You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I – Ilocos Region
La Union Schools Division Office
President Elpidio Quirino National High School
San Agustin East,Agoo, La Union

QUARTER 2
SUMMATIVE TEST #02
ARALING PANLIPUNAN 9
(MODULE 2)
PANGALAN __________________________________ ANTAS AT SEKSIYON_________ ISKOR ____________
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang. Piliin at isulat sa patlang
bago ang bilang ang titik ng pinakatamang sagot.

_____1. Bilang tugon sa maraming pangangailangan ng tao, nabibigyan ng pagkakataon ang mga
prodyuser na lumikha ng mga produkto at magkaloob ng serbisyo upang kumite. Ano ang
tawag sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser?
A. Demand B. Produksiyon C. Ekwilibriyo D. Supply
_____2. Sa nangyayaring kaguluhan sa mga bansa sa Middle East, nabalitaan mo na ang presyo ng
gasolina ay tataas. Bilang isang dealer dadagdagan mo ang iyong stock. Anong batas ang
naglalarawan dito?
A. Batas ng Demand C. Batas ng Supply
B. Batas ng Kapakinabangan D. Batas ng Pagkonsumo
_____3. Ito ay isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gustong ipagbili ng mga prodyuser sa
iba’t ibang presyo.
A. Supply Schedule B. Supply Curve C. Demand Schedule D. Demand Curve
_____4. Salik ng produksyon na tumutukoy sa mga makabagong makinarya o kasangkapan na
nagpapabilis sa produksyon ng partikular na produkto.
A. Halaga ng produksyon C. Teknolohiya
B. Bilang ng nagtitinda D. Presyo
_____5. Dahil sa patuloy na pag-alburuto ng bulkang Taal, ganito ang maaaring mangyari sa kurba
ng supply sa kalakal at serbisyo.
A. Lilipat pakanan B. Lilipat pakaliwa C. Mananatili D.Walang pagbabago
_____6. Ang hoarding ay minsang isinagawa ng mga prodyuser sa mga produktong nakatakdang
magkaroon ng limitadong supply. Paano isinagawa ang hoarding sa pamilihan?
A. Pagtatago ng mga produkto habang mura pa ang mga presyo nito.
B. Paglilimita ng produksyon ng produkto habang mura pa ang presyo ng mga ito sa
pamilihan.
C. Maramihang produksyon ng mga produkto para ito ay maibenta sa mas mataas na
presyo.
D. Pagpigil na makapasok ang mga produkto sa mga pamilihan.
_____7. Kung susuriin ang graph na nasa ibaba, anong direksyon ang ipinapakita ng kurba ng
supply o supply curve?

A. Kumikilos paitaas patungong kanan


B. Kumikilos mula itaas, pababa at pakanan
C. Kumikilos paitaas at pakaliwa
D. Kumikilos mula itaas, pababa at pakaliwa

File:Supply_curve.jpg

_____8. Sa larangan ng agrikultura, ang paggamit ng pataba, makinaryang pang-agrikultura at


makabago at sistematikong pagtatanim ay makakapagprodyus ng mas maraming ani ang
mga magsasaka. Anong salik ang tinutukoy ng pahayag?

President Elpidio Quirino National High School


San Agustin East, Agoo, La Union
(072) 687-0599 / peqnhsagoo@gmail.com …….where future leaders grow!
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I – Ilocos Region
La Union Schools Division Office
President Elpidio Quirino National High School
San Agustin East,Agoo, La Union

A. Presyo C. Kaugnay na produkto


B. Ekspektasyon sa presyo D. Teknolohiya
_____9. Kung ang presyo ng sangkap pamproduksiyon ay mababa at ang kabuuang gastos ng kalakal
ay mababa rin, ano ang magiging epekto nito sa supply?
A. Katamtaman B. Walang pagbabago C. Tataas D. Bababa

_____10. Ang presyo ay nagtatakda sa dami ng supply sa pamilihan. Bakit binabawasan ng


prodyuser ang produkto sa pamilihan kapag bumababa ang presyo?
A. Dahil mag-aagawan ang mga tao
B. Dahil marami siyang magiging kakompetensya sa pagtitinda
C. Dahil malulugi siya sa maliit na halagang ipagbibili ang produkto
D. Dahil mababa ang salik ng produksyon nito
_____11. Sa tuwing magkakaroon ng mga bagyo, inaasahan ang pagkasira ng mga pananim dahilan
para bumaba ang supply sa pamilihan. Ano ang maaaring mangyari sa supply sa ganitong
pangyayari?
A. Magkakapareho lamang C. Dadami ang konsumo
B. Bababa ang supply, tataas ang presyo D. Ang supply ay lalong dadami
_____12. Kapag nadagdagan ang sahod ng manggagawa, ito’y nangangahulugang ang gastos sa
produksiyon ay:
A. Mataas C. Mananatili
B. Mababa D. Maaaring mataas o mababa
_____13. Sa supply equation na Qs=0+8P, ano ang quantity supply kung ang presyo ay Ᵽ20.00?
A. 140 B. 160 C. 100 D. 200
_____14. Upang masabing supply, kailangang may kagustuhan at kakayahan na ipagbili ng
prodyuser ang isang uri ng produkto. Halimbawa, may 30, 000 lata ng sardinas ang
kailangan. Ayon sa datos, mayroong 10 kompanya ng sardinas ngunit sa bilang na ito, 6
lamang ang nais gumawa ng kabuuang 20, 000 lata ng sardinas kung ipagbibili ito sa
presyong Php 10.00. Batay sa pahayag, ilan ang maitatalang supply ng sardinas?
A. 6 B. 10 C. 20, 000 D. 30, 000
_____15. Nag-aalaga ng mga sisiw si Leo upang ipagbili sa takdang panahon. Kumuha siya ng mga
trabahador na makakatulong sa panahon ng bentahan. Ano ang magiging epekto ng mga
trabahador bilang salik ng produksiyon sa Negosyo ni Leo?
A. Dadami ang sisiw ni Leo.
B. Mapapabilis ang pagbebenta ng mga manok.
C. Magkakaroon ng kakompetensiya si Leo sa pag-aalaga ng manok.
D. Madadagdagan ng puhunan si Leo.
_____16. Kilala ang ating mga aning prutas tulad ng mangga at lansones sa ibang bansa. Marami sa
ating manananim ng prutas ang nagtatanim ng mga punongkahoy upang matugunan ang
pag-eksport sa mga ito. Ano ang inaasahan ng mga magsasaka kung kaya’t nagtanim sila
ng maraming prutas?
A. Maraming makikilalang kostumer ang mga may-ari ng taniman.
B. Magsusulputan ang iba’t ibang klase ng prutas.
C. Lalakas ang katawan dahil mabuti ang prutas sa katawan.
D. Dadami ang mga aangkat ng mga prutas na pang-eksport.
_____17. Naglipana ngayon sa social media ang pagbebenta ng halos magkaparehong produkto na
may ibat-ibang presyo. Kung ikaw ay isang negosyante, ano ang gagawin mo para maging
mabenta ang iyong produkto?
A. Itatakda ang presyo sa bawat item na may mataas na tubo kasama na ang delivery charge.
B. Itatakda ang presyo sa bawat item na may mataas na tubo at hiwalay ang delivery charge.
C. Itatakda ang presyo sa bawat item na may katamtamang tubo at delivery charge rate sa
bawat lugar.

President Elpidio Quirino National High School


San Agustin East, Agoo, La Union
(072) 687-0599 / peqnhsagoo@gmail.com …….where future leaders grow!
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I – Ilocos Region
La Union Schools Division Office
President Elpidio Quirino National High School
San Agustin East,Agoo, La Union

D. Itatakda ang presyo sa bawat item na may mababang tubo at pagpipiliin ang mga
mamimili kung ito ay pick up o delivery na may charge na nakadepende sa lugar.
_____18. May malaking epekto ang pandemya sa supply ng alcohol at face mask sa bansa. Paano
maapektuhan ang supply ng alcohol at face mask sa lokal na pamilihan kung ang
materyales nito ay nabibili sa labas ng bansa sa mataas na halaga?
A. Bababa ang supply dahil mataas ang halaga ng produksyon nito at ipagbibili lamang sa
mababang presyo.
B. Tataas ang supply dahil mataas ang halaga ng produksyon nito at ipagbibili sa mataas na
presyo.
C. Bababa ang supply dahil mababa ang halaga ng produksyon nito at ipinagbibili sa
mababang presyo.
D. Tataas ang supply dahil mababa ang halaga ng produksyon nito at ipinagbili sa mataas
na presyo.
_____19. Ang pagtaas ng supply ay nakaaapekto sa ating pagkonsumo. Paano ka maging apektado
kapag may nagaganap na pagtaas ng supply sa bigas?
A. Maging cool lang dahil maging mababa ang presyo nito
B. Malungkot dahil tataas ang magiging utang ko
C. Mag-aalala dahil maging apektado ang badyet ko pagtaas ng presyo
D. Maging masaya dahil mas higit ang mabibili ko sa pagtaas ng supply
_____20. Maraming produkto ang tumaas ang supply dulot ng pandemya na COVID-19. Kung ikaw
ay isang mamimili, anong pangunahing pangangailangan ang iyong bibilhin kahit tumaas
pa ang presyo nito?
A. Smart phone para madali kong matawagan ang pamilya ko.
B. Kotse dahil nakatutulong ito na makapag-grocery at makapunta kahit saan.
C. Bigas at pang-ulam bilang pantawid-gutom sa panahon ng lockdown.
D. Mamahaling alahas upang may maisangla kung kakailanganin.

Prepared by:
JOE MARK D. MANALANG
Teacher II, Araling Panlipunan

Checked by:
JUAN O. DACANAY JR.
HT-III, Araling Panlipunan

NOTED:
DR. OSCAR D. GATCHALIAN
School Principal II

PRESIDENT ELPIDIO QUIRINO NATIONAL HIGH SCHOOL

President Elpidio Quirino National High School


San Agustin East, Agoo, La Union
(072) 687-0599 / peqnhsagoo@gmail.com …….where future leaders grow!
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I – Ilocos Region
La Union Schools Division Office
President Elpidio Quirino National High School
San Agustin East,Agoo, La Union

Agoo, La Union
QUARTER 2
PERFORMANCE TASK #02
ARALING PANLIPUNAN 9
(MODULE 2)

GAWAIN: MAG-PICTO-DIARY KA!


Panuto: Gumupit ng larawan ng isang tindahan, o palengke na nagpapakita ng supply
ng kanilang mga produkto. Maaari ring iguhit mo ang larawan ng tindahan sa inyong
paligid kung walang magugupit na larawan. Pwedeng ring kumuha ng mga larawan
gamit ang android phone. Idikit ito sa isang construction paper o colored paper bago
ilagay sa bond paper. Pagkatapos ay sumulat ng talata na maiugnay mo sa iyong
larawan. Gamitin ang rubriks sa paggawa ng picto-diary. Maaaring gawin ito sa hiwalay
na coupon bond.

Larawan

____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
https://www.pxfuel.com/en/free-photo-jmzwn
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
__________________________

RUBRIKS para sa PICTO - DIARY


Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhang
Puntos
Larawang ipinaskil Malinaw, tama at tugma ang 15
larawang ginamit batay sa
panuto
Nilalaman ng Diary Maliwanag ang mensahe ng 25
diary batay sa paksa at
nauugnay ito sa larawang
ginamit
Kalinisan at Malinis at malikhain ang 10
gawain at maayos ang
President Elpidio
pagkamalikhain sa Quirino National High School
San Agustin East, Agoo, pagkakasulat
gawain La Union ng diary
(072) 687-0599 / peqnhsagoo@gmail.com …….where future leaders grow!
Kabuuang Puntos 50
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I – Ilocos Region
La Union Schools Division Office
President Elpidio Quirino National High School
San Agustin East,Agoo, La Union

President Elpidio Quirino National High School


San Agustin East, Agoo, La Union
(072) 687-0599 / peqnhsagoo@gmail.com …….where future leaders grow!

You might also like