You are on page 1of 9

9

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Konsepto at Salik na Nakaaapekto
sa Suplay
WEEK 3 DAY 1

Alamin
Most Essential Learning Competency:
• Natatalakay ang konsepto at salik na nakakaapekto sa supply sa pang araw araw na
pamumuhay

Gawain 1: Balik-Tanaw
Panuto: Punan ang kahon ng wastong titik upang maibigay ang tamang sagot.

1. Dami ng handa at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon
E A D
2. Grapikong paglalarawan ng tuwirang relasyon ng presyo at quantity demanded sa pamilihan
K B N
E A D
3. Salitang Latin na nangangahulugan na ang ibang salik ay hindi nagbabago
E S

P I
4. Nagsasaad na mayroong magkataliwas na ugnayan sa pagitan ng presyo quantity demanded
A G
A
5. Nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mas mababa ang presyo
I E E C

Tuklasin
Gawain 2: I-konek Mo
Panuto: Tunghayan muna ang larawan at subukang sagutin ang pamprosesong tanong upang mas
maunawaan ang ating aralin.

1
1. Ano sa palagay mo ang nais ipahiwatig ng larawan?

2. Ano sa iyong palagay ang nasasaisip ng bata?

3. Ano naman kaya ang nasasaisip ng nagtitinda?

4. Bakit magkaiba ang kanilang nasasaisip?

Suriin

Gawain 3: iSyURI
Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman ng balita. Pagkatapos ay sagutin ang mga pamprosesong
tanong.

Limitasyon sa pagbili ng face mask, alcohol, de-lata inalis na

Tinanggal na ng Pero ngayon ay dumami na ang “Remember, naglagay tayo ng


Department of Trade and Industry supply ng mga mask at alcohol. limits sa number of
(DTI) ang pinatupad na bilang na “Now we have an food products, essential products,
maaaring mabiling face mask at abundant supply of masks, and and even alcohol and masks. We
alcohol ng isang indibiduwal. that’s the reason why just recently, have also increased the limits,
Ayon kay DTI Secretary about two days ago we are let’s say, on mask purchases to
Ramon Lopez, dahilan ng removing these limits in one box of 50 [pieces]. Dati ‘yan
limitasyon ng pagbili sa mga purchases,” wika ni Lopez sa five pieces lang. We have
naturang produkto ay ang Kapihan sa Manila Bay forum, removed the limitations in buying
kakulangan nito sa unang linggo Miyerkoles. canned goods, instant noodles, and
ng quarantine noong Marso. all the food and other essential
items,” dagdag niya.
https://tnt.abante.com.ph/limitasyon-sa-pagbili-ng-face-mask-alcohol-de-lata-inalis-na/

Pamprosesong Tanong:

1. Sa iyong palagay, bakit kinailangang magpatupad ng limitasyon o takdang bilang sa dami ng


bibilhing facemask, alcohol at iba pang pangangailangan ang DTI sa mga pamilihan?
2. Ano ba ang naganap sa presyo ng mga produktong nabanggit sa pag-uumpisa ng pandemyang
COVID-19 sa ating bansa?
3. Makatutulong kaya ang ginawang paglilimita sa dami ng bibilhing produkto? Bakit?

4. Ano sa palagay mo ang naging dahilan upang alisin ng DTI ang limitasyon na una nitong
pinairal sa pamilihan?

Pagyamanin
Ang Kahulugan ng Supply
Ang Prodyuser ay tinatawag na supplier. Ang pagnanais at kakayahan ng mga supplier ang batayan
ng pagtatakda ng supply sa pamilihan. Kailangang sabay na umiiral ang mga katangiang ito upang
masabi na may supply sa pamilihan.Ang supply ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na
handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.
2
WEEK 3 DAY 2

May iba’t ibang pamamaraan upang mas maipaliwanag ang konsepto ng supply.

Batas ng Supply
Ang batas ng supply ay naglalarawan na mayroong tuwiran o positibong relasyon ang presyo sa
quantity supplied. Sa batas na ito isinasaad na habang ang presyo ng produkto ay tumataas, tumataas
din ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser. Ngunit kapag
ang presyo ay bumababa, bumababa rin ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili
ng mga prodyuser (ceteris paribus).
Ayon sa nasabing batas ng supply, tanging presyo lamang ang nakaaapekto sa supply. Sa tuwing
ang mga prodyuser ay magdedesisyon na magprodyus ng produkto o magkaloob ng serbisyo, ang
presyo ang kanilang pangunahing pinagbabatayan sa paglikha.Dahil dito, higit ang kanilang pagnanais
na magbenta nang marami kapag mataas ang presyo.

Gawain 4: Ano Sa’yo?


Panuto:
Punan ang mga blanko
ng tamang termino upang mag
maunawaan ang konseptong
ipinapahayag ng dayagram.

Supply Schedule

Ang konsepto ng supply ay higit na mauunawaan sa pamamagitan ng supply schedule na


maglalarawan ng dalawang variables. Ito ay isang paraan para maipakita ang ugnayan ng presyo at
quantity supplied.
Ang supply schedule ay isang talahanayan na nagpapakita ng dami ng produkto na handa at kayang
ipagbili ng prodyuser sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon. Suriin ang supply schedule ng
bolpen.
Ang iskedyul na ipinapakita sa talaan ay ang quantity supplied para sa
bolpen sa iba’t-ibang presyo. Halimbawa, sa halagang (Php 5.00) bawat
piraso ng bolpen, dalawampu (20) lamang ang dami ng handa at
kayang ipagbili ng mga prodyuser.

Ngunit kung tataas ang presyo at umabot ng sampung piso (Php 10.00)
bawat piraso ng bolpen, mapapansin na magiging apatnapu (40) ang
magiging supply ng bolpen. Malinaw na ipinapakita ang direktang
ugnayan ng presyo at quantity supplied ng bolpen para sa prodyuser.
WEEK 3 DAY 3
Gawain 5: Kaya ko!
Panuto: Sa gawaing ito, lumikha ng supply schedule na nagpapakita ng presyo ng iyong produkto nais
likhain at ibenta, at ang bilang na iyong ipoprodyus habang tumataas ang presyo.

Produktong nais iprodyus kung isang supplier:

PRESYO DAMI NG PRODUKTONG LILIKHAIN

WEEK 3 DAY 3

Supply Curve

Ang supply curve ay


tumutukoy sa grapikong
paglalarawan ng tuwirang
ugnayan ng presyo sa quantity
supplied. Kapag ang mga datos
sa supply schedule ay inilagay
sa isang dayagram o graph,
mabubuo ang supply curve.
Tulad sa demand curve, may
dalawang aksis ang graph, ang
vertical at horizontal na aksis.

Makikita sa supply curve sa


punto A na sa presyong
limang piso (Php.5.00),
dalawampung piraso (20) ang
dami ng bolpen na handa at
kayang ipagbili ng prodyuser; sa punto B na ang presyo ay sampung piso (Php. 10.00 ), apatnapung
piraso ang dami ng bolpen na handa at kayang ipagbili ng prodyuser. Ang quantity supplied ay
tumataas kaalinsabay ng pagtaas ng presyo na naglalarawan ng tuwirang relasyon ng dalawa. Kung
tutuntunin ang mga punto mula A hanggang G makabubuo ng isang kurbang pataas o upward sloping
curve. 4
Paggalaw sa Supply Curve o Movement
Along the Supply Curve
Ipinapakita sa graph sa itaas ang paggalaw sa supply
curve. Ang paggalaw ng supply curve ay magaganap
kung ang salik na nakaaapekto ay ang presyo ng
produktong nagbabago. Kung ang presyo ng bolpen ay
tumaas mula sampu (php. 10.00) tungong labing –lima
(Php. 15.00), makikita sa graph na lilipat ang punto
mula B hanggang C. Kung bababa naman ang presyo
mula tatlumpu’t lima (Php. 35.00) tungong tatlumpu
(Php. 30.00), ang punto G ay lilipat sa punto F
Gawain 7: I- graph Mo
Panuto: Lumikha ng supply curve mula sa supply schedule ng facemask.

Supply Schedule ng Facemask


Presyo sa Bawat Quantity Supplied
Piraso (Kahon)
5 50
7 120
10 300
12 420
15 600

Supply Function

Ang supply function ay paraan ng pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied.Sa


pamamagitan ng mathematical equation ay mailalarawan ang supply function. Maaari itong ipakita sa
equation na:
Qs = f (P)
Ito ay ginagamitan ng dalawang variable, Ang Qs o quantity supplied ang tumatayong dependent
variable, at ang P (Presyo) namn ang independent variable. Ang Qs (Quantity Supplied) ay
naaapektuhan ng anumang pagbabago ng P (Presyo). Isa pang paraan ng pagpapakita ng supply
function ay sa equation na:
Qs = c + bP

Naglalarawan kung ang ugnayan ng P at Qs ay positibo o negatibo. Samantala, ang slope naman ay nagpapakita ng
pagbabago sa dami ng supply sa bawat pisong pagbabago sa presyo.
Supply Function mula sa Supply Schedule para sa bolpen: Qs = 0 + 4P.
Kapag ang P = 5 Qs = ? Kapag ang P = 15 Qs = ?

Qs = 0 + 4P Qs = 0 + 4P
Qs = 0 + 4(5) Qs = 0 + 4(15)
Qs = 0 + 20 Qs = 0 + 60
Qs= 20 pirasong bolpen Qs= 60 pirasong bolpen
Gawain 9: I- compute Mo
Panuto: Gamit ang supply function na kompyutin kung ilan ang magiging quantity supply sa iba’t ibang
presyo ng produktong alcohol. Ipakita ang iyong ginawang kompyutasyon sa mga kahon na inilaan
sa bawat presyo.
Qs= 200+ 5P

Presyo: 50 Presyo: 40 Presyo: 30


Qs= Qs= Qs=
WEEK 4
Mahusay ang iyong ipinakita sa ating mga nagdaang paksa. Ngayon ay naunawaan mo na ang konsepto ng supply at ang
iba’t ibang pamamaraan upang ito ay ilarawan. Ang bilang ng mga produkto at serbisyong lilikhain at igagawad ng mga
prodyuser sa pamilihan ay direktang naapektuhan ng Presyo nito. Subalit, hindi sa lahat ng pagkakataon ay presyo
lamang ang sanhi upang dumami o kumaunti ang supply sa mercado. Kung ano ang mga ito ay ating talakayin. Basahin
ang mga sumusunod na teksto at pagkatapos ay sagutan ang mga sumusunod na gawain.

Iba pang mga Salik na nakakaapekto sa Supply


Maliban sa presyo, may iba pang salik na nakakaapekto sa supply. Ang pagsusuri ng mga salik na ito ay
mahalagang malaman upang higit na maging matalino sa paggawa ng desisyon ang mga prodyuser.
1. Pagbabago sa Teknolohiya
Karaniwan na ang modernong teknolohiya ay nakatutulong sa mga prodyuser na makabuo ng mas maraming
supply ng produkto. Dahil ditto, maaaring bumaba ang halaga ng produksyon na lalong hihikayat sa mga
prodyuser na dagdagan ang kanilang supply.

2.Pagbabago sa Halaga ng mga Salik Produksyon


Ang paggawa ng produkto ay nangangailangan ng iba’t ibang salik gaya ng lupa, paggawa,
capital at entrepreneurship. Sa bawat pagtaas ng presyong alinmang salik, mangangahulugan ito ng
pagtaas sa kabuuang gastos ng produksiyon kaya maaaring bumaba ang dami ng mga produkto o
serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser. Sa kabilang banda, ang pagbaba ng alinmang
salik at magdudulot din ng pagbaba ng kabuuang gastos sa produksyon kaya’t inaasahan ang pagdami
ng supply.

3.Pagbabago sa Bilang ng mga nagtitinda


Ang salik na ito ay maihahalintulad din sa bandwagon effect sa demand. Kung ano ang mga
nauusong produkto ay nahihikayat ang mga prodyuser na magprodyus at magtinda nito. Halimbawa,
dahil nauuso ang pagtitinda ng siomai, milkshake at toasted siopao, mas marami ang nahihikayat ng
magtinda ng kaparehong produkto.

4.Pagbabago sa Presyo ng kaugnay na produkto


Ang mga pagbabago sa presyo ng isang produkto ay nakaaapekto sa quantity supplied ng mga
produktong kaugnay nito. Halimbawa, ang magsasaka ay nagtatanim ng palay at mais. Sa panahon na
mas mataas ang presyo ng mais, magaganyak siyang gamitin ang kabuuang lupa bilang taniman ng
mais. Ito ay magdudulot ng pagbaba ng supply ng bigas at pagtaas ng supply ng mais.

5.Ekspektasyon ng presyo
Kung inaasahan ng mga prodyuser na tataas ang presyo ng kanilang produkto sa madaling
panahon, may mga magtatago ng produkto upang maibenta ito sa mas mataas na presyo sa hinaharap.
Ang kondisyong ito ay tinatawag na hoarding na nagbubunga ng pagbaba ng supply sa pamilihan.
Halimbawa, may paparating na bagyo na tatama sa Gitnang Luzon na isa sa mga pinagmumulan ng
supply ng bigas sa bansa. May ilang mapagsamantalang negosyante na magtatago ng kanilang supply
dahil sa inaasahang pagtaas sa presyo ng produkto. Kapag nangyari na ang inaasahang pagtaas ng
presyo ng bigas, muli nilang ilalabas sa pamilihan ang itinagong bigas.
Gawain 10: Mag level-up ka
Panuto: Isulat ang salik ng supply maliban sa presyo na tinutukoy ng mga sumusunod na sitwasyon.

• May bagong makinarya ang naimbento sa paglikha ng cellphone.


• Ibinalita na gagawing mandatory ang pagsusuot ng faceshield sa mga
pampublikong sasakyan ayon sa DOTR.
• Nagtaas ng singil sa upa ang may-ari ng pwesto ng tindahan nila Liza.
• Hindi na uso ang pagsusuot ng ripped jeans kaya wala nang mabilhan ng ganitong
pantalon si Elsa. Nagkaroon ng mas maraming investors ang kompanya nila Louis
na gumagawa ng mga ballpen.
• Marami ang nagsulputang milktea shop.

You might also like