You are on page 1of 38

Nasisiyasat ang mga

palatandaan ng
pambansang kaunlaran
Mga layunin:

 Nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa


pambansang kaunlaran
 Nasisiyasat ang mga palatandaan ng
pambansang kaunlaran
1. May pag-unlad kung may mga
nagtataasang gusali at naglalakihang
kalsada
2. May pag-unlad kung lumalaki ang
GNP at GDP ng isang bansa.
3. May pag-unlad kung may mga
makabagong teknolohiya at
makinarya.
4. May pag-unlad kung may
demokrasya.
5. May pag-unlad kung
napangangalagaan ang kapaligiran.
May pag-unlad kung lumalaki ang GNP
at GDP ng isang bansa.

6. May pag-unlad kung tumataas ang


export ng isang bansa.May pag-unlad
kung may demokrasya.

7. May pag-unlad kung dumarami ang


dayuhang mangangalakal.
8. May pag-unlad kung ang baryo ay
naging lungsod.May pag-unlad kung
tumataas ang export ng isang bansa.May pag-
unlad kung may demokrasya.

9. May pag-unlad kung may mataas na


pasahod.

10. May pag-unlad kung may trabaho ang


mga mamamayan.
Mga sector ng ekonomiya
May mahalagang papel na ginagampanan ang mga
sector ng ekonomiya (agrikultura, industriya, at
paglilingkod), gayundin ng impormal na sekto at
kalakalang panlabas; upang maisakatuparan ang
pagkakamit ng pambansang kaunlaran.

Lahat ng mamamayang Pilipino ay may


mga tungkuling dapat gampanan
upang makamit ang pambansang
kaunlaran.
Mga sector ng ekonomiya
 Primarya (agrikultura) – paglikha ng pagkain at
mga hilaw na materyales.
 Sekundarya (industriya)- pagpoproseso sa mga
hilaw na materyales, konstruksyon, pagmimina, at
paggawa ng mga kalakal.
 Tersarya (paglilingkod) – umaalalay sa buong yugto
ng produksyon, distribusyon, kalakal at pagkonsumo
ng kalakal sa loob o labas ng bansa. Kabilang dito
ang transportasyon, komunikasyon, pananalapi,
kalakalan at turismo
Konsepto ng Pag-unlad
 Ang pag-unlad ay pagbabago mula sa mababa
tungo sa mataas na antas nag
pamumuhay.(Merriam-ebsters)
 Ang pag-unlad ay isang progresibong proseso ng
pagpapabuti ng kondisyon ng tao, gaya ng
pagpapababa ng antas ng kahirapan, kawalan ng
trabaho, kamangmangan, di-pagkakapantay-
pantay, at pananamantala. (Fajardo, 19194)
Konsepto ng pag-unlad
 Malaki ang pagkakaiba ng pagyaman sa pag-
unlad. Ang pagyaman ay ang paglago ng yaman
o pagdami ng pera. Ang pag-unlad ay ang
pagkakaroon ng maayos na pamumuhay sa
pamamagitan ng mataas na kalidad ng buhay
(quality of life) at kalayaang magpasya (freedom of
choice).
 Sa makatuwid, hindi lahat ng mayaman ay may
maunlad na buhay.
Mayroong dalawang pananaw na batayan ng
konseptong kaunlaran. Ang una ay mula sa pananaw
na tinatawag na Growth-Oriented Development at
ang ikalawa ay Sustainable Development Model.
Sa unang pananaw, ang pag-unlad ay sinasabing
isang proseso ng paglaki ng ekonomiya. Naipapakita
ang paglaki ng ekonomiya sa pamamagitan ng
pagtaas o paglaki ng kita ng bansa na binubuo ng
Gross National Product (GNP), Gross Domestic Product
(GDP), at National Income (NI).
Sa pagtaas ng kita ng bansa, nasusukat ang paglago
ng isang ekonomiya. Ipinapakita nito na tumataas
ang produksyon at pagkonsumo dahil sa paglaki ng
kita sa produksyon at serbisyo. Ang mga bansang
naniniwala sa pananaw na ito ay kadalasang
nanghihikayat ng mga dayuhang mangangalakal na
magpapasok sa ekonomiya ng panibagong
puhunan.
Pinalalakas din ng bansa ang pag-eeksport o
pagluluwas ng kanyang mga produkto kasama ang
pagpapadala ng mga manggagawa sa labas ng
bansa upang maragdagan ang kita sa
pandaigdigang pamilihan. Dahil dito ay maaaring
tumaas ang produksyon, magkaroon ng trabaho
upang lumaki ang kita ng mga mamamayan at
magkaroon ang mga tao ng kakayahang mamili at
kumonsumo.
Ang pag-unlad sa pananaw ng Sustainable
Development Model ay isang proseso ng
pagpapalawak sa oportunidad ng isang tao na
makamit kahit man lamang ang minimum na
istandard ng kabutihang pantao o well-being.
Naniniwala ang mga tagapagtaguyod ng modelong
ito na ang pag-unlad ay para sa tao kung kaya ang
batayan ng pag-unlad ay ang pagtugon sa
pangangailangan ng tao at pagtaas ng kalidad ng
buhay ng tao. Ang buhay ng tao ay may iba’t ibang
dimensyon tulad ng pulitikal, ekonomik, spiritwal,
sikolohikal, pisikal, at sosyo-kultural.
Maipapakita ang mga
dimensyong nabanggit sa
sumusunod na dayagram na
galing sa Philippine Agenda 21:
1. Kaunlarang Pang-spiritwal (Spiritual Development )–
ang pagkakaroon ng kapayapaan at
makabuluhang buhay ay batayan ng pag-unlad
2. Kaunlarang Pang-tao (Human Development) – ang
kaunlaran ay dapat na nagsusulong ng
kagalingang pantao. Ang kanyang dignidad at
mga potensyal bilang tao ay napapangalagaan at
napapagyaman. Mayroong lubos na paggalang
sa karapatang pantao. Walang tunay na pag-
unlad kung ang tao hindi nakikinabang.
3. Kaunlarang Panlipunan (Social Development) – may
pag-unlad kung may katarungan at pagkakapantay-
pantay sa oportunidad sa bawat isang kasapi ng
lipunan.

4. Kaunlarang Pang-kultura (Cultural Development) –


may pag-unlad kung may paggalang sa kultura ng
bawat isa at ang lahat ay maaaring makinabang sa
mga yamang pangkultural.
5. Kaunlarang Pampulitika (Political Development) –
demokratikong pamamahala, walang korupsyon,
episyente, epektibo, at makatao ang mga
palatandaan ng kaunlarang pulitikal

6. Kaunlarang Pang-ekonomiya (Economic


Development) – maunlad ang kabuhayan kung
mayroong seguridad ang bawat isa na makalahok at
makinabang sa mga gawaing pangkabuhayan
7. Kaunlarang Pang-ekolohiya (Ecological
Development) – ang pag-unlad ay dapat likas-kaya.
Hindi isinasakripisyo ang kalikasan upang kumita at
matustusan ang mga pangangailangang materyal ng
tao. Ang kalikasan ang pundasyon ng anumang pag-
unlad.
Ayon kina Michael P. Todaro at Stephen C. Smith
sa kanilang aklat na economic Development
(2012); may dalawang magkaibang konsepto ng
pag unlad; ang tradisyonal na pananaw at
makabagong pananaw.
Sa tradisyonal na
pananaw, binibigyan
diin ang pag unlad
bilang pagtatamo ng
patuloy na pagtaas ng
antas ng income per
capita o pagtaas ng kita
ng bansa
Sa makabagong pananaw ng pag-unlad, isinasaad
na ang pag-unlad ay kumakatawan sa malawakang
pagbabago sa buong sistemang panlipunan. Dapat
na ituon ang pansin sa iba’t ibang pangangailangan
at nagbabagong hangarin ng mga tao at grupo sa
nasabing Sistema upang masiguro rin ang paglayo
mula sa di-kaaya-ayang kondisyon ng pamumuhay
tungo sa kondisyon na mas kasiya-siya.
Sa akdang “Development as Freedom” (2008) ni
Amartya Sen, kanyang ipinaliwanag na ang
kaunlaran ay matatamo lamang kung mapauunlad
ang yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa yaman ng
ekonomiya nito.
Upang matamo ito, mahalagang bigyang pansin ang
pagtanggal sa mga ugat ng kawalang kalayaan
tulad ng kahirapan, diskriminasyon at hindi
pagkakapantay-pantay at ng iba pang salik na
naglilimita sa kakayahan ng mga mamamayan.
 Kayamanan – mataas na kita
 Kalayaan – malayang magpasya
 Kaalaman – Maayos na edukasyon
Lagyan ng tsek ang mga aytem na sa tingin mo ay
nagpapakita ng pambansang kaunlaran (Fact). Ekis naman
ang ilagay sa aytem na sa palagay mo ay hindi
nagpapakita ng konsepto ng pambansang kaunlaran (Lie)

You might also like