You are on page 1of 2

PRESIDENT ELPIDIO QUIRINO NATIONAL HIGH SCHOOL

Agoo, La Union

QUARTER 3
SUMMATIVE TEST #02 (Ikalawang Bahagi)
ARALING PANLIPUNAN 9
(MODULE 3)
PANGALAN __________________________________ ANTAS AT SEKSIYON_________ ISKOR __________
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang. Piliin at isulat sa
patlang bago ang bilang ang titik ng pinakatamang sagot.

_____1. Ano ang tawag sa patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo ng bilihin sa halos lahat
ng pamilihan?
A. Deplasyon B. Hyperinflation C Implasyon D. Depresyon
_____2. Anong implasyon ang sanhi ng pagtaas ng gastos sa paggawa ng produkto o serbisyo?
A. Cost Push B. Demand Pull C. Hyperinflation D. Structural
_____3. Ano ang pinakamadalas na gamitin na panukat sa pagbabago ng presyo?
A. PPC B. CPI C. GNP D. PPI
_____4. Ano ang ibinubunga ng pagtaas ng presyo?
A. Labis na kahirapan. C. Mataas na GNP.
B. Malaking kita ng tindera. D. Pagtaas ng sahod ng manggagawa.
_____5. Kung ang implasyon ay demand-pull inflation, sa paanong paraan ito malulutas?
A. Ang supply ng salapi sa mercado ay dapat limitahan upang makontrol ang labis na
paggasta.
B. Pagpapataas sa paggawa upang mapataas ang output ng produksiyon.
C. Maghikayat ng pautang sa mababang interes upang mapasigla ang paggasta.
D. Pagdaragdag ng maraming trabaho upang mapasigla ang ekonomiya.
_____6. Sa paglutas ng suliraning dulot ng implasyon, alin sa mga sumusunod ang higit na may
kinalaman sa pagbibigay-solusyon sa suliraning dulot ng implasyon?
A. Pamahalaan B. Konsyumer C. Entreprenyur D. Korporasyon
_____7. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapahiwatig na may implasyon?
A. Mahaba ang pila ng mga sasakyan sa gasolinahan
B. Maraming tao sa shopping malls
C. Kaunti ang mga mamimili
D. Mataas ang demand, kulang ang supply
_____8. Si Layla ay umutang kay Jack kang Php 100.00 na ipinambili niya ng isang kilong karne
ng manok sa kasalukuyan. Kung 5% ang antas ng implasyon sa susunod na buwan, ano
ang halaga ng isang kilong karne ng manok?
A. Php 95.00 B. Php100.00 C. Php105.00 D. Php110.00
_____9. Kung si Anthony ay nakabili ng 45 inches na TV noong taong 2009 sa halagang Php 25,
000 at ngayong 2020 ay kailangan niyang muling bumili ngunit ang halagang kanyang
mabibili sa kaparehong presyo ay hindi na kasing laki ng dati niyang nabili noong taong
2009. Ano ang tamang paliwanag sa pangyayari?
A. Hindi na available sa mercado ang kaparehong brand ng TV.
B. Ang Php 25,000.00 nuon ay hindi na kapreho ng halaga sa kasalukuyan.
C. Sarado na ang tindahang dati niyang pinagbilhan.
D. Wala siyang trabaho upang makabili ng TV.
_____10. Kung ikaw ay prodyuser ng produktong may kakulangan ng supply sa pamilihan, dapat
bang ang malaking kita lamang ang pagtutuunan mo ng pansin?
A. Oo, dahil ito na ang pagkakataon upang kumita at tumubo ng malaki.
B. Oo, dahil malaki ang inilabas na puhunan kaya’t nararapat na kumita rin ng malaki.
C. Hindi, dahil malaki rin ang buwis na sisingilin ng pamahalaan sa pagtaas ng presyo.
D. Hindi, dahil hindi kakayanin lalo ng mga mahihirap ang napakataas na presyo.
_____11. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang nararapat na gawin kung maliit
lamang ang baon na ibinigay ng iyong magulang?
A. Bilhin ang nararapat bilhin ay humingi na lamang kapag kulang na ang salapi.
B. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman mahalaga.
C. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon.
D. Bilhin ang nararapat bilhin at hayaan na lamang ang mangyayari kinabukasan.
_____12. Bilang isang mamimili, papaano ka makatutulong sa paglutas ng suliranin sa
implasyon?
A. Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan.
B. Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan.
C. Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang matiyak ang presyo.
D. Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng kakulangan.
_____13. Sa panahon ng mga kalamidad gaya ng bagyo at lindol, inaasahan na tataas ang presyo
ng mga bilihin. Kung ikaw ang economic adviser ng mayor ng nasalantang lugar, anong
hakbang ang iyong maimumungkahi upang maiwasan ang matinding epekto ng
implasyon?
A. Magkaroon gn price monitoring ang DTI at magbigay ng karampatang parusa sa mga
lalabag.
B. Pagbawalan ang mga negosyante na magbenta ng mga produkto at serbisyo.
C. Pangasiwaan ng mabuti ang distribusyon ng mga relief goods.
D. Pautangin ang mga biktima ng kalamidad.

QUARTER 3
PERFORMANCE TASK #03
ARALING PANLIPUNAN 9
(MODULE 3)
PANUTO: Maghanap ng editorial cartoon (sa dyaryo o sa google) na nagpapakita ng konsepto,
dahilan at epekto ng implasyon. Idikit ito sa short/long bond paper. Sa ibaba nito ay
sumulat ng 4-5 pangungusap na paliwanag ng nakuhang editorial cartoon. Gawing
gabay ang rubrik na nasa ibaba.

Pamantayan Laang Puntos Iskor

Nilalaman 10 puntos
Paliwanag 5 puntos

Pagkamalikhain at Kalinisan 5 puntos

Kabuuan 20 puntos

You might also like