You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of Calamba City
BUBUYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
PANGALAN:_________________________________ GR.&SEC.:_________________ ISKOR:_______

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot mula sa mga pagpipilian.

1. Ang mga sumusunod ay may kaugnayan sa pambansang kaunlaran MALIBAN sa ______.


A. Ang pagsulong ay bahagi ng pag-unlad C. Nasususkat ang pag-unlad ng bansa.
B. Ang pag-unlad ay bunga ng pagsulong D. Depende sa pananaw ang pagsulong at pag-unlad

2. Alin sa mga sumusunod na salik ang HINDI maaring makatulong upang umangat ang ekonomiya ng bansa?
A. Teknolohiya B. Kalakalan C. Yamang-tao D. Likas na Yaman

3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng konsepto ng kaunlaran?


AHindi ganap na naipapakita ng paglago ng ekonomiya ang pag-unlad ng bansa.
B. Sa mga OFW lamang nakasalalay ang pag-unlad ng bansa.
C. Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay nangangahulugan din ng pagtaas ng kalidad ng pamumuhay ng
mga mamamayan.
D. Isang mabisang paraan sa pagsukat ng kaunlaran ng bansa ang pagtaas ng GNP.

4. Bilang isang mag-aaral, ano ang maari mong gawin upang makatulong paunlarin ang ekonomiya?
ATangkilikin ang mga produktong gawang Pilipino.
B. Maging mapagmasid sa mga nagyayari sa lipunan.
C. Maging aktibo sa pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran.
D. Lahat ng nabanggit.

5. Isa sa tinuturong dahilan ng kahirapan ng bansa ay ang paglaganap ng korapsyon sa pamahalaan. Ano ang pinakamainam
gawin upang labanan ang korapsyon?
A. Sikaping gawin kung ano ang tama at nararapat.
B. Hayaan ang pamahalaan na umusig sa mga tiwaling opisyal nito.
C. Idaan sa mga rally at protesta ang mga nagaganap na korapsiyon sa bansa.
D.Ipagsawalang kibo na lamang ang napapansing korapsyon sa paligid.

Para sa bilang 6-10, basahin ang artikulo at sagutin ang mga kaugnay na tanong ukol dito.

EDITORYAL - Umangat ang ekonomiya, dumami ang jobless


Pilipino Star Ngayon - February 13, 2014

HINDI tugma ang nangyayari sa bansa kung ang kalagayan ng buhay ng mga Pilipino ang pag-uusapan. Noong
nakaraang taon, umangat daw ng 7.2 percent ang ekonomiya ng Pilipinas at pumangalawa sa China. Maraming nasiyahan nang
marinig ang balitang ito. Napakagandang balita dahil pangalawa sa magandang ekonomiya.
Pero nang lumabas ang survey ng Social Weather Stations (SWS) kamakailan na 12.1 milyong Pilipino ang walang
trabaho, maraming nadismaya at hindi makapaniwala. Nasaan na ang sinasabing magandang ekonomiya. Hindi ito tugma sa
laging sinasabi ng pamahalaan, gumanda ang ekonomiya ng bansa. Noong 2012, umangat daw ng 6.6 percent ang ekonomiya.
Tuwang-tuwa ang pamahalaan sapagkat ngayon lamang umigpaw nang malaki ang ekonomiya ng bansa. Sabi, ang pag-angat
ng ekonomiya ay dahil sa maayos at mabuting pamamahala.
Maaring tama na kaya gumaganda ang ekonomiya ay dahil sa maayos na pamumuno pero ano naman kaya ang
6. Tungkol saan ang artikulo?
dahilan at marami ang walang
A.Pag-unlad trabaho sa kasalukuyan. Noong Martes na magdaos ng meeting sa Malacañang, maski si
ng Pilipinas
President Noynoy Aquinongaykabuhayan
B.Pagganda nagtaka ngkung bakit tumaas
maraming Pilipino ang unemployment rate. Hiningan niya ng paliwanag ang mga
miyembro ng C.Kahirapan
Cabinet kungngbakit
maraming Pilipino
maraming sa ang
Pinoy kabila ng pagsigla ng
jobless. kalakalan
Katwiran ng isang miyembro ng Cabinet, ang sunud-sunod
D.Pagganda ng kinabukasan ng maraming Pilipino
na kalamidad na tumama sa bansa ang dahilan kaya tumaas ang bilang ng mga walang trabaho. Binanggit ang pananalasa ng
7.Yolanda
Ano angsapinakamagandang
Visayas at pagtama ng lindol
epekto sa Bohol.
ng paglakas ng ekonomiya ng bansa ayon sa artikulo?
AngA.Pinasisigla
problema sanito
unemployment
ang kalakalanang nagbubunga ng iba pang problema. Tiyak na tataas ang krimen at marami ang
sa bansa.
magugutom. Sa B.Pinalalakas nito ito,
nangyayaring angdapat
loob ng mgatutukan
nang mamumuhunan.
ng pamahalaan ang pagpapaunlad sa agricultural sector para makalikha
C.Gumaganda ang imahe ng pamahalaan.
ng mga trabaho. Sa sector na ito maraming
D.Bumaba ang presyo ng mga bilihin.
makikinabang. Nararapat din namang rebisahin o ibasura ang contractualization.

8. Alin sa mga sumusunod ang tunay na sitwasyon tungkol sa ekonomiya ng bansa ayon sa artikulo?
A. Sumigla ang kalakalan sa stockmarket.
B.Tumaas ang foreign investment sa bansa.
C. Marami sa mga Pilipino ang nadismaya at hindi makapaniwala
D. Patuloy na lumalakas ang piso laban sa dolyar.

9. Ano ang pinakamalaking suliranin ng mga mahihirap na Pilipino ayon sa artikulo?


A. Kawalan ng trabaho
B. Kakapusan sa pagkain.
C. Kakulangan sa serbisyo medikal.
D. Kawalan ng tirahan.

10. Ano ang sinasabing bunga nang patuloy na dumaranas ng kahirapan ang mas maraming Pilipino?
A. Patuloy na korapsyon sa pamahalaan.
B. Paglala ng suliraning pang-ekonomiya.
C. Patuloy na pakikialam ng mga dayuhan sa ekonomiya ng bansa.
D. Paglala ng krimen sa bansa.

11. Aling sektor ang lumilikha ng pagkain at nagsusuplay ng hilaw na materyales sa bansa?
A. Serbisyo B.Indusriya C. Agrikultura D. Komersyo

12. Saang uri ng industriya kabilang ang pangingisda at pagsasaka?


A. Primarya B. Sekondarya C. Terserya D. Intermedya

13. Alin ang HINDI kabilang sa sektor ng agrikultura?


A. Pagsasaka B. Paghahayupan C. Pagtitinda D. Pangingisda

14. Mahalaga ang sector ng agrikultura sa ekonomiya ng Pilipinas. subalit sa kasalukuyan, kung ihahambing sa iba apang sector ng
produksyon, ang agrikultura ang may pinakamaliit na ambag sa taunang kita at produksyon ng bansa. Alin sa mga sumusunod ang
pangunahing dahilan?
A. Patuloy ang pag-angkat ng bansa ng produktong agriklutura sa China, Vietnam at Thailand.
B. Hindi ganap na epektibo ang programa sa agraryo ng bansa at kapos sa teknolohiya ang mga magsasaka.
C. Patuloy na nasisira ang mga sakahan dahil sa kaingin at pagkalbo ng kagubatan.
D. Walang suporta ang pamahalaan sa mga karaniwang magsasaka.

15. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit ipinagbabawal ng pamahalaan ang paggamit ng dinamita sa pangngisda?
A. Dahil sa delikado para sa mga mangingisda ang paggamit ng dinamita.
B. Dahil sinisira ng dinamita ang mga tirahan ng mga isda.
C. Dahil ang dinamita ay isang iligal na paputok.
D. Dahil hindi nagbababayad ng buwis ang mga prodyuser ng dinamita.

16. Ang karamihan sa mga magsasaka ay walng sariling lupaing pansakaahan kaya ang pamahalaan ay kailangan nang
magpatupad ng repormang sakahan. Kapag hindi naisulong nag programang ito, maraming magsasaka ang hindi magkakaroon ng
lupa; ano nag isang maaring epekto nito?
A. Ang paglakas ng ugnayan ng magsasaka at ang may-ari ng lupa.
B. Ang pagsususmikap ng magsasaka upang mapadami ang ani.
C. Ano ang kawalan ng sigla ng magsasaka upang dumami ang ani.
D. Ang pagkakasundo sa pagitan ng pamahalaan at ng magsasaka.

17. Napakaraming reporma sa lupa ang ipnatupad na ngunit hanggang nagyon ay hindi pa rin nakakamtan ng magsasaka ang
panagrap na magkaroon ng sariling lupang sinasaka. Sianasalamin nito ang ______
A. Kawalan ng magsasaka ng sapat na halaga upang mabayaran ang aknilang lupang sinasaka
B. Kawalan ng pagkakaisa ng pamahalaan at ng may-ari ng lupa
C. Kawalan ng sapat na lupang maaring maipamahagi sa magsasaka
D. Kakulangan ng edukasyon o kaalaman ng ilang magsasaka

18. Target ng CARP ang pamamahagi sa mga magsasaka ng 10.3 milyong ektarya ng lupa. Noong 1996, binago nito ang target sa
8.06 milyong ektarya. Noong 2008, nagpasa ang Kongreso na bagong batas upang palawigin ang CARP. Ano ang implikasyon
nito?
A. Masigasig ang pamahalaan sa pagpapatupad ng repormang agraryan.
B. Nakikinabang ang mga magsasaka sa repormang agraryan.
C. May mga magsasakang nananatiling walang lupa noong 2003.
D. Nananatiling bigo ang pamahalaan sa pagpapatupad ng repormang agrarian

19. Ang mga sumusunod ay kabilang sa sector ng industriya MALIBAN sa:


A. Pagmamanupaktyur B. Konstruksyon C. Serbisyo D. Lahat ng nabanggit

20. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa industriyang sekundarya?


A. Konstruksyon C. Paggawa ng damit
B. Pagmamanupaktura ng makinarya D. Pagbabangko

21. Aling industriay ang kabilang sa uring terserya?


A. Nagpoprodyus ng mga hilaw na material C. Gumagawa ng mga bahay at gusali
B. Nagmamanupaktura ng mag produkto D. Nagbibigay ng serbisyo

22. Alin sa mga sumusunod na sektor ang namamahala sa pagproseso ng mga hilaw na materyales upang ito ay maging isang
produkto?
A. Paglilingkod B. Impormal na sektor C. Agrikultura D. Industriya

23. Alin sa mga sumusunod ang hindi subsektor ng industriya?


A. Paggugubat B. Pagmimina at pagkakwari C. Pagmamanupaktura D. Konstruksyon

24. Saang uri ng industriya kabilang ang pangigisda at pagmimina?


A. Primarya B. Sekundarya C. Terserya D. Intermedya

25. Bakit mahalaga sa ekonomiya ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa pagawaan?
A. Upang unti-unting alisin ang manual labor sa ekonomiya.
B. Upang maging globally competitive sa pandaigdigang pamilihan ang ating lokal na produkto.
C. Upang mabawasan ang mga empleyado ng isang pagawaan.
D. Upang maantala ang pagluluwas n gating mga lokal na produkto sa pamilihan.

26. Anong sangay ng pamahalaan ang tuwirang tumitingin at nangangalaga sa larangan ng industriya at pangangalakal?
A. Dept. of Trade and Industry C. Dept. of Agriculture
B. Dept. of Labor and Employment D. Dept. of Health

27. Alin sa mga sektor ng ekonomiya ang bumubuo ng pananalapi, komersyo, transportasyon at komuniskasyon.
A. Agrikultura B. Industriya C. Paglilingkod D. Impormal na sektor

28. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa sektor ng paglilingkod?


A. Magsasaka B. Ahente ng insurance C. Abogado D. Mang-aawit

29. Noong taong 2007, umabot sa 16.49 milyong manggagawa ang nasa sektor ng serbisyo, 12.16 sa sektor ng agrikultura at 5.08
naman sa sektor ng industriya. Alin ang pinaka-angkop na konklusyon?
A. Mas maraming namamasukan sa sektor ng serbisyo ngunit mas mahalaga pa rin ang sektor ng agrikultura.
B. Pinakakaunti ang kabilang sa sektor ng industriya kahit na ito ang may pinakamalaking kontribusyon sa GNP ng bansa.
C. Nasa sektor ng serbisyo ang may pinakamalaking bilang ng mga mangagagawa.
D. Pinakamahalaga ang sektor ng serbisyo kung ihahambing sa sektor ng agrikultura at industriya.

30. Sa kasalukuyan, isang malaking pinagkakakitaan ng dolyar ng Pilipinas ang pagkokontrata sa mga operasyon at ispesipikong
gawain ng mga kompanyang mula sa iabng bansa. Ano ang tawag sa industriyang ito?
A. Bisiness Process Outsourcing C. Internet Based Operations
B. New Business Technology D. Overseas Business Functions
31. Bakit ipinapatupad ng pamahalaan ang nasyonalisasyon ng kalakalang pagtitingi?
A. Upang mabigyan ng pagkakataon ang lahat na magtayo ng sarilng negosyo.
B. Upang mahikayat ang mag Pilipinong magtayo ng sariling tindahan.
C. Upang mapasakamayng mag Pilipino ang mag tindahang nagtitingi.
D. Upang mapaunlad ang kalakalan sa bansa.

32. Alin sa mga sumusunod ang hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na itinatag ng pamahalaan para sa
pagnenegosyo?
A. Agrikultura B. Industriya C. Serbisyo D. Impormal na sektor

33. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng impormal na sektor?


A. Mababang libel ng organisasyon. C. May permiso sa pamahalaang lokal
B. Binubuo ng may-ari at kanyang mga kamag-anak o kakilala. D. Hindi nagbabayad ng buwis

34. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan kung bakit nagiging impormal ang maraming negosyo?
A. Kakulangan ng kapital o talento. C. Pagtangging magbayad ng buwis
B. Kakulangan sa kaalaman sa pagrerehistro. D. Kawalan ng kasanayan sa trabaho
.
35. Umabot sa 10.5 milyong mamamayan ang kabilang sa impormal na sektor noong 2008. Batay sa impormasyong ito, alin sa mga
sumusunod ang HINDI totoo?
A. Malaki ang impormal na sektor.
B. Nakapagbibigay ng trabaho sa maraming tao ang impormal na sektor.
C. Malaki ang nawawalang buwis sa pamahalaan.
D. Walang kontribusyon sa GNP ang impormal na sektor.

36. Alin sa mga sumusunod ang pinakapraktikal na pananaw tungkol sa impormal na sektor?
A. Dapat sirain ang loob ng mga kasapi nito upang hindi nila maipagpatuloy ang kanilang illegal na operasyon.
B. Dapat kasuhan ang mga kabilang sa impormal na sektor dahil sa hindi pagbabayad ng buwis.
C. Dapat tulungan ng pamahalaan ang mga kasapi nito upang maging kabilang sila sa pormal na sektor.
D. Dapat pilitin sila na magparehistro at magbayad ng buwis.

37. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng positibong epekto ng paglaganap ng impormal na sektor?
A. Ipinapakita nito ang pagiging maparaan ng mga Pilipino.
B. Sumasalamin ito ng pagiging mahirap ng bansa.
C. Ito ay larawan ng industriyalisadong bansa.
D. Maraming mamamayan ang umaasa sa Pilipinas.

38. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng dahilan ng pamimirata sa bansa?


A. Kakulangan ng komprehensibong kampanya laban sa pamimirata.
B. Kakulangan ng kikabubuhay ng mga tao.
C. Kakulangan ng mahigpit na pagpapatupad ng batas laban sa pamimirata.
D. Pagnanais ng ilang negosyante na kumita nang malaki kahit sa illegal na pamamaraan.

39. Noong 2009, umabot sa $17.3 bilyon ang ipinadalang pera ng mga OFW sa bansa. Alin ang maaring maging konlusyon dito?
A. Malaki ang naitutulong ng mga OFW sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
B. Malaki ang naitutulong ng mga OFW upang lumaki ang dollar reserve ng bansa.
C. Malaki ang naitutulong ng mga OFW upang tumatag ang halaga ng piso.
D. Lahat ng nabanggit.

40. Isa sa mga pinakamalaking suliranin ng sektor ng paglilingkod ang contractualization. Ano ang dahilan bakit patuloy parin itong
umiiral sa kabila ng reklamo ng mga manggagawa?
A. Mas nakakatipid ang mga kompanya kung ang manggagawa ay kontrakwal.
B. Mas mataas ang sahod ng mga empleyadong regular.
C. Ang mga empleyadong kontrakwal ay walang benepisyo tulad ng SSS at PhilHealth.
D. Lahat ng nabanggit

41. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng absolute advantage?


A. Naibebenta ang kalakal na iniluluwas sa murang halaga
B. Nakalilikha ito ng kalakal na wala sa ibang bansa
C. Nakagagawa ito ng kalakal ng walang puhunan
D. Nakalilikha ito ng produkto gamit ang kaunting salik ng produksyon.

42. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa comparative advantage?


A. Ito ay nagpapabuti sa alokasyon ng mga pinagkukunang yaman
B. Ito ay nakakamit ng mga bansang sagana sa likas na yaman
C. Ito ay nagpapataas ng produksyon ng bansa
D. Ito ay makabubuti sa bansa kahit ito ay walang pinagkukunang yaman
43. Alin sa sumusunod na samahan ang HINDI nagsusulong ng malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansa?
A. ASEAN B. FIBA C. WTO D. APEC

44. Anong organisasyon ang itinatag at nagpupulong upang ayusin, itakda at ipatupad ang mga kasunduan sa pandaigdigang
kalakalan?
A. WTO B. ASEAN C. APEC D. NATO

45. Ano ang pinakamahalagang dahilan bakit kailangan ng isang bansa ang kalakalang panlabas?
A. Bawat bansa ay nangangailangan ng tulong ng ibang bansa
B. Hindi lahat ng pangangailangan ng mga mamamayan ay kayang matugunan ng kanilang bansa
C. Ang bansa ay nagiging dalubhasa sa paggawa ng produkto at serbisyo
D. May mga kagustuhan ang tao na sadyang matutugunan lamang ng ibang bansa

46. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang naitutulong ng pagluluwas sa ekonomiya ng bansa?
A. Pinatataas nito ang produksyon C. Pinabubuti nito ang seguridad ng bansa
B. Nakakatulong ito sa paglilipat ng teknolohiya D. Pinatataas nito ang kalidad ng kalakal sa bansa

47. Ano ang nagaganap sa ilalim ng Liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan?


A. Pagbibigay ng permit sa mga “smuggler” na makapaglabas-masok sa mga bansa
B. Pagbibigay ng mga pagsasanay sa mga manggagawa upang maging produktibo
C. Pagpapapasok sa mga bansa ng mga produktong di-ligtas
D. Pagbabawas ng mga balakid sa kalakalan at pamumuhunan
\
48. Alin ang pinakaangkop na paglalarawan ng globalisasyon?
A. Paglawak ng ugnayan sa pagitan ng mga bansa.
B. Paglawak ng integrasyon ng mga ekonomiya, kultura at agham sa daigdig.
C. Paglawak ng pag-uunawaan ng mga tao sa buong daigdig.
D. Pagkalat ng iba’t ibang produkto sa buong daigdig

49. Bakit nagpapalitan ng mga kalakal ang mga bansa sa daigdig?


A. Para matikman kung anong bansa ang gumagawa ng pinakamasasarap na produktong pagkain
B. Para maging mas mahal ang presyo ng mga produktong ipagbibili sa ibang bansa
C. Para makapaglakbay ang mgapinuno at negosyante sa ibang bansa
D. Para matugunan ang mga pangangailangan na hindi kayang tugunan ng mga likas na yaman ng bansa

50. Bakit mahalaga na magkaroon ng malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa mundo?
A. Dahil binibigyan nito ng pantay-pantay na kalayaan at kakayahan ang mga bansa na
makipagkalakalan at maipagbili ang kanilang produkto sa buong mundo
B. Dahil ang malayang kalakalan ay nakatutulong para mapaganda ang kalidad ng mga produkto sa
bawat bansa
C. Dahil sa tulong nito ay maaaring pagbawalan ng isang bansa ang ibang bansa na magkaroon ng
ugnayang pangkalakalan sa kaniya
D. Dahil sa pamamagitan nito ay nagiging malaya ang mga bansa na magtakda ng mataas na presyo
sa kanilang mga ipinagbibili o iniluluwas na produkto

You might also like