You are on page 1of 31

9

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
ANG KONSEPTO NG DEMAND
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Ang Konsepto ng Demand
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Mc Kenneth M. Baluyot
Editor: Grace C. Dela Cruz, Dr. Rodolfo F. de Jesus
Tagasuri: Leilani A. Engalan, Leonilo C. Angeles I
Tagaguhit: Ryan Christopher M. Villalon
Tagalapat: Brian Spencer B. Reyes, Heidee F. Ferrer
Tagapamahala: Jenilyn Rose B. Corpuz, CESO VI, SDS
Fredie V. Avendaño, ASDS,
Ebenezer A. Beloy, OIC-CID Chief
Heidee F. Ferrer, Tagamasid Pangsangay – LRMS
Ederlina D. Baleṅa, Tagamasid Pangsangay- AP

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon


Kagawaran ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
9
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Ang Konsepto ng Demand

i
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Konsepto ng Demand!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Ang Konsepto ng Demand!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

ii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

iii
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Aralin 1 – Konsepto ng Demand


Sa pagtatapos ng aralin na ito, inaasahang matataya ang
Konsepto ng demand at ang bahaging ginagampanan
nito sa ekonomiya

Pinagkunan: https://tinyurl.com/AP9Q1M2p4

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap


Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- Ang mga mag-aaral ay kritikal na
unawa sa mga pangunahing kaalaman nakapagsusuri sa mga pangunahing
sa ugnayan ng pwersa ng demand at kaalaman sa ugnayan ng pwersa ng
suplay, at sa sistema ng pamilihan bilang demand at suplay, at sistema ng
batayan ng matalinong pagdedesisyon pamilihan bilang batayan ng matalinong
ng sambahayan at bahay- kalakal tungo pagdedesisyon ng sambahayan at
sa pambansang kaunlaran bahay- kalakal tungo sa pambansang
kaunlaran

Sa araling ito, inaasahang matututuhan ang mga sumusunod:

• Natatalakay ang konsepto at salik na nakaaapekto sa demand sa pang araw-


araw na pamumuhay (MELCQ2W1and2)

Tiyak na Layunin:

• Naipaliliwanag at nasusuri ang kahulugan ng demand.


• Natatalakay ang konsepto at mga salik ng demand na nakakaapekto sa pang-
araw araw na pamumuhay ng tao.
• Nasusuri ang mga mga salik na nakaaapekto sa demand
• Nakakapagkompyut ng elastisidad ng demand at nasusuri ang ang mga uri nito.
• Napahahalagahan ang pag-aaral ng demand tungo sa matalinong pag-unawa ng
tamang pagdedesisyon na magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay ng
bawat pamilya.

1
Subukin

A. Isulat ang TAMA sa sagutang papel kung ang pangungusap ay wasto at MALI
naman kung hindi wasto.
1. Ang demand ay tumutukoy sa bilang o dami ng produkto o serbisyo na nais at
kayang ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.
2. Mayroong tatlong paraan upang makita ang relasyon ng presyo at dami ng demand.
3. Ayon sa Batas ng Demand, ang presyo at ang dami ng demand ay mayroong
tuwirang ugnayan.
4. Nakaaapekto ang dami ng mga mamimili sa demand ng isang produkto.
5. Kapag tumataas ang kita ng tao, ang kurba ng demand ay lumilipat pakaliwa.

B. Gamit ang mga sumusunod na impormasyon, ibigay ang hinihingi sa bawat


aytem .
Qd = 100 – 4P

PRESYO (P) QUANTITY


DEMANDED (Qd)
5
60
15
20

6. Ano ang Qd sa presyong Php 5?


a. 80 b. 20 c. 100 d. 120

7. Sa 60 na dami ng demand, magkano ang presyo?


a. 10 b. 20 c. 160 d. 80

8. Ano ang Qd sa presyong Php 15?


a. 40 b. 20 c. 160 d. 80

9. Sa 20 na dami ng demand, magkano ang presyo?


a. 30 b. 20 c. 160 d. 80

10. Sa ipinakitang Demand Schedule at Demand Function, ano ang relasyon ng presyo
at Quantity Demanded?
a. Tuwiran b. Di-Tuwiran c. Positibo d. wala sa nabanggit

2
C. Ibigay ang tinutukoy ng mga sumusunod na pahayag sa bawat bilang. Piliin
ang sagot mula sa kabilang hanay. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

11. Mathematical equation na nagpapakita ng A. Demand Curve


relasyon ng P at Qd.
B. Ceteris Paribus
12. Elastisidad ng Demand > 1 C. Normal Good
D. Elastisidad ng Demand
13. Tawag sa produktong tatangkilikin pa rin ng ng E. Demand Function
mga mamimili kaalinsabay ng pagtaas ng Kita
F. Elastic
14. Ito ay tumutukoy sa pagsukat ng porsiyento ng
pagtugon ng mamimili sa bawat porsiyento ng
pagbabago ng presyo.

15. Salitang Latin na nangangahulugang “ang ibang


salik ay hindi nagbabago”.

Bago magpatuloy sa susunod na gawain,


i-CHECK ang iyong sagot gamit ang susi sa
pagwawasto na makikita sa huling bahagi ng modyul.
Salamat sa iyong PAGTITIYAGA at KATAPATAN.

Pinagkunan: https://tinyurl.com/AP9Q1M2p5

3
Aralin
Konsepto ng Demand
1
Ang pagbili ng produkto at serbisyo ay nangangahulugan ng pagtatamo ng kapakinabangan
mula rito bilang tugon sa pangangailangan at kagustuhan ng tao.
 Ang napakaraming pangangailangan at kagustuhan ng tao ang dahilan kung bakit
kailangan maging matalino sa pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo.

Balikan

A. Panuto: Tukuyin ang konseptong isinasaad sa bawat bilang. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. Opportunity Cost D. Trade-Off


B. Ekonomiks E. RA 7394
C. Entrepreneur F. Command Economy

1. Tumutukoy sa halaga ng bagay na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon.


2. Batas na nagbibigay ng proteksiyon at nangangalaga sa interes ng mga mamimili.
3. Isang disiplina ng agham panlipunan na tumutukoy sa matalinong paggamit ng
limitadong pinagkukunang yaman upang matugunan ang walang hanggang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
4. Sistemang pang-ekonomiya na nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon
ng pamahalaan.
5. Siya ang tagaugnay ng mga salik ng produksiyon tulad ng lupa, paggawa at kapital.

B. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa iyon sagutang papel.

6. Dibisyon ng ekonomiks na tumutukoy sa A. Pagkonsumo


proseso ng paggamit ng likas-yaman para sa B. Produksiyon
kapakipakinabang na paraan.
7. Tumutukoy sa hindi kasapatan ng C. Alokasyon
pinagkukunang yaman upang matugunan ang D. Kakapusan
walang hanggang pangangailangan at
E. Ekonomiks
kagustuhan ng tao
8. Tumutukoy sa mekanismo ng pamamahagi ng F. Kagustuhan
pinagkukunang yaman, produkto at serbisyo.

4
9. Pagbili o paggamit ng produkto o serbisyo
10. Mga bagay na hinahangad ng tao sa buhay
upang maging masaya

Tuklasin

 Sa pagtingin at pagsusuri ng ekonomiya, mahalaga na


alam natin ang mga bahagi nito. Ang maykroekonomiks
bilang maliit na yunit ng pag-aaral ng ekonomiya ay
tumatalakay sa mga kilos o gawi at maging ang pag-uugali
ng mga konsyumer o prodyuser na kabilang sa isang
pamilihan. Gayundin, kung paano nagkakaroon ng
ugnayan ang mga ito.

Pinagkunan: https://tinyurl.com/AP9Q2A1p1

BILI MO AKO NO’N, BILI MO AKO N’YAN !


Panuto: Suriin ang bubble thought at sagutan ang mga pamprosesong tanong sa
ibaba.

PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano-ano ang ipinahihiwatig ng mga bubble thought?
2. Anong konsepto sa ekonomiks ang inilalarawan sa bubble thought?
3. Tulad ng sitwasyon sa gawaing ito, ikaw ba ay naharap na rin sa ganitong
sitwasyon? Paano mo ito hinarap?
Pinagkunan: Ekonomiks, Araling Panlipunan, Modyul para sa Mag-aaral, Gawain 1 i3: Bili Ako No’n, Bili Ako N’yan pp. 111-113

5
Suriin

KONSEPTO NG DEMAND
DEMAND

• Tumutukoy ang demand sa dami ng produkto at serbisyong NAIS at


KAYANG bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa takdang panahon.

Dalawang mahahalagang salita :


(Willingness = Kagustuhan) + (Ability = Kakayahan) = DEMAND

Tatlong paraan upang makita ang ugnayan ng


Presyo (P) at Quantity Demanded (Qd)
ISKEDYUL NG DEMAND

• Ang Iskedyul ng Demand ay isang talaan na nagpapakita ng bilang ng isang bagay


o produkto batay sa itinalagang presyo.

Iskedyul ng demand para sa Tinapay

PRESYO DAMI NG DEMAND


10 25
20 20
30 15
40 10
50 5
60 2
KURBA NG DEMAND

• Ang Kurba ng Demand ay isang grapikong paglalarawan ng relasyon ng presyo ng


bilihin at ng dami ng demand.Makikita sa Y-axis ang presyo (P) samantalang sa X-axis
naman ang dami ng demand o Qd.

6
DEMAND FUNCTION

• Ito ay mapapahayag sa pamamagitan ng mathematical equation ng 2


variables.

Kung saan : Qd – Quantity Demanded

P - Presyo

(-) Nagpapakita ng relasyon ng Qd at P

Qd = 300 – 20P

Ang Qd ay ang nais na matuklasang bilang ng demand ng mga mamimili, halimbawa, sa


produktong buko. Ang 300 ay ang dami ng produktong buko na hindi bibilhin ng mamimili
kapag mataas ang presyo nito, halimbawa ay Php 15.00. Ang value na 20P ang magiging
pagbabago ng Qd sa bawat pagbabago ng presyo. Ang negative sign (-) ay nagpapakita ng
relasyon sa pagitan ng Qd at P. Sa pamamagitan ng substitusyon, halimbawang ang presyo
ay Php 15, malalaman natin ang Qd ng mga mamimili sa pinya.

Halimbawa ng kompyutasyon:

Qd = 300 – 20P

= 300 – 20(15)

= 300 – 300

Qd = 0

Para mas lalo mo pang maunawaan ang Konsepto ng


Demand halina’t panuorin natin ang bidyo sa Youtube
gamit ang link na https://tinyurl.com/AP9Q2A1v1 at
https://tinyurl.com/AP9Q2A1v2

7
BATAS NG DEMAND
• Kapag mababa ang presyo ng isang produkto, mataas ang demand nito.
Subalit kapag mataas ang presyo ng naturang bilihin, mababa ang demand.
(ceteris paribus)

Ano ang Ceteris Paribus ?

• Ito ay salitang latin na ang ibig sabihin ay all other things remain constant o
walang ibang salik na nagbabago. Sa Batas ng Demand, tanging Presyo
lamang ang nakakaapekto sa Qd.

GAWAIN 1 : I5 (iDemand, iTala, iKurba, iKompyut, iPaliwanag)


Panuto: Gamit ang mga datos, ipakita ang mga pamamaraan upang malaman ang ugnayan
ng Presyo at Quantity Demanded. Pagkatapos, sagutin ang mga sususunod na
pamprosesong tanong.
Qd = 50 -2P

Presyo Quantity
Demanded
6 1_______

2______ 34

10 3_______

4_______ 26

14 5______

PAMPROSESONG TANONG

1. Ilan ang quantity demanded sa presyong Php 6.00?


2. Ano ang nangyari sa quantity demanded ng buko juice matapos tumaas ang
presyo mula Php 10.00 papuntang Php 14.00 ? Ipaliwanag ang sagot.
3. Ipaliwanag sa sariling pangungusap ang isinasaad ng batas ng demand batay
sa nabuo mong demand schedule at demand curve.

Pinagkunan: Ekonomiks, Araling Panlipunan, Modyul para sa Mag-aaral, Gawain 6 i3: iDemand, iTala at iKurba pp. 119-120

8
Mga Salik na Nakakaapekto sa Demand
Maliban sa presyo may mga dahilan kung bakit nagbabago ang demand para sa mga
produkto o serbisyo. Ang PINTE ay ilan lamang sa mga salik na di-presyo,

MGA SALIK PALIWANAG HALIMBAWA


Prices of Related Goods / May epekto sa demand ang presyo Complemetary Goods
Presyo ng mga Kaugnay o ng kaugnay na produkto Kapag tumaas ang presyo ng
Kahaliling Produkto (complementary goods) at presyo asukal, kasabay nitong bababa
ng kahaliling produkto (substitute ang demand para sa kape at iba
goods). bang produktong ginagamitan
Ang pagtaas sa presyo ng ng asukal dahil …….
complementary goods ay
magdudulot ng pagbaba ng demand Substitute Goods
sa dalawang produkto. Nagtaas ng presyo ang baboy
Samantalang, ang pagtaas ng na ginagamit sa pagluto ng
presyo sa dating binibiling produkto adobo kaya bilang pamalit,
ay nagiging dahilan upang manok ang naisip mong bilhin
maghanap ng kapalit para sa
naturang produkto.
Income / Kita Ang pagtaas ng kita ay nagdudulot Normal Goods
ng pagtaas ng demand para sa Sa Pagtaas ng Kita, mas
karamihan ng mga produkto. nakakabili ng mga produktong
Gayunpaman, sa pagbaba ng kita, kayang-kaya ng badyet gaya ng
ito ay nagbubunsod ng pagbaba ng Steak, Tuna, lechon at iba pang
demand sa karamihan ng mga mamahaling pagkain
produkto.
Inferior Goods
Sa pagbaba ng kita, mas
nakakabili ng mga produktong
abot-kaya ang halaga tulad ng
tuyo, noodles, sardinas at iba
pang pagkaing hindi
masaydong mataas ang presyo

Number of buyers / Bilang Ang mga mamimili ang nagtatakda Maraming tao ang nakapila sa
ng mamimili ng demand. Ibig sabihin kung tindahan ng bigas kaya mataas
maraming mga mamimili ang bibili ang demand ng bigas sa
ng produkto o serbisyo , malaki rin naturang tindahan,
ang demand para rito.
Tastes / Panlasa Ang pagbabago sa panlasa ng mga New Normal(Online Classes)
mamimili ay may epekto sa kanilang Mataas ang demand para sa
demand depende kung ito ay mga gadyet tulad ng laptop,
nauuso o sakto sa kanilang nais. tablet at android phones na
gagamitin sa online classes.
Expectation / Kung inaasahan ng mga mamimili Nagdeklara ng pagtaas ng
Ekspektasyon na tataas ang presyo ng mga presyo ng gasolina
produkto sa hinaharap, daragdagan kinabukasan, kaya karamihan
nila ang binibiling produkto sa sa mga tsuper ay magpapa full
kasalukuyan. tank na ng kanilang sasakyan
upang makaiwas sa mataas na
presyo nito.

Pamprosesong Tanong:

• Paano mo isasabuhay ang konsepto ng demand


sa iyong pang-araw araw na pamumuhay ?

9
PAGGALAW NG KURBA NG DEMAND
Napag-aralan natin na may mga salik na nagiging dahilan ng pagtaas at pagbaba ng
demand. Ang mga salik na ito ang siya ring dahil ng paggalaw ng kurba ng demand.

Presyong Salik
- Ang paggalaw ng kurba ng demand ay nangyayari mismo sa kurba ng
naturang demand curve. Dahil presyo lamang ang nagbabago, sa pagtaas
ng presyo gagalaw ang kurba nito pataas pakaliwa na nagiging dahilan ng
pagbaba ng quantity demanded. Samantalang ang pagbaba ng presyo ang
nagiging dahilan upang bumaba pakanan ang kurba na nagiging dahilan ng
pagtaas ng quantity demanded nito.
Pataas pakaliwa – nagdudulot ng pagtaas sa
presyo at pagbaba naman sa quantity
demanded

Pababa pakanan- nagduduloit ng


pagbaba sa presyo at pagtaas naman
sa quantity demanded

Pinagkunan: https://tinyurl.com/AP9Q2A1p2

Di-presyong Salik
- Nangyayari ang paglilipat ng kurba ng demand pakanan o pakaliwa kung
mayroong pagbabago sa mga di-presyong salik (PINTE). Ang paglipat
pakanan ng kurba ng demand ay nagdudulot ng pagtaas sa quantity
demanded. Samantalang ang paglipat pakaliwa ng kurba ng demand ay
nagdudulot naman ng pagbaba ng quantity demanded nito.

Pinagkunan: https://tinyurl.com/AP9Q2A1p3

10
Bago tumuloy sa sususnod na gawain, i-
CHECK ang iyong sagot gamit ang gabay sa
pagwawasto na makikita sa huling bahagi ng
modyul. Salamat sa iyong PAGTITIYAGA at
KATAPATAN.

MATALINONG PAGPAPASYA SA PAGTUGON SA MGA PAGBABAGO NG MGA


SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA DEMAND
1. Kapag may pagtaas sa kita, maging matalino sa paggasta nito. Pagplanuhang
mabuti ang paggastos at unahin ang mahahalagang bagay na dapat bilhin.
2. Maghanap ng alternatibo o pamalit sa mga produktong may mataas na presyo.
Maraming mapagpipiliang produkto sa iba’t-ibang pamilihan na may kalidad at
mababang presyo.

GAWAIN 2 : GRAPHIC ORGANIZER


Panuto: Punan ang graphic organizer sa ibaba at sagutan ang mga pamprosesong tanong.

PAMPROSESONG TANONG

1. Ano-ano ang mga salik na nakakaimpluwensiya sa demand?


2. Alin sa mga salik ang nagdudulot ng paggalaw sa mismong kurba ng
demand? Paggalaw pakanan o pakaliwa? Ipaliwanag
3. Ano ang katangiang dapat taglayin ng isang mamimili sa kanyang pagtugon
sa nagbabagong salik ng demand?

Pinagkunan: Ekonomiks, Araling Panlipunan, Modyul para sa Mag-aaral, Gawain 8:Grahic Organizer p. 123

11
GAWAIN 3 : ARROW UP , ARROW DOWN
Panuto: Isulat ang ARROW UP ( ) kung tataas ang demand at ARROW DOWN ( ) kung
baba ang demand.

_______1. Pagbaba ng presyo ng produktong komplementaryo.


_______2. Pagtaas ng presyo ng produktong pamalit (substitute goods)
_______3. Inaasahan ng mga mamimili na bababa ang presyo sa susunod na lingo
_______4. Pagtaas ng presyo ng produktong komplementaryo.
_______5. Pagbaba ng presyo ng produktong pamalit (substitute goods)
_______6. Bandwagon effect, mabilis na pagdami ng populasyon (potensyal na demand)
_______7. Paglaki ng kita (nakatuon sa normal goods)
_______8. Pagbaba ng kita (nakatuon sa inferior good)
_______9. Pagiging laos o lipas sa uso ng isang bagay
_______10. Inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo sa susunod na linggo
Pinagkunan: Ekonomiks, Araling Panlipunan, Modyul para sa Mag-aaral, Gawain 9 Demand Up, Demad Down pp. 123-124

GAWAIN 4 : MRL (MOVEMENT , RIGHT or LEFT)


Panuto: Iguhit ang pagbabago sa demand curve para sa produktong tilapia dulot ng mga sumusunod
na sitwasyon. Ipaliwanag ang dahilan ng paggalaw ng kurba ng demand

SITWASYON GRAF PALIWANAG


1. Napabalitang fish kill ng
tilapia sa mga malalaking
fish pond

2. Hindi pagkain ng karne


ng mga Katoliko tuwing
mahal na araw

3. Paglaganap ng bird flu,


mad cow disease at foot
and mouth disease

4. Pagbaba ng dami ng
naibebentang tilapia sa
palengke dahil sa pagtaas
ng presyo

5. Paglabas sa publiko ng
isang pag-aaral na
nagpapatunay sa pagiging
anti-cancer ng laman ng
tilapia

12
Elastisidad ng Demand
Price Elasticity ng Demand
• Pagsukat ng porsiyento (%) ng pagtugon ng mamimili sa bawat porsiyento ng
pagbabago ng presyo - pagtugon ng Quantity demanded (Qd) sa bawat
porsiyento ng pagbabago ng Presyo (P)

Mga Uri ng Elastisidad

Uri ng Kahulugan Halimbawa Graf


Elastisidad

ELASTIC Ang pagtugon ng mamimili sa Produktong maraming


bawat porsyento ng substitute tulad ng softdrinks,
%ΔQd > %ΔP pagbabago ng presyo ay biskwit , karne
elastik kapag ang computed
/ED/ > 1 value ay mataas sa isa Mga produktong hindi
( > 1 ). pinaglalaanan ng malaking
badyet tulad ng alahas,
palamuti sa bahay

INELASTIC Ang pagtugon ng mamimili sa Produktong walang malapit


bawat porsyento ng na kapalit tulad ng tubig at
%ΔQd < %ΔP pagbabago ng presyo ay kuryente
inelastik kapag ang computed
/ED/ < 1 value ay mababa sa isa Mga produktong
( < 1 ). pinaglalaanan ng badyet
tulad ng pangunahing
pangangailangan(bigas,
asukat atbp.)

UNIT ELASTIC Ang pagtugon ng mamimili sa Maliit na porsiyento ng


bawat porsyento ng produkto ang kinokonsumo
%ΔQd = %ΔP pagbabago ng presyo ay unit tulad ng kendi, kandila,
elastik kapag ang computed posporo, karayom, aspile
/ED/ = 1 value ay katumbas ng isa atbp.
( = 1 ).

PERFECTLY Ang quantity demanded ay Ang mamimili ay handang


ELASTIC hindi tumutugon sa bumili ng maraming produkto
pagbabago ng presyo sa isang takdang presyo tulad
ng pagbili ng tsokolate
/ED/ = ∞

PERFECTLY Anumang pagbabago sa Gamot – kahit na magtaas


INELASTIC presyo ay magdudulot ng ng presyo ay bibilhin parin ng
INFINITE na pagbabago sa mga mamimili
quantity demanded.
/ED/ = 0

13
Kompyutasyon ng Elastisidad ng Demand
ɛd = %∆Qd %∆P
Kung saan:
ɛd = price elasticity of demand
%ΔQd = bahagdan ng pagbabago sa Qd
%ΔP= bahagdan sa pagbabago sa presyo
Gamit ang mid-point formula ang %∆Qd at ang %∆P ay makukuha sa pamamaraang:
ɛd = %∆Qd
%∆P

%∆Qd %∆P
= Q2 – Q1 x 100 = P2 - P1 x 100
Q1 + Q2 P1 + P2
2 2
halimbawa:
Q1 = 100 P1 = 60
Q2 = 200 P2 = 50

%∆Qd %∆P
= Q2 – Q1 x 100 = P2 - P1 x 100
Q1 + Q2 P1 + P2
2 2
= 200 – 100 x 100 = 50 - 60 x 100
100 + 200 60 + 50
2 2
= 100 x 100 = - 10 x 100
300 110
2 2
= 100 x 100 = - 10 x 100
150 55

%∆Qd = 66.67% %∆P = -18.18 %

ɛd = %∆Qd = 66.67 % = /-3.67/ elastic


%∆P -18.18 %

14
Magkakaroon ka ng negative value dahil sa ang relasyon ng Qd at P sa konsepto ng
demand ay inverse o negative. Pansinin na nakalagay sa format na absolute value ang
sagot kaya kahit na negative ang makuhang sagot, hindi na natin papansin ang negative
sign nito bagkus ituturing nating positive ang nakuhang sagot. Samakatuwid ang sagot na
-3.67 ay nagiging 3.67. Dahil mas mataas ito sa bilang isa, elastik ang uri ng elastisidad
mayroon ang produktong ating kinompyut. Ito ay nangangahulugan na masyadong mataas
ang porsyento ng pagtugon ng mamimili dahil may pamalit ang produkto kahit pa tumaas
ang presyo nito.

GAWAIN 5 : MAGKOMPYUT TAYO


Panuto : Kwentahin ang presyong elastisidad ng demand, ipakita ang solusyon at sabihin
kung anong uri ang iyong nakuha.

1. Softdrinks 2. Bigas

Q1 = 50 P1 = 15 Q1 = 22 P1 = 40
Q2 = 20 P2 = 20 Q2 = 20 P2 = 45

%∆Qd = _________ %∆Qd = _________


%∆P = __________ %∆P = __________
ɛd = ____________ ɛd = ____________
Uri ng Elastisidad: _____________ Uri ng Elastisidad: ______________

PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano ang Elastisidad ng Demand?

2. Bakit mahalagang matutunan ang pagtugon ng mga mamimili sa pagbabago ng


presyo? Ipaliwanag.

Narito pa ang isang bidyo na naglalaman ng


ELASTISIDAD NG DEMAND ang maari nating
mapanood upang higit tayong matuto gamit ang
Youtube link na https://tinyurl.com/AP9Q2A1v3 at
https://tinyurl.com/AP9Q2A1v4

Pinagkunan: https://tinyurl.com/AP9Q1M2p7

15
Pagyamanin

MAGSANAY TAYO
Panuto: Gamit ang mga datos para sa demand ng softdrinks, subukang kumpletuhin ang
demand schedule, iguhit ang demand curve , kompyutin ang elastisidad gamit ang punto B at
punto A, tukuyin ang uri ng elastisidad at sagutan ang mga pamprosesong tanong.

Qd = 500 -5P

(6)
Punto Presyo Quantity
Demanded
A 12 (1)
B (2) 420
C 20 (3)
D (4) 380
E 28 (5)

(7) %∆Qd = _________


(8) %∆P = __________
(9) ɛd = ____________
(10) Uri ng Elastisidad: _____________

Pamprosesong Tanong:
1. Ilan ang quantity demanded sa presyong Php 20.00?
2. Ano ang nangyari quantity demanded ng softdrinks matapos tumaas ang
presyo mula Php 20.00 papuntang Php 28.00 ? Ipaliwanag ang sagot.
3. Kung sakaling magkaroon mataas na kaso ng mga nalason dulot ng paginom
ng softdrinks ano ang mangyayari sa kurba ng demand para sa softdrinks?
Ipaliwanag
4. Batay sa kompyutasyon ng elastisidad, anong uri ito? Patunayan
5. Bakit mahalaga na matutunan ang konsepto ng demand sa buhay ng tao?

16
Isaisip

• Ang demand ay tumutukoy sa bilang o dami ng produkto at serbisyong


NAIS at KAYANG bilihin ng mga mamimili sa iba’t-ibang presyon sa isang
takdang panahon.
• Demand Schedule, Demand Curve at Demand Function ang tatlong
pamamaraan upang makita ang ugnayan ng presyo at quantity demanded.
• Sa Batas ng Demand, kapag mataas ang presyo , mababa ang quantity
demanded at kapag mababa ang presyo , mataas ang quantity demanded.
Nagiging tama ang pahayag na ito sa presensiya ng mga katagang
“Ceteris Paribus” na ang kahulugan ay “all other things remain constant”.
• Hindi lang presyo ang salik na nakakaapekto sa demand, ang PINTE ,
Prices of related Goods, Income, Number of buyers, Tastes at Expectation
ay itinuturing na mga salik na Di-presyo.
• Elastisidad ang tawag sa pagtugon ng mga mamimili sa pagbabago ng
presyo na makikita sa Quantity demanded.
• Ang mga uri ng elastisidad ay Elastic, Inelastic, Unit Elastic, Perfectly
Elastic at Perfectly Inelastic

PAGNILAYAN

• Ano ang kahalagahan ng konsepto ng demand sa


iyong pang-araw-araw na pamumuhay bilang
mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan?

17
Isagawa

Panuto: Gumawa ng synthesis ng mga natutunan mong impormasyon tungkol sa Konsepto


ng Demand gamit ang graphic organizer sa ibaba.Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

KAHULUGAN AT PAMAMARAAN

KONSEPTO NG
DEMAND

PRESYO at DI- ELASTISIDAD AT


PRESYONG URI NITO
SALIK

18
Tayahin

MARAMIHANG PAGPILI. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Tumutukoy sa bilang o dami ng produkto o serbisyo na nais at kayang bilhin ng mga


mamimili sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon.
a. Demand b. Elastisidad c. Demand Schedule d. Demand Curve

2. Tumutukoy sa relasyon ng Presyo at Quantity Demanded.


a. Direkta b. Tuwiran c. Positibo d. Di-tuwiran

3. Grapikong paglalarawan ng Presyo at Quantity Demanded


a. Demand Schedule b. Demand Curve c. Demand Function d. Elastisidad

4. Ang mga sumusunod ay mga uri ng elastisidad maliban sa:


a. Elastic b. Inelastic c. Unit Elastic d. Endoplastic

5. Salitang latin na ang ibig sabihin ay “all other things remain constant”
a. Etcetera c. Oikonomia
b. Cetris Paribus d. Que Sera

Para sa bilang 6 – 10
Gamit ang mga sumusunod na impormasyon. Alamin ang hinihingi sa bawat aytem .
Qd = 400 – 8P

PUNTO PRESYO (P) QUANTITY


DEMANDED (Qd)
A 10
B 240
C 30
D 80

6. Ano ang Qd sa presyong Php 10?


a. 120 b. 320 c. 400 d. 80

7. Sa 240 na quantity demanded, magkano ang presyo?


a. 15 b. 20 c. 25 d. 10

8. Ano ang Qd sa presyong Php 30?


a. 120 b. 160 c. 180 d. 200

9. Gamit ang mga presyo at quantity demanded sa punto B at punto A, ano ang
elastisidad nito?
a. /-0.429/ b. 66.67 c. /-28.57/ d. 1.42

19
10. Matapos kunin ang elastisidad ng bilang 9, anong uri ng elastisidad ito?
a. elastic b.unit elastic c. inelastic d. perfectly inelastic

11. Sa konsepto ng demand, alin sa mga sumusunod na produkto ang apektado ng kita?
a. Substitute at Complementary goods c. Normal at Complementary goods
b. Substitute at Inferior goods d. Normal at Inferior goods

12. Ano ang magiging epekto sa demand ng produkto kung mabilis ang pagdami ng
populasyon?
a. Tataas ang demand c. walang epekto
b. Bababa ang demand d. wala sa nabanggit

13. Alin sa mga sumusunod na graf ang nagpapakita ng elastic na demand?

a. b. c. d.

14. Produkto na binibili ng konsyumer kapag tumaas ang presyo ng produkto na dati
nilang binibili
a. Substitute goods c. Inferior goods
b. Complementary goods d. Normal goods

15. Produkto na bumababa ang demand nito kahit tumataas ang kita ng tao
a. Substitute goods c. Inferior goods
b. Complementary goods d. Normal goods

Bago magpatuloy sa susunod na gawain,


i-CHECK ang iyong sagot gamit ang gabay sa
pagwawasto na makikita sa huling bahagi ng modyul.
Salamat sa iyong PAGTITIYAGA at KATAPATAN.

20
Karagdagang Gawain

Batay sa mga natutunan kaugnay ng Konsepto ng Demand. Pumili ng isa sa tatlong gawain

A. Paggawa ng Poster
Panuto : Gumuhit ng poster hinggil sa iyong natutunang kahalagahan ng konsepto
ng demand. Isaalang-alang sa pagguhit ang temang “Ang Konsepto ng Demand sa
Pang-araw –araw na gawain” o “Ang Konsepto ng Demand sa pagharap ng
Kasalukuyang Pandemya”. Tignan at sundin ang rubrik sa paggawa ng poster
Rubrik sa Pagpupuntos ng Poster

Pamantayan Paglalarawan Puntos

Nilalaman Akma ang mensahe ng larawan ayon sa 10


paksa

Presentasyon Mahusay ang pagpapabatid ng kaalaman 10


sa klase

Pagkamalikhain Mahusay ang pagkakaguhit ayon sa 10


mensaheng nais iparating

KABUUAN 30

B. Pagsulat ng Awit / Jingle

Panuto : Sumulat ng isang awit na naglalaman ng mga salik na nakakaapekto sa


demand.
1.Maaring gumamit ng tono ng paboritong awitin subalit ang nilalaman ay
patungkol da salik na nakakaapekto sa demand
2. Ibatay ang salik na nakakaapekto sa demand batay sa sariling karanasan o
kasalukuyang sitwasyon.
3. TIyakin na tama ang pagkakalapat ng mga titik / liriko sa musika o ritmo ng
awit na isusulat.
Rubrik sa Pagpupuntos ng Pagsulat ng awit /Jingle

Pamantayan Paglalarawan Puntos

Nilalaman Akma ang mensahe kaugnay ng paksa 10

Presentasyon Mahusay ang pagkakaawit sa klase 10

Pagkamalikhain Mahusay ang interpretasyon sa nilikhang 10


awit

KABUUAN 30

21
C. Pagbuo ng Collage

Panuto : Gumupit ng mga larawan na may kaugnayan sa konsepto ng demand na


matatagpuan sa Inyong komunidad at sagutan ang mga pamprosesong tanong:
1. Ano-anong mga larawan ang makikita sa iyong collage?
2. Ano ang kahalagahan ng konsepto ng demand batay sa iyong collage?
3. Ano ang kaugnayan gawaing ito sa pag-unawa ng konsepto ng demand?
Ipaliwanag
Rubrik sa Pagpupuntos ng Collage

Pamantayan Paglalarawan Puntos


Nilalaman Akma ang mga ginamit na larawan ayon 10
sa paksa

Presentasyon Mahusay ang paglalahad ng kaalaman 10


batay sa nilikhang collage

Pagkamalikhain Mahusay ang pagga 10

KABUUAN 30

22
Susi sa Pagwawasto
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Konsepto ng Demand

23
Sanggunian
• Angeles, et al. (2020) Daily Lesson Log (Ikalawang Markahan) Araling Panlipunan 9 –
Ekonomiks (MELCs). Unpublished.

• Department of Education (2015), EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para


sa Mag-aaral Unang Edisyon pp 112-137
• Imperial, Consuelo. et. al. (2016), Kayamanan: Ekonomiks Batayan at Sanayang
Aklat sa Araling Panlipinan. Rex Publishing. Pp140-157
• Mateo, Grace Estela C. et. al.(2012), Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon, Vibal
Publishing House pp 140-151
• Baluyot, Mc Kenneth M. (2020). Modyul sa Ekonomiks (MELCs) Unpublished

Elektronikong Sanggunian:
• https://tinyurl.com/AP9Q1M2p2 (Ikong - Character 1)
• https://tinyurl.com/AP9Q1M2p3 (Naomie - Character 2)
• https://tinyurl.com/AP9Q1M2p4 (Character 3)
• https://tinyurl.com/AP9Q1M2p5 (Character 4)
• https://tinyurl.com/AP9Q2A1p1 (Photo 1)
• https://tinyurl.com/AP9Q2A1p2 (Photo 2, paggalaw ng kurba ng demand)
• https://tinyurl.com/AP9Q2A1p3 (Photo 3, paggalaw ng kurba ng demand)
• https://tinyurl.com/AP9Q2M1v1 (Youtube video 1, Konsepto ng Demand)
• https://tinyurl.com/AP9Q2M1v2 (Youtube video 1, Konsepto ng Demand)
• https://tinyurl.com/AP9Q2M1v3 (Youtube video 1, Elastisidad ng Demand)
• https://tinyurl.com/AP9Q2M1v4 (Youtube video 1, Elastisidad ng Demand)

24

You might also like