ALOKASYON
MGA LAYUNIN
1. Nasusuri ang kaugnayan ng alokasyon sa
kakapusan, pangangailangan at kagustuhan
2. Napahahalagahan ang paggawa ng tamang
desisyon upang matugunan ang
pangangailangan
3. Nasusuri ang mekanismo ng alokasyon sa
iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya bilang
sagot sa kakapusan
ALOKASYON
Paglalaan ng takdang dami ng
pinagkukunang- yaman ayon sa
pangangailangan at kagustuhan ng tao
Pamamaraan ng pagtugon ng tao ukol sa
suliranin ng kakapusan ng mga
pinagkukunang-yaman
Sa alokasyon, ang pagbuo ng impormasyon ay
hinggil sa tutugunang pangangailangan, ito ay
maaring sentralisado o desentralisado
Pinakakahulugan bilang distribusyon, ngunit ito
ay magkaiba. (Distribusyon ay tumutukoy sa
pamamahagi ng kabuuang produkto at kita sa
iba’t ibang salik ng produksyon tulad ng lupa,
paggawa at kapital
Ang pamamahagi ng mga pinagkukunang-
yaman ay magagawa sa iba’t ibang pamamaraan:
1. epektibo, maayos (Konserbasyon) at
matalinong paggamit
2. Pamumuhunan- pagdaragdag ng kapital
Hal. Pagbili ng mataas na uri o dekalidad na binhi,
edukasyon at pagsasanay sa yamang tao
3. Paggamit ng makabagong teknolohiya
SISTEMANG PANG-
EKONOMIYA
Tradisyonal na Ekonomiya Command Economy
Mixed Economy Market Economy
SISTEMANG PANG-EKONOMIYA
Isang aspekto ng bansa kung saan
tinutugunan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao
Layunin nito na mapigilan ang labis na
paglikha ng kalakal o serbisyo gayundin
upang maiwasan ang kakulangan sa mga
bagay na ito
Bawat lipunan ay gumagamit ng isang
sistemang pang-ekonomiya upang matugunan
ang mga suliraning nakapaloob sa
produksyon at alokasyon ng mga produkto at
serbisyo
1. Ano-anong kalakal at serbisyo ang dapat
likhain at gaano karami ito?
2. Paano lilikhain ang mga kalakal at
serbisyong ito?
3. Para kanino ang malilikhang kalakal at
serbisyo?
https://www.youtube.com/watch?v=5xgwY
RX19VU
(UniversityNow: Types of Economic
Systems)
Sistemang Katangian Ano ang Paano Para kanino
Pang- gagawin? gagawin? ang
ekonomiya gagawin?
Traditional
Economy
Market
Economy
Command
Economy
Mixed
Economy
Sistemang Katangian Ano ang Paano Para kanino
Pang- gagawin? gagawin? ang gagawin?
ekonomiya
Traditional • nakabatay sa • Pangunahing • pagkain- mamamayan
Economy tradisyon, pangangailan ibinibigay ng
kultura at gan ng tao kalalakihang
paniniwala tulad ng nangangaso at
damit, kababaihang
nagtatanim o
pagkain at
nangunguha
tirahan
ng bungang
kahoy
Traditional Economy
Bagamat walang tiyak na batas ukol sa
Alokasyon, may maliwanag na
pagkakaunawaan ang mga tao sa paraan
nito
Ang anumang produkto na kanilang
malilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang
pangangailangan at kung sino ang dapat
gumamit
Sisteman Katangian Ano ang Paano Para kanino
g Pang- gagawin? gagawin? ang gagawin?
ekonomiy
a
Market • Ang produksyon at • ang bawat • Iba’t ibang • para sa mga
Economy distribusyon ng mga kalahok – prodyuser at nais bumili
produkto at serbisyo ay
konsyumer at kagamitang ng produkto
nagaganap sa
mekanismo ng malayang
prodyuser, ay teknolohiya
pamilihan na kumikilos
ginagabayan ng isang alinsunod sa
sistema ng malayang kanilang
pagtatakda ng halaga pansariling
• nagpapahintulot sa interes na
pribadong pagmamay- makakuha ng
ari ng kapital, pakikipag-
malaking
ugnayan sa
pamamagitan ng presyo,
pakinabang.
at pangangasiwa ng mga
gawain.
Market Economy
PRESYO ang pangunahing nagtatakda kung gaano
karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung
gaano rin karami ang malilikhang produkto at
serbisyo ng mga prodyuser.
Sa kabuuan, ang dami ng produkto na nais ibenta
ng mga prodyuser ay may katumbas na dami ng
produkto na nais bilhin ng mga mamimili. Sa
madaling sabi, presyo ang nagsisilbing pambalanse
sa interaksiyon ng konsyumer at prodyuser sa
loob ng pamilihan.
Sistem Katangian Ano ang Paano Para
ang gagawin? gagawin? kanino ang
Pang- gagawin?
ekono
miya
Comma • Ang • nakatakd • sentralisa pinamamahal
nd
ekonomiya ay ang dami do aan
Economy
nasa ilalim ng ng
komprehensib produkto
ong kontrol at ng
regulasyon ng lilikhain
pamahalaan
Command Economy
Ang pagkontrol ay alinsunod sa isang
planong nauukol sa pagsusulong ng
ekonomiya
Taliwas sa market economy
Ipinapatupad sa Soviet Union,Cuba at
North Korea
Sistemang Katangian Ano ang Paano Para kanino
Pang- gagawin? gagawin? ang gagawin?
ekonomiya
Mixed • Ang desisyon • mga • pribadong • mga
Economy kung paano produktong sektor at mamimili o
gagamitin ang kaya at pamahalaan konsyumer
mga handang
pinagkukuna bilhin
ng-yaman ay
nasa kamay
ng pribadong
sektor at
pamahalaan
Mixed Economy
Nagtataglay ng pinaghalong aspekto ng
kalayaang pang-ekonomiko at sentralisadong
pagpaplanong pang-ekonomiko
Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng
pamilihan subalit ang pamahalaan ay maaaring
manghimasok dahil sa mga usaping nauukol
sa pangangalaga sa likas na yaman, hustisyang
panlipunan o pagmamay-ari ng estado
Paggawa ng Skit (M.Ptask #3)
Pangkat 1: Traditional Economy
Pangkat 2: Command Economy
Pangkat 3: Market Economy
Pangkat 4: Mixed Economy