You are on page 1of 22

9

Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 3:
Lipunang Pang-Ekonomiya
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Unang Markahan – Modyul 3: Lipunang PANG-EKONOMIYA
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Carole Joy T. Hernan
Editor: Name
Tagasuri: Leonora Liza D. Dacillo
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala: Leonora Liza D. Dacillo

Inilimbag sa Pilipinas ng Learning Resource Management Section

Department of Education – Davao del Sur Division

Office Address: Corner Lapu-Lapu Plaridel Streets, Zone 3, Digos City, Davao del Sur

Telefax: ____________________________________________

E-mail Address: lrmds.davsur@deped.gov.ph


9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
1 Markahan – Modyul 3:
Lipunang Pang-Ekonomiya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa


Pagpapakatao 9 ng Learning Resource Management Section (LRMS)
Modyul para sa araling Lipunang Pang-Ekonomiya.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at


sinuri ng mga edukador mula sa pampublikong institusyon upang
gabayan ka bilang gurong tagapagdaloy. Sa pamamagitan nito ay
matulungang makamit ng mga mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 na maipamamalas nila ang pag-unawa sa mga
konsepto tungkol sa lipunan at paggawa bilang paglilingkod tungo sa
tamang pagpili ng kurso o hanapbuhay na magiging makabuluhan at
kapaki-pakinabang sa kanya at sa lipunan..

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral


sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pandalawanpu’t
isang siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng


Learning Resource Management Section (LRMS) Modyul para sa araling
Lipunang Pang-Ekonomiya.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong


maunawaan.

ii
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat
Natin
mong matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano
Natin
na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.
Aralin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
Natin
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Gawain Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
Natin
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sanayin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Natin
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Tandaan Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Natin
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Suriin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Natin
masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.
Payabungin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
Natin
mapatnubay at malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Pagnilaya Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
n Natin
ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
Pagwasto
ng mga gawain sa modyul.

iii
Sa dulo ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na


ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lagyan ng


anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Sagutin ang Subukin Natin o ang Paunang Pagtataya bago
lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Ipamalas ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Sundin ang wastong ayos at pagkakasunodsunod ng mga
Gawain. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.

iv
Alamin Natin

Kumusta? Isang malusog at matiwasay na araw sayo!

Kung minsan, dumarating sa mga magkakapatid ang tanong na "Sino


ang paborito ni Nanay" o "Sino ang paborito ni Tatay." May halong inggit,
kung minsan, ang pagpapabor ni Nanay kay Ate o ang pagiging maluwag ni
Tatay kay Kuya. Naghihinanakit naman si Ate dahil sa tingin niya mas
malapit ang kanilang mga magulang kay bunso. Naranasan mo na ba ito?
Kung oo, ano ang naramdaman mo? Ano ang naisip mo? Ano ang ginawa mo?

Sadyang magkakaiba ang mga tao. May mga magagaling sa Matematika.


May mahuhusay sa pagdrowing. May masinop sa gamit. May marunong sa
pera. May magaganda at makisig ang katawan kahit na hindi nag-eehersiyo.
Mayroon din naming tabain at kailangang mag-ingat sa pagkain. Dahil sa
pagkakaiba-ibang ito, hindi maiiwasan ang paghahambing sa isa’t isa.
Nagkakaroon ng inggitan. Nagkakaroon din naman ng pakiramdam ng
pagiging mas angat. Natural ang ganitong mga pakiramdam. Subalit bago
lumalim ang pakiramdam at tumungo sa sama ng loob, marahil magandang
balikan ang karanasan at tingnang mabuti kung nagkulang ba ang
pagmamahal sa ating magulang o sadyang naghahangad lang tayo nang higit
pa. Ang karanasan sa pag-ibig ng magulang ay isang ekonomiya na hindi
malayo sa ekonomiya ng lipunan.

Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot ang mahalagang tanong na:


Ano ang mabuting ekonomiya? Para sa saan ang ekonomiya?

Handa ka na bang unawain nang mas malalim ang lipunan? Halika na!

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na


kaalaman, kakayahan, at pag-unawan batay sa itinalagang Most Essesntial
Learning Competencies (MELC) ng Department of Education (Deped):

(ESP9PL-Ie-3.1) Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya.


(ESP9PL-Ie-3.2) Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang ekonomiya.
(ESP9PL-If-3.3) Napatutunayan ang Batayang Konsepto
(ESP9PL-If-3.4) Nakatataya ng lipunang ekonomiya sa isang
baranggay/pamayanan at lipunan/bansa gamit ang
dokumentaryo o photo/video journal (Hal. YouScoop)

1
Subukin Natin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang
tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa
sagutang papel.
1. Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na “ang tao ay pantay-pantay?
A. lahat ay may kani-kanyang angking kaalaman
B. lahat ay dapat mayroong pag-aari
C. lahat ay iisa ang mithiin
D. likha ang lahat ng Diyos
2. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas de
Aquino?
A. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao
B. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao
C. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao
D. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at
pangangailangan ng tao
3. Sa ating lipunan, alin sa mga sumusunod ang patunay na naitatali na ng
tao ang kanyang sarili sa bagay?
A. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula
pamahalaan, kahit na kaya naman niya itong bilhin o kaya ay hindi
naman kailangan, dahil karapatan niya ito bilang mamamayang
nagbabayad ng buwis.
B. Inuubos ni Jerome ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling relo
na sa ibang bansa lamang mahahanap. Ayon sa kaniya, sa ganitong
paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan
C. Hindi mabitawan ni Sheila ang kanyang lumang mga damit upang
ibigay sa kamag-anak dahil mayroon itong sentimental value sa kanya.
D. Lahat ng nabanggit
4. Alin ang hindi naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya?
A. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay
B. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan
C. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga
pangangailangan ng tao
D. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa
pamamagitan ng pangangasiwa ng yaman ng bayan
5. Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?
A. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao
sa lipunan, ang patas ay pagtiyak na natutugunan ng pamahalaan ang
lahat ng pangangailangan ng mga tao
B. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao
sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa
kanyang pangangailangan
C. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat tao sa
lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa
kanyang kakayahan

2
D. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao
sa lipunan, patas ay ang paggalang sa kanilang mga karapatan

6. Paano masisiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa Lipunang


Pang-ekonomiya?
A. Sinisikap ng estado na mabigyan ng trabaho ang bawat mamamayan
kahit hindi angkop sa kakayahan.
B. Tinutulungan ng estado ang mga manggagawa na makahanap ng
hanapbuhay sa ibang bansa.
C. Sa pangunguna ng estado, napangangasiwaan at naibabahagi ng patas
ang yaman ng bayan.
D. Nagbibigay ng tulong pinansyal ang pamahalaan sa mga mahihirap na
pamilya.
7. Bakit mas epektibo ang patas kaysa pantay na pagbabahagi ng yaman ng
bayan?
A. Sa pamamagitan nito, mas isaalang-alang ang kakayahan at
pangangailangan nga bawat isa.
B. Walang kakayahang magpasya para sa sarili at sa iba ang mga
mamamayan.
C. Karapatan ng bawat mamamayan na matanggap ang nararapat sa
kanya.
D. Hindi pantay-pantay ang mga tao, ngunit may angkop para sa kanila.
8. Paano maipapakita ang tamang ugnayan ng tao sa kaniyang pag-aari?
A. Sa pagbibigay ng higit na mataas na pagpapahalaga ng kaniyang mga
ari-arian kaysa kanyang sarili.
B. Sa pagmamayabang sa mga kakilala at kaibigan ang dami ng naimpok
na salapi.
C. Sa pagpapakita na may kakayahan siyang bumili ng mga mamahaling
gamit.
D. Sa pag-iwas na maitali ang kaniyang halaga bilang tao sa kanyang
pag-aari.
9. Bakit magkaugnay ang pag-unlad ng sarili sa pag-unlad ng bayan?
A. Nakikilala at sumisikat ang mga taong umuunlad.
B. Malaki ang maitutulong sa bansa kung maraming pera ang bawat tao.
C. Angbawat mahusay na paghahanapbuhay ng tao ay may mabuting
dulot sa pag-unlad ng bansa.
D. Nagkakaroon ng maraming oportunidad sa hanapbuhay ang taong
mahilig paunlarin ang sariling kakayahan.
10. “Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng
kanyang paggawa. Hindi sa pantay-pantay na pagbabahagi ng
kayamanan ang tunay na kayamanan. Nasa pagkilos ng tao sa anumang
ibinigay sa kanya ang kaniyang ikayayaman.” Ano ang kahulugan ng
pahayag na ito?
A. Naipakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa husay niya sa paggawa.
B. Ang tunay na mayaman ay hindi takot gumastos para sa mga hilig
niya.
C. Mahusay ang taong may kakayahang makabili ng lahat ng kaniyang
naisin.
D. Maipagmamalaki ng tao ang kaniyang sarili sa mga kagamitan na

3
mayroon siya.

Aralin Natin

Pinagdedebatehan ng mga pilosopo ang tanong ukol sa


pagkakapantay-pantay. Sa isang panig, may nagsasabing pantay-pantay ang
lahat dahil likha tayo ng Diyos, dahil tao tayo. Isa pa, dahil kung titingnan
ang tao sa kaniyang hubad na anyo, katulad lamang din siya ng iba. Sa
kabilang panig, may nagsasabi rin namang hindi pantay-pantay ang mga tao.
May mga taong mananatiling nasa itaas, dinudungaw ang mga tao sa ibaba.
May mga taong yayaman at patuloy na yayaman at may mga taong mahirap
at mananatili sa kanilang kahirapan dahil sadyang ganito ang kaayusan ng
mundo.
Isa sa mga nasa gitnang posisyon ay si Max Scheler. Para sa kanya,
bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas at
kahinaan. Nasa hulma ng ating katawan ang kakayahan nating maging isang
sino. Ang taong matangkad ay sadyang may panguguna sa basketbol kaysa
maliliit. May timbre ng boses ang hinahanap upang maging tagapagbalita sa
radyo. May linaw ng mata na hinihingi sa pagiging isang piloto. Idagdag pa
rito ang iba pang aspekto ng kasinohan ng tao: ang kanyang kinagisnan, ng
pagpapalaki sa kaniya, ang mga koneksyon ng pamilya, ang kanyang lahi,
relihiyon, at iba pa. Ang lahat ng ito ay naglalatag ng maaabot ng tao.
Ngunit, sinasabi rin ni Scheler na dahil na rin sa hindi pagkakapantay-
pantay na ito, kailangang sikapin ang pagkakapantay-pantay sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng yaman ng bayan. Gamitin nating
halimbawa ang sitwasyon sa klase. Maaaring si Elmer ang pinakamagaling
sa Math ngunit hindi nito ibig sabihin na si Elmer na lamang ang tuturuan
ng guro ng Math. Pagsisikapan pa rin ng guro na ituro ang mga tuntunin sa
Math sa kapwa mabilis matuto at sa mga mag-aaral na kailangan ng ibayong
pag-akay. Subalit, upang higit pang mapaunlad ang husay ni Elmer,
maaaring bigyan siya ng dagdag na mga Math problems na kanyang pag-
aaralan. Tugma ito sa tinatawag ni Sto. Tomas de Aquino na prinsipyo ng
proportio, ang angkop na pagkakaloob ng naaayon sa pangangailangan ng
tao. Sa madaling salita, hindi man pantay-pantay ang mga tao, may angkop
para sa kanila. Kailangang maging patas ayon sa kakayahan, ayon sa
pangangailangan.
Ang mga Pag-aari: Dapat Angkop sa Layunin ng Tao. Mulat tayo sa
makamundong pananaw na ang halaga ng tao ay nakatali sa kung gaano
kadami ang yaman na mayroon siya. Tandaan, may yaman man ang tao o
wala, may halaga pa rin siya bilang tao. Kung balikan natin ang dahilan ng
paggawa at pag-aari (ownership), makikita natin kung gaano kaganda ng
salitang Filipino para sa trabaho. Ang tawag natin dito ay “hanap-buhay.”
Ang hinahanap ng gumagawa ay ang kanyang buhay. Hindi siya

4
nagpapakapagod lamang para sa pera upang maging mahalaga siya kundi
para ito sa buhay na hinahanap niya. Ang kanyang pag-aari ay hindi lamang
tropeyo ng kanyang pagpapagal. Ito rin ay ang mga gamit niya upang
matulungan siyang mahanap ang kanyang buhay. Mayroon siyang videoke
machine hindi para mag-ingay at ipagmalaki at ipaalam na may yaman siya
kundi para magamit niya sa kanyang pagpapahinga at muling pagpapalakas.
Mayroon siyang telebisyon hindi upang ipagmalaki ang kanyang kakayahang
makabili ng mamahaling gamit kundi upang malibang at makakakuha ng
bagong kaalaman na makatutulong sa muli niyang pagbalik sa
pagtratrabaho. Mayroon siyang damit hindi para ipang-porma kundi, dahil
kailangan niya ito upang gawing presentable ang kanyang sarili sa trabaho
at sa mga nakakasalamuha niya. Marapat na ipaalala sa sarili na ang mga
gamit sa paligid at yamang pinagbabahaginan ay hindi iniipon para higit na
palakihin lamang ang yaman. Nariyan ang mga ito upang umayon sa mga
layunin ng tao.
Ang buhay ng tao ay isang pagsisikap na ipakilala ang sarili.
Naipakikilala ng tao ang kanyang sarili sa paggawa. Hindi ang yaman, hindi
ang mga kagamitan na mayroon siya o wala, ang humuhubog sa tao. Ang
tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng kanyang
paggawa. Hindi sa pantay-pantay na pagbabahagi ng kayamanan ang tunay
na kayamanan. Nasa pagkilos ng tao sa anomang ibinigay sa kanya ang
kanyang ikayayaman.

Hindi Pantay Pero Patas: Prinsipyo ng Lipunang Pang-ekonomiya


Ito nga ang prinsipyong iniinugan ng Lipunang Pang-ekonomiya. Ang
lipunang ito ay nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon
sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao. Patas. Nakatutuwang
malaman na ang pinagmulan ng salitang “Ekonomiya” ay ang mga griyegong
salita na “oikos” (bahay) at “nomos” (pamamahala). Ang ekonomiya ay tulad
lamang din ng pamamahala sa bahay. Mayroong sapat na budget ang
namamahay. Kailangan niya itong pagkasyahin sa lahat ng mga bayarin
(kuryente, tubig, pagkain, panlinis ng bahay, at iba pa) upang makapamuhay
nang mahusay ang mga tao sa bahay, maging buhay-tao (humane) ang
kanilang buhay sa bahay at upang maging tahanan ang bahay.
Ang Lipunang Pang-ekonomiya, sa mas malakihang pagtingin, ay
ang mga pagkilos na masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan.
Pinapangunahan ito ng estado na nangunguna sa pangangasiwa at patas
na pagbabahagi ng yaman ng bayan. Lumilikha sila ng mga pagkakataon na
makapamuhunan sa bansa ang mga may kapital upang mabigyan ang mga
mamamayan ng puwang na maipamalas ang kanilang mga sarili sa
paghahanapbuhay. Sinisikap gawin ng estado na maging patas para sa mga
nagkakaiba-ibang mga tao ang mga pagkakataon upang malikha ng bawat
isa ang kanilang sarili ayon sa kani-kanilang mga tunguhin at kakayahan.
Bilang pabalik na ikot, ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao
ay kilos na nagpapangyari sa kolektibong pag-unlad ng bansa. Kung maunlad
ang bansa, higit na mamumuhunan ang mga may kapital na siyang lilikha
ng higit pang mga pagkakataon para sa mga tao - pagkakataon hindi lamang
makagawa, kundi pagkakataon ding tumaas ang antas ng kanilang
pamumuhay.

5
Hindi lamang sariling tahanan ang binubuo ng mga tao sa loob ng
Lipunang Ekonomiya. Ginagawa rin nilang isa ng malaking tahanan ang
bansa—isang tunay na tahanan kung saan maaaring tunay na tumahan
(huminto, manahimik, pumanatag) ang bawat isa sa pagsisikap nilang mahanap
ang kanilang mga buhay.

Gawin Natin
Gawain 2: Kuwentong Halaw Sa Ebanghelyo Ni Mateo 25:14-29
Panuto: Basahin mo ang kwento at iugnay ang mensahe ng kuwento sa
paksang tatalakayin.

Ang Talinghaga Tungkol sa mga Aliping Pinagkatiwalaan ng Salapi


May isang taong maglalakbay, kaya tinawag niya ang kanyang mga alipin
at ipinagkatiwala sa kanila ang kanyang ari-arian. Binigyan niya ng salapi ang
bawat isa ayon sa kanya-kanyang kakayahan: binigyan niya ang isa ng P5,000
ang isa nama’y P2,000 at ang isa pa ay P1,000. Pagkatapos, siya’y umalis.
Humayo agad ang tumanggap ng P5,000 at ipinangalakal iyon. At nagtubo siya
ng P5,000. Gayon din naman ang tumanggap ng P 2,000 ay nagtubo ng 2,000.
Ngunit ang tumanggap ng P 1,000 ay humukay sa lupa at itinago ang salapi ng
kanyang panginoon.
Pagkaraan ng mahabang panahon, bumalik ang panginoon ng mga aliping
iyon at pinapagsulit sila. Lumapit ang tumanggap ng P5,000. Wika niya, ‘
Panginoon, heto po ang P5,000 na bigay ninyo sa akin. Heto pa po ang P5,000 na
tinubo ko.” Sinabi sa kanya ng panginoon, “Magaling! Tapat at mabuting alipin!
Yamang naging tapat ka sa kaunting halaga, pamamahalain kita ng malaking
halaga. Makihati ka sa aking kagalakan! Lumapit din ang tumanggap ng P2000,
at ang sabi ‘Panginoon, heto po ang ibinigay ninyong P2,000. Heto naman po ang
tinubo ko. Sabi ng kanyang panginoon, ‘Magaling! Tapat at mabuting alipin.
Yamang naging tapat ka sa kaunting halaga, pamamahalain kita ng malaking
halaga. Makihati ka sa aking kagalakan.
At lumapit naman ang tumanggap ng P1,000. “Alam ko pong kayo’y
mahigpit…natakot po ako, kaya’t ibinaon ko sa lupa ang P1,000 ninyo. Heto na
po ang inyong P1,000.” Masama at tamad na alipin! tugon ng kanyang
panginoon…”Bakit hindi mo iyan inilagak sa bangko, di sana’y may nakuha
akong tubo ngayon? Kunin ninyo sa kanya ang P1, 000 at ibigay sa may P10,000.”

Sagutin Mo
1. Ano ang mahalagang mensaheng natutuhan mo sa parabula?
2. Masasabi mo bang ginawa ng pangatlong alipin ang lahat ng
kanyang makakaya sa kabila ng maliit na halagang ipinagkaloob
sa kanya?

6
3. Paano niya pinamahalaan ang limitadong perang ipinagkaloob sa
kanya?
4. Paano mo ito maiuugnay sa ating aralin?

Sanayin Natin
Gawain 1: Budget Survey

1. Magsagawa ng survey sa mga magulang. Tanungin ang sariling mga


magulang at mga magulang ng kapitbahay gamit ang sumusunod survey
form:

Pangalan: __________________________________ Petsa: ________________


Direksyon: Tukuyin kung paano tinutugunan ang mga pangunahing pang-
araw-araw/buwanang pangangailangan sa pamamagitan ng pagsagot
nitong BUDGET SURVEY FORM.
a. Magkano ang budget para sa isang buwan?
__________________________________________
b. Ano-ano ang pinagkakagastusan sa tahanan?
___________________________________________
c. Sapat ba o hindi ang kanilang budget para sa isang buwan?
Ipaliwanag.___________________________________________________
_______________________________________________________________
d. Ano ang naidudulot ng kakulangan sa budget?
_______________________________________________________________
e. Kung hindi sapat ang budget, ano ang paraang ginagawa upang
masolusyonan ang suliranin?
_______________________________________________________________

________________________
Lagda
2. Maaaring isulat ang mga tanong sa malinis na papel o ipa-photocopy at
ipamigay sa mga magulang na sasagot sa survey (hindi kailangang
personal na pupunta sa mga magulang sa kapitbahay. Maaring makisuyo
sa mga magulang o sinumang miyembro sa pamilya na legal na makalabas
ng bahay).
3. Matapos na makuha ang mga papel na kanilang sinagutan ay kuhanin
ang pangkalahatang resulta ng survey na isinagawa.
4. Gumawa ng ulat mula sa pangkalahatang resultas.
5. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na tanong:
a. Sa pangkalahatan, sapat ba ang kakayahan ng mga mag-aaral sa
pagbubudget ng perang kanilang hawak? Pangatwiranan.
b. Sa pangkalahatan, sapat ba ang kakayahan ng mga magulang sa
pagbubudget ng perang kanilang hawak? Pangatwiranan.
c. Sa iyong sariling karanasan, mahirap ba o hindi na magbudget ng
perang hawak? Pangatwiranan.
d. Bakit mahalagang matutuhan ng lahat ang tamang pamamahala sa
perang kinikita?

7
e. Ano ang maaaring maidulot kung hindi mapangangasiwaan nang
wasto ang perang kinikita?
f. Anong sitwasyon sa lipunan o pamahalaan ang sinasalamin ng
nagdaang gawain? Ipaliwanag.

Tandaan Natin

Hindi lamang sariling tahanan ang binubuo ng mga tao sa loob ng Lipunang
Ekonomiya. Ginagawa rin nilang isang malaking tahanan ang bansa—isang
tunay na tahanan kung saan maaaring tunay na tumahan (huminto,
manahimik, pumanatag) ang bawat isa sa pagsisikap nilang mahanap ang
kanilang mga buhay.
Tandaan!
a) Ang mabuting ekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat - walang taong
sobrang mayaman at maraming mahirap.
b) Ang ekonomiya ay hindi lamang para lamang sa sariling pag-unlad kung
hindi sa pag-unlad ng lahat.

Suriin Natin

A. Tayahin ang Iyong Pag-unawa


Panuto: Upang masubok ang lalim ng iyong naunawaan, sagutin mo ang
sumusunod na tanong sa iyong kwaderno.
1. Ano ang pagkakaiba ng pantay at patas?
2. Bakit mas epektibo ang patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan kaysa sa
pantay na pamamahagi?
3. Ano ang kaibahan ng trabaho sa hanap-buhay?
4. Ano ang tamang-ugnayan ng tao sa kanyang pag-aari?
5. Ipaliwanag ang ugnayan ng pag-unlad ng sarili at pag-unlad ng bayan.
6. Paano makakapanahan ang mga tao sa loob ng Lipunang Ekonomiya?
B. Paghinuha ng Batayang Konsepto
Panuto: Anong mahalagang konsepto na nahinuha mula sa nagdaang gawain at
babasahin na binasa. Gamit ang rambled words na nasa ibaba, bumuo ng
batayang konsepto ng aralin at gumawa ng sariling likhang graphic organizer.
Gamitin mong gabay ang mahalagang tanong na: Ano ang mabuting
ekonomiya? Para saan ang ekonomiya?
a) Ang mabuting ekonomiya ay ang napauunlad lahat iyong - walang sobrang
taong mayaman maraming at mahirap.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

8
b) Ang ekonomiya ay hindi pag- kung hindi lahat para lamang sa sa pag-unlad
ng unlad sariling.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa Pag-unlad ko Bilang Tao


1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pag-unlad bilang
tao?
2. Ano-ano ang maari kong gawin upang mailapat ang aking mga
pagkatuto sa modyul na ito?
Rubrics para sa Paghinuha ng Batayang Konsepto
KRAYTIRYA 4 3 2 1
Paghinuha Nahinuha ang Nahinuha ang Nahinuha Nahinuha
ng batayang batayang ang ang
Batayang konsepto konsepto nang batayang batayang
Konsepto nang hindi may kaunting konsepto konsepto
ginagabayan paggabay ng guro. ngunit sa
ng guro. kailangan paggabay
ng labis na ng guro sa
gabay ng kabuuan
guro. nito.
Pagpapaliw Malinaw na May isang May May tatlo o
anag ng naipaliwanag konsepto na hindi dalawang higit pang
Konsepto. ang lahat ng malinaw na konsepto na konsepto
mahahalagan naipaliwanag.. hindi na hindi
g konsepto. naipaliwana naipaliwan
g. ag.
Paggamit Nakalikha ng Nakalikha ng Hindi Hindi
ng Graphic sariling sariling graphic nakalikha nakagaga
Organizer graphic organizer na ng sariling wa ng
organizer na ginamit at graphic sariling
ginamit nakapagbigay o organizer graphic
upang nakapagbahagi ng ngunit organizer
maayos batayang nakapagbig at walang
maibigay o konsepto. ay o malinaw
maibahagi nakabahagi na
ang batayang pagkaunaw naibigay o
konsepto. a sa paksa. naibahagi
na
batayang
konsepto

9
Payabungin Natin

Gawain: “Kulokabildo”
1. Makipag-ugnayan sa inyung barangay. Alamin ang livelihood program na
pinaiiral dito Dahil hindi maaring lumabas ang kabataang katulad mo
ngayong panahon ng pandemya, ipadala na lamang sa kahit sinong
myembero ng pamilya ang papel na may mga kalakip na mga gabay na
tanong na nasa ibaba:
a. Alamin mula sa opisyal kung ano ang livelihood program na mayroon ang
baranggay.
b. Ano ang paraan sa pagpili ng livelihood program na naaayon sa
pangangailangan ng mga taga-baranggay?
c. Ano ang tulong na binibigay ng Baranggay sa pagpanimula ng livelihood
program?
d. Sa paanong paraan nabibigyan ng benepisyo ang mga kabaranggay lalo na
sa aspekto ng pag-unlad ng pamilya?
2. Sagutin ang tanong: Ano ang magagawa ng isang kabataan sa pagkamit
ng mabuting ekonomiya?
KRAYTERYA 25 PUNTOS 20 PUNTOS 10 PUNTOS

Natutukoy ang mga Nakapagtala ng mga Nakapagtala ng mga Nakapagtala ng mga


programang programang programang programang
pangkabuhayan sa pangkabuhayan sa pangkabuhayan sa pangkabuhayan sa
barangay at ang mga barangay at mahusay barangay at barangay ngunit
detalye sa na nakukuha ang nakukuha ang mga hindi detalyado ang
pagpapatupad nito. mga detalye sa iilan sa mga detalye tungkol sa
pagpapatupad ng sa pagpapatupad ng pagpapatupad nito.
mga programang ito. mga programang ito.

Nasusuri ang mga Maayos na nasuri ang Nasuri ang mga Hindi nasuri ang
kabutihang dulot at mga kabutihang kabutihang dulot at mga kabutihang
ang mga benepisyong dulot at ang mga ang mga dulot at ang mga
nakukuha ng mga benepisyong benepisyong benepisyong
kabaranggay sa nakukuha ng mga nakukuha ng mga nakukuha ng mga
programang kabaranggay sa kabaranggay sa kabaranggay sa
pangkabuhayan na programang programang programang
naipatupad sa pangkabuhayan na pangkabuhayan na pangkabuhayan na
barangay. naipatupad sa naipatupad sa naipatupad sa
barangay. barangay. barangay.

Nakapagbigay ng Mahusay na Nakapagbigay ng Nakapagbigay ng


sariling opinyon nakapagbigay ng sariling opinyon sariling opinyon
tungkol sa kung ano sariling opinyon tungkol sa kung ano tungkol sa kung ano
ang magagawa ng tungkol sa kung ano ang magagawa ng ang magagawa ng
mga kabataan sa ang magagawa ng mga kabataan sa mga kabataan sa
mga kabataan sa pagkamit ng pagkamit ng
pagkamit ng mabuting

10
pagkamit ng mabuting ekonomiya mabuting ekonomiya ngunit
mabuting ekonomiya. at nakapaglahad ng ekonomiya. mahirap ang
mga kongretong pagpapatupad sa
paraan sa mga ito.
pagsasagawa nito.

Gawain : Proyektong Pampamayanan


Panuto:
1. Mag-isip ng isang proyekto na
a. Maaring gawin ngayong panahon ng pandemya at magagawa
agad sa loob ng isang lingo.
b. Maaring gawin kahit nasa bahay lamang.
c. May pangmatagalang kapakinabangan sa pamayanan
2. Maghanda ng proposal (gamitin ang kalakip na form). Ipasa sa guro at
hingin ang kanyang pagsang-ayon.
Isang Proposal ng Isang Proyekto para sa Lipunang Pang-ekonomiya
Pangalan ng Proyekto: _________________________________________________
Layunin (banggitin ang pangangailangan sa pamayanan o barangay na
tutugunan ng proyekto)
________________________________________________________________________
Deskripsyon:
________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Iskedyul
Petsa Gawain

Budget
Bagay Deskripsiyon Halaga

Kabuuang Halaga
Pahintulot ng Guro: Petsa:
___________________________ ________________________
3. Pagkatapos hingin ang pahintulot ng guro at ng punong-guro, makipag-
ugnayan sa kinauukulang lider/opisyal ng pamayanan/purok para sa
gawing proyekto. (Kailangang tiyakin na ang papayagan na magsagawa
ng Gawain ay sila lamang na mayroong pahintulot mula sa guro at
punong-guro. Depende sa uri ng proyektong gagawin.)
4. Gagawa ng paraan para makalikom ng pundo para sa proyekto. Maaring
magtinda ng pagkain o di kaya ay magbenta ng tickets na mananalo ng
kung anong pagkain o gamit sa online.
5. Huwag kalimutang kuhanan ng larawan at videos at i-dukomento ang
lahat ng mga ginawa para sa proyekto para sa komprehensibong ulat
gamit ang dokumentaryo o photo/video journal. Ipasa ito sa guro bilang
accomplishment report.
6. Pagkatapos, sagutin ang sumussunod na tanong:
a. Ano ang nangyari? Ikuwento angmagagandang bagay na nangyari.

11
Paano ito naganap? Ano ang iyong ginawa?
b. Ano ang nagging balakid? Paano ninyu ito natagumpayan?
c. Ano-ano ang inyong mga natutunan?

Rubrics para sa Project Proposal


Mga 25 17 10
Pamantayan
Nakabuo ng Mahusay nakabuo Nakabuo ng Nakabuo ng isang
isang proposal ng isang proposal isang proposal proposal para sa
para sa para sa para sa proyektong
proyektong proyektong proyektong pampamayanan
pampamayanan pampamayanan pampamayana ngunit hindi
na kayang na kayang gawin n na kayang kayang gawin sa
gawin sa isang sa isang linggo at gawin sa isang isang linggo at
linggo at may may linggo ngunit hindi
pangmatagalang pangmatagalang hindi pangmatagalang
kapakinabanga kapakinabangan pangmatagalan kapakinabanagan
n para sa para sa lipunang ang nito
lipunang pang- pang-ekonomiya. kapakinabanga
ekonomiya. n para sa
lipunang pang-
ekonomiya.
Naisagawa ang Maayos na Naisagawa ang Naisagawa ang
proyekto sa loob naisagawa ang proyekto ngunit proyekto ngunit
ng isang lingo proyekto sa loob lampas sa isang hindi natapos ang
batay ng isang lingo lingo ang pagsagawa nito.
komprehensibo batay batay pagpatupad
ng ulat ng komprehensibong nito batay
pangkat. ulat ng pangkat. komprehensibo
ng ulat ng
pangkat.
Nakapagbahagi Komprehensibong Nakapagbahagi Nakapagbahagi ng
ng mga nakapagbahagi ng ng mga mga magagandang
kaganapan mga magagandang magagandang karanasan, balakid
atmga karanasan, karanasan, at mga natutunan
natutunan mula balakid at mga balakid at mga mula sa Gawain
sa Gawain. natutunan mula natutunan ngunit kulang ang
sa gawain. mula sa kumpyansa sa
gawain. pagsagawa nito.

12
Pagnilayan Natin

Gawain: Journal Writing


Panuto: Pagnilayan ang sumusunod at isulat sa iyong journal ang mga
naging realisasyon mo. Sundinang pormat at mga gabay na tanong na
nasa ibaba:
Ano-ano ang konsepto at Ano ang aking Ano-anong hakbang
kaalamang pumukaw sa pagka-unawa at ang aking gagawin
akin? reyalisasyon sa upang mailapat ang
bawat konsepto at mga pang-unawa at
kaalamang ito? reyalisasyong ito sa
aking buhay?
Tungkol sa pagkakapantay –
pantay
Tungkol sa pagiging patas
Tungkol sa Lipunang Pang-
ekonomiya
Rubrics para sa Pagninilay
KRAYTIRYA 4 3 2 1

Komprehensib Gumamit ng simple May 1-2 salita May 3-4 na May 5 0


o ang ginawang ngunit malinaw na na hindi salita na mahigit
pagninilay. mga salita. maunawaan hindi pang salita
ang tunay na maunawaan na hindi
Maiksi ngunit sapat kahulugan. ang tunay na maunanwaa
ang ginawang kahulugan. n ang tunay
pagninilay Masyadong na
mahaba at May kahulugan.
Bumanggit ng mga paligoy-ligoy kakulangan
natutunan at mga ang ginawang sa ginawang Hindi
reyalisasyon mula paninilay. pagninilay. malinaw
sa mga gawing ang
naranasan sa klase mensahe o
upang mapagtibay nilalaman
ang ginawang ng
pagninilay paninilay.

Tugma ang Lahat ng May isang May May 3 o higit


mga ginamit halimbawang halimbawa na dalawang pang
na halimbawa ginamit ay tugma sa hindi tugma sa halimbawa halimbawa
sa pagninilay. pagninilay. pagninilay. na hindi na hindi

13
tugma sa tugma sa
pagninilay. pagninilay.

Naipakita ang Nakita ang Nakita ang Hindi nakita Hindi


pagkamalikhai pagkamalikhain sa pagkamalikhai ang nakagawa
n sa pagsulat. kabuuan ng sulatin n ngunit hindi pagkamalikh ng
at tunay na gaanong ain sa malikhaing
nakapupukaw ng nakapupukaw sulatin. sulatin.
pansin ang kabuuan ng pansin.
nito.

Susi sa Pagwawasto

B 5. 10.A
B 4. 9. C
D 3. 8. D
D 2. 7. A
D 1. 6. C

unlad kung hindi sa pag-unlad ng lahat.


b) Ang ekonomiya ay hindi lamang para lamang sa sariling pag-
walang taong sobrang mayaman at maraming mahirap.
a) Ang mabuting ekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat -
Batayang Konsepto:

14
Sanggunian

Aklat:
Sheryll T. Gayola, Goeffrey A. Guevarra, Maria Tita Y. Bontia,
Suzanne M. Rivera, Elsie G. Celeste, Marivic L. Leano, Benedick
Daniel O. Yumul, Aprilyn G. Miranda & Nestor R. Alagbate.
Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasiyam na Baitang Modyul Para
sa Mag-aaral.FEP Printing Corporation, 36-46.

1
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education –Region XI

F. Torres St., Davao City

Telefax:

Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph

You might also like