You are on page 1of 10

MGA MODELO NG PAMBANSANG EKONOMIYA

UNANG MODELO
PANGKAT UNO
Marty Lawrence Borro
Frans Andre Bucayan
Loraine S. Casugbo
Ralph Steven Singson
Joro Fernandez Tiad
Princess Jelene Barza
Mark Nelson Martin
Galatia Vera Isada
Karl Acolentaba
UNANG MODELO /
SIMPLENG EKONOMIYA
Sa pang-araw-araw nating buhay, ang mga tao ay gumagawa ng mga
produkto upang mabuhay at makatugon sa kanilang mga
pangangailangan. Sa ganitong paraan, nabubuo ang konsepto ng
ekonomiya – ang pag-aaral ng mga produkto at serbisyo na ginagawa,
binibili, at ibinebenta ng mga tao at kung paano ito nakakatulong sa
pagpapalago ng isang bansa.

Ang unang modelo ng pambansang ekonomiya ay naglalarawan ng


simpleng ekonomiya kung saan ang mga sambahayan at bahay-
kalakal ay iisa. Ibig sabihin, ang mga tao na gumagawa ng produkto
ay sila rin ang kumukuha nito para sa sambahayan at ang mga
produkto na ginagawa nila ay kinokonsumo rin ng mga miyembero ng
sambahayan.
UNANG MODELO
Sa ganitong uri ng ekonomiya, ang produksyon at pagkonsumo ay
nangyayari lamang sa loob ng sambahayan at hindi pa masyadong
nakikipag-ugnayan sa ibang sambahayan o negosyo. Ang supply ng bahay-
kalakal ay nakabatay sa kanilang sariling demand , kung kalian sila
nangangailangan ng produkto ay saka lang sila gagawa nito.

Ngunit, sa pang araw-araw na buhay, hindi na masyadong ginagamit ang


ganitong uri ng ekonomiya dahil mayroon nang mas malawak na Sistema
ng ekonomiya. Ang mga negosyo at pamahalaan ay nakikipag-ugnayan sa
bawat isa upang magkaroon ng mas malawak at mas epektibong
produksyon at pagkonsumo ng mga produkto. Sa pamamagitan ng
pagkaka-intindi sa mga modelo ng pambansang ekonomiya, mas magiging
madali na maunawaan ang konsepto ng ekonomiya at kung paano
nagsisimula at gumagana ang mga ekonomiya ng bansa.
UNANG MODELO
Ang kita sa simpleng ekonomiya ay ang halaga ng mga produkto at
serbisyo na nalikha sa isang tiyak na panahon. Sa isang simpleng
ekonomiya, inaasahan na ang halaga ng produksyon ay siya ring
halaga ng pagkonsumo ng mga produkto at serbisyong ito. Para sa
ekonomiya na lumago, kinakailangan ng mga taong sangkot dito na
magtaas ng kanilang produksyon at mamuno sa kanilang sektor.
Kapag nagawa nila ito, maaring tumaas ang halaga ng produksyon
at magiging maganda ang kalagayan ng ekonomiya.

Sa pangkalahatan, kung magagawa ng mga actor sa ekonomiya na


magtaas ng produksyon at amuno sa kanilang sektor, maari itong
magdulot ng mas magandang buhay para sa kanila at sa buong
bansa.
UNANG MODELO
May limang modelo ng pambansang ekonomiya, sa limang
modelo, ang unang modelo ang nag lalarawan ng simpleng
ekonomiya. May dalawang pangunahing aktor ito: Sambahayan
at Bahay-Kalakal. Ang Sambahayan ay ang kalipunan ng mga
mamimili sa isang ekonomiya habang ang Bahay-Kalakal ay
ang taga-likha ng mga produkto.

Sa unang modelo, ipinakita na ang Sambahayan at Bahay-


Kalakal ay iisa lamang. Ang mga mismong konsyumer ay siya
ring lumilkha ng produkto. Sa madaling salita, ipinakita na
tayong mga tao o ating mga sarili mismo ang Sambahayan at
Bahay-Kalakal dito.
UNANG MODELO
Kaya inasabi na ang Sambahayan at Bahay-Kalakal ay iisa lamang dahil ang
maghahanap o mangangalap ng mga salik ng produksyon at ang gagawa o
bubuo ng mga produkto o serbisyo mula sa mga salik na ito ay tayo lamang
o ang ating mga sarili. Ibig sabihin, sa ating sarili nakasalalay ang
produksyon o paggawa ng produkto na maari nating ikonsumo upang
matugunan ang ating mga sariling kagustuhan at pangangailangan.

Halimbawa: Ikaw ay nastranded sa isang isla na parang desyerto mag-isa at


hindi ka makaalis, Ano ang gagawin mo? Maaring gumawa ng solusyon na
makakatulong sa iyo upang matugunan ang iyong kagustuhan at
pangangailangan. Dapat kang maghanap ng iyong sariling pagkain, gumawa
ng sariling bahay at bumuo ng damit na gagamitin araw-araw. Diyan
makikita ang unang modelo na kung saan ang Sambahayan at Bahay-Kalakal
ay ang iyong sarili.
ANG TATLONG
KATANUNGAN
SINO-SINO ANG
BUMUBUO SA BAWAT
MODELO
Ang bumubuo ng mga modelo ay ang Sambahayan (Konsyumer)
at Bahay-Kalakal (Prodyuser). Kapag wala silang dalawa, wala
ring pambansang ekonomiya. Ang pambansang ekonomiya ay ang
pagsusuri sa buong gawi ng lipunan na nakapalalawak na gawain
at ito din ang nagseserbisyo upang mailarawan ang galaw ng
buong ekonomiya sa isang payak na kalagayan na maipapakita sa
pamamagitan ng paikot na daloy ng produkto at serbisyo
ANG TATLONG
KATANUNGAN
ANO ANG PAPEL NA GINA-
GAMPANAN NG BAWAT ISA
Ang sambahayan ay isang sektor sa ekonomiya
na kinabibilangan ng mga pamilya o ng mga tao na kumikita ng
pera. Ito ang nagbibigay mga manggagawa at ng lupa sa mga
bahay-kalakal. Sila rin ang bumibili ng mga produkto at
serbisyo ng mga bahay-kalakal; dahil dito, maari mo ring
masabi na sila ang nagbibigay ng kita sa mga bahay-kalakal.
Ang bahay-kalakal naman ang gumagawa ng mga produkto at
serbisyo. Upang magawa ito, kailangan nila ng mga
manggagawa. Ito ay isang pangunahing aktor sa modelo ng
pambansang ekonomiya na tagalikha ng mga produkto o
serbisyo.
ANG TATLONG
KATANUNGAN
UGNAYAN SA ISA’-
ISA
Nakikipag-ugnayan ang sambahayan at bahay kalakal sa mga
pamilihan ng kalakal at paglilingkod dahil dito bibili ang sambahayan
ng produkto sa pantugon sa mga pangangailangan o kagustuhan nito.
Ang gagamitin ng sambahayan ay ang natanggap nitong kita upang
makabili ng mga produkto at serbisyo. Sa pananaw ng sambahayan,
dito kumikita ang bahay-kalakal. Ang dalawang aktor na ito ay umaasa
sa isa’t isa upang matugunan ang kanilang pangangailangan at
kagustuhan. Sa madaling sabi, ang sambahayan ay kalipunan ng
mamimili at ang bahay-kalakal ay tagalikha ng mga produkto at
serbisyo. Makikita din ang ugnayan nito sa paikot na daloy ng pera.
Narito ang maikling proseso ng mga nangyayari sa paikot na daloy ng
pera.
.
THANKS FOR QUICK REVIEW
LISTENING! Unang modelo ng pambansang ekonomiya
- naglalarawan ng "simpleng ekonomiya“
GOODLUCK SA QUIZ!
Ano ang pangunahing aktor sa modelong ito?
- Sambahayan at Bahay-kalakal

Ang sambahayan at bahay-kalakal ay?


iisa o ikaw lamang

Inaasahang kita sa simpleng ekonomiya?


halaga ng produksiyon dipende sa takdang panahon
PPT by:
Frans Andre Bucayan Inaasahang halaga ng produksiyon?
Grade 9 - Mozilla halaga ng pagkonsumo sa produkto

Anong dapat gawin upang lumago ang ekonomiya?


kinakailangang maitaas ng kaukulang aktor ang kanyang produksiyon
at pagkonsumo

You might also like