You are on page 1of 9

9

Republic of the Philippines


Department of Education
Region V (Bicol)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LIGAO CITY
Binatagan, Ligao City
 

 
Gawaing Pagkatuto
ARALING PANLIPUNAN 9
Kwarter 3 - Linggo 6
 

SDO LIGAO CITY LAS_2021


 
LAS DEVELOPMENT TEAM
Schools Division Superintendent: Nelson S. Morales, Jr.
Assistant Schools Division Superintendent: Maylani L. Galicia
Chief Education Supervisor, CID: Tita V. Agir
EPS, LRMDS: Nestor B. Bobier
EPS, AP: Jose R. Nobela
 
Writers: Angelo S. Neric Ligao NHS
Chona M. Murillo s Ligao NHS
Aliza Q. Arnesto DPPMHS
Isabel P. Patanao DPPMHS

Editor: Fermin Curaming Ligao NHS


 
Illustrator/Lay-out Artist: Daryl S. Prepotente DPPMHS

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


 
Schools Division Office of Ligao City—CID, Learning Resources
Management Section
Binatagan, Ligao City
 
Telefax: (052) 485-24-96
 
Email Address: ligao.city@deped.gov.ph
 
 
GAWAING PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 9
KWARTER 3, LINGGO 6

Pangalan: __________________________ Antas/Seksyon: _____________

PATAKARANG PISKAL

I. MGA KAKAYAHANG PAMPAGKATUTO

Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng Patakarang Piskal.

II. PANIMULANG KONSEPTO

KONSEPTO NG PATAKARANG PISKAL


Ang Patakarang Piskal ay tumutukoy sa gawi o kilos ng pamahalaan
patungkol sa paggasta at pagbubuwis ng pamahalaan. (Case, Fair at Oste,2012). Sa
usapang pagasta at pagbubuwis, direkta itong maiuugnay o maikokonekta sa
pagbabadyet. Ang pambansang badyet ay lubhang mahalaga dahil ito ang
magsasakatuparan sa mga planong programa o proyekto ng pamahalaan lalo na sa
pagkakaloob ng mga serbisyong panlipunan sa mamamayan. Ayon kay John
Maynard Keynes (1935), ang pamahalaan ay may malaking papel na
ginagampanan upang mapanatili ang kaayusan ng ekonomiya. Ang mga gawaing
pampamahalaan ay nakapagpapasigla sa ekonomiya dahil sa resonableng paggasta
o paggamit ng pamahalaan sa buwis at iba pang resources na nakokolekta nito.
URI NG PATAKARANG PISKAL
Expansionary Fiscal Policy
● Isinasagawa kapag mabagal ang takbo ng ekonomiya.
● Upang matugunan ang ganitong sitwasyon, ang pamahalaan ay
karaniwang nagpapatupad ng mga desisyon upang mapasigla ang
matamlay na ekonomiya. Karaniwang isinagawa ito sa pamamagitan ng
paggasta sa mga proyektong pampamahalaan o may bantanghihina ang
paggasta.
● Ipinapatupad ng pamahalaan ang expansionary fiscal policy upang
mapataas ang output ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagdadagdag ng
gastos sa mga programa at proyekto ng pamahalaan. Kasabay nito,
pinabababa ng pamahalaan ang pagbabayad o pagpapataw ng buwis.
Dahil magdudulot ito ng trabaho sa mga pasigla sa mga negosyo.

Contractionary Fiscal Policy


● Isinasagawa kapag mataas ang output o lubhang
LASmasigla I PAHINA
Q3 W6 ang ekonomiya
1 ng 6
na nagdudulot ng pagtaas ng pangkalahatang presyo (implasyon) sa
pamilihan.
● Ang ganitong kondisyon ay hihila pataas sa pangkalahatang demand sa
sambahayan at insentibo naman sa mamumuhunan na patuloy na
magdagdag ng produksiyon.

● Ipinapatupad ng pamahalaan ang contractionary fiscal policy upang


mapababa ang output ng ekonomiya. Ang sobrang sigla ng ekonomiya ay
nagdudulot ng pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga bilihin
(implasyon). Upang maiwasan ang implasyon, binabawasan ng
pamahalaan ang paggasta nito. Ang pagtaas ng singil ng buwis ang siyang
pagbaba ng mga mabibiling produkto ng mga mamamayan o pagbaba ng
demand. Ang labis na demand ang isa sa mga sanhi ng implasyon.
Ang Pagbubuwis bilang Pinagmulan ng Kita ng Pamahalaan
Ang pamahalaan ay nangangailangan ng salapi upang maisakatuparan ang
napakarami nitong gawain. Ang pamahalaan ay nakalilikom ng salapi sa
pamamagitan ng buwis at iba pang pinagkukunan nito tulad ng kita mula sa interes
ng salaping nakadeposito sa Bangko Sentral ng Pilipinas, mga kaloob at tulong mula
sa mga dayuhang gobyerno at mga pribadong institusyon, at mga kinita mula sa
pagbebenta ng ari-arian ng pamahalaan at mga kompanyang pag-aari at kontrolado
ng pamahalaan. Ang tinatanggap na kita ng pamahalaan ay tinatawag na revenue.
Ang buwis na pinakamalaking pinagkukunang ng pondo ng pamahalaan ay
tumutukoy sa sapilitang kontribusyon na kinokolekta mula sa mamamayan. Ito ay
isang paraan upang makalikom ng salapi ang pamahalaan na gagamitin nito sa
pagpapalakad ng mga gawaing pampamahalaan.

III. PAGSASANAY

A. GAWAIN 1: TALASALITAAN
Tukuyin ang angkop na konsepto ng mga kahulugang nasa ibaba ng kahon.
Piliin lamang ang mga sagot sa loob ng kahon at isulat sa patlang.

BUWIS
PATAKARANG PISKAL
EXPANSIONARY FISCAL POLICY
CONTRACTIONARY FISCAL POLICY
GNIBUDGET DEFICIT GDP
BUDGET SURPLUS

________________________1. Pagbawas ng gastusin ng pamahalaan at


pagtataas ng singil sa buwis upang maiwasan angLAS Q3 W6 I PAHINA 2 ng 6
implasyon.
________________________2. Nagaganap kung mas malaki ang paggasta
ng pamahalaan kompara sa kita.
________________________3. Pagdagdag ng gastusin ng pamahalaan at
pagbaba ng singil sa buwis upang tumaas ang kabuuang demand na
magiging daan upang sumigla ang ekonomiya.
________________________4. Pagkontrol ng pamahalaan sa ekonomiya sa
pamamagitan ng pagbubuwis at paggastos upang matamo ang maayos na
daloy ng ekonomiya.
________________________5. Sapilitang kontribusyon sa pamahalaan
upang maipatupad ang serbisyong pambayan.

B. GAWAIN 2 :
Suriin ang Talahanayan. Sagutan ang mga sumusunod na katanungan sa
baba batay dito.

2021 National Budget (4.506 Trillion Budget)

Government Agencies Budget

1. Education (DepEd, SUCs, CHED, Php 751.7 billion


TESDA)

2. Department of Public Works and Php 695.7 billion


Highways (DPWH)

3. Department of Interior and Local Php 249.3 billion


Government (DILG)

4. Department of Health (DOH) Php 210.2. billion

5. Department of National Defense Php 205.8 billion

Ang talahanayan ay nagpapakita ng mga ahensiyan nakatanggap ng


pinakamalaking pondo para sa taong 2021. Sinasalamin nito ang prayoridad
ng pamahalaan hinggil sa pagbibigay serbisyo sa kanyang mamamayan.
Mga Tanong:
1. Anong ahensiya ng pamahalaan ang may pinakamataas na pondo?
_________________
2. Anong ahensiya ng pamahalaan ang may pinakamababa na pondo?
_________________
3-5. Bakit kailangang paglaanan ng pondo ang iba’t ibang ahensiya ng
pamahalaan? __________________________________________________
_____________________________________________________________
___________________________________________________.
6-7. Paano nakbubuti sa ekonomiya ang maayos na pagbubuwis,
pagbabadyet, at paggastos ng pamahalaan? __________________________
LAS Q3 W6 I PAHINA 3 ng 6
______________________________________________________________
_____________________________________________________________.
8-10. Sa iyong palagay, paano matitiyak ang maayos na paggamit ng pondo
ng ating pamahalaan?
______________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_______________________________________________.

GAWAIN 3 : EXPANSIONARY O CONTRACTIONARY?


Ipaliwanag kung ano ang nararapat na tugon ng atin pamahalaan sa ilang
sitwasyong kinakaharap ng ating bansa sa ngayon: Expansionary ba o
Contractionary fiscal Policy? Pangatwiran ang iyong sagot.

https://www.rappler.com/nation/covid-19-updates-philippines- https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2018/09/10/1850099/editoryal-

november-2020 marami-nang-umaaray-sa-taas-presyo-ng-mga-bilihin
Sitwasyon 1: Covid Pandemic Sitwasyon 2: Mataas na presyo ng bilihin

Performance Task: Pag disenyo ng Advocacy T-Shirt tungkol sa


LAS Q3 W6 I PAHINA 4 ng 6
wastong pagbabayad ng buwis
Higit na nauuso ngayon ang pagsuot ng mga advocacy shirt o mga damit na
nagsusulong ng mga adbokasiya o mensahe. Layuhin ng mga advocacy shirt na ito
na pukawin ang kamalayan ng mga tao hinggil sa mga napapanahong isyung
nakakaapekto sa ating lipunan.

Ang suot ni Lebron James sa kanan ay


halimbawa ng advocacy shirt.
Nagsusulong ito ng mensahe ng
pagkakapantay at katarungan.
Sa blankong T-shirt. Lapatan ito ng
disenyo at mensahe na nagsusulong sa
tamang pagbabayad ng buwis sa
pamahalaan at ang kahalagahan nito sa
pagtataguyod ng mga proyektong
nakatutulong sa ating bansa.

https://twitter.com/nba/status/1091508899163729920
https://www.freeiconspng.com/img/30266

IV. RUBRIC SA PAGMAMARKA


LAS Q3 W6 I PAHINA 5 ng 6

Performance Task:
Kaangkupan sa Tema 10pts
Pagkamalikhain 5pts
Kaugnayan sa paksa 5pts
Kalinisan 5pts
25 puntos

V. MGA SANGGUNIAN

CASIDA, REBECCA, MODYUL 2019, Ekonomiks-Araling Panlipunan-Modyul para


sa Mag-aaral, pahina 289-230
https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2018/09/10/1850099/editoryal-
marami-nang-umaaray-sa-taas-presyo-ng-mga-bilihin
https://www.rappler.com/nation/covid-19-updates-philippines-november-2020
https://www.freeiconspng.com/img/30266
https://twitter.com/nba/status/1091508899163729920

VI. REPLEKSIYON/SUHESTIYON/KOMENTO

Bilang isang mag-aaral , paano ka makakatulong upang hikayatin ang mga


mamamayan na magbayad ng tamang buwis?
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________.

LAS Q3 W6 I PAHINA 6 ng 6

You might also like