You are on page 1of 23

9

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Interaksiyon ng
Demand at Suplay
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Interaksiyon ng Demand at Suplay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Charo B. Bon


Editor: Mary Grace C. Dela Cruz
Tagasuri: Elinor Abella, Michelle A. Villajuan, Brian Spencer B. Reyes
Tagaguhit: Ryan Christopher M. Villalon
Tagalapat: Brian Spencer B. Reyes, Heidee F. Ferrer
Tagapamahala: Jenilyn Rose B. Corpuz, CESO VI, SDS
Fredie V. Avendaño, ASDS,
Ebenezer A. Beloy, OIC-CID Chief
Heidee F. Ferrer, EPS – LRMS
Ederlina D. Baleṅa, EPS - AP

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon


Kagawaran ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
9
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Interaksiyon ng
Demand at Suplay

1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa araling Interaksiyon ng Demand at Suplay!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Interaksiyon ng Demand at Suplay!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw,
bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na
kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa
iyong sarili o sa iyong mga kamay.

2
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

3
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang
Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
Susi sa Pagwawasto ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi
ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong
mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang
hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

4
Alamin:
YUNIT 1- MGA SALIGAN SA PAG-AARAL NG EKONOMIKS

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay magkaroon ng


lubos na pag-unawa sa mga paksang tatalakayin,
mabuksan ang iyong kritikal at mapanuring isipan at
mahasa ang kakayahan at kasanayang magpasya
sa mga gawaing inihanda sa mga pagsubok sa
kaalaman sa bawat pagtatapos ng pagtalakay sa
bawat aralin.

A. INTRODUKSIYON
Sa modyul na ito na Araling Panlipunan 9 - Ekonomiks tatalakayin natin ang
Maykroekonomiks. Ito ay nakatuon sa mga sumusunod na mga paksa.
1. Interaksiyon ng Demand at Suplay
2. Kakulangan (shortage) at Kalabisan (surplus) sa pamilihan
3. Ang kaganapan at pagbabago sa pamilihan
4. Paraan ng pagtugon sa suliraning dulot ng Kakulangan at
Kalabisan sa pamilihan
B. MGA INAASAHANG MATUTUNAN SA MODYUL
MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO: Naipaliliwanag ang bahaging
ginagampanan ng demand at suplay sa ating ekonomiya.

LAMP CODE: AP9MYKl ld-8 , AP9MYKl le9-lf9 , AP9MYKl lg-10

C. MGA TIYAK NA LAYUNIN:


Pagkatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito inaasahan na iyong:
1. Naipaliliwanag ang interaksyon ng demand at suplay;
2. Natatalakay ang ekwilibriyo at disekwilibriyo sa pamilihan;
3. Nasusuri ang kaugnayan ng presyo sa dami ng demand at suplay;
4. Nasusuri ang mga solusyon sa disekwilibriyo sa pamilihan; at
5. Napahahalagahan ang interaksyon demand at suplay bilang batayan ng
matalinong pagdedesisyon.

1
Subukin:

A. Panuto: Kumpletuhin ang pahayag sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang _________________________ ay nangyayari sa pamilihan kapag ang suplay ay


higit na mas mataas kumpara sa demand ng mga produkto at serbisyo.

2. Sa pamilihan, kapag natutumbasan ng suplay ang demand ay nagkakaroon ng tinatawag


na ____________________________.

3. Ang ________________________ ay nangyayari sa pamilihan kapag ang demand ay higit


na mas mataas sa suplay ng mga produkto at serbisyo.

4. Kapag ang demand at suplay ng produkto at serbisyo sa pamilihan ay hindi magkatugma


nagkakaroon ng________________________ sa pamilihan.

5. Kapag ang kurba ng demand ay tumaas ang kurba nito ay lumilipat papuntang
______________.

6. Kapag ang kurba ng suplay ay bumaba ang kurba nito ay lumilipat papuntang
______________.

7. Ang kalabisan ay matatagpuan sa ______________ ng kurba ng suplay at demand.

8. Ang kakulangan ay matatagpuan sa ______________ ng kurba ng suplay at demand.

9-10. Kapag nagtagpo ang kurba ng suplay at demand makukuha din ang ekwilibriyong

_________________ at ekwilibriyong ___________________.

B. Ilarawan ang kurba sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

11. 12. 13.

14. 15.

2
Aralin Interaksiyon ng
3 Demand at Suplay

Balikan:

Muling balikan ang mga paksang tinalakay natin


sa Suplay. Ating alamin kung natatandaan mo pa
ang mga paksang natalakay sa naunang modyul
sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan
sa ibaba.

A. Tukuyin ang isinasaad ng mga sumusunod na simbolo. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. 6.

2. 7.

3. 8.

4. 9.

5. 10.

11. /e/= 0

12. /eD/ < 1

13. /eD/ > 1

14. /eS/ < 1

15. /eS/ > 1

3
Tuklasin:

Gawain 1 – PABILI PO!


Suriing mabuti ang larawan at sagutin ang mga pamprosesong tanong:
1. Ano ang ipinapakita sa larawan?
2. Naranasan mo na ba ang katulad
ng nasa larawan?
3. Ano ang gampanin ng mga nasa
larawan sa pamilihan?

ARALIN 3 - INTERAKSIYON NG
DEMAND AT SUPLAY SA PAMILIHAN

Napag-aralan natin mula sa nakalipas na talakayan na ang


presyo ay may malaking impluwensiya sa kakayahan ng
mamimili na bumili at sa mga nagbibili na magbenta ng mga
produkto at serbisyo. Kapag ito ay naimpluwensiyahan ng
ibang presyong hindi variable, ang kurba ay maaaring lumipat
sa kanan o kaliwa. Ngayon alamin natin, ano ang maaaring
mangyari kapag nagkaroon ng interaksiyon sa pagitan ng
demand at suplay.

A. INTERAKSIYON NG DEMAND AT SUPLAY


Talahanayan 1
INTERAKSIYON NG DEMAND AT SUPLAY
Interaksiyon Kahulugan Paliwanag
Dami ng Suplay Ayon kay Nicholas Gregory
= Mankiw (2012) sa kaniyang
Dami ng Demand aklat na Essentials of
Economics, ang dami ng suplay
ay kayang tumbasan ang dami
ng demand. Sa puntong ito
kayang tugunan ng mga
Ekwilibriyo
prodyuser ang mga produkto at
serbisyong kaya at handang
bilhin ng mga mamimili.
Samakatwid parehong nakamit
ng prodyuser at konsyumer ang
kasiyahan.

Dami ng Suplay Sa sitwasyong ito, ang dami ng


= suplay ay hindi pantay sa dami
Dami ng Demand Disekwilibriyo ng demand. Maaaring may
kalabisan o kakulangan ng
produkto sa pamilihan.

4
Dami ng Suplay Sa sitwasyong ito, ang dami ng
> suplay ay higit na marami
Dami ng Demand kumpara sa dami ng demand.
Kalabisan o Labis na Suplay
Makikita sa sitwasyon na ito na
(Surplus)
ang suplay sa pamilihan ay
marami ngunit ang
nagdedemand sa produkto ay
kakaunti lamang.
Dami ng Suplay Sa sitwasyong ito, ang dami ng
< demand ay higit na marami
Dami ng Demand kumpara sa dami ng suplay.
Kakulangan o Labis na Demand Makikita sa sitwasyon na ito na
(Shortage) ang suplay sa pamilihan ay
kakaunti lamang ngunit
marami ang nagnanais bumili
ng isang produkto.
B. ANG UGNAYAN NG ISKEDYUL NG DEMAND AT ISKEDYUL NG SUPLAY SA
PAMILIHAN
Talahanayan 2

Makikita natin sa Talahanayan 2, mula sa punto A hanggang F na ang presyo ay tumataas


mula Php12 hanggang Php35. Sa pagtaas ng presyo, ang demand ay bumababa habang ang
suplay ay tumataas. Ngunit mula sa punto F hanggang A, ang presyo naman ay bumababa
mula Php35 hanggang Php12 dahil dito ang demand ay tumataas habang ang suplay naman
ay bumababa. Ito ang tinatawag natin na Batas ng Demand at Batas ng Suplay.
Makikita rin na mula sa puntong A at B na nagkaroon ng kakulangan o labis na demand
(shortage). Ang demand ay higit na mataas kumpara sa suplay.
Sa puntong D,E, at F naman ay nagkaroon ng kalabisan o labis na suplay (surplus). Ang
suplay ay higit na mataas kumpara sa demand. Dahil dito may nagaganap na disekwilibriyo
sa pamilihan.

5
Sa puntong C, makikita na ang demand at suplay ay parehong 20 piraso sa presyong Php20.
Ibig sabihin ang puntong C ay nagpapakita ng ekwilibriyo dahil pantay ang demand at
suplay. Ang 20 piraso ay ang tinatawag na ekwilibriyong dami at ang Php20 ang tinatawag
naman na ekwilibriyong presyo. Ibig sabihin nagkasundo ang prodyuser at konsyumer sa
halagang Php20 para sa daming 20 na gagawin at bibilhing produkto.
Gawain 2- KOMPYUT SURI
Kumpletuhin ang talahanayan. Tuusin kung may kalabisan at kakulangan sa bawat punto,
pagkatapos sagutan ang pamprosesong tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pamprosesong Tanong:
1. Sa anong punto nagkaroon ng mataas na demand?
2. Ano ang ekwilibriyong presyo?
3. Ano ang ekwilibriyong dami?
4. Sa anong punto nagkaroon ng malaking kalabisan?
5. Ano ang pinakamataas na kakulangan?
6. Sa anong punto nakamit ang ekwilibriyo?
7. Ilan ang kakulangan sa presyong 50?
8. Sa anong presyo nagkaroon ng mababang suplay?

Suriin:

C. ANG UGNAYAN NG KURBA NG DEMAND AT KURBA NG SUPLAY SA


PAMILIHAN

Ngayon naman, upang lubos nating maunawaan ang interaksiyon


ng demand at suplay gumamit tayo ng grap sa pagtalakay nito.

Kurba #1

Tandaan:
Ang pababang
kurba ay
kumakatawan sa
demand at ang
kurbang pataas ay
ang suplay

6
Mula sa kurba ng demand at suplay, ang punto C ang
nagpapakita ng punto ng ekwilibriyo, kung saan nagtagpo ang
Quantity Demanded (QD) at ang Quantity Supplied (QS). Ang 20
na dami ang tinatawag na ekwilibriyong dami at ang Php20 naman
ang tinatawag na ekwilibriyong presyo. Mula sa ibaba ng
ekwilibriyo nagkaroon ng kakulangan dahil nang bumaba ang
presyo mas dumami ang nagdedemand kumpara sa nagsusuplay.
Sa itaas naman ng ekwilibriyo ay nagkaroon ng kalabisan dahil sa
pagtaas ng presyo ang suplay ay higit na mataas kumpara sa
demand.

Gawain 3- IKURBA MO
Mula sa Iskedyul sa pamilihan para sa payong na nasa Gawain 2, ay
gumawa ng kurba ukol dito. Ipakita ang ekwilibriyo, ekwilibriyong dami at
ang ekwilibriyong presyo. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa


Interaksiyon ng Demand at Suplay panoorin ang
bidyo sa link na:
https://bit.ly/AP9Q2M3V1- Interaksiyon ng
Demand at Suplay
https://bit.ly/AP9Q2M3V2- Interaksiyon ng Demand
at Suplay

D. UGNAYAN NG EKWASYON NG DEMAND FUNCTION AT SUPPLY FUNCTION

Matapos nating mapag-aralan ang ugnayan ng Demand at


Suplay gamit ang iskedyul at kurba, magtuos naman tayo
upang makuha ang ekwilibriyong dami at presyo gamit ang
demand at supply function.

7
Makikita sa loob ng kahon ang pagtutuos ng ekwilibriyong presyo at dami. Una, pinagsama
ang ekwasyon ng demand at supply function para makuha ang halaga ng P o presyo at ito ang
tinatawag na ekwilibriyong presyo. Matapos makuha ang halaga ng P o presyo ito ay ipapalit o
ihahalili sa P na nasa ikalawang kahon para makuha ang Quantity Supplied at Quantity
Demanded na ang sagot ay kumakatawan sa ekwilibriyong dami.

Gawain 4: MAGKOMPYUT TAYO


Buuin ang talahanayan sa ibaba gamit ang demand at supply functions. Matapos itong
mabuo, gawin ang kurba upang maipakita ang interaksiyon ng demand at suplay.
Qd= 150-P Qs= -60+ 2P Kalabisan /
Presyo Dami ng Dami ng Suplay Qs-Qd Kakulangan/
Demand Ekwilibriyo
40 110 4.____ 8.____ 13.______________
55 3._____ 5.____ 9.____ 14.______________
1.____ 80 6.____ 10._____ 15.______________
2.____ 65 110 11._____ 16.______________
100 50 7.____ 12._____ 17.______________
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pinakamataas na dami ng suplay?
2. Ano ang pinakamataas na dami ng demand?
3. Sa anong presyo nakamit ang ekwilibriyo?
4. Ano ang ekwilibriyong dami?
5. Sa anong presyo nagkaroon ng mataas na kalabisan?
6. Sa anong presyo nagkaroon ng mababang kakulangan?
7. Ilan ang kalabisan sa presyong 85?
8. Nagkaroon ng -45 na kakulangan sa suplay na_____.

Unawain:

Batay sa nakalipas na aralin, napag-alaman natin na ang presyo ang


nagdidikta sa pagtaas at pagbaba ng demand at suplay. Ngunit kapag ang
demand at ang suplay ay nagkaroon ng interaksiyon, ito ngayon ang
magdidikta sa presyo para tumaas o bumaba. Pag-aralan natin ngayon,
ang mga kaganapan at pagbabago sa pamilihan kapag nagkaroon ng
interaksiyon ang suplay at demand sa pamilihan.

8
9
Ngayong alam na natin kung paano nagkakaroon ng interaksiyon
ang demand at suplay. Alamin naman natin ngayon ang paraan
ng pagtugon/kalutasan sa mga suliraning dulot ng
kakulangan(shortage) at kalabisan(surplus).

PARAAN NG PAGTUGON/KALUTASAN SA MGA SULIRANING DULOT NG


KAKULANGAN(SHORTAGE) AT KALABISAN (SURPLUS)

Disekwilbriyo

Kalabisan Kakulangan
(Surplus) (Shortage)

Pagbawas ng
prodyuser ng Pagpapataas
Pagbababa ng Pagsusuplay
kaniyang sa presyo
presyo upang ng
produkto at upang
maengganyo pamahalaan
iayon sa mahikayat
ang mga upang
demand ng ang mga
mamimiling mapunan ang
mamimili sa prodyuser na
bumili kakulangan sa
presyong gumawa o
pamilihan.
kaya nitong magprodyus.
bilhin.

Pagbili ng pamahalaan sa Pagdaragdag ng suplay ng


mga labis na produkto prodyuser at iayon ang
upang hindi malugi ang halaga sa presyong pareho
prodyuser at silang makikinabang ng
makapagbaba ng presyo. konsyumer o mamimili.

Sa kabuuan, ang panghihimasok ng pamahalaan ay


mahalaga upang maiwasan ang masyadong mataas at
mababang presyo upang maprotektahan ang konsyumer at
prodyuser.
Ang pamahalaan ay maaari ding magpataw ng presyo sa
mga bilihin kung saan parehong makikinabang ang
konsyumer at prodyuser. 10
(McConnell, Brue & Flynn, 2009)
Pagyamanin:

Gawain 5: ANYARE???

Panuto: Basahing mabuti ang pahayag sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel kung ito ay
tumutukoy sa kalabisan, kakulangan, at ekwilibriyo.

1. Nagluto ng 50 piraso ng puto si Mercy at ito ay kaniyang inilako sa kanyang mga kapitbahay.
Bagamat umuwi ng pagod, ang kaniyang paninda ay naubos naman.
2. Mag pi-pitong taong gulang na si Camille, kaya ang kaniyang ina ay bumili ng rosas para sa
kaniyang 7th Roses ngunit lima lamang ang nabili dahil iyon na lang ang natira sa kanilang
binibilhang flower shop.
3. Gumawa ng ice candy si Charlita at ito ay naubos kaagad dahil sa init ng panahon. Marami
pa ang mga nagnanais bumili nito ngunit wala na siyang maibigay.
4. Kaarawan ni Arci kaya naghanda ang kaniyang lola para sa kaniya ngunit marami ang natira
mula sa kanilang handa.
5. Dahil sa pandemya marami ang nakapilang bumili ng alcohol sa mga tindahan ngunit wala
nang mabili.
6. Ang sandwich na ginawa ni Zakkiro ay naubos lahat ng kaniyang mga kaibigan at pinsan.
7. Nag online selling si Ofelia ng kaniyang specialty na embotido. Dahil sa sarap ng kaniyang
embotido marami ang hindi niya nabigyan dahil naubos kaagad.
8. Ang mga magsasaka sa Nueva Eciija ay nagtatapon na lang ng kanilang mga gulay dahil
nabubulok na lang ang mga ito dahil sa kawalan ng mamimili.
9. Banye-banyerang isda ang ibinebenta sa pier ng Coron sa murang halaga upang mabili ang
kanilang mga isda.
10. Si Manong Kari ay nagtitinda ng payong dahil sa madalas na pag-ulan. Ang kaniyang
dalawampung payong ay laging nauubos sa araw-araw niyang pagtitinda.

Gawain 6- MAGTUOS TAYO

Panuto: Kumpletuhin ang talahanayan gamit ang supply function at demand function.
Pagkatapos mabuo ang iskedyul ng suplay at demand, ilapat ito sa isang grap at sagutin ang
pamprosesong tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Qs= -150 +10P Qd= 130- 4P


Presyo Qs Qd Qs-Qd Kakulangan/kalabisan/ekwilibriyo
15 1.______ 5.______ 9.______ 13._________________________
20 2.______ 6.______ 10.______ 14._________________________
25 3.______ 7.______ 11.______ 15._________________________
30 4.______ 8.______ 12.______ 16._________________________
Pamprosesong Tanong:
1. Sa anong presyo nagkaroon ng mataas na kalabisan?
2. Sa anong presyo nagkaroon ng kakulangan?
3. Anong ang ekwilibriyong presyo?
4. Ano ang ekwilibriyong dami?

11
Isaisip
Narito ang mga mahahalagang dapat tandaan mula sa ating tinalakay sa modyul na ito.

Ang ekwilibriyo ay natatamo kapag ang dami ng demand ay


magkapantay sa dami ng suplay.
Nagkakaroon ng kalabisan o labis na suplay (surplus)
kapag ang dami ng suplay ay higit na marami kumpara sa dami
ng demand.
Ang kakulangan o labis na demand (shortage) ay
nagaganap sa pamilihan kapag ang dami ng demand ay mas
mataas kumpara sa dami ng suplay.
Para makuha ang kalabisan o kakulangan, ibawas lamang sa
dami ng suplay ang dami ng demand. Kapag positibo ang sagot
ito ay kalabisan ngunit kapag negatibo ito ay kakulangan.
Kapag 0 naman ang sagot, ito ay nangangahulugan na nakamit
ang ekwilibriyo.
Ekwilibriyong presyo ang tawag sa presyo kung saan
nagtagpo ang dami ng demand at dami ng suplay.
Ekwilibriyong dami naman ang tawag kung saang dami
nagtagpo ang demand at suplay.
Ang pababang kurba sa grap ay ang demand (\) at ang
pataas na kurba (/) ay kumakatawan naman sa suplay.
Paglipat ang tawag kapag may nakitang dalawang kurba sa
grap. Ang arrow na papunta sa kanan ay nangangahulugan ng
pagtaas ng demand o suplay ( ) at ang arrow na papunta sa
kaliwa ay nangangahulugan ng pagbaba ng demand o suplay. (
). Ito ay nangyayari kapag may hindi presyong nakaaapekto
sa dami ng demand o dami ng suplay.
Kapag ang presyo lamang ang nakaaapekto sa dami ng
demand at dami ng suplay nagkakaroon ng paggalaw sa kurba.
Ang kurba na makikita sa grap ay isa lamang.
Kapag ang demand ay mataas at ang suplay ay nananatili ito
ay nagbubunga ng kakulangan kaya ang ekwilibriyong presyo
at ekwilibriyong dami ay tataas.
Kapag ang demand ay mababa at ang suplay ay nanatili ito
ay nagbubunga ng kalabisan kaya ang ekwilibriyong presyo at
ekwilibriyong dami ay tataas.
Kapag ang suplay ay mataas12 at ang demand ay nananatili ito
ay nagbubunga ng kalabisan kaya ang ekwilibriyong presyo ay
bababa at ekwilibriyong dami ay tataas.
Kapag ang suplay ay mababa at ang demand ay nanatili ito
Isagawa:

Gawain 7: IBALITA MO!


Panuto: Mula sa mga larawan sa ibaba, gumawa ng balita at iugnay ito sa interaksiyon ng
demand at suplay. Isulat ang balita sa saguang papel.

1. 2.

3. 4.

Pamantayan sa pagbibigay ng iskor sa ginawang balita:

1. pagkamalikhain, orihinalidad, at estilo ng pagsusulat 5


2. kalidad at kaangkupan ng impormasyong inilahad 5
3. kalinisan at kabuuang dating ng output 5
4. kaugnayan sa paksang tinalakay 5
Kabuuan 20 puntos

13
Tayahin:
Panuto: Basahing mabuti ang pahayag sa bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang sagot
sa sagutang papel.

1. Kung ang demand ay 400 at ang suplay ay 200, ano ang mangyayari sa presyo ng
produkto?
a. bababa b. mananatili c. tataas d. magiging mataas
2. Ang naganap na pagtaas ng presyo ng sili sa pamilihan ay resulta ng __________.
a. Ekwilibriyo b. Disekwilibriyo c. Surplas d. Shortage
3. Mahalaga ang pagkakaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan kaya ang pamahalaan ay kumikilos
upang tulungan ang mamimili at prodyuser sa pamamagitan ng ___________.
a. Pagbibigay ng insentibo sa mga magsasaka
b. Pag-iinspeksyon sa mga bodega ng bigas ng pamahalaan
c. Patuloy na pagsasagawa ng peace talk sa pagitan ng mga pamahalaan at ng
rebelde.
d. Pagtatakda ng presyo sa pamilihan
4. Ang patuloy na pagtangkilik ng mga mamimili sa isang produkto ay sanhi ng______
a. mababang pesyo c. pag-aanunsiyo
b. paggaya sa binibili ng kaibigan d. okasyon
5. Kung ang nagpoprodyus ng Stick –O ay nakahanap ng murang tsokolate ( gamit sa
produksiyon nito) ang suplay ng Stick-O ay inaasahan na ________
a. bababa b. hindi magbabago c. tataas d. mananatili
6. Kapag tumaas ang suplay at hindi nagbago ang demand, _______ ang ekwilibriyong
presyo at tataas naman ang ekwilibriyong dami ng bilihin.
a. bababa b. hindi magbabago c. tataas d. mananatili
7. Kapag bumaba ang suplay at hindi nagbago ang demand, _______ ang ekwilibriyong
presyo at bababa naman ang ekwilibriyong dami ng bilihin.
a. bababa b. hindi magbabago c. tataas d.mananatili
8. Kapag tumaas ang demand at hindi nagbago ang suplay, bababa ang ekwilibriyong presyo
at _________ naman ang ekwilibriyong dami ng bilihin.
a. bababa b. hindi magbabago c. tataas d.mananatili
9. Kapag bumaba ang demand at nananatili ang suplay, ________ang ekwilibriyong presyo at
ang ekwilibriyong dami ay bababa.
a. bababa b. hindi magbabago c. tataas d.mananatili
10. Ang mga magsasaka sa Nueva Ecija ay humingi ng tulong sa pamahalaan dahil sa
pagbagsak ng presyo ng kamatis na umabot ng Php2 per kilo. Ano ang sitwasyon ng kamatis
sa pamilihan?
a. may kakulangan b. may kalabisan c. may ekwilibriyo d. walang epekto
11. Ang paglipat ng kurba ng demand mula sa kanan patungo sa kaliwa ay nangangahulugan
na _________.
a. Ang demand ay tumaas c. nananatili ang demand
b. Ang demand ay bumaba d. malaki ang naging epekto ng presyo
12. Ang salik na nakaaapekto sa paggalaw ng kurba ng demand at suplay ang________.
a. pag-aanunsiyo b. presyo c. panggagaya d. panahon
13. Iba-iba ang dami ng pangangailangan ng mga mamimili at ang dami ng suplay na
handang ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo. May mga pagkakataon na ang
kalagayan ng pamilihan ay magkatugma ang demand at suplay. Sa ganitong kalagayan,
lumilitaw ang konsepto ng _________.
a. ekwilibriyo b. elastisidad c. kompetisyon d. disekwilibriyo

14
14. Kung ang gustong presyo ng mga mamimili ay mas mababa kaysa sa presyong handang
ipalit at ipagbili ng mga negosyante sa isang takdang dami ng produkto, magkakaroon sa
kalagayan ng pamilihan ng __________.
a. elastisidad b. ekwilibriyo c. kompetisyon d. disekwilibriyo
15. Nagtinda si Malou ng tikoy sa kanilang paaralan sa halagang 8 pesos, Nakita niyang ito ay
mabili sa mga mag-aaral kaya dinagdagan niya ang dati niyang tinitinda mula sa 5 kahon
hanggang 10 kahon. Naubos ang kaniyang tindang tikoy kung saan marami pa ang nais
bumili nito. Ano ang tawag kapag ang suplay ay hindi sapat sa dami ng nagnanais bumili nito?
a.elastisidad b. ekwilibriyo c.kakulangan d. kalabisan

Karagdagang Gawain:

1. Sa pamamagitan ng mga larawang nababalita sa mga pahayagan, radio, telebisyon at


internet bumuo ng collage ng kasalukuyang kalagayan ng ating demand at suplay sa pamilihan.
● Kung walang gadgets gawin ito sa short bondpaper.
● Sa may mga gadgets maaaring gawing elektroniko ang inyong collage at ipost ito sa
inyong fb account. Huwag kalimutang i-tag ang inyong guro.
Pamantayan sa pagbibigay ng iskor:
1. pagkamalikhain, orihinalidad, at kaayusan ng collage 5
2. kalidad at kaangkupan ng impormasyong inilahad 5
3. kalinisan at kabuuang dating ng output 5
Kabuuan 15

Sanggunian:
Department of Education (2015), Ekonomiks 10- Araling Panlipunan- Modyul para sa mga Mag-
aaral Unang Edisyon pahina 159-174
C Bon et.al,2015 Ekonomiks sa Makabagong Panahon JO-ES Publishing House Inc. pahina
195-197
Angeles A. et al. (2020) Daily Lesson Plan (Ikalawang Markahan) 9-Ekonomiks (MELCs).
Unpublished
Elektronikong Sanggunian:
Https://tinyurl.com/AP9Q1M2p1 (Ikong Character)
Https://tinyurl.com/AP9Q1M2p2 (Naomie Character)
Bitmoji
https://bit.ly/AP9Q2M3P1
https://bit.ly/AP9Q2M3V1
https://bit.ly/AP9Q2M3V2

15
Matapos mong mapag-aralan ang mga paksa sa modyul na ito at
masagutan ang mga gawain maaari mo nang itama ang iyong mga
kasagutan sa pamamagitan ng pagtingin sa susi ng pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul na ito. Salamat sa iyong PAGTITIYAGA
at KATAPATAN. HANGGANG SA SUSUNOD NA MODYUL

Susi sa Pagwawasto

16
17

You might also like