You are on page 1of 8

Aralin

Konsepto ng Demand
1
Tuklasin

Kaarawan Ko, Bibili Ako!

Kaarawan mo at naisipan mong biyakin ang iyong alkansya at piggy bank. Ang
iyong ipon ay umabot ng Php 10, 365.00. Tingnan at pag-aralan ang bawat produkto sa
ibaba. Alin sa mga sumusunod ang bibilhin mo batay sa iyong naipong pera? Isulat ang
iyong sagot sa activity notebook.

Pangkat A Pangkat B

https://pixabay.com/photos/shoes-
Photo Credits: Melissa Lienbacher mens-black-fashion-dress-
4887100/

https://pixabay.com/photos/
background-business-clips-
Photo Credits: Melissa Lienbacher
color-2091/

Photo Credits: Jessa Marie C. Macapobre https://freesvg.org/backpack-vector-


image9903
1. Sa anong pangkat kadalasan ang iyong mga napili?

____________________________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Ano ang naging batayan mo sa pagpili ng mga ito?


____________________________________________________________________________________
________________________________________________________________

Suriin

Demand

Ang demand ay ang dami ng produkto


o serbisyo na nais at kayang bilhin ng mga
mamimili sa iba’t-ibang presyo sa isang
takdang panahon. Tinatawag na
quantity demanded ang dami na gustong
bilhin ng isang mamimili sa isang particular
na presyo
Photographed by; John Anthony B. Dayday

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng presyo kaya palagi itong


nakaugnay sa demand. Ito ay pangunahing salik na nagtatakda at nakapagpapabago
ng demand ng isang mamimili.

May dalawang konseptong


nagpapaliwanag kung bakit inverse o magkasalungat ang ugnayan ng presyo at
demand; 1. Substitution Effect, 2. Income Effect.
Magkasalungat na ugnayan ng
Presyo at Demand
Substitution Effect Income Effect

Isinasaad dito na kung ang presyo Isinasaad dito na mas malaki ang halaga ng
ng isang produkto ay tataas, kita ng tao kapag mababa ang presyo.
mababawasan ang bilang ng mga Tataas ang kakayahan ng kita ng tao na
mamimili dahil sila ay maghahanap makabii ng maraming produkto kung
ng produktong pamalit sa mas mababa ang presyo. Kapag tumaas naman
murang halaga. ang presyo ay lumiliit ang kakayahan nitong
makabili ng mga produkto.

Konsepto ng Demand
Ang ugnayan ng demand at presyo ay maaaring maipapakita sa tatlong
pamamaraan; Demand Function, Demand Schedule at Demand Curve.

1. Demand Function – ito ay ang matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at


quantity demanded. Ito ay maaaring maipakita sa pamamagitan ng mga equation sa
ibaba.

Kompyutasyon sa Demand Function

Ipagpalagay ang Demand Function; Qd = 50 – 2P

Komputasyon ng Qd;

kung ang P ay Php6: kung ang P ay Php10: kung ang P ay Php14:


Solution 1: Solution 2: Solution 2:
Qd=50−2 P Qd =50−2 P Qd =50−2 P
¿ 50−2(6) ¿ 50−2(10) ¿ 50−2(14)
¿ 50−12 ¿ 50−20 ¿ 50−28
Komputasyon ng P;

kung ang Qd ay 34: kung ang Qd ay 26:

Solution 1: Solution 2:
a−Qd a−Qd
P= P=
b b
50−34 50−26
¿ ¿
2 2
16 24
¿ ¿
2 2
2. P=8 Demand Schedule – Ito
P=12
ay isang talahanayang pagpapakita ng dami ng produkto o serbisyong kaya at gustong
bilhin ng mamimili sa iba’t-ibang presyo.

Makikita ang demand schedule na


nabuo mula sa demand function na Qd = 50 –
2P. Inilalahad dito sa schedule na habang
tumataas ang presyo ay bumababa rin ang
demand.

3. Demand Curve (Kurba ng Demand) – ito ay isang grapikong paglalarawan sa


ugnayan ng presyo at quantity demanded o dami ng demand ng produkto o serbisyo.

Makikita sa nabuong grap mula sa


schedule gamit ang demand function na Qd =
50 – 2P. Ipinapakita sa grap ang curve
kung saan inilalarawan ang ugnayan ng
presyo at demand. Inilalahad din sag rap ang
download sloping o paggalaw ng curve
dahil sa inverse o magkasalungat na
ugnayan ng presyo at demand

Pagyamanin
Idemand, Itala, at Ikurba!

Oras na para sa tanghalian, pumunta kayo sa canteen upang bumili ng inyong


pananghalian. Nais mong kumain ng pater. Ipinagbibili ang pater sa iba’t – ibang
presyo. Gusto mo ngayong malaman ang demand ng pater sa inyong paaralan. Ipakita
ang inyong solusyon sa activity notebook.

Gamit ang demand function


na Qd = 60 – 2P, kompyutin ang Qd
gamit ang iba’t – ibang presyo
upang makumpleto ang schedule
sa ibaba. Isulat sa activitiy
notebook ang iyong sagot.

Batay sa nabuong demand


schedule, gumawa ka ng grap
para maipakita ang demand curve. Maaaring gumamit ng graphing paper o gawin ito
sa iyong activity notebook.

Aralin

2 Mga Salik ng Demand

Tuklasin

Nagbabagang Balita!

Dumarami ang kaso ng Covid-19 sa Region 10. Ipinag-uutos sa publiko na


gumawa ng mga paghahanda. Nagpunta si Eugene sa FK Mart upang bumili ng
sampung bote ng alcohol.

Bakit maraming bote ng alcohol ang binili ni Eugene? Ipaliwanag ang iyong
sagot. https://pixabay.com/vectors/
television-vintage-tv-retro-
36276/

Suriin
Dahil sa krisis na nararanasan natin ngayon, naging mas maingat tayo sa ating
mga desisyon kung ano ang dapat nating bilhin. Napahalagahan ang tamang paggasta
at pagkonsumo upang maging matatag ang presyo sa pamilihan. Maliban sa presyo,
mahalagang matutunan natin ang iba pang salik ng demand upang maging matalinong
mamimili.

Pansinin ang tsart na


nasa kanang bahagi
na nagpapakita ng iba’t –
ibang mga salik na nakaka-
apekto sa demand.

Isaisip

Gawain 1

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon na nasa talahanayan. Tukuyin kung tataas o
bababa ang demand ng mga produkto na nasa ikalawang kolum batay sa sitwasyong
katapat nito. Iguhit sa ikatlong kolum ang simbolong ↑ kung ang demand ay tataas, at
ang simbolong ↓ kung bababa ang demand.

Ano ang mangyayari sa


Sitwasyon Produkto
Demand?

Nagkaroon ng Covid-19 Pandemic Face Mask


Malapit na ang Pasukan School Supplies
Panahon ng Taglamig Ice Cream
Nagkaroon ng malakas na bagyo Isda at Gulay
Nagkaroon ng Red Tide Tahong
Gawain 2

Panuto: Tukuyin kung anong salik na nakakaapekto sa demand ang isinasaad ng mga
pahayag.
1. Napromote sa trabaho si Hector kaya may karagdagan sa kaniyang magiging
sweldo.

2. Ibinalita sa TV na may isang aktibong kaso na ng COVID-19 sa syudad kaya


agad na namili ng alcohol mask at bigas si Mario.

3. Tumaas ang demand ng mga bulaklak dahil sa nalalapit na araw ng mga puso.

4. Maraming kabataan ngayon ang nahuhumaling sa mga pagkaing Koreano dahil


sa pagsubaybay ng mga KDrama.

5. Tumaas ang presyo ng tinapay dahil sa pagtaas ng presyo ng arina.

Buod
Natalakay sa modyul na ito ay ang konsepto ng demand. Sa pagganap ng mga
gawain at pagbasa ng mga teksto, nabigyang linaw ang mga sumusunod;

 Ang demand ay ang dami ng produkto o serbisyo na nais at kayang bilhin ng


mga mamimili sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon
 Ayon sa batas ng demand ang presyo ay may inverse o magkasalungat na
ugnayan ang presyo at quantity demand ng isang produkto.
 Ang pagbabago sa presyo ng produkto ay nagdudulot ng pagbabago ng dami na
demanded (quantity demanded) para sa produkto.
 Ang dalawang konseptong nagpapaliwanag kung bakit inverse o magkasalungat
ang ugnayan ng presyo at demand ay ang Substitution Effect at Income Effect.
 Ang ugnayan ng demand at presyo ay maaaring maipapakita sa tatlong
pamamaraan; Demand Schedule, Demand Curve, at Demand Function.
 Ang mga salik na nakaapekto sa demand ay: kita ng maimili; panlasa; Dami ng
Mamimili; Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo; at
Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap

You might also like