You are on page 1of 2

EKONOMIKS 9: Kwiz 1, Kahalagahan at Kahulugan ng Ekonomiks, Kakapusan

Republic of the Philippines


Department of Education
MiMaRoPa Region
Division of Marinduque
BANGBANG NATIONAL HIGH SCHOOL
Gasan

ARALING PANLIPUNAN 9 - EKONOMIKS


KWIZ 1
Pangalan:______________________________________ Petsa: ____________
Grade & Section: ___________________________

PANUTO. Basahing mabuti at isulat ang letra ng tamang sagot sa inyong sagutan papel.
_____1. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa Ekononmiks maliban sa isa.
A. Isang sangay ng Agham Panlipunan.
B. nagmula sa salitang Griyego na oikonomia
C. Nagpaplano ito kung paano mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasya kung paano hahatiin ang limitadong
resources sa maraming pangangailangan at kagustuhan
D. nag-aaral kung paano tutugunan ang limitadong pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang walang
katapusang pinagkukunang-yaman.
_____2. Nanggaling ang salitang ekonomiks mula sa dalawang salitang Griyego na oikos at nomos. Nangangahulugan ang
oikos ng bahay samantalang ang nomos ay
A. kusina B. pamamahala C. pamamahagi D. paggastos
_____3. Ito ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.
A. marginal thinking B. opportunity cost C. trade-off D. incentive
_____4. tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon.
A. marginal thinking B. opportunity cost C. trade-off D. incentive
_____5. Sa halip na maglaro sa parke, pinili ni Luke na mag-aral para sa nalalapit nilang pagsusulit. Alin sa mga konsepto
ng Ekonomiks ang kumakatawan sa paglalaro?
a. Trade Off b. Incentives c. Opportunity Cost d. Marginal Thinking
_____6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng konsepto ng marginal thinking kung saan pinapakita ang ideya na
“rational people think at the margin”?
a. Bumili si Mariel ng pagkain dahil siya ay nagutom matapos ang mahabang klase.
b. Pumipili si Hogan ang uri ng sapatos na gagamitin niya sa kanyang darating na kaarawan
c. Naglaro si Atlas sa parke sa halip na mag-aral
d. Kumain ng prutas at gulay si Jerry dahil ito ay mabuti sa kalusugan
_____7. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng matalinong pagdedesisyon LIBAN sa isa.
A. Mayroong bente pesos na baon si Michael araw-araw sa eskwela. Naglalakad siya pauwi upang may pangbili ng
recess.
B. Lubhang naeengganyo si Mark na maglaro ng ML. Lubha itong nakakaaliw at natuturuan siya ng tamang estratehiya
upang matalo ang kalaban. Upang maging lalo pang bihasa ay nageensayo siya hanggang gabi upang maturang
pinakamagaling.
C. Natutulog ng maaga si Nicole tuwing Linggo upang makapasok ng maaga kinabukasan.
D. Laging nakikining at nakikisali si Aron sa mga gawain sa eskwela upang hindi siya mahirapan tuwing darating ang
exam.
_____8. Noong nakaraang eleksyon, inihalal ni Jojo ang kaibigan niyang si Alex bilang Mayor ng kanilang bayan.
Kilala ni Jojo si Alex bilang isang matapat at matalinong tao. Ang kasanayan sa ekonomiks na nalinang
kay Jojo ay ________
A. Mabuting pakikipagkaibigan B. Mahusay na pakikisama C. Matalinong botante D. Mabuting makisama
____9. Sa taas ng presyo ng mga bilihin, nahihirapan ang iyong nanay na pagkasyahin ang sweldo ng iyong tatay para
tugunan ang mga pangangailangan ng pamilya. Ang pinakamalaki ninyong gastusin ay napupunta sa pagkain. Ano ang
iyong maimumungkahi upang mapagaan ang problema sa pananalapi ng iyong pamilya?
A. Huwag nang gastusin C. Huminto muna sa ;pag-aaral
B. Bumili ng mura ngunit masustansyang pagkain D. Maghanap ng trabahong malaki ang suweldo
_____ 10.Alin sa Sumusunod ang kahalagahan ng Ekonomiks?
A. Bilang bahagi ng lipunan, magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks upang maunawaan ang mga napapanahong
isyu na may kaugnayan sa mahahalagang usaping ekonomiko ng bansa.
B. Maaari mong magamit ito sa mga desisyon mula sa mga choice na mayroon ang pamilyang iyong kinabibilangan.
Sa mga isyu tungkol sa pag-aaral, pagkita, paglilibang, paggasta, at pagtugon sa pangangailangan at kagustuhan ay
maaari mong magamit ang kaalaman sa alokasyon at pamamahala.
EKONOMIKS 9: Kwiz 1, Kahalagahan at Kahulugan ng Ekonomiks, Kakapusan

C. Bilang isang mag-aaral ay maaaring maging higit na matalino, mapanuri, at mapagtanong sa mga nangyayari sa
iyong kapaligiran.
D. Lahat ng nabanggit.
_____ 11. Ano ang pangunahing suliraning panlipunan na pinagtutuunan ng Ekonomiks?
a. Kakapusan b. Kahirapan c. kakulangan d. Pagtaas ng bilang ng krimen
_____ 12. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng kakulangan?
a. Pang matagalan b. Hindi natatapos c. pansamantala d. walang solusyon

Ilapat sa graph ang mga sumusunod na datos at sagutan ang bilang 9 at 10. (10 pts.)

PLANO Pagkain (X) Hindi Pagkain (Y)


A 10 10
B 10 60
C 40 50
D 40 20
E 50 0
F 30 30
G 10 50

_____ 13. Alin sa mga sumusunod na plano ang infeasible?


a. Lahat ng plano maliban sa plano A b. Plano C c. Plano A, B, C, D, E d. Plano A
_____ 14. Alin sa mga plano ang hindi efficient?
a. Lahat ng plano maliban sa plano C b. Plano C,D, E, F, G c. Plano A and B d. Plano A
_____ 15. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng kakapusan, maliban sa isa.
a. Pagtaas ng presyo ng bilihin c. Pagtaas ng bilang ng mga nagtatrabaho
b. Hindi kasapatan ng oras d. Paglaki ng populasyon
_____ 16. Upang mapamahalaan ang kakapusan, alin sa mga sumusunod ang HINDI nararapat na gawin?
a. Paggamit ng angkop at makabagong teknolohiya
b. Pagsasanay ng mga manggawa
c. Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga programa
d. Pag aangkat ng mga hayop sa ibang bansa upang maparami dito sa bansa

II. Essay. Gumawa ng maikling sanaysay (hanggang limang pangungusap) kung bakit mahalaga na mapag-aralan ang
Ekonomiks. (10 pts.)

You might also like