng impormasyon, pagsangguni na sinusundan ng
pagninilay na naghahatid sa paghatol ng konsensiya.
c. Paghatol para sa mabuting pasya at kilos
Pagnanais sa mabuti at pagkilatis sa particular na kabutihan sa isang
sitwasyon.
d. Pagsusuri ng sarili at pagninilay
Pagninilay sa paghatol upang matuto mula sa ating karanasan.

Ang dalawang Prinsipyo ng Likas na Batas Moral


Una, gawin ang mabuti, iwasan ang masama. Kung mananatiling
matibay na nakakapit ang tao sa unang prinsipyong ito sa proseso ng
paghubog ng kaniyang konsensiya, kailangan na lamang ang pagiging
matatag laban sa pagtatalo ng isipan sa pagitan ng mabuti laban sa masama.

Ang pangalawa ay ang kalikasan ng tao kung saan nahahati sa tatlo


 Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong
pangalagaan ang kaniyang buhay
 Kasama ng mga hayop likas sa tao ang pagpaparami ng uri at pag-
aaralin ang mga anak nito
 Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahilingan ang tao na alamin
ang katotohanan at mabuhay sa lipunan. Sa pamamagitan lamang ng
pagkakaroon ng kaaalaman ganap na mahahanap ng tao ang
katotohanan.

6
Pagyamanin NegOr_Q1_EsP10_Modyul3_v2

Magtala ng tatlong sitwasyon sa iyong buhay na kung saan nakakaranas ka ng krisis


o kahirapan sa pamimili ng tama at mabuting pasya. Bumuo ng mabuting pasya
batay sa mga prinsipyo ng likas batas moral. Gabay ang unang bilang.

Sitwasyon Pasiya
1. Nakakita ng perang nalaglag ng Mas pinili ang isauli sa may-ari
kaniyang kaibigan habang sapagkat masama ang pagkuha ng
naglalakad sa daan. Sa oras na anomang bagay na hindi sa iyo.
yaon ay lubhang kailangan ko ng
pera pambili ng gamot sa inang
maysakit. Alin ang pipiliin, isauli
ang pera sa may-ari o kunin para
pambili ng gamot?
2.

3.

4.

5.

Isaisip

Napag-alaman ko na ____________________________________.
NegOr_Q1_EsP10_Modyul3_v2
7

Napagtanto ko na _______________________________________
Ang aking gagawin ay ___________________________________

Isagawa
Ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan,
Pamatayan sa Pagmamarka
Nilalaman 5
Organisasyon 3
Wika 2
10

1. Ano ang kaugnayan ng konsensiya at likas batas moral?

2. May kaugnayan ba ang dalawang ito? Paano?

3. Ano ang kaugnayan ng konsensiya sa likas batas moral?

4. Ano ang una at ikalawang prinsipyo ng likas batas moral?

Tayahin
NegOr_Q1_EsP10_Modyul3_v2
Mag-isip at bumuo ng mga sitwasyon na kinapapalooban ng pasya sa mga bagay na
lubhang mahirap. Pagkatapos ay tukuyin ang ginagawang pagpapasiya at alamin
kung paano ka ginagabayan ng iyong konsensiya.
Sitwasyon Pasya Gabay ng pagpasiya

Sagutin ang sumusunod.

8
Pamatayan sa Pagmamarka

Nilalaman 5
Organisasyon 3
Wika 2
10
1. Ano ang Konsensiya? Likas batas moral?

2. Bakit mahalagang hubugin ng tao ang mga ito araw-araw?

Karagdagang
Gawain

Sumulat o magtala ng isang pangyayari sa iyong buhay kung saan naipit kayo sa
dalawang sitwasyon ngunit kailangan mo lang na mamili ng isa sa dalawa.
Pagkatapos isulat ang iyong naging pasiya na inyong ginawa ay nakabatay sa
pagkilos ng konsensiya.

Pamatayan sa Pagmamarka
Nilalaman 5
Organisasyon 3
Wika 2
10
NegOr_Q1_EsP10_Modyul3_v2

Susi sa
Pagwawasto

Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba


10. a
9. a
Pangwakas na pagtataya: 8. d
7. d
Gawain 3. Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba. 6. d
5. d
Gawain 2. Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba.
4. b
3. a
Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba.
9 Pagsusuri: 2. c
1. c
Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba. Panimulang pagtataya:
Gawain1.
Sanggunian
Mary Jean B. Brinzuela et.al, 2015, Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasampung
Baitang, Unang Edisyon, 5th Floor Mabini Bldg.,DepEd Complex Meralco Avenue,
Pasig City Philippines 1600

Division of Negros Oriental ESP DLP Initiated

NegOr_Q1_EsP10_Modyul3_v2

10

You might also like