You are on page 1of 20

9

Araling Panlipunan
Ekonomiks
Unang Markahan-Modyul 3
Sistemang Pang-Ekonomiya

DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module3
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Unang Markahan – Modyul 3: Sistemang Pang-Ekonomiya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Nelson Q. Francisco at Charo Bon


Editor: Jenielyn T. Garalda, Rodolfo F. De Jesus

Tagasuri: Elinor T. Abella, Leonilo C. Angeles I,


Brian Spencer B. Reyes
Tagaguhit: Ryan Christopher M. Villalon
Tagalapat: Brian Spencer B. Reyes
Tagapamahala Jenilyn Rose B. Corpuz, Brian E. Ilan,
Ebenezer A. Beloy, Heidee F. Ferrer,
Ederlina D. Baleña

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon


Kagawaran ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 8538-6900 loc 305
E-mail Address: lrms@depedqc.ph
9

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Aralin 3- Sistemang Pang-
Ekonomiya
Paunang Salita
Ang Self- Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong, o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o sinumang gagabay at tutulong sa
pag-aaral ng mga mag-aaral sa kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa hinandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtapos ng aralin upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mag-aaral na ingatan ang SLM na ito
upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan
o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay nakarararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala pa sila sa paaralan.
Alamin:
YUNIT 1- MGA SALIGAN SA PAG-AARAL NG EKONOMIKS

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay magkakaroon ng lubos


na pag-unawa sa mga paksang tatalakayin, Inaasahan din na
mabuksan ang iyong kritikal na pag-iisip at mahasa ang
kakayahan at kasanayang magdesisyon sa mga gawain at
mga pagsubok sa kaalaman sa bawat pagtatapos ng
pagtalakay sa bawat aralin.

A. INTRODUKSIYON
Sa modyul na ito na Araling Panlipunan 9 – Ekonomiks, tatalakayin
natin ang mga Saligan sa Pag-aaral ng Ekonomiks. Ito ay nakatuon sa
mga sumusunod na paksa:
1. Kahulugan ng Alokasyon;
2. Sistemang Pang-ekonomiya;
3. Mga Batayang Suliraning Pang-ekonomiya;
4. Mga Iba’t ibang Sistemang Pang-ekonomiya.
B. MGA INAASAHANG MATUTUNAN SA MODYUL
MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO: Nasusuri ang iba’t ibang
Sistemang Pang-ekonomiya.

LAMP CODE: AP9MKE-If12, AP9MKE-If13, AP9MKE-Ig14

C. MGA TIYAK NA LAYUNIN:


Pagkatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito inaasahan na iyong:
1. Naibibigay ang kahulugan ng alokasyon;
2. Natatalakay ang kaugnayan ng alokasyon sa kakapusan at
pangangailangan at kagustuhan;
3. Nasusuri ang mekanismo ng alokasyon sa iba’t ibang sistemang
pang-ekonomiya bilang sagot sa kakapusan;
4. Napaghahambing ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na
umiiral sa daigdig.

1 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module3
Subukin:

Panuto: Tama o Mali. Isulat sa sagutang papel ang letrang T kung ang pahayag ay
nagsasaad ng katotohanan at M naman kung mali.

1. May kalakalan sa ilalim ng sistemang pamilihan.


2. Kailangan ang alokasyon kapag may kakapusan.
3. Pamahalaan ang namamahagi ng mga produkto at paglilingkod sa
sistemang command o utos.
4. Ang pangunahing layunin ng sistemang pampamilihan ay panatilihin
ang tradisyon na umiiral sa komunidad.
5. Mga kapitalista o ang mga negosyante ang nagmamay-ari ng mga salik
ng produksiyon sa sistemang pamilihan.
6. Ang presyo ay isang mekanismo sa alokasyon sa sistemang command o
utos.
7. Sa pinaghalong sistema ng ekonomiya, nakikialam ang pamahalaan sa
pamamalakad ng ekonomiya.
8. Ang pinaghalong ekonomiya ay pinagsamang tradisyunal na ekonomiya
at pampamilihang ekonomiya.
9. Itinuturing na huwaran ang lipunang nasa ilalim ng sistemang
Sosyalismo.
10. Namamayani ang sistemang command sa daigdig ngayon.
11. Umiiral ang malayang kalakalan sa komunismo.
12. Ang tao ang sentro ng pagpapahalaga sa pampamilihang ekonomiya.
13. Ang estado ang higit na binibigyang halaga sa pinag-uutos na
ekonomiya.
14. Kontrolado ng pribadong sektor ang pamilihan sa ilalim ng pinag-uutos
na ekonomiya.
15. Nagbabadyet ang pamahalaan bilang isang paraan ng alokasyon.

Aralin Sistemang Pang-


3 ekonomiya
Balikan:

Muling balikan ang mga paksang tinalakay natin sa


Kahalagahan ng Ekonomiks. Ating alamin kung
natatandaan mo pa ang mga paksang natalakay sa
nakalipas na modyul sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga katanungan sa ibaba.

2 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module3
Gawain 1- Kuwento Ko, Kumpletuhin Mo!!
Panuto: Punan ang patlang ng mga salita upang mabuo ang bawat pahayag. Ang
mga sagot ay nakabatay sa nakalipas na aralin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

EKONOMISTANG GURO
Isa sa hindi ko malilimutang guro sa aking buhay hayskul ay si G. Francisco. Siya
ay nagtuturo ng Araling Panlipunan sa ikasiyam na baitang. Inilalarawan namin siya
bilang isang matalino, makisig at istriktong guro. Madalas niyang itinuturo sa
kaniyang mag-aaral na ang (1) E___________________ ay pag-aaral kung paano
matutugunan ang walang katapusang (2)p__________________ at kagustuhan ng tao
sa kabila ng (3)l___________________ pinagkukunang yaman. At dahil daw sa may
nagaganap na (4)k_______________ sa ekonomiya, dapat daw na maging matalino
kami sa aming (5)p_________________ o ginagawang pagpili. Tanda ko pa noon, sabi
niya sa amin na ang (6)s_________________________________ ay hindi lang ginagamit
sa science kundi maging sa ekonomiks din upang maipaliwanag ang mga phenomena
na nagaganap sa ekonomiya. Naging madali ang pag-aaral namin ng ekonomiks
dahil ipinapaalala niya samin na ang ekonomiks ay nag-uumpisa sa
(7)t_____________________ batay na rin sa pinagmulan ng salita nito na “oikonomia”.
Sa mga dibisyon ng ekonomiks ang pinakanatatandaan ko ay ang
(8)p___________________ dahil ako mismo ay isang konsyumer na tumatangkilik at
gumagamit na produkto at serbisyo. Ang pag-aaral namin noon ng ekonomiks ay
hinati sa dalawang sangay, ang (9)m__________________________ at
(10)m__________________, ‘Yan si G. Francisco, ang aking ekonomistang guro!!

Tuklasin:

Gawain 2 – Pizza Ko, Hati Tayo


Pag-isipan: Paano mo hahatiin ang
pizza na ito para sa buong miyembro
ng pamilya. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

3 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module3
Gawain 3 : 4 PICS 1 WORD

Panuto: Suriin ang apat na larawan upang mabuo ang hinahanap na salita.
Pagkatapos ay sagutin ang pamprosesong tanong. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

PAMPROSESONG TANONG:
1. Alin sa mga larawan ang nagturo sa
iyo ng tamang sagot?
2. Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin
ng salitang nabuo?

Halaw sa Ekonomiks LM pahina 51

Napag-aralan natin sa unang modyul na mayroon tayong walang katapusang


pangangailangan at kagustuhan ngunit ang ating pinagkukunang-yaman ay
limitado. Kaya mayroon tayong pinag-aaralang ekonomiks ito ay upang maging
bahagi tayo ng solusyon kung paano natin gagawing sapat ang salat na
pinagkukunang-yaman sa ating
walang katapusang pangangailangan
at kagustuhan.
Batay sa makikita sa dayagram ang
lahat ng mga bansa, mayaman man o
mahirap ay humaharap sa mabigat
na suliranin ng tunggalian sa pagitan
ng limitadong pinagkukunang yaman
at walang hanggang
pangangailangan, dahil sadyang
limitado ang ating pinagkukunang
yaman ngunit ang pangangailangan
naman ng tao ay walang katapusan.
Ang sitwasyong ito ay hahantong sa
kakulangan at kakapusan ng ating
mga pinagkukunang-yaman kung
hindi bibigyan ng pansin.

Makikita sa venn diagram ang pagkakaiba ng kakulangan sa kakapusan.

KAKULANGAN KAKAPUSAN

Tumutukoy sa pansamantalang di SULIRANING Tumutukoy sa limitadong


kasapatan ng mga pinagkukunang PANG- pinagkukunang yaman para
yaman para tugunan ang EKONOMIYA tugunan ang pangangailangan
pangangailangan

4 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module3
Madalas na ang dalawang konseptong ito ay ating napagpapalit ng gamit. Upang
higit nating maunawaan muling pagmasdan ang dalawang larawan sa ibaba.

Alin sa dalawang larawan ang


halimbawa ng kakulangan at alin
naman ang kakapusan?

Parehas na walang mabilling paborito mong juice drink at bigas sa pamilihan.


Subalit, ang salitang kakapusan ay maiuugnay lamang sa bigas dahil ito ay nagiging
limitado dahil sa mga kalamidad na humahantong sa pagkasira ng pananim.
Kadalasang mahirap bigyan ng solusyon ang kakapusan at nangangailangan ng
matagal na panahon sa paglutas dito. Kung ganun, bakit ang bottled juice drink ay
nasa kategorya ng kakulangan? Sapagkat ito ay pansamantala o panandaliang
sitwasyon lamang ng di kasapatan. Maaring nahuli lamang ng delivery sa tindahan
ng bottled juice. Maaring sa paglipas ng oras mayroon nang tinda. Samakatuwid,
madaling gawan ng solusyon ang kakulangan kaysa sa kakapusan.
Ang mga suliraning pang-ekonomiya na ito ay masosolusyunan sa pamamagitan ng
Alokasyon.

Ano nga ba ang ALOKASYON?


Ito ay isang mekanismo ng pamamahagi ng
pinagkukunang yaman, produkto at serbisyo, upang
matugunan ang suliranin ukol sa limitadong
pinagkukunang-yaman at walang hanggang
pangangailangan ng tao.

Ang alokasyon ay maisasagawa lamang sa pamamagitan ng paggamit ng sistemang


pang-ekonomiya. Ang sistemang pang-ekonomiya ay nakabatay sa pangangailangan
ng ekonomiya ng isang bansa. Kung kaya’t bawat mga bansa ay may kaniya-
kaniyang sistemang pang-ekonomiyang ipinatutupad. Kung ganoon, ano naman
itong Sistemang Pang-ekonomiya?

Sistemang Pang-ekonomiya

Ang sistemang pang-ekonomiya ay isang


pamamaraan na kinakasangkutan ng produksiyon,
pamamahagi, at paggamit ng mga produkto o serbisyo.
Ito ang kaparaanan na ginagamit ng lipunan upang
gumawa at mamahagi ng mga produkto at serbisyo.

5 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module3
Dahil hindi lahat ng ating mga pangangailangan at kagustuhan ay matutugunan ng
ating limitadong pinagkukunang yaman, dapat pa ring matiyak ang lubos at tamang
paggamit nito. Batay sa naunang aralin, nakasalalay sa matalinong pagpapasya ng
tao ang kaniyang pagpili sa gitna ng nararanasang kakapusan.
Ang alokasyon ng mga pinagkukunang-yaman ay masasabing maayos at episyente
kung ito ay sumagot sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko.

Nakabatay sa dami, Manwal na paggawa


uri at katangian ng o gagamit ng
yamang likas ng makinarya
isang lugar

Ang makikinabang Laki ng


sa mga produkto at pangangailangan ng
serbisyo isang bansa.

Gawain 4 : TANONG AT SAGOT


Panuto: Punan ang kahon ng apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiya
batay sa mga ibinigay na mga halimbawa sa kanang bahagi nito at sagutin ang mga
pamprosesong tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano-ano ang apat na pangunahing
katanungang pang-ekonomiya?

2. Paano nito nasasagot ang suliranin sa


kakapusan kaugnay ng konsepto ng
alokasyon?

Halaw sa Ekonomiks LM pahina 54

6 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module3
Suriin:

Gawain 5: SISTEMA BA IKAMO?

Panuto : Piliin ang angkop na sistemang pang-ekonomiya sa bawat larawan. Isulat


ang sagot
sa sagutang papel.
*TRADISYUNAL *PAMPAMILIHAN *PINAG-UUTOS *PINAGHALO

1 2

3 4

Halaw sa LM ng Ekonomiks pahina 51-52


PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano ang iyong naging batayan sa pagpili ng sagot?
2. Ipaliwanag ang kahulugan ng sistemang pang-ekonomiya?

MGA SINAUNANG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA

Ang ekonomiya ay
Ito ay nakabatay sa nasa kontrol at regulasyon
tradisyon, kultura at ng pamahalaan.
paniniwala ng Ang pamahalaan ay
lipunan. may ganap na kapangyarihan
Umiikot lamang sa na gamitin ng husto ang
lupa, paggawa at kapital
pangunahing
upang makamit ang mga
pangangailangan ng tao layuning pang-ekonomiya.
tulad ng damit, pagkain at
tirahan.
Ang produksiyon ng Pinaghalong Sistema
mga kalakal at serbisyo ng Market at Command
ay nagaganap sa economy.
malayang pamilihan. Hinahayaan ang malayang
Ang bawat kalahok ay pagkilos ng pamilihan
kumikilos alinsunod sa subalit maaring
kanyang pansariling manghimasok ang
interest. pamahalaan sa presyo at
kaligtasan ng mamimili.

7 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module3
Unawain:

Matapos nating matalakay ang mga iba’t ibang


sinaunang sistemang pang-ekonomiya. Tingnan at
basahing mabuti mga Makabagong Sistemang
Pang-ekonomiya na tatalakayin mismo ng mga
taong may sangkot dito.

Mga Makabagong Sistemang Pang-ekonomiya

Ang pamilihang ekonomiya o Market Economy ay mas kilala


ngayon sa tawag na Kapitalismo. Ito ay nagmula sa aking ideya na
ang pamilihan ay malaya o free market economy mula sa doktrinang
laissez-faire. Kung saan ang mga pribadong sektor o negosyante ay
may kontrol at pagmamay-ari sa pamilihan. Ang ganitong sistema ay
umiiral sa Estados Unidos, Japan at Pilipinas.

Adam Smith

Ang pinag-uutos na ekonomiya o Command Economy


naman ay ang tinatawag na Komunismo mula salitang
commune na ibig sabihin ay “sama-sama” o “kolektibo”
na kung saan itinuturing na lahat ng tao ay pantay sa
lipunan. Ang pamahalaan ang may hawak ng salik ng
Karl Marx
produksiyon na umiiral sa mga bansang Cuba, North
Korea, at China.

Ang pinaghalong ekonomiya o Mixed Economy ay


pinaghalong katangian ng kapitalismo at komunismo na sa
kasalukuyan ay tinatawag ng Sosyalismo. Ang salik ng
produksiyon ay maaaring pag-aari ng pribadong sektor
ngunit ang pamahalaan ay nagmamay-ari din maging ang
dayuhan. Ito ay may layuning paunlarin ang ekonomiya ng
bansa. Maituturing ang ganitong sistemang pang-
ekonomiya sa mga bansang Sweden, France at Norway.
Thomas Moore

8 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module3
Pagyamanin:

Gawain 6- Dialogue Box


Panuto: Punan ng tamang sagot ang usapan ng dalawang tauhan sa bawat kahon.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1 2

3 4

Hinalaw sa LM ng mga mag-aaral pahina 58

Halaw sa Ekonomiks LM pahina 56

1. Para sa karagdagang kaalaman panoorin ang


sumusunod na bidyo tungkol sa sistemang
pang-ekonomiya
● Tradisyunal na sistemang pang-ekonomiya
https://bit.ly/AP9Q1M3V1
● Market Economy
https://bit.ly/AP9Q1M3V2
● Command Economy
https://bit.ly/AP9Q1MEV3
● Mixed Economy
https://bit.ly/AP9Q1M3V4

9 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module3
Gawain 7- ITALA MO
Panuto: Isulat ang kasagutan sa iyong sagutang papel.

Ang ating bansa ay humaharap sa suliraning dulot ng


pandemyang COVID 19. Kung kaya ang ating pamahalaan
ay ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya upang
matugunan ang nasabing suliranin. Kung ikaw ay
mabibigyan ng pagkakataon na makapamili ng sistemang
pang-ekonomiya sa panahon ng pandemya, ano sa palagay
mo ang mas dapat pairalin sa bansang Pilipinas?
Bakit ito ang iyong napili?

RUBRIKS:

Nilalaman…………………………………5 puntos
Kaayusan ng paglalahad ng ideya……. 5 puntos
Pagkamalikhain………………………….5 puntos
Istilo ng pagsulat ng sanaysay…………5 puntos

Isaisip
Narito ang mga mahahalagang tandaan mula sa ating tinalakay sa
modyul na ito.

● Dahil sa pagkakaroon ng limitadong pinagkukunang- yaman at walang


katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao nagkakaroon tayo ng
suliraning pang-ekonomiya na kakulangan at kakapusan.

● Ang kakulangan ay ang di-kasapatan ng pinagkukunang yaman samantalang


ang kakapusan naman ay ang pagiging limitado ng pinagkukunang yaman
para tugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan.

● May apat na basikong katanungan na dapat masagot ang sistemang pang-


ekonomiya: ito ay ang Ano, Paano, Para Kanino, at Gaano Karami ang
produkto at serbisyong gagawin.

● Ang mga sistemang pang-ekonomiya ay ang tradisyunal, pamilihan, pinag-


uutos, at pinaghalo.

● Ang bagong sistemang pang-ekonomiya ngayon ay kilala bilang Kapitalismo,


Komunismo, at Sosyalismo.

10 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module3
Isagawa

Matapos mong maunawaan ang tungkol sa konsepto ng


alokasyon at sistemang pang-ekonomiya, kausapin si nanay at
tatay. Tanungin sila kung paano nila naisasagawa ang
alokasyon mula sa ayudang nakuha nila sa gobyerno kung
mayroon man at anong pamamaraan ang ginagawa nila para
mapagkasya ito sa pang-araw-araw na pamumuhay sa
panahon ng quarantine. Isulat ito sa sagutang papel.

Tayahin:
PANUTO: Pamimili. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.
.
1. Alin sa mga sumusunod na sistemang pang-ekonomiya ang naniniwala sa
pribadong pamumuhunan?
a. Tradisyonal b. Market c. Command d. Mixed
2.Sa command economy, ano ang may komprehensibong kontrol at regulasyon
ng ekonomiya ng bansa?
a. Prodyuser b.Konsyumer c. Pamahalaan d. Pamilihan
3. Paano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung
ikaw ay kabilang sa sistemang tradisyunal na ekonomiya?
a. Wala, sapagkat iyong katungkulan ay nagmumula sa utos ng pamahalaan batay
sa plano nito.
b. Malaya kang makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes.
c.Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakinabang ng mga
pinagkukunang yaman.
d. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol sa ibang gawain.
4. Sa aling sistema may lubos na kontrol ang pamahalaan sa ekonomiya ng
bansa?
a. Tradisyunal b. Market c.Command d. Mixed
5. Sa Market economy, sino ang nagpapasya kung paano sasagutin ang tatlong
batayang katanungang pang-ekonomiko?
a. Tradisyon b. Pamilihan c. Gobyerno d. Negosyante
6. Ayon kay Karl Marx, anong uri ng sistemang pang-ekonomiya ang umiiral sa
isang bansang walang mahirap o mayaman?
a. Tradisyonal b. Market c. Command d. Mixed
7. Sinasabing kaakibat ng pagtugon sa mga pangangailangan ng bawat bansa ay
ang pagharap sa mga suliraning pang-ekonomiya gaya na lamang ng kakulangan
at kakapusan. Ngunit ang bawat bansa ay may sariling mga pamamaraan sa
pagtugon dito gaya na lamang ng pagkakaroon ng sistema ng alokasyon. Alin
sa mga sumusunod ang nagpapahayag na ito ang pangunahing mekanismo laban
sa kakapusan?
a. Ito ay isang malaking hakbang ng pagbabakasakali kung paano tutugunan ang
mga pangangailangan at kagustuhan ng tao.

11 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module3
b. Ito ay nakakatulong upang maipamahagi ang salat na pinagkukunang yaman sa
lahat.
c. Ito ay kumokontrol sa ating mga pinagkukunang-yaman
d. Ito ang nagdidikta ng presyo, demand at suplay sa pamilihan upang matugunan
ang mga pangangailangan.
8. Ang mga sumusunod ay katangian ng ekonomiyang pampamilihan maliban
sa:
a. Planado ang paraan ng alokasyon ng pamahalaan sa mga pinagkukunang yaman
b. May pribadong pagmamay-ari ang mga pinagkukunang yaman
c. Malayang nakalalahok ang lahat sa mga gawaing pagkakakitaan
d. Nakakapagpasya ang pribadong indibidwal sa alokasyon ng kanyang
pinagkukunan
9. May mga bansang salat sa pinagkukunang-yaman ngunit maunlad dahil sa:
a. wastong paggamit at pangangalaga sa salat na pinagkukunan
b. magandang batas pangkaunlaran ng bansa
c. disiplinadong mamamayan
d. magandang tradisyon ng bawat bansa tungkol sa pinagkukunan
10. Tawag sa paglalaan, pagtatakda, at pamamahagi ng mga pinagkukunan
upang
magawa ang mga produktong tutugon sa kagustuhan ng mga tao
a. alokasyon b. distribusyon c. pagpapalitan d. pagkonsumo
11. Batayang katotohanan ng ekonomiya kung saan ang mga kalakal na
pangkabuhayan ay limitado.
a. pangangailangan b. kagustuhan c. kakapusan d. kakulangan
12.Sa ilalim ng command economy, ang mga pagpapasya kung anong produkto
at serbisyo ang dapat na likhain ay nakasalalay sa kamay ng;
a. konsyumer b. prodyuser c. pamilihan d. pamahalaan
13. Kung ikaw ay kabilang sa sistemang command economy, alin sa sumusunod
ang hindi nagpapakita ng gampanin ng kasapi ng sistemang ito?
a. Ang iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng pamahalaan
batay sa plano.
b. Malaya kang kumikilos ayon sa sariling interes nang walang pakikialam ng
pamahalaan.
c. Sama-samang isinasagawa ang mga gawain at pakinabang sa pinagkukunang-
yaman.
d. May kalayaan ang mamamayan ngunit may kontrol pa rin ang pamahalaan sa
ilang gawain
14. Ano ang tawag sa pagtatakda ng mga pinagkukunang yaman upang
matugunan ang kagustuhan?
a. Distribusyon b. Alokasyon c. Pamumuhunan d. Reserbasyon
15. Alin sa mga sumusunod ang HINDI na naglalarawan sa lipunang may market
economy?
a. Mababang buwis ang ipinapataw sa mga kalakal.
b. Kakaunti ang mga regulasyon sa pagnenegosyo.
c. Walang buwis na ipinapataw sa mga kalakal.
d. Ang pamahalaan ang may kontrol sa negosyo.

12 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module3
Karagdagang Gawain:

Gumupit ng artikulo mula sa pahayagan, maaari ding


kumuha sa internet ng balita na may kinalaman sa
alokasyong ginawa ng pamahalaan upang matugunan
ang pangangailangan ng mga tao sa bansa ngayong
panahon ng pandemya. Ilagay ito sa kuwaderno at
isulat ang buod at iyong reaksiyon sa nasabing artikulo.

13 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module3
DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module3 14
TAYAHIN Gawain 6
1.B 11.C ITO AY
Gawain 7 NAKABATAY SA
2.C 12.D TRADISYON,
MAARING MAGKAKAIBA NG PANINIWALA AT
3.C 13.B SAGOT KULTURA
ANG
4.C 14.B
PROGUKSYON
5.D 15.D NG MGA
KALAKAL AY
6.C NAGAGANAP SA
MALAYANG
7.B Gawain 4 PAMILIHAN
PAMAHA
8.A UNANG BOX- LAAN/GOBYERN
PAANO GAGAWIN? O
9.A PINAHAL
IKALAWANG BOX- O KASI ITONG
10.A.
ANO ANG GAGAWIN? PAMPAMILIHANG
EKONOMIYA AT
IKATLONG BOX- PINAG-UUTOS
PARA KANINO? EKONOMIYA
Gawain 5
PANG-APAT NA
PINAG-
UUTOS BOX-GAANO KARAMI?
TRADISY Gawain 3
PAMPROSESONG TANONG
UNAL
MAARING
PAMPAMI 1.ANO ANG MAGKAKAIBA NG
LIHAN GAGAWIN?PARA SAGOT
PINAGHA KANINO?GAANO ALOKASY
LO
KARAMI?PAANO GAGAWIN? ON-PAHAHATI,
PAMPROSESONG TANONG
PAGTATAKDA,PA
2.DAHIL DITO MAS MAMAHAGI NG
MAARING
NAGIGING MAAYOS AT PINAGKUKUNANG
MAGKAKAIBA NG
SAGOT EFFICIENT ANG PAGGAMIT YAMAN
ITO AY NG PINAGKUKUNAN
ISANG
MEKANISMONG
GINAGAMIT
UPANG SUBUKIN
TUKLASIN BALIKAN- KWENTO KO, T
Gawain 2-PIZZA KO, HATI KUMPLETUHIN MO T
TAYO EKONOMIKS T
PANGANGAILANA M
MAARING T
MAGAKAKAIBA NG GN
LIMITADO/LIMIT M
SAGOT T
ADONG
MAARING KAKAPUSAN M
MAGAKAKAIBA NG PAGDEDESISYPN T
SAGOT SIYENTIPIKONG M
UPANG LAHAT AY PAMAMARAAN T
MAKATANGGAP NG TAHANAN T
PAGKONSUMO T
PIZZA AT WALANG
9-10. M
LAMANGAN T
MAARING MAKROEKONOMIKS/MA
MAGAKAKAIBA NG YKROEKONOMIKS
SAGOT
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Department of Education (2015), Ekonomiks 10- Araling Panlipunan- Modyul para
sa mga Mag-aaral Unang Edisyon pahina 50-59

C Bon et.al,2015 Ekonomiks sa Makabagong Panahon JO-ES Publishing House Inc.


pahina 3-21

Baluyot et al. (2020) Daily Lesson Plan (Unang Markahan) 9-Ekonomiks (MELCs).
Unpublished

Elektronikong Sanggunian:

Https://tinyurl.com/AP9Q1M2p1 (Ikong Character)


Https://tinyurl.com/AP9Q1M2p2 (Naomie Character)
https://bit.ly/AP9Q1M3TITLE1 (Thomas Moore)
https://bit.ly/AP9Q1M1TITLE2 (Adam Smith)
https://bit.ly/APQ1M3TITLE3 (Economic System)
https://bit.ly/AP9Q1M3TITLE4 (Karl Marx)
https://bit.ly/AP9Q1M3P1 (Adam Smith)
https://bit.ly/AP9Q1M3P2 (Thomas Moore)
https://bit.ly/AP9Q1M3P3 (Karl Marx)
https://bit.ly/AP9Q1M3P4 (kakulangan ng juice sa pamilihan)
https://bit.ly/AP9Q1M3V1 (Tradisyunal na Ekonomiya)
https://bit.ly/AP9Q1M3V2 (Market Economy)
https://bit.ly/AP9Q1M3V3 (Command Economy)
https://bit.ly/AP9Q1M3V4 (Mixed Economy)
https://bit.ly/AP9Q1M3V5 (Timbangan- Kakapusan ng Bigas)
Bitmoji

15 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module3
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon

Email Address: lrms@depedqc.ph

Telephone Number: 8538-6900 loc 305

Module Review Form: bit.ly/QCmodulereview

You might also like