You are on page 1of 13

ARALING PANLIPUNAN 9 Modyul 13

(PARALLEL ASSESSMENT)

Name: ___________________________________ Seksyon: ______________ Iskor:__________


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at bilugan ang titik ng tamang sagot..

1..Alin sa mga sumusunod ang hindi ginagamit na paraan ng pagsukat sa


Gross National Income?
A. Expenditure Approach C. Industrial Origin/Value Added Approach
B. Economic Freedom Approach D. Income Approach
2. Ano ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng kabuuang presyo sa
ekonomiya?
A. deplasyon B. Implasyon C. Resesyon D.depresyon
3. Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng bansa?
A. Dahil magiging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong pampinansiyal
B. Magagamit ito upang makabuo ng mga patakarang magpapaangat sa ekonomiya ng
bansa
C. Dahil repleksyon ito sa kahusayan ng namumuno na magagamitupang umani ng malaking
boto sa eleksiyon
D. Dahil makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad ng ekonomiya
4. Alin sa sumusunod na pahayag ang pinakawasto ?
A. Ang kita ng mga dayuhang namamasukan sa Pilipinas ay kabilang sa Gross National
Income nito.
B. Ang gawaing nagmula sa impormal na sektor ay kabilang sa pagsukat ng Gross National
Income.
C. Ang mga produktong segunda mano ay kabilang sa pagsukat ng Gross National Income.
D. Ang halaga ng tapos na produkto at paglilingkod lamang ang isinasama sa Gross National
Income.
5. Alin sa mga sumusunod ang may tuwirang epekto sa Gross Domestic
Product ng bansa?
A. Mataas na remittance ng mga Overseas Filipino Workers.
B. Masiglang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang bahagi ng mundo.
C. Maayos na pamumuno ng pamahalaan na makahihikayat sa pamumuhunan.
D. Matalinong paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa kawanggawa.
6. Mahalagang masukat ang economic performance ng bansa dahil sa ;
A. Magiging kilala ang bansa sa mga pandaigdig institusyong pinansyal
B. Makilala ang bansa sa pagkaroon ng mahusay na pamamalakad ng ekonomiya
C .Sumasalamin ito sa kahusayan ng namumuno na magagamit upang umani ng malaking
boto sa eleksyon
D. Magagamit ito upang makabuo ng mga polisiya at patakarang magpapaangat sa
ekonomiya ng bansa
7. Kung ang kabuuang kita ni Jonas ay Php25,000.00 at ang kanya namang kabuuang gastusin ay
Php21,000.00, magkano ang maaari nyang ilaan para sa pag-iimpok?
A. Php1,000.00 B. Php2,000.00C. Php3,000.00 D. Php4,000.00
8. Si Mr. Chen, isang Chinese National, ay nagtatrabaho sa kompanya na nasa Pilipinas.Saan
dapat isinasama ang kanyang kinita?
A. Sa Gross Domestic Product ng China dahil mamayan siya nito.
B. Sa Gross National Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
C. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
D. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas at China dahil parehong ditto nagmula ang
kanyang kita
9. Saan kasama an g kita ng Overseas Filipino Workers ( OFW )
A. GNP B. GDP C. Netong Kita mula sa ibang bansa D. A at C
10. Kailan makikita na positibo ang economic performance ng bansa?
A. Kapag malaking bilang ng lakas paggawa ay walang trabaho.
B. Kapag gumagamit ng makabagong teknolohiya ang mga bahay- kalakal.
C. Kapag may pag-angat sa Gross Domestic Product ng bansa.
D. Kapag lumalaki ang utang panlabas ng bansa.
******************************************************************************************************************
ARALING PANLIPUNAN 9 Modyul 14
(PARALLEL ASSESSMENT)

Name: ___________________________________ Seksyon: ______________ Iskor:__________


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at bilugan ang titik ng tamang sagot..

1. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng implasyon upang mapag-aralan ang pagbabago sa presyo ng mga
piling produkto.
A. Gross National Product (GNP)
B. Purchasing Power of Peso (PPP)
C. Gross Domestic Product (GDP)
D. Consumer Price Index (CPI)
2. Nagtitingi ng gasolina si Felix at marami siyang naipon nito. Kapag tumaas ang presyo ng gasolina,
tataas ang kanyang kita nang hindi inaasahan. Anong sektor siya napabilang?
A. Mga umuutang
B. Mga negosyante
C. Mga taong may tiyak na kita
D. Mga taong nag-iimpok
3. Ang mga guro, pulis, militar, nars, at iba pa ay mga manggagawa na tumatanggap ng tiyak na kita
bawat buwan. Kung tumaas ang antas ng implasyon, ano sa palagay mo ang mangyayari sa kakayahan
nilang makabili?
A. Bababa ang kakayahan nila na bumili
B. Bababa ang kakayahan ng kanilang salapi na makabili
C. Tataas ang kakayan nila na bumili
D. Tataas ang kakayahan ng kanilang salapi na makabili
4. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng piso na makabili ng produkto at serbisyo.
A. Purchasing Power of Peso (PPP)
B. Consumer Price Index (CPI)
C. Gross Domestic Product (GDP)
D. Gross National Product (GNP)
5. Kung ikaw ay may 10,000.00Php na nakadeposito sa bangko na may 15% interes sa loob ng isang taon,
ang iyong pera ay magiging 11,500.00Php. Ngunit kapag nasabay ito sa panahon na may implasyon,
bababa ang halaga ng iyong pera. Ano ang magiging pasya mo?
A. Kunin ang pera sa bangko at ilagay sa coinbank
B. Hayaan na lamang ang pera sa bangko
C. Gamitin ang pera pambili ng bagong damit
D. Gamitin ang pera pang-negosyo
6. Ang pag-angkat ng Pilipinas ng petrolyo sa ibang bansa ay maaaring magdulot ng implasyon. Bakit
magiging sanhi ng import-induced inflation ang pagbili ng mga produkto o hilaw na sangkap sa ibang
bansa?
A. Dahil hindi kayang tustusan ng gobyerno
B. Dahil hindi nalinang ng husto ang ating likas na yaman
C. Dahil maaring ang pataw na singil ay idagdag sa gastos
D. Dahil maaring nakaugat na ang kaisipang neokolonyalismo sa mga Pilipino
7. Si Gina ay nag-impok sa bangko. Pagkatapos ng isang taon, maliit lamang ang tubo sa kanyang pera
kung ihambing ito sa pagtaas ng antas ng implasyon. Paano niya ito gawan ng hakbang?
A. Magpatuloy sa pag-iimpok
B. Itatago ang pera sa coin bank
C. Maghanap ng investment
D. Ibibili ng panibagong cellphone
8. Kapag mas mataas ang demand kaysa sa produksyon, bakit magdudulot ito ng paghatak ng presyo
paitaas?
A. Hindi maiwasan na magkaroon ng monopolyo o kartel
B. Mataas ang kalagayan ng pagluluwas
C. Pagtaas ng suplay ng salapi
D. Pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar
9. Kung ikaw ay isa sa mga tagapagtustus ng bigas sa palengke, kailangan mo bang tataasan ang presyo
nito kahit nabili ito sa mababang halaga?
A. Oo, dahil ito ang panahon upang kumita ng mas malaki.
B. Oo, dapat na tataasan ko rin ang presyo ng labis hangga’t maaari dahil magbabayad ako ng buwis
nito.
C. Hindi, dahil hindi kakayanin ang napakataas na presyo ng bigas lalo na yong naghikahos sa hirap.
D. Hindi, kung aabot ako sa aking quota.
10. Bilang konsyumer, paano mo matugonan ang suliranin sa implasyon?
A. Bumili ng labis sa pangangailangan upang may pondo.
B. Bumili lamang ayon sa pangangailangan upang hindi kukulangin.
C. Kailangan magkaroon ka ng suki sa pamilihan.
D. Maghintay kung kailangan bumaba ang presyo.
*****************************************************************************************
ARALING PANLIPUNAN 9 Modyul 15
(PARALLEL ASSESSMENT)

Name: ___________________________________ Seksyon: ______________ Iskor:__________


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis.


A. Expansionary B. Contractionary
C. Patakarang Piskal D. Buwis

2. Sino ang nakikinabang sa buwis na binayad ng mga Pilipino sa pamahala- an?


A. Ang mga manggagawang Pilipino
B. Ang mga taong walang trabaho
C. Ang mga taong biktima sa mga sakuna tulad ng sunog, bagyo at COVID 19
D. Ang lahat ng mga mamamayang Pilipino
3.Ano ang tawag sa patakarang piskal na ipinapatupad tungkol sa pagbabawas ng gastusin ng
pamahalaan at pagtaas ng singil sa buwis upang maiwasan ang pagtaas ng mga pangunahing
bilihin?
A. Contractionary B. Expansionary
C. Patakarang Piskal D. Implasyon

4. Alin sa mga sumusunod ang negatibong dulot ng overheated economy?


A. Tataas ang demand ng sambayanan
B. Tataas angunemployment rate
C. Tataas ang suplay ng bahay-kalakal
D. Tataas ang presyo ng mga bilihin
5.Nailagay sa hamon ang ekonomiya ng bansa nang dahil sa pandemyang dala ng COVID 19, bilang
kasapi ng iyong pamilya paano ka makatutulong upang makapagtipid sa pang-araw-araw na
pangangailangan?
A. Pansamantalang magtipid muna sa pagkain upang hindi madaling maubos ang
ayudang ibinigay ng pamahalaan.
B. Maging responsable sa pagamit ng mga electric appliances upang maiwasan ang paglobo
ng electric bill.
C. Magsuot ng face mask at sumunod sa physical distancing.
D. Maging alerto sa skedyul ng pamimigay ng ayuda upang hindi ka maubusan.
6.Sa iyong palagay, kailangan bang magpatupad ng Expansionary Policy ang ating pamahalaan kung
matatag at malusog na ang ekonomiya ng bansa?
A. Oo, dahil tungkulin nito na masiguro ang kaayusan ng pamumuhay ng bawat mamamayan
ng bansa.
B. Oo, dahil marami pa ring Pilipino ang naghihirap.
C. Hindi muna dahil walang rekomendasyon ang pangulo.
D. Hindi muna kung hindi naman kailangan upang mabalanse ang ekonomiya ng bansa at
maiwasan ang implasyon

7.Paano kaya maaapektuhan ang ekonomiya ng ating bansa kung hindi agad malunasan ang
pandemyang dala ng COVID 19?
A. Kakalat ang pandemya sa buong mundo.
B. Magkakaroon ng budget deficit.
C. Mararanasan ng bansa ang tinatawag na hyperactive economy.
D. Maraming tao ang magugutom at madadapuan ng virus.

8.Dahil sa pandemya maraming bahay-kalakal ang nagsara at marami ang nawalan ng trabahaho .
Paano sila matutulungan ng pamahalaan upang maibalik ang sigla ng ekonomiya?
A. Magpapautang ng may mababang tubo ang pamahalaan sa mga bahay- kalakal
B. Magbibigay ng subsidiya ang pamahalaan sa lahat ng mga bahay kalakal
C. Ititigil muna ng pamahalaan ang pangogolekta ng buwis sa mga
bahay-kalakal

D. Tuturuan ng pamahalaan ang bahay kalakal ng tamang diskarte upang muling


makabangon.

9. Alin sa mga sumusunod na gawain ang halimbawa ng expansionary policy?


A. Paggasta ng pamahalaan para mapaunlad ang kalidad ng edukasyon ng
bansa.
B. Pagbili ng pamahalaan ng mga testing kits para sa COVID 19.
C. Pagpapauuwi sa mga OFW upang mailigtas sa COVID 19.
D. Paggasta ng pamahalaan para sa Build, Build Program ng Pangu- long Duterte

10. Alin sa mga patakarang piskal ang nakapagpapababa ng unemployment rate?


A. Contractionary B. Expansionary
C. Patakarang Piskal D. Implasyon

******************************************************************************************************************
ARALING PANLIPUNAN 9 Modyul 16
(PARALLEL ASSESSMENT)
Name: ___________________________________ Seksyon: ______________ Iskor:__________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay isang sektor ng pananalapi na tumatanggap ng salapi mula sa mga tao, korporasyon at
pamahalaan bilang deposito at nagkakaroon ng tubo pagdating ng panahon.
a. Mga Intitusyong Bangko c. Mga Regulator
b. Mga Institusyong Di-Bangko d. Mga kompanya ng Seguro
2. Ano ang tawag sa mga sumusunod na institusyong pananlapi na napapalooban ng bangko sentral ng
Pilipinas (BSP) Phil. Deposit Insurance Corp. (PDIC), Securities and Exchange Commission (SEC) at
Insurance Commission (IC)
a. Mga Institusyong Di-Bangko c. Mga Kompanya ng Seguro
b. Mga Regulator d. Mga Institusyong Bangko
3. Maaaring ituring din ang mga ito na nasa ilalim ng institusyon ng pananalapi dahil tumatanggap sila ng
kontribusyon mula sa mga miyembro, pinalalago at muling ibinabalik sa mga kasapi upang ito ay
mapakinabangan pagdating ng panahon:
a. Mga Kompanya ng Seguro c. Mga Institusyong Di-Bangko
b. Mga Institusyong Bangko d. Mga Regulator
4. Ito ay isang uri ng bangko na kung saan ay may kakayahan silang magpahiram ng malaking halaga ng
puhunan sa mga malalaking negosyante.
a. Thrift Banks c. Rural Banks
b. Commercial Banks d. Specialized Government Banks
5. Alin sa mga sumusunod na specialized government banks na itinatag sa pamamagitan ng R.A No, 3844
na ang layunin ay mapagkalooban ng pondo sa mga programang pansakahan at iba pang negosyante
para sa kanilang puhunan?
a. Land Bank of the Philippines c. Al-Amanah Bank
b. Development Bank of the Philippines d. Rural Banks
6. Kung ikaw ay isang mamamayan na dagliang nangangailangan ng pera para sa isang emergency na
pangangailangan at walang paraan upang makalapit sa mga bangko ngunit mayroon kang mga alahas
at kasangkapan na maaaring isangla, saan ka dapat magtungo upang matugunan kaagad ang iyong
pangangailangan?
a. Kooperatiba c. SSS
b. GSIS d. Pawnshop
7. Kabilang ito sa institusyong di-bangko na binubuo ng mga kasapi na may nagkakaisang
pangkabuhayang layunin, nag-aambag ng puhunan at nakikibahagi sa tubo, pananagutan at iba pa
pang benepisyo. Iba-iba ang kita ng mga kasapi nito base sa laki ng naiambag na puhunan. Ano ang
tinutukoy dito?
a. Insurance Companies c. GSIS
b. Kooperatiba d. SSS
8. Bawat pension funds ay may magandang layunin at benepisyo. Alin sa mga sumusunod na ahensiya
and nagbibigay ng seguro sa mga kawaning nagtatrabaho sa mga ahensiya ng gobyerno, local na
pamahalaan, mga guro ng pampublikong paaralan at iba pa.?
a. GSIS c. Pag-IBIG
b. SSS d. Pre-Need
9. Ang PDIC ay nasa ilalim ng Depatment of Finance na naatasang magbigay-proteksyon sa mga
depositor at tumulong mapanatiling matatag ang sistemang pinansyal sa bansa. Maraming layunin
ang PDIC gaya ng sumusunod maliban sa:
a. Bilang tagaseguro ng deposito
b. Bilag receiver at liquidator ng nagsarang bangko
c. Bilang imbestigador
d. Bilang Tagatala sa mga kompanya sa bansa
10. Itinatag ito upang matulungan ang mga kasapi nito sa panahon ng kanilang pangangailangan lalo na sa
pabahay. Ang mga kasapi nito ay mga empleyado ng pamahalaan o pribadong sektor na may
buwanang kontribusyon at maaaring salary deduction o personal na kontribusyon kung self-employed
o OFWs.
a. Pag-IBIG Fund c. SSS
b. GSIS d. LBP
11. Isang ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng seguro sa mga kawani ng pribadong kompanya at sa
kanilang pamilya sa oras ng pangangailangan gaya ng pagkakasakit, pagkabalda, pagretiro,
pagkamatay at pagdalang-tao kung ang kawani ay babae.
a. GSIS c. Pag-ibig
b. SSS d. LBP/DBP
12. Itinatag ang bangkong ito upang mapabuti ang kalagayang pangkabuhayan sa kanayunan na
tumutulong sa mga magsasaka , maliliit na negosyante at iba pang mamamayan na nangangailangan
ng puhunan.
a. Bangkong Rural c. Bangkong Komersiyal
b. Bangko sa Pagtitipid d. DBP
13. Ang layunin ng bangkong ito ay mapaunlad ang sektor ng agrikultura at industriya lalo na sa mga
programang makatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya.
a. Commercial Banks c. Development Bank of the Philippines
b. Thrift Banks d. Land Bank of the Philippines
14. Ang nasabing bangko at mga sangay nito ay matatagpuan sa Mindanao na ang layunin nito ay
tulungan ang mga Pilipinong Muslim na magkaroon ng puhunan at mapaunlad ang kanilang
kabuhayan.
a. Commercial Banks b. Al-Amanah Bank c. Thrift Banks d. Land Bank of the Philippines
15. Ito ay binubuo ng mga bangkong institusiyon at mga hindi bangkong institusiyon subalit nagsasagawa
ng mga tungkuling may kaugnayan sa pananalapi.
a. Sektor ng pananalapi c. Mga Institusyong Di-Bangko
b. Mga Institusyong Bangko d. Mga Regulator
*****************************************************************************************
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9 Modyul 9
(PARALLEL ASSESSMENT)
Name: ___________________________________ Seksyon: ______________ Iskor:__________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sino ang nagsabi ng pahayag na, “ Ang bunga ng pagkakaisa ay kapayapaan “?
A. Dr. Manuel B. Dy Jr. C. Santo Tomas de Aquino
B. Andre Sponville D. Santo Papa Juan Pablo II
2. “ Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas.” Ano ang ibig sabihin nito?
A. May mga batas na itinatakda na kailangang sundin ng tao habambuhay.
B. Ang lahat ng batas ay ikabubuti ng tao kaya dapat niyang sundin ang mga ito.
C. Malalaman ng tao ang mangyayari sa kaniyang buhay sa tulong ng mga batas.
D. Itinatakda ang batas upang gabayan ang tao sa kaniyang pamumuhay at hindi upang diktahan nito ang
kaniyang buhay.
3. Natutuhan mo sa asignaturang EsP na ang katarungan ay pagbibigay sa kapuwa ng
nararapat sa kaniya. Ano ang dapat na magpatotoo nito?
A. Kasabay ang lahat na miyembro ng pamilya tuwing kainan.
B. Payuhan ang mga kapatid na gawin ang kani-kanilang gawaing bahay.
C. May “Feeding Program” ang paaralan para sa mga mag-aaral na kulang ng timbang.
D. Pagbili ng lahat ng paninda ng tindera sa palengke upang makauwi ito nang maaga.

4. Paano maipakikita ang kilos ng pagiging makatarungang tao?


A. Pag-usapan ng mga magkamag-aral ang nangyayari sa sistemang legal ng bansa.
B.Alamin ng mga kabataan ang kanilang mga tungkulin at mga karapatan sa lipunan.
C.Bisitahin ng guro ang mag-aaral na ayaw nang pumasok upang kausapin na bumalik ito sa pag-aaral.
D.Nagkikita-kita ang kabataang lalaki sa auditorium ng baranggay tuwing Sabado upang maglaro ng
basketball.
5. Alin ang nagpapatunay na ibinababatay sa moral na batas ang legal na batas?
A. Ang moral na batas ay napapaloob sa Sampung Utos ng Diyos.
B. Ang moral at legal na batas ay parehong nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng tao.
C. Ang pagpapakatao ay mapatingkad kung ang legal na batas ay alinsunod sa moral na batas.
D. Ang moral at legal na batas ay maaaring paghiwalayin upang magkaroon ng katarungan sa lipunan.

6. Ano ang dapat gawin ni Judith upang maipakita ang pagiging makatarungan?
A. Matutong tumayo sa sarili at hindi na umaasa ng tulong mula sa pamilya.
B. Magiging bukas ang loob na tanggapin ang pagkakamali at hindi na manisi ng iba.
C. Magkaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at mga kapatid.
D. Magabayan ang mga mahal sa buhay na igalang ang mga karapatan ng kapuwa.
7. Nakapagtapos ka ng pag-aaral at umasenso ang iyong buhay. Ano ang mainam mong gawin upang
maibigay mo sa iyong kapuwa ang nararapat ibigay sa kanila?
A. Ipunin ang lahat ng batang kalye at sabay-sabay pakainin araw-araw.
B. Sabihan ang lahat ng bata sa lansangan na magsumikap sa pag-aaral.
C. Bilhin ang lahat ng paninda sa palengke nang makauwi na ang lahat ng nagtitinda.
D. Bisitahin ang dating paaralan at magkaroon ng “Feeding Program” sa mga batang kulang sa timbang.
8. Alin sa sumusunod ang nagpagpapamalas ng katarungan?
A. Pagpapautang ng 5-6 sa mga mahihirap
B. Pagsumbong sa guro sa kaklaseng nangongopya
C. Pagturing ng pamemeki ng lisensiya bilang hanapbuhay
D. Pagtanggap ng bayad sa boto mula sa kandidatong pulitiko sa eleksiyon

****************************************************************************************************************************
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9 Modyul 10
(PARALLEL ASSESSMENT)
Name: ___________________________________ Seksyon: ______________ Iskor:__________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sino ang isang bulag ang matagumpay sa pagsasakatuparan ng kaniyang mithiin sa buhay?
A. Roselle Ambubuyog B. Leonardo da Vinci C. Roselle Nava D. Aristotle

2. Ang sumusunod ay mga katangian na dapat taglayin ng isang tao upang maisabuhay ang kagalingan sa
paggawa maliban sa:
A. Pagkakaroon ng pambihirang lakas C. Pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga
B. Pagtataglay ng positibong kakayahan D. Pagpupuri at pagpapasalamat sa Diyos
3. Pangarap mong umangat ang iyong estado sa buhay. Ano ang dapat mong gawin upang maabot ito?
A. Maging masipag, mapagpunyagi, at magkaroon ng disiplina sa pagamit ng oras
B. Maging matalino, marunong magdala ng damit, at magaling makipag-usap
C. Magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
D. Magkaroon ng kaalaman sa paghawak ng pera at paraan ng paggastos
4. Maganda ang pagkagawa ng pamilya ni Suzanne sa mga bag na yari sa tetra pack ng juice. Mabili ang
mga ito lalo na ang may iba’t ibang kulay at disenyo. Ano ang ipinakikita ng sitwasiyong ito?
A. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay
B. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kaniyang mga kakayahan
C. Nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kaniyang pamumuhay
D. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sama sa mithiin ng lipunan
5. Hindi naging madali kay Ginang Ramos ang pagpaunlad ng negosyong online selling. Sa kabila ng mga
pagsubok, napagtagumpayan niya ito. Paano hinarap ni Ginang Ramos ang paghihirap na dinanas kaya
siya nagtagumpay?
A. Pinag-aralan ang sitwasiyon at pinag-isipan ang gagawing hakbang
B. Pinaniniwalaan niyang ang lahat ay hamon na kailangang malampasan
C. Pinaniniwalaan niyang ang pagkabigo ay paraan ng pagsusulit sa kaniya
D. Pinaniniwalaan niya na ang pagkadapa ay hindi senyales upang tuluyang malugmok
6. Bakit mahalaga ang kalidad o kagalingan sa paggawa na may kasamang wastong pamamahala sa
paggamit ng oras?
A. Dahil sa pagsasagawa maisasabuhay ang layunin ng tao
B. Dahil sa pagsasagawa mapatunayan ang natatanging halaga ng tao
C. Dahil sa paglikha ng produkto nangangailangan ng maraming oras upang masanay at magkaroon ng
kahusayan
D. Dahil dito naisakatuparan ng tao ang kaniyang tungkulin sa sarili, kapuwa at sa Diyos gamit ang oras na
ipinagkatiwala sa kaniya
7. “Ang oras ay kaloob na ipinagkatiwala ng Diyos sa tao,” Ano ang kahulugan nito?
A. Masuwerte ang tao dahil binigyan siya ng oras.
B. Nagmamay-ari ang tao ang sa oras dahil ipinagkakaloob ito sa kaniya.
C. Malaya ang tao na gamitin ang oras para sa lahat ng bagay na gusto niyang gawin.
D. Tungkulin ng taong gamitin ang oras nang mapanagutan para sa kabutihang panlahat.

8. Ano ang maipapayo mo sa mga taong gustong makamit ang tagumpay sa buhay?
A. Alamin ang mga sariling salik, maging masinop, mapagpunyagi at may tiwala sa sarili
B. Alamin ang gusto at hilig at maging masipag, madiskarte at matalino
C. Magkaroon ng pananampalataya at disiplina sa sarili
D. Pahalagahan ang sarili, kapuwa, at bansa

9. Si Nelia ay tagaluto at tagahugas ng plato sa pinapasukang karinderya pero hindi siya nagrereklamo at
nagpapabaya sa kaniyang tungkulin. Alin sa sumusunod na pananaw ang isinasabuhay ni Nelia sa
kagalingan niya sa paggawa?

A. Pagkilos nang buong puso

B. Pagkaroon ng kasiyahan, pagkagusto at sigla sa ginagawa

C. Pag-iwas sa problema na magiging sanhi ng pagkaalis sa trabaho

D. Pagiging malikhain sa pamamaraan ng paggawa upang hindi mapagod

10. Malapit na ang pista ng lungsod, abala na ang mga gumagawa ng mga palamuting dekorasyong
siguradong mabenta. Ano ang magandang motibasyon na dapat isaalang-alang ng gumagawa ng mga ito?

A. personal na kaligayahan na makukuha mula dito

B. materyal na bagay at pagkilala ng lipunan

C. pag-unlad ng sarili, kapuwa, at bansa

***************************************************************************************************************
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9 Modyul 11
(PARALLEL ASSESSMENT)
Name: ___________________________________ Seksyon: ______________ Iskor:__________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at bilugan ang titik ng tamang sagot.
Ito ay pagtitiyaga na maaabot ang mithiin sa buhay na may pagtitiis at determinasyon.
1. Ito ay pagtitiyaga na maaabot ang mithiin sa buhay na may pagtitiis at determinasyon.
A.Kasipagan B. Pagpupunyagi C. Pagsisikap D. Katatagan

2. “Marami ang nagtuturing na mahirap itong buhay, Araw-araw ay paggawang tila rin
walang humpay; Datapwat isang pantas ang nagbadya at nagsaysay; Tagumpay ay
nakakamit kapag tao ay masikhay.” Ano ang ibig sabihin nito?
A. Kahit mahirap ang buhay, ang tao ay dapat maging marangal.
B. Mahirap ang buhay kaya’t ang tao ay kinakailangan na magtiis.
C. Sa kabila ng kahirapan, ang tao ay kinakailangan na maging masipag.
D. Mahirap man ang buhay ang tao ay hindi dapat mawawalan ng pag-asa.
3. Ano ang sinasabi ng Teorya ni Maslow, The Heirarchy of Needs, tungkol sa pera?
A. Ang pera ay dapat nating ingatan at huwag sayangin.
B. Ang pera ay nagsisilbing pantulong sa araw-araw na pangangakailangan.
C. Ang pera ay tumutulong na maramdaman ng tao ang kaniyang seguridad sa buhay.
D. Ang pera ay nagbibigay ng kasiguraduhan sa tao na maging maayos ang
kaniyang buhay.
4.. Ang kasipagan ay tumutulong sa tao upang mapaunlad niya ang kaniyang pagkatao. Ano ang ibig sabihin
nito?
A. Magkaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa
B. Gagawa ng isang bagay na makapagpasaya sa sarili
C. Ipagmayabang sa buong mundo ang sariling kakayahan
D. Malinang ang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili, mahabang
pasensiya, katapatan, integridad, at disiplina sa sarili
5. Marami kang bibilhin na kagamitan para sa mga proyekto sa paaralan. Paano ka
makaimpok ng pera upang hindi ka na hihingi sa iyong mga magulang?
A. Simulang ipunin ang sobrang baon araw-araw
B. Tiisin ang gutom at hindi kakain sa recess
C. Magpalibre sa mayayaman na kaklase
D. Magpasuhol sa bawat ipagawa ng iba
6. Si Rosette ay sadyang masipag. Hindi siya nagmamadali sa kaniyang mga gawain at
sinisiguro niya na magiging maayos ang kalalabasan nito. Anong palatandaan sa kasipagan ang taglay ni
Rosette?
A. Hindi nagrereklamo sa ginagawa
B. Hindi umiiwas sa anomang gawain
C. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal
D. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa
7. Ang isa sa palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan ay hindi pag-iwas sa
anomang gawain. Alin sa mga halimbawa ang nagpapakita nito?
A. Si Rose ay palaging nagbibigay ng kaniyang malasakit sa anomang gawain na ipinapagawa sa kanya
ng kaniyang ina.
B. Si Jay-R na masipag mag-aral at sa tuwing nag-aaral ay ibinibigay niya ang kaniyang panahon at oras
dito ng buong husay.
C. Si Pauline ay hindi na kailangan pang utusan ng kaniyang ina sa gawaing bahay. Siya ay gumagawa
nang may pagkukusa.
D. Si Sally na sa tuwing gumagawa ng proyekto sa paaralan ay sinisiguro na matapos ito nang maayos at
may kalidad.

8. Wala ng mga magulang si Jose at nais niyang makatapos sa pag-aaral. Ano ang
dapat gawin ni Jose upang maipamalas ang taglay na kasipagan?
A. Magsipag sa pag-aaral
B. Magmalasakit sa anumang gawain sa bahay
C. Tutulong sa mga gawaing bahay kapag inuutusan
D. Kahit mahihirapan, tapusin ang pag-aaral at maghanap ng mabuting paraan
upang matustusan ito
9. Alin sa sumusunod ang hindi naglalarawan ng tunay na kahulugan ng kasipagan?
A. Ito ay pagtingin ng kasiyahan at positibo sa isang gawain.
B. Ito ay pagsisikap na tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.
C. Nakatutulong sa tao sa kaniyang pakikipagrelasyon sa kaniyang gawain
D. Tumutulong sa tao na malinang ang tiwala sa sarili, pasensiya, katapatan,
integridad, disiplina at kahusayan

10. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita na taglay ng tao ang kasipagan?
A. Ang hindi pag-iwas sa anumang gawain
B. Ginawa ang gawain nang may pagmamahal
C. Pagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa
D. Ang hindi pagrereklamo gaano man kahirap ang gawain
******************************************************************************************************************

You might also like