You are on page 1of 106

Aralin 5

Ang Alokasyon at
mga Sistemang
Pang-ekonomiya
Mga Layunin:
Sa araling ito, naasahang
• Masusuri ang kaugnayan ng
alokasyon sa kakapusan,
pangangailangan, at kagustuhan.
• Mapapahalagahan ang paggawa ng
tamang desisyon upang matugunan
ang pangangailangan.
• Masusuri ang mekanismo ng
alokasyon sa iba’t ibang sistemang
pang-ekonomiya bilang sagot sa
kakapusan.
1. Paano mo maiuugnay ang mga nasa
larawan sa ating bansa?
2. Ano ang kahalagahan ng mga larawan sa
ating ekonomiya?
Natukoy sa pag aaral na ito na ang pangunahing
pananaw/saloobin ng mga tao ay ang
“makakatulong ang teknolohiya para sa mabilis na
pagunlad ng ekonomiya”. Mayroon itong weighted
mean na 4.61. Pumangalawa ang “Magkakaroon ng
magandang bunga ang paglago ng teknolohiya sa
ekonomiya” na may weighted mean na 4.38.
Pumangatlo ay ang “Mapapabilis ang mga Gawain
gamit ang mga teknolohiya” na may weighted mean
na 4.33. Pangapat ay ang “Mas makakatulong ito sa
mga pangangailangan ng mga tao.” Na may
weighted mean na 3.76, at ang panghuli ay ang “mas
mapapadali ang pagaaral gamit ang mga
teknolohiya” na may weighted mean na 3.45.
Mahahalagang Terminolohiya

• Alokasyon
• Pamumuhunan
• Teknolohiya
• Konserbasyon
• Sistemang Pang-ekonomiya
• Kapitalismo
• Komunismo
• Sosyalismo
Pagpapahalaga

• PAGIGING
MASUNURIN
• PAGMAMALASAKIT
• PAGBIBIGAYAN
Ilang
Alokasyon
Alokasyon ng
Pinagkukunang Yaman

Ang alokasyon ng mga


pinagkukunang yaman ay isinasagawa
upang sagutin ang mga problemang pang-
ekonomiya. Sa tulong ng pamilihan ay
nakikita kung paano isinasagawa ang
alokasyon. Ito ang mekanismo ng
pamamahagi ng mga likas na yaman,
yamang tao, at yamang pasikal sa iba’t
ibang pagagamitan nito.
Ang alokasyon ang nagsisilbing sagot
sa kakapusan. Ang pamamahagi ng mga
pinagkukunang yaman ay magagawa sa
iba’t ibang pamamaraan. Isa narito ang
pagpapalawak ng gamit sa mga ito.
Magiging malawak ang pag-gamit ng mga
pinagkukunan sa talong paraan;
1. Ang epektibo, maayos, at matalinong
paggamit.
2. Pamumuhunan.
3. Pag-gamit ng makabago teknolohiya.
Ang epektibo, maayos, at
matalinong paggamit ng
pinagkukunang yaman at mahalaga
upang ang kapakinabangan sa mga
ito ay lubusang makamit. Ang
konserbasyon ay kailangang gawin,
sapagkat ang mga likas na yaman
ay nauubos. Ang
konserbasyon ay ang
matalinong paggamit ng
mga likas na yaman.
Ito ay isinasagawa upang ang
susunod na henerasyon ay
mayroong aabutan at
gagamitin na mga likas na
yaman. Ang wastong pag gamit
ng mga likas na yaman ay
makatutulong sa
pagpapaunlad ng ating
ekonomiya.
Ang pamumuhunan sa mga
pinagkukunang yaman ay isinasagawa
upang higit na mapaunlad at
mapakinabangan ang mga ito. Ang
pamumuhunan ay pagdaragdag ng kapital
upang maisagawa ang gawain. Bumibili ng
mga dekalidad at mataas na uri ng binhi
tulad sa palay at ibang pananim upang
mapataas ang
produkaksyon ng
bigas, gayundin
naman sa ibang halaman at pananim.
Ang modernong makinarya at
kagamitan ay binibili upang magamit sa
pagpapabilis ng pag proseso ng paglikha
ng mga produkto. Ang pamumuhunan sa
pisikal na yaman ay ginawa upang
maiwasan ang epekto ng depresasyon.
Ang pagbibigay ng edukasyon,
pagsasanay, at workshop sa mga yamang
tao lalo na ang mga lakas-paggawa ay
isinasagawa upang malinang at
mapaunlad ang kanilang kakayahan at
kasanayan. Hangad ng pamahalaan na
maging produktibo ang mga
manggagawa ng bansa.
Ang paggamit ng “Makabagong
Teknolohiya” ang magpapabilis at
magpapadali sa produksiyon. Ito ay
magbubunga ng mataas na produksiyon na
magbibigay ng pagkakataon na mataas na
pagkonsumo sa bansa. Mas mapararami
ang paglikha ng mga produkto
na magagamit ng mga
mamamayan at maari ding
gamitin na panluwas sa
ibang bansa.
Dahil sa kakapusan,
matuto ang mga tao at
bansa na gumawa ng
tamang desisyon upang
piliin ang mga
pangangailangan
na dapat matugunan
Ang alokasyon ng mga
pinagkukunang yaman ay dapat
bigyang-pansin ng bawat bansa
upang masiguro na ang mga
pangangailangan ng bansa ay
matugunan kahit nahaharap sa
suliranin kakapusan.
DAGDAG KAALAMAN!
Kaugnayan ng alokasyon sa
kakapusan, pangangailangan at
kagustuhan.
Ang alokasyon ay ang mga pinagkukunang
yaman. Halimbawa nalang nito ay ang
deforestation kung saan kinakapos na tayo sa sa
ating mga pangangailangan at nawawala na ang
mga kagustuhan natin dahil nagkulang na ang
mga materyales o sangkap sa paggawa.
Mga sistemang
Pang-ekonomiya
Ang “Sistemang Pang-Ekonomiya” ay
sumasaklaw sa mga estraktura,
institusyon, at mekanismo na batayan sa
pagsasagawa ng mga gawain
pamproduksiyon upang sagutin ang mga
pangunahing katanunangang pang-
ekonomiya. Walang perpektong
sistema na angkop sa isang bansa,
kaya ito ay maaring baguhin ayon
sa pangangailangan ng ekonomiya.
MgaUri ng Sistemang
Pang-ekonomiya
May iba’t ibang uri ng ekonomiya ayon
sa sistema na ginagami.
• Una, tradisyonal na ekonomiya
• Ikalwa, ang market na ekonomiya
• Ikatlo, ang command na ekonomiya
• Pang-apat, ang pinaghalong
ekonomiya.
May iba’t ibang paraan ng
pagsagot sa mga
pangunahing suliranin sa
ekonomiks ang apay na
sistemang pang-
ekonomiya.
Sistemang Pang- Ano ang Paano ito gawin? Para kanino
ekonomiya gagawin? ang gagawin?
Ayon sa Nakasentro sa
TRADISYONAL kinagawian, Naayon sa tradisyon tradisyon ng
tradisyon, at at kinagawian. pamilya at mga
gampanin. tribu.
Pinagpapasiyahan Ayon
MARKET ng indibidwal Ayon sa indibidwal. sa
ayon sa merkado. indibidwal.
Pinagpapasiyahan Ayon
COMMAND ng estado. Ayon sa estado. sa
estado
Pinagpapasiyahan Ayon
PINAGHALO ng estado at Ayon sa indibidwal at sa indibidwal
(MIXED) indibidwal estado. at
estado.
Tradisyonal na
Ekonomiya
Ang ganitong uri ng
ekonomiya ay sinasagot ang
mga suliraning pang-
ekonomiya sa pamamagitan
ng mga tradisyon,
paniniwala, kagawian, at
patakaran ng lipunan.
Ang bawat tao sa
ekonomiyang ito ay batid
ang kaniyang gamapanin
at tungkulin sa lipunan.
Ngunit, wala silang
karapatan na
magdesisyon sa mga uri
ng produkto at serbisyo na
gusto nilang matamo.
Market na
Ekonomiya
Sa sistemang ito, ang
pagdedesisyon sa pagsasagot
sa mga suliraning ano,
paano, at para kanino ang
gagawin ay isinasagawa ng
indibidwal at pribadong
sektor.
Ang market o
pamilihan ay
nagpapakita ng
organisadong
transaksiyon ng
mamimili at
nagbibili.
Piyudalismo
Ang piyudalismo ay may
kinalaman sa pag mamay-ari
ng lupa. Pinagkakalooban ng
lupa ang mga taong
naglingkod sa mga “Feudal
Lord”, ang tawag sa
nagmamay-ari ng lupa.
“Vassals” ang tawag sa
mga taong nagkakaloob
ng serbisyo at nagbibigay
ng proteksiyon sa mga
Feudal Lord. Sila ay
pinagkalooban ng lupa na
tinatawag na fief bilang
kabayaran.
DAGDAG KAALAMAN!

GINAGANAP BILANG PATUNAY NG


KANYANG PAGTANGGAP NG LUPA
Ang mga gawaing pang-
agrikultura tulad ng
pagbubungkal ng lupa ay
isinasagawa sa loob ng
manor. Ang “manor” ay
ang sentro ng
agrikulturang gawain
noong panahon ng
sistemang manoryal.
Ang mga magsasaka at ang
mga alipin na tinatawag na
serf (Magsasaka) ay
nagsasagawa ng
pagbubungkal ng lupa.
Ang produksiyon ay sapat
sa mga pangangailanagn
ng mga tao naninirahan sa
loob ng “manor”.
Ang sistemang ito ay
humina nang lumago at
lumawak ang
kalakalan at ng
umunlad ang bayan at
ang pagpapalawak ng
pagamit ng makinarya
sa industriya.
Sistemang Manor
Merkantilismo
Sa pagitan ng ika-15 at ika-
18 siglo, umiral sa Europe
ang sistemang merkantilismo
ng bansa ay ang dami ng
supply ng ginto at pilak. Ito
ang simula ng pananakop at
pakikipagkalakalan upang
Makalikom ng
mahahalagang metal na ito.
Kaya, hinigpitan ang kontrol
ng pamahalaan sa
pambansang ekonomiya
upang matiyak ang supply
ng hilaw na materyales kahit
abala ang mga merkantilista
sa paglikom ng ginto’t pilak.
Ginamit ng
merkantilistrang bansa
ang mahahalagang
metal na ito upang
makabili ng
mamahaling produkto
at armas na kailangan
ng kanilang bansa.
Maraming bansa sa
Europe ang nagbigay-
pansin sa paglilikom ng
maraming ginto at pilak at
ito ay kanilang isnagawa
sa pamamagitan ng
pananakop sa mahihinang
bansa.
Ang mga kolonyang
bansa ang nagsisilbing
taga-supply ng mga
hilaw na materyal at
pamilihan ng mga
produkto ng
mananakop ng bansa.
Ang Britain, Netherlands,
France, at Spain ang ilan sa mga
bansang gumamit ng sistemang
ito. Ang sistemang ito ay hindi
na umiiral bilang sistemang
pang-ekonomiya ng mga bansa
sa kasalukuyan. Ito ay bahagi ng
lamang ng uri ng pangangalakal
sa loob ng bansa.
Kapitalismo
Ang rebolusiyong
industriyal ang nagbigay-
daan sa pagkilala ng mga
karapatan ng pribadong
sektor sa pagpapaunlad ng
industriya.
Kapitalismo
• Rebolusiyong Industriyal
• Free Interprise
• Pribadong Sektor
• Laissez faire
Kaya sa kalagitnaan ng ika-
17 siglo ay binigyang-pansin
ang ideya ni Adam Smith,
ang may akda ng “An
Inquiry Into the Nature
Causes of the Wealth of the
Nations”, ukol sa paggalaw
at palago ng sistemang
gayundin ang papel
na gagampanan ng
pamahalaan sa
pamamahala ng
ekonomiya.
Si Adam Smith ay tinatawag na
“Ama ng Makabagong
Ekonomiks”. Sa doktrina ng
laissez-faire ni Adam Smith,
sinasabing ang pamahalaan ay
hindi dapat makialam sa
pagpapaunlad at pagpapatakbo
ng mga indibidwal sa mga
industriya at negosyo.
Adam Smith
Ang dapat pagtuunan ng pansin
ng pamahalaan ay ang pananatili
ng kaayusan at kapayapaan ng
bansa. Isinulat nya na ang
hangaring tumubo at kompetisyo
ang nagpapasigla sa ekonomiya.
Ito ang umiral sa sistemang
kapitalismo na kilala sa tawag na
ensterptise system.
Binigyang pansin din ni Smith ang
pagsulong ng mga negosyo at
bunga ng kompetisyon at
pansariling interes ng mga tao.
Ang pansariling interes ang
nagtutulak sa mamimili na bumili
ng mga produkto na nais nila,
samantala ang prodyuser ay
nakalilikha ng mga produkto na
naibebenta sa mga mamimili at
nagtatamo ng tubo. Ang
ganitong sitwasyon ay naganap
ng walang pangkalahatang
plano ng pamahalaan. Ito ay
bunga ng puwersa na tinatawag
ni Smith na “Invisible Hand” na
nagaayos ng takbo ng pamilihan.
Ang kapitalismo ang
pangunahing sistemang pang
ekonomiya sa Europe at United
States mula 1800. Ito ay
ipinanganak nang bumagsak
ang dalwang sistemang pang-
ekonomiya na umiral sa Europe,
ang piyudalismo at
merkantilismo.
Ang kapitalismo ay lumagana sa
Europe lalo na sa Greece,
Ancient Egypt, Babaylon (Iraq),
at Carthage (Tunisia). Ang
Kapitalismo ay sistemang pang-
ekonomiya na ang pagmamay-
ari ng yaman at produksiyon ay
nasa kamay ng mga indibidwal
at pribadong sektor.
Ang pribadong pagmamay-ari at
layuning tumubo ay laganap sa
sistemang ito. Ang sinumang
indibidwal ay may kalayaan na
magnegosyo na hindi labag sa
batas, magmay-ari ng kahit anong
ng kahit gaano karaming yaman o
kapital, magtakda ng presyo, at
lumikha ng ninanais na produkto.
Maraming
produkto na
malilikha sa
KAPITALISMO
Desentralisado ang paggawa ng
desosyon sa sistemang ito. Ang
mga indibidwal at pri badong
sektor ang gumagawa ng desisyon
ukol sa uri ng produkto.
Ang impluwensiya nila bilang
mamimili, prodyuser, imbestor, at
manggagawa ay nangingibabaw
sa ekonomiya.
Ang ganitong katangian ay
nakatutulong na makamit
ang paglago ng ekonomiya,
sapagkat ang bawat tao ay
naghahangad na magkaroon
ng opurtinidad na kumita o
tumubo ng malaki
Kapitalismo
 Pagtatakda ng presyo
 Pribadong pagmamay-ari
 Desentralisado ang
paggawa ng desisyon
 Layuning
Ang pagkakaroon ng
kalayaang pang-ekonomiya
sa sistemang ito ay nagdulot
ng pagkakataon sa mga
mamayan na makapili ng
hanapbuhay at negosyo na
gusto nila na makatutulong
sa ekonomiya.
Command ng
Ekonomiya
Ang estado ang
may responsibilidad
sa pagsagot sa mga
suliraning pang-
ekonomiya ay
isinasagawa ng
estado at inaasahan
na ang mga
mamamayan ay
susunod sa mga
naging desisyon.
Ang komunismo,
sosyalismo, at
pasismo ay kabilang
sa ganitong uri ng
ekonomiya.
KOMUNISMO
Ang teorya ukol sa
komunismo ay unang
binalangkas nina Karl Marx
at Friedrich Engels sa mga
aklat na “The Communist
Manifesto” at “Das Kapital”
na itinuturing na bibliya ng
komunismo.
Mula sa mga nasabing teorya
isinilang ang isang sistemang
pang-ekonomiya at
pamamaraan ng pamumuhay.
Ang komunismo ay isang
sistemang pang-ekonomiya
kung saan ang estado ang nag
nagmamay-ari at
kumokontrol sa yaman ng
bansa at produksiyon. Ang
pagsagot nsa mga suliraning
pang-ekonomiya ay naayon sa
planong pangkabuhayan ng
pamahalaan na isinasagawa
ng isang “central planning
board.” Ang lahat ng tao ay
gagawa at kikilos batay sa
kanilang kaalaman at
kakayahan at sila ay
babayaran ayon sa kanilang
pangangailangan. Walang
pribadong pagmamay-ari ng
mga industriya.
Ayon kay Marx, ang mga
pagbabagong pampolitika at
panlipunan ay bunga ng mga
salik pang-ekonomiya. Siya ay
naniniwala sa sistemang
kapitalismo, ang
tunggalian sa pahitan ng
mga nagmamay-ari ng
produksiyon at
nagsusupply ng paggawa
ay patuloy na naganap.
Mula sa malawak na pag-
aaral sa kasaysayan
naniniwala si Marx na mag-
bubunga ang tunggalian ng uri
(class conflict) ng isang lipunan
walang uri (classless society) at
pagbibigay ng kapangyarihan
sa mga manggagawa na
tinatawag niyang proletriat.
Naniniwala siya na ang
tagumpay ng proletriat sa
pamamahala ng
produksiyon ang magiging
daan sa pagkakamit ng
classless society. Si Karl
Marx ay tinawag na Ama Ng
Komunismo.
Ang kaisipan ng Komunismo
ay lumawak. Ito ay ipinatupad ni
Vladimir Ilich Lennin, na kilala
sa pangalan na Nikolai Lenin sa
Russia noong 1917. Ito ang unang
bansa na tumangkilik sa
komunismo.
Sa China ay pinalaganap
noong 1949 sa pamumuno
ni Mao Zedong na kilala sa
tawag na Tse-tung.
Sa kasalukuyan ay walang
bansa ang nakarating sa Full
Communis. Hindi pa umiiral ang
tunay na Komunismo sa mga
bansa sa daigdig sapagkat hindi
pa nakakamit ang classless society
at may mga pribadong tao ang
namamahala sa produksiyon. Ang
sistemang ito ay unti-unti nang
naglalaho sanhi ng paghahangad
ng mga tao ng kalayaan sa
produksiyon. Ang pagbagsak ng
USSR (Union of Soviet Socialist
Republics) at ang pagtatag ng
Russian Federation ay tinitingnan
na palatandaan ng paghina ng
Komunismo sa Russia.
Ipinatupad ng mga bansa na
kabilang sa Commonwealth Of
Independent State (CIS) ang
isang sistemang pang-
ekonomiya na lubusang
nagbigay sa kanila ng kalayaan
sa pagdedesisyon at pagpili ng
mga produkto na kanilang
kailangan sa pamumuhay.
Si Benito
Mussolini
ng Italy
Pasismo
Isang sistema ng pang-
ekonomiya at politikal na
sinimulan ni Benito Mussonlini
sa Italy noong 1922. Itinatag
niya ang partidong pasista.
Ipinakilala naman ni Adolf
Hitler ang pasismo sa Germany.
ADOLF
HITLER
Ang mga yaman ay industriya
ay kontrolado at pagmamay-ari
ng estado na pinamumunuan ng
isang diktador. Sa ilalim ng
sistemang ito ang diktador ang
nagdedesisyon sa lahat ng mga
gawain ng estado: politikal,
sosyal, at ekonomikal.
Ang pag-aangkat ng mga
produkto, pagwewelga, at
pagtatag ng unyon ng mga
manggagawa ay mahigpit na
ipinagbabawal ng estado. Ang
produksiyon ay naayon sa
pangangailangan ng
ekonomiya. Ang bawat
indibidwal ay walang
karapatang magreklamo
at sumuway sa
itinadhana ng batas ng
estado.
Pinaghalong Ekonomiya
Sosyalismo
Isang sistemang pang-
ekonomiya ang masasabing
pinaghalo dahil sa pag-iral ng
command at market na
ekonomiya. Ito ang tinatawag
na sosyalismo.
Ito ay sistemang pang-
ekonomiya kung saan ang
estado ang humahawak at
kumokontrol sa mga
pangunahing industriya at ang
mga mamamayan ay
pinapayagan na magmay-ari ng
maliit na negosyo na maaring
pakialaman ng estado.
Ang pagmamay-ari ng
yaman sa kolektibong paraan
ay ginagawa sa sistemang ito.
Hangarin nito ang
pagkakapantay-pantay ng mga
tao sa lipunan. Ang estado ang
nagdedesisyon kung anong
produkto ang makabubuti sa
mga mamamayan. Ang
pagkakaroon ng “welfare state”
ay daan upang ang mga
pangangailangan ng lahat ng
tao ay maibigay ng
pamahalaan. Iniiwasan ng mga
sosyalista na mangyari ang
pang-aabuso at pagsasamantala
sa mga tao, lalo na sa mga
manggagawa na nangyari sa
kapitalismo. Ang lahat ng tao ay
binibigyan at tumatanggap ng
pare-parehong benepisyo.
Dahil sa hindi kayang
gampanan ng pamahalaan at
indibidwal ang pagpapalago ng
pamilihan at pagpapaunlad ng
bansa kaya naisipan nilang
ipatupad ang pinaghalong
ekonomiya o mixed economy.
Sa ilalim ng pinaghalong
ekonomiya o mixed economy ay
binabalanse ang pagkontrol at
kalayaan ng pamahalaan at
mamamayan. Karamihan sa
mga makabagong ekonomiya
ngayon ay ipinatutupad ang
gampanin ng pamahalaan at
pribadong indibidwal o sektor.
Binibigyan ng proteksiyon ng
pamahalaan ang pribadong
pagmamay-ari ng tao
kaalinsabay ng pakikialam sa
kaganapan sa pamilihan upang
matiyak na ang layuning pang
ekonomiya ay matatamo.
Isang halimbawa ay ang
pagpapanatili ng kapayapaan
sa bansa. Ang pamahalaan ang
siyang nagtatalaga ng mga
militar at pulis upang
magkaroon ng kapayapaan.
Ang pamahalaan din ang
nagpapagawa ng mga kalsada
para magamit ng lahat ng
mamamayan. Sa puntong ito,
makikita natin na ang mga
bansa ay tinatangkilik ng
pinaghalong ekonomiya ang
market at command economy
upang ang pamilihan ay mabilis
na umunlad.
May mga bansa na unti-
unting lumilipat mula sa
command economy patungo
sa mixed economy at market
economy tulad ng Russia at
China.
SHORT
QUIZ
1.Ito ang
nagsisilbing
sagot sa
kakapusan.
2. Ito ay
isinasagawa
upang higit na
pakinabangan
ang mga
pinagkukunang
yaman.
3. Ito ang
nagpapakita
kung paano
isinasagawa ang
alkasyon.

You might also like