You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

REGION I
DIVISION OF CANDON CITY
DR. RICARDO GACULA MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Tamurong 1st, Candon City, Ilocos Sur

Ikatlong Lagumang Pagsusulit


Enero 9-10,2019

Araling Panlipunan 9

Pangalan:_________________________________ Iskor: /50


Taon/Pangkat:_________________________ Lagda ng Magulang:________

Panuto:Tukuyin ang hinahanap sa bawat pahayag. Isulat sa patlang ang titik ng tamang
sagot. (20 pts.)

________1. May iba’t ibang modelo ang pambansang ekonomiya. Depende ito sa uri ng Sistema ng
ekonomiya. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
A. Kalakalan sa loob at labas ng bansa
B. Kita at gastusin ng pamahalaan
C. Transaksiyon ng mga institusyong pampinansyal
D. Ugnayan ng bawat sector ng ekonomiya
________2. Ang economic performance ay isang repleksyon kung mahusay ba ang pamamalakad ng
ekonomiya. Kailan makikita na positibo ang economic performance ng bansa?
A. Kapag gumagamit ng makabagong teknolohiya ang mga bahay-kalakal
B. Kapag lumalaki ang utang panlabas ng bansa
C. Kapag malaking bilang ng lakas paggawa ay walang trabaho
D. Kapag may pag-angat sa GDP ng bansa.
________3. Ang Gross National Income ay ang halaga ng pamilihan ng lahat ng mga kalakal at
serbisyo na ginawa sa isang taon ng paggawa. Alin sa mga sumusunod ang hindi
ginagamit na paraan ng pagsukat sa Gross National Income?
A. Economic Freedom Approach
B. Expenditure Approach
C. Income Approach
D. Industrial Origin/ Value added Approach
________4. Kung ang kabuuang kita ni Jonas ay Php 25,000.00 at ang kanya naming kabuuang
gastusin ay Php 21,000.00, magkano ang maaari niyang ilaan para sa pag-iimpok?
A. Php 1,000 C. Php 3,000
B. Php 2,000 D. Php 4,000

________5. Ang depresyon ay ang pangmatagalang pagbaba ng ekonomiya ng bansa. Ano naman
ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng kabuuang presyo sa ekonomiya?
A. Deplasyon C. Implasyon
B. Depresyon D. Resesyon
________6. Sa paikot na daloy ng ekonomiya, papaano nagkaugnay ang sambahayan at bahay-
kalakal?
A. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na capital sa mga bahay-
kalakal.
B. Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto
na gagamitin ng mga bahay-kalakal.
C. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang
trabaho para sa mga bahay-kalakal.
D. Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na sumasailalim ng
pagpoproseso ng bahay-kalakal.
________7. Sa economic performance nakikita ang kaugnayan ng mga bansa. Ito ang batayan kung
nagagampanan ng pamahalaan at iba pang sector ang kani-kanilang gawain at mga
tungkulin.Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng bansa?
A. Dahil magagamit ito upang makabuo ng mga patakarang magpapaangat sa
ekonomiya ng bansa
B. Dahil magiging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong pampinansiyal
C. Dahil makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad ng
ekonomiya.
D. Dahil repleksiyon ito sa kahusayan ng mamumuno na magagamit upang umani ng
malaking boto sa eleksiyon.
________8. Piliin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakawasto.

A. Ang gawaing nagmula sa impormal na sector ay kabilang sa pagsukat ng Gross


National Income.
B. Ang halaga ng tapos na produkto at paglilingkod lamang ang isinasama sa Gross
National Income
C. Ang kita ng mga dayuhang namamasukan sa Pilipinas ay kabilang sa Gross
National Income nito.
D. Ang mga produktong segunda mano ay kabilang s a pagsukat ng Gross National
Income
________9. Ang Gross Domestic Product ay ang halagang pamilian ng lahat ng patungkuling
kinikilalang huling mga kalakal at paglilingkod na nilikha sa loob ng isang bansa sa
itinakdang panahon. Alin sa mga sumusunod ang may tuwirang epekto sa Gross
Domestic Product ng bansa?
A. Maayos na pamumuno ng pamahalaan na makahihikayat sa pamumuhunan
B. Masiglang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang bahagi ng mundo
C. Mataas na remittance ng mga OFW
D. Matalinong paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa kawanggawa.
________10. Ang antas ng interes o antas ng tubo ay ang antas kung saan ang interes ay
binabayaran ng humihiram o umuutang para sa paggamit ng salapi na kanilang
himiram sa pagpapahiram o nagpapautang. Ano ang epekto ng mababang interes sa
pagkonsomo ng mga tao?
A. Mahihikayat ang mga tao na magtipid para sa hinaharap
B. Mahihikayat ang mga tao na mag-angkat ng produkto sa ibang bansa.
C. Mahihikayat ang mga tao na mag-impok sa bangko dahil sa malaking tubo.
D. Mahihikayat ang mga tao na umutang at tataas ang pagkonsumo.
________11. Ang interes ay binabayaran ng humiram o umuutang. Si Apollo ay umutang kay Alex ng
Php100.00 na ipinambili niya ng isang kilong karne ng manok sa kasalukuyan. Kung
5% ang antas ng implasyon sa susunod na buwan, ano na ang halaga ng isang kilong
karne ng manok?
A. Php95.00
B. Php100.00
C. Php105.00
D. Php.110.00
________12. Ang implasyon ay tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa lahat
ng mga bilihin. Sa papaanong paraan malulutas ang demand full inflation?
A. Pagbibigay pansin sa produktibidad sa paggawa upang mapataas ang output ng
produksiyon.
B. Pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang matamlay na
ekonomiya.
C. Pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na paggasta sa
ekonomiya
D. Pagpapautang na may mababang interes upang makahikayat ng karagdagang
paggasta
________13. Ang depositing Php100,000.00 ni Corazon sa bangko ay nagpapakita ng paglabas
(outflow) ng salapi sa paikot na daloy ng ekonomiya. Ano ang nararapat na gawin
upang pumasok (inflow) muli ang salapi sa paikot na daloy?
A. Ipautang ng bangko ang ideneposito upang magamit na panibagong kapital sa
negosyo.
B. Ibaba ang interes mula 10% patungong 5% upang madagdagan ang paggastos ng
tao
C. Magbigay ng insentibo sa mga depositor upang lumaki ang reserba ng mga bangko.
D. Magpataw ng mataas na interes upang makahikayat ng pag-iimpok.
________14. Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa base sa pagsusuri sa economic
performance nito, dapat bang gumawa ng hakbang ang pamahalaan upang mapataas
ito?
A. Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang suliranin.
B. Hindi, dahil ang ekonomiya ng bansa ay walang kaugnayan sa ekonomiyang
pandaigdigan.
C. Oo, dahil magiging kahiya-hiya ang bansa sa buong daigdig
D. Oo, dahil repleksyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng ekonomiya.
________15. Si Mr. Chen, isang Chinese National,nagtratrabaho sa kompanya na nasa Pilipinas.
Saan dapat isasama ang kanyang kinita?
A. Sa GDP ng China dahil mamamayan siya nito.
B. Sa GDP ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
C. Sa GDP ng Pilipinas at China dahil parehong dito nagmula ang kanyang kita.
D. Sa GNI ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
________16. Bilang isang mag-aaral, alin sa sumusunod ang nararapat na gawin kung maliit lamang
ang baon na ibinigay ng iyong magulang ?
A. Bilhin ang nararapat bilhin at ang mga bagay na hindi naman mahalaga
B. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman mahalaga.
C. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon.
D. Bilhin ang nararapat bilhin at hayaan na lamang ang mangyayari kinabukasan.
_________17. Piliin sa sumusunod na pahayag ang pinakatamang paliwanag sa graph.

P 120

P 100

40 50
A. Ang paglipat ng kurba ng demand pakanan ay magdudulot ng kakulangan sa
supply na hahantong sa pagtaas ng presyo.
B. Ang paglipat ng kurba bg supply pakanan ay magdudulot ng kalabisan sa supply
na hahantong sa pagtaas ng presyo.
C. Ang pagtaas ng presyo ay bung ng kakulangan ng supply ng produkto sa
pamilihan na hahantong sa pagtaas ng presyo.
D. Ang pagtaas ng presyo ay bunga ng pagtaas sa mga gastos ng produksiyon na
ipapasa ng prodyuseer sa mga mamimili.
___________18. Bilang isang mamimili,papaano ka makatutulong sa paglutas ng suliranin sa
implasyon?
A. Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin s a pamilihan.
B. Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan.
C. Bumili lamang ng sapat sa pangangailan upang hindi magkaroon ng
kakulangan.
D. Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang matiyak ang presyo.
___________19. Kung ikaw ay prodyuser ng produktong may kakulangan ng supply sa pamilihan,
dapat bang ang malaking kita lamang ang pagtutuunan mo ng pansin?
A. Hindi,dahil hindi kakayanin lalo ng mga mahihirap ang napakataas na presyo.
B. Hindi, dahil malaki rin ang buwis na sisingilin ng pamahalaan sa pagtaas ng
presyo.
C. Oo,dahil ito na ang pagkakatao upang kumita at tumubo ng malaki
D. Oo, dahil malaki ang inilabas na puhunan kaya’t nararapat na kumita rin ng
malaki
___________20. May mga samabahayan at bahay-kalakal ang dayuhang ekonomiya. Pareho rin sila
na may pinagkukunang yaman. Ano ang pangunahing problemang kinakaharap ng
mga tao?
A. Buwis B. Capital C. Scarcity D Sweldo
Panuto: Tukuyin ang hinahanap sa bawat pahayag. Hanapin sa kahon ang sagot at isulat sa
patlang ang tamang sagot. (10 pts.)

9.______________ 6.______________
________________ ________________
1.______________
________________

2._______________
________________
________________
_

3.___________
_____________
7.________ _____________
_________ _
8.______
________
4._______________
________________
________________
____________

5.______________
________________
10._____________
________________
_
21. Anong sector ng paikot na daloy ang sistemang pag-aangkat at pagluluwas.
22. Ang mga tao ay maraming mga pangangailangan at kagustuhan para matustusan lahat ng mga
pangangailangan ng tao dito sila bumibili para sa salik ng produksiyon,commodity o tapos na
produkto,at para sa mga pinansyal na capital.
23. Ito ang naghahatid o nagbibigay ng pampublikong paglilingkod na ipinangakong isasakatuparan
ang paniningil ng buwis.
24. Ang mga produkto ay ginagawa gamit ang mga commodity goods. Ano ang tawag sa pamilihan
kung saan nanggagaling ang mga salik para sa produksiyon?
25. Sa pagtagal ng panahon, hindi lamang pagtubo ang iniisip ng bahay kalakal. Ninanais din nitong
mapalawak ang negosyo. Samakautiwd, dito kumukuha ng karagdagang pera ang mga
negosyante para sa kanilang negosyo.
26. Dahil sa pangangailangan ng mga tao napipilitan sila ng humanap ng mga produksto sa ibang
bansa. Ano ang tawag sa pag-aangkat ng produkto sa ibang bansa?
27. Ang pag-iral ng sistema ng pamilihan sa pambansang ekonomiya ang tuon ng modelo. Ano ang
tawag sa lugar kung saan ginagawa ang mga produkto?
28. May dalawang uri ng pamilihan sa pambansang ekonomiya. Dito nanggagaling ang mga produkto
na ginagamit para makagawa ng bagong mga product.
29. Ang iba’t ibang bansa ay lumilikha ng mga iba’t ibang mga produkto. Ano ang tawag sa
sistemang ito kung saan ang mga tao ay nagluluwas ng mga produkto papunta sa ibang bansa?
30. Ang paglago ng pambansang ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas ng produksiyon. Ano ang
tawag sa pagtatabi ng pera para sa hinaharap na pangangailangan?
BAHAY-KALAKAL PAG-IIMPOK PANLABAS NA SEKTOR

EXPORT PAMILIHANG PINANSYAL SAMBAHAYAN

IMPORT PAMILIHAN NG KALAKAL AT PAGLILINGKOD

PAMAHALAAN PAMILIHAN NG SALIK NG PRODUKSIYON


III. Panuto: Kompyutin ang GDP at GNI ng bawat bilang. Isulat sa likurang ang buong
kompyutasyon. (15 pts.)

31-35. Kung ang kabuuang kita ng Pilipinas noong taong 2017 ay Php 345.6 milyon at ang kanya
namang kabuuang kita noong 2018 ay Php 458.23 milyon. Ano ang kabuuang GDP ng
bansang Pilipinas sa taong 2017-2018?

36-40. Si Ling ay isang Chinese na nagtratrabaho sa isang Fast Food Chain dito sa Pilipinas sa
taong 2018 at kumikita siya buwan buwan ng Php. 5,000 at kumita din ang bansa nito ng Php
4000. Sa pagdating ng taong 2019, mayroong kabuuang kita ang China ng Php. 70,000. Ano
ang Gross National Income ng China sa taong 2018-2019?

41-45. Si Paul ay nangibang bansa sa taong 2019 kadahilanang mababa ang kita nito bilang isang
konduktor, Nakahanap siya ng magandang trabaho sa Saudi Arabia at kumikita siya sa isang
taon ng 6,324,543. Dagdag pa nito ang bansang Pilipinas ay kumita din ng 2,000,000 sa
taong 2019. Paglipas ng isang taon mayroong kita ang Pilipinas ng 11,250,500. Magkano ang
Gross National Product ng Pilipinas?

IV. Panuto: Sumulat ng sanaysay tungkol sa pagkakaiba at pagkakapareho ng GNI at GDP.


(5 pts)
Rubrik sa pagmamarka ng Sanaysay
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Imspormasyon Mayaman sa impormasyon ang sanaysay. 2
Wasto ang nilalaman ng sanaysay. Angkop
ang sanaysay sa tema ng gawain
Sanggunian Gumamit ng iba pang mapagkakatiwalaang 2
sanggunian sa pagsulat ng sanaysay
Organisasyon Maayos at lohikal ang pagkakasunod- 1
sunod ng mga impormasyon sa sanaysay.
Mahusay na napag-ugnay ang mga
impormasyon sa isa’t isa.
KABUOAN 5

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

You might also like