You are on page 1of 3

PRESIDENT ELPIDIO QUIRINO NATIONAL HIGH SCHOOL

Agoo, La Union

QUARTER 3
SUMMATIVE TEST #03
ARALING PANLIPUNAN 9
(MODULE 1)
PANGALAN __________________________________ ANTAS AT SEKSIYON_________ ISKOR __________
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang. Piliin at isulat sa
patlang bago ang bilang ang titik ng pinakatamang sagot.

_____1. Anong patakaran ang tumutukoy sa pagbubuwis at paggasta ng pamahalaan?


A. Patakarang Pananalapi C. Patakaran sa Kita
B. Patakarang Piskal D. Patakaran sa Pandaigdigang Kalakalan
_____2. Paano isinasagawa ng pamahaalan ang expansionary fiscal policy?
A. Pagbabawas ng gastos at pagdaragdag ng singil sa buwis.
B. Pagbabawas ng manggagawa sa mga bahay-kalakal.
C. Pagpapataas sa paggasta at pagbabawas ng singil sa buwis.
D. Pagpapataas sa antas ng interes sa pautang.
_____3. Ipinapatupad ng pamahalaan ang contractionary fiscal policy upang maiwasan ang
pagkakaroon ng ________________.
A. Implasyon B. Deplasyon C. Depresasyon D. Debalwasyon
_____4. Ano ang pangunahing pinanggagalingan ng pondo ng pamahalaan?
A. Pag-uutang B. Kalakalan C. Buwis D. Tulong
_____5. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng hindi-tuwirang buwis o indirect tax?
A. VAT B. Income Tax C. Estate Tax D. Property Tax
_____6. Habang tumataas ang kinikita ng isang indibidwal o korporasyon, tataas din ang halaga
ng buwis na kanyang babayaran. Anong uri ng buwis ayon sa antas ng kita o porsiyento
ng ipinapataw ang tinutukoy?
A. Proportional B. Progressive C. Equal D. Regressive
_____7. Bakit isinasagawa ng pamahalaan ang Expansionary Fiscal Policy?
A. Upang babagsak ang demand.
B. Upang hihina ang produksiyon ng bahay-kalakal.
C. Upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya ng bansa.
D. Upang liliit ang pangkalahatang kita na pipigil sa pagtaas ng presyo.
_____8. Alin sa mga pahayag ang HINDI posibleng epekto ng Contractionary Fiscal Policy?
A. Liliit ang pangkalahatang kita ng mga mamamayan.
B. Makokontrol ang labis na pagtaas na presyo ng mga bilihin.
C. Magkakaroon ng maraming trabaho ang mga mamamayan at malaking kita.
D. Mapipilitan ang mga manggagawa na magbawas ng kanilang mga gastusin.
_____9. Paano napapasigla ng patakarang piskal ang ekonomiya ng bansa?
A. Pagtataas ng sahod ng mga manggagawa
B. Pagtaas ng produksiyon
C. Pagpapababa ng buwis
D. Lahat ng nabanggit
_____10. Bakit mahalagang maipatupad ang patakarang piskal ng bansa?
A. Dahil naghahatid ito ng katatagan at katiwasayan sa ekonomiya ng bansa.
B. Dahil nakatutulong ito sa pagpapasigla at pagpapatatag ng ekonomiya.
C. Dahil nababalanse ng pamahalaan ang kaniyang paggatos para makatulong sa
pagpapasigla ng ekonomiya.
D. Lahat ng nabanggit
_____11. Alin sa sumusunod ang HINDI layunin ng patakarang piskal?
A. Pagpapatatag ng ekonomiya ng bansa.
B. Paramihin ang umiikot na pera sa bansa.
C. Pangangasiwa sa badyet na gagamitin ng pamahalaan.
D. Pagsasaayos ng mga suliraning may kaugnayan sa buwis.
_____12. Hinihikayat na magbayad ng tamang buwis ang mamamayan upang maisakatuparan
ang mga proyektong pampamahalaan. Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy dito?
A. Puhunan galling sa mga balikbayan.
B. Bayad mula sa mga tiwaling taga gobyerno.
C. buwis mula sa sobrang pondo ng pamahalaan.
D. Ipinataw na kita mula sa mga taong naghahanapbuhay at sa mga kompanya.
_____13. Ang mga sumusunod ay maaaring mangyari kapag ipinapatupad ang Contractionary
Fiscal Policy MALIBAN SA:
A. Liliit ang pangkalahatang kita ng mga mamamayan.
B. Makokontrol ang labis na pagtaas na presyo ng mga bilihin.
C. Magkakaroon ng maraming trabaho ang mga mamamayan at malaking kita.
D. Mapipilitan ang mga manggagawa na magbawas ng kanilang mga gastusin.
_____14. Tungkulin lahat ng mamamayang may hanapbuhay na magbayad ng wastong buwis sa
pamahalaan. Ibinabalik ito sa mamamayan sa anyong serbisyo at sa edukasyon. Paano
ka makatutulong sa pagpapanatili sa kaayusan ng mga serbisyong ito?
A. Magtipid ng baon
B. Magbayad ng tamang buwis
C. Magbigay ng donasyon
D. Maging maingat sa mga kagamitang pampubliko
Sa bilang 15-16, gawing batayan ang sumusunod na datos. Halimbawa ng Pambansang Badget
sa Bilyong Piso.
120

100

80

60

40

20

0
DEPED DPWH DILG DAR DOH

_____15. Anong kagawaran ang may pinakamalaking badyet?


A. DEPED B. DPWH C. DILG D. DOH
_____16. Ano ang ipinapahiwatig ng datos sa itaas?
A. Ipinapakita sa datos ang prayoridad ng pamahalaan.
B. Ipinapakita sa datos ang paraan ng paggastos ng pamahalaan.
C. Ipinapakita sa datos ang pangangailangan pamahalaan.
D. Ipinapakita sa datos ang kakulangang ng pamahalaan.

Para sa bilang 17-19, Pag-aralan ang talahanayan tungkol sa alokasyon ng Badyet sa Iba’t ibang
Kagawaran ng Pamahalaan.
Budget Allocation Million of Pesos (Php) %
Department of Education 207, 300 30. 86
Department of Public Works and 110, 600 16. 46
Highways
Department of National Defense 104, 700 15. 58
Department of Interior and Local 88, 200 13.13
Government
Department of Agriculture 37, 700 5. 61
Department of Social Welfare 34, 300 5. 11
and Development
Department of Health 33, 300 4. 96
Department of Transportation 32, 300 4. 81
and Communication
State, Colleges and Universities 23, 400 3. 48
Pinagkunan: Department of Budget and Management

_____17. Ano ang katotohanan tungkol sa proposed na badyet batay sa talahanayan?


A. Binibigyan ng pinakamalaking laang badyet ang State, Colleges and Universities.
B. Pinapahalagahan ng ating bansa ang edukasyon.
C. Katamtamang buwis ang ibinabayad ng pamahalaan sa World Bank.
D. May pantay na halaga ang ipinondo na badyet sa lahat ng kagawaran sa bansa.
_____18. Batay sa ipinakita ng talahanayan, ano ang pumangalawa sa may pinakamalaking
laang badyet?
A. Department of Health C. Department of Public Works and
Highways
B. Department of National Defense D. Department of Agriculture
_____19. Ayon sa talahanayan, aling kagawaran ang pumapangalawa sa may pinakamaliitna
badyet?
A. Department of Health
B. Department of Agriculture
C. Department of Social Welfare and Development
D. Department of Transportation and Communication
_____20. Nakapagpapasigla sa matamlay na ekonomiya ang mataas na paggastos ng
pamahalaan. Ano ang maaaring dulot nito sa pangkalahatang demand sa pamilihan?
A. Tataas ang demand
B. Walang magbago sa demand
C. Bababa ang demand
D. Lahat ay posibleng mangyari

QUARTER 3
PERFORMANCE TASK #04
ARALING PANLIPUNAN 9
(MODULE 4)
Pumili lamang ng isang (1) gawain.

•Kumuha o humingi ng resibo (maaaring sa magulang, kaibigan, kapitbahay o sa sarili mismo).


Idikit ito sa isang short/long bond paper. Sa ibaba o likod nito, gumawa ng maikling sanaysay
gamit ang lima o higit pang pangungusap na naglalahad ng kahalagahan ng pagbabayad ng
buwis.

•Magsaliksik sa internet patungkol sa pambansang badyet ng Pilipinas ngayong taong 2022.


Ilagay ito sa isang short/long bond paper sa pamamagitan ng pie chart o bar graph. Pagkatapos,
sagutin ang katanungang: Kung ikaw ay magiging tagapagpatupad ng patakarang piskal,
anong ahensiya ng pamahalaan ang paglalaanan mo ng mataas na badyet at ano
ang bibigyan mo ng mababang badyet? Bakit?

You might also like