You are on page 1of 2

UNANG MODELO – Ang sambahayan at bahay kalakal ay iisa.

Ang Lumilikha ng produkto ay siya


ring konsyumer. Naglalarawan ng simpleng ekonomiya. Ang halaga ng prduksiyon ay halaga rin
ng pagkonsumo sa produkto.

IKALAWANG MODELO – Pag iral ng sistema ng pamilihan sa pambansang ekonomiya ang tuon
ng ikalawang modelo. Sambahayan at bahay kalakal ang pangunahing sector. Binubuo sila ng
iba’t ibang actor. Dito pa lang ay masasabi nating magkaiba ang bahay kalakal at sambahayan.
DALAWANG URI NG PAMILIHAN SA PAMBANSANG EKONOMIYA:

 Unang uri ng pamilihan ay pamilihan ng salik ng produksiyon o factor markets. Kabilang


dito ang pamilihan para sa capital ng produkto, lupa, at paggawa.
 Ikalawang uri ay pamilihan ng mga tapos na produkto o commodity. Ito ay kinikilala
bilang goods market o commodity goods.
 May dalawang actor sa ekonomiya (Sambahayan at bahay kalakal)

Ang sambahayan ay may demand sa produkto ngunit hindi nito kayang lumikha. Ang bahay
kalakal lang ay ang may kakayahang gumawa ng produkto. Ang sambahayan ang may supply
ng mga salik ng produksiyon, makikipag ugnayan ang bahay kalakal sa sambahayan sa
pamamagitan ng mga pamilihan ng mga salik ng produksiyon. Umaasa ang dalawang actor sa
isa’t isa.

IKATLONG MODELO - nagpapapkita ng dalawang pangunahing sector (Bahay kalakal at


sambahayan) Isinasaalang alang ang desisyon para sa hinaharap. Hindi lahat ng kita ay
ginagamit ng sambahayan para sa pamimili. Hindi lang pangkasalukuyang produksiyon ang
iniisip ng bahay kalakal. Pag iimpok at pamumuhunan ay naging mahalagang gawaing pang
ekonomiya bukod sa paglilikha at pamimili. Nagaganap ang nasabing gawain sa mga pamilihang
pinansyal(financial market).

TATLONG URI NG PAMILIHAN SA IKATLONG MODELO:

 Para sa salik ng produksiyon


 Tapos na produkto(commodity)
 At para sa mga pinansiyal na capital

Bahagi ng kita na hindi ginagastos (savings)


IKAAPAT NA MODELO – Ang pamahalaan ay lumalahok sa sistema ng pamilihan. Kung ang
unang gampanin ang pagbabatayan, ang pamahalaan ay nakabatay sa political na sector. Kung
ang ikaapat na modelo ang pag uusapan, papasok ang pamahalaan bilang ikatlong sector.
Pagbabayad ng buwis ang nagiging karagdagang gawain sa ekonomiya. Obligadong magbayad
ng buwis ang sambahayan at bahay kalakal. Kumikita ang pamahalaan sa pagisingil sa
buwis(public revenue). Dahil sa public revenue, nakakalikha ang pamahaalan ng pampublikong
paglilingkod. Ang pampublikong paglilingkod naman ay nauuri sa pangangailangan ng
sabahayan at bahay kalakal. Mahalagang maisakatuparan ang pampublikong paglilingkod sa
bahay kalakal at sambahayan.

IKALIMANG MODELO – Nakatuon lamang ang unang apat na modelo sa saradong


ekonomiya(domestik). Ang ikalimang modelo ay bukas na pambansang ekonomiya. Ang bahay
kalakal ay nagluluwas (export) ng mga produkto sa panlabas na sector. Ang samabahayan
naman ang nag aangkat (import) ng produkto.

(Ang pamumuhunan ay paglalagay o paglalagak ng pondo o kapital sa isang proyekto


o gawain sa pag-asang ang paggamit ng mga pondong ito ay maaaring lumago at
makabuo ng dagdag kita. Sa Ingles, ang pamumuhunan ay investment.)

You might also like