You are on page 1of 1

Mahabang Pagsusulit I

Araling Panlipunan 9 – Ekonomiks

I. Isulat sa sagutang papel kung ang tinutukoy ng mga sumusunod ay Pag-unlad o Pagsulong.
__________ 1. Pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay.
__________ 2. Nagtataasang gusali at naglalakihang kalsada.
__________ 3. Isang progresibo at aktibong at progresibong proseso.
__________ 4. Nakikita at nasusukat.
__________ 5. Isang progresibong proseso ng pagpapabuti ng kondisyon ng tao, gaya ng pagpapababa ng antas ng
kahirapan, kawalan ng trabaho, kamangmangan, di-pagkakapantay-pantay, at pananamantala.
__________ 6. Ang mga halimbawa nito ay mga daan, sasakyan, kabahayan, gusali, pagamutan, bangko, paaralan, at
marami pang iba.
__________ 7. Pagtatamo ng patuloy na pagtaas ng antas ng income per capita nang sa gayon ay mas mabilis na
maparami ng bansa ang kaniyang output kaysa sa bilis ng paglaki ng populasyon nito.
__________ 8. Dapat na kumatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan.
__________ 9. Mahalagang bigyang pansin ang pagtanggal sa mga ugat ng kawalang kalayaan tulad ng kahirapan,
diskriminasyon at hindi pagkakapantay-pantay at ng iba pang salik na naglilimita sa kakayahan ng mga mamamayan.
__________ 10. May demokrasya.
__________ 11. Ang bayan ay naging lungsod.
__________ 12. Dumarami ang dayuhang mangangalakal.
__________ 13. May trabaho ang mga mamamayan.
__________ 14. May mga makabagong teknolohiya at makinarya.
__________ 15. Napangangalagaan ang kapaligiran.
__________ 16. Isang ekonomiya dulot ng mga dayuhang mamumuhunan at ang pag-unlad na inangkat ay walang
kahulugan sa masa kung ang mga ito ay hindi nararamdaman ng mga pangkaraniwang tao.
__________ 17. Sinusukat ang halaga ng mga produkto at serbisyong nalikha sa loob ng isang panahon.

II. Ilista ang mga hinihingi sa mga naka laang numero.

A. Palatandaan ng Pag-Unlad
1.
2.
3.
B. Mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa.
1.
2.
3.
4.
III. Iguhit ang graphic organizer tungkol sa HDI tulad ng nasa ibaba. Gawin at sagutan ito sa inyong papel. (10 puntos)

Kahulugan Aspekto Indicator

IV. Sanaysay. Sagutan ang tanong na, “Maaari kayang magkaroon ng pagsulong kahit walang pag-unlad?”. (7 puntos)

You might also like