You are on page 1of 3

Wellspring of Grace School

Southern Heights 1, Brgy.Langgam, City of San Pedro,Laguna


Tel: 553-3112 Email: wellspringofgraceschool@yahoo.com

PAGSUSULIT SA ARALINPANLIPUNAN 9

PANGALAN:______________________________________ GURO:______________
PETSA: ______ ESKOR_________

PANUTO: Surian ang production Possibilities frontier tukuyin kung aling punto ang inilalarawan sa ibaba.
F
A
______1. Episyenteng produksyon pabor lamang sa bigas. B
_____ 2. Episyenteng produksyon pabor lamang sa mais. bigas C
______ 3. Episyenteng produksyon pabor sa bigas at mais.
______ 4. Produksyong nagsayang ng mga resources. E
______ 5. Produksyong hindi posible dahil magdudulot ng kasiraan. mais D

PANUTO: Basahing mabuti ang mga tanong at Isulat ang tamang sagot sa papel. Para sa bilang 1-5, suriin ang Production
Possibilities Frontier. Tukuyin kung aling punto ang inilalarawan sa ibaba. Isulatang titik lamang.
6. Lahat ay halimbawa ng pangangailangan maliban sa isa.
a. pagkain b. damit c. malinis na tubig d. wala sa pagpipilian
7. Isa ayos ang sumusunod mulasapinakamababa hanggang sa pinakamataas na uri ng pangangailangan ayons a teorya
ni A. Maslow. 1. Pangangailangan sa karangalan ,2. Pangangailangan sa seguridad ,3. Responsibilidad sa lipunan,4.
Pisyolohikal at biyolohikal, 5. Pangangailangan sa sariling kaganapan.
a. 1 2 3 4 5 b. 4 2 3 1 5 c. 4 2 1 3 5 d. 4 2 5 1 3
8. Natatanging salik ng produksyon na fixed o takdaang bilang.
a. lupa b. capital c. entrepreneur d. paggawa
9. Kabayaran sa paggawa.
a. sahod b. interes c. kita d. upa
10. Sistemang pang-ekonomiya kung saan pinapayagan ang pribadong pagmamay-ari ng unit nang hihimasok din ang
pamahalaan sa pagdedesisyon sa produksyon ng ilang mahahalagang produkto at serbisyo.
a. Traditional b. Market c. Command d. Mixed
Para sa Bilang 11-15, tukuyin kung anong salik ng pagkonsumo ang maaaring makaimpluwensya sa mga
sumusunodna pahayag. Isulatangtitik lamang.
A. Presyo B.Kita C.Mga Inaasahan D.Demonstration Effect
E. Panlasa F. Edad G. Panahon H. Okasyon
11. Inanunsyo sa radio na marami ng na pagagaling na pasyente ang Osaka Iridology.
12. Umabot sa P60.00 ang kada kilong bigas, ngunit P100.00 lang ang sahod ni Ruben
13. Binalita sa TV na may paparating na malakas na bagyo sa bansa sa mga susunod na araw
14. Mahilig si Noy sa mga damit na polka dotted.
15.May panukala na magbibigay ng 50% discount sa lahat ng aytem ang SM sa susunod na buwan.
Para sa Bilang 16-20, tukuyin kung anong katangian ng mamimili ang inilalarawan sa mga pahayag. Isulat
ang titik lamang.
A. Mapanuri B. May Alternatibo C. Hindi Nagpapadaya D. Hindi Nagpapanic-buying
E. Hindi Nagpapadala sa Anunsyo
16. Duda si RJ kung mawawala ang pimples nya sa loob ng isang araw tulad ng napanood niya saTV.
17. Sinisiguro ni Alice na tamaang timbang ng kanyang binibiling bigas.
18. Maaga ng bumili ng panregalo si Jerry para sa kaarawan ng anak.
19. Inobserbahan muna ni Malcom ang paligid at kusina ng isang karinderya bago siya nagdesisyong kumain dito.
20. Ikinumpara ni Diana ang presyo ng isda sa lahat ng nag titinda nito sa palengke.
Para sa bilang 21-25, Tukuyin ang uri ng organisasyong pang-negosyo ina inilalarawan. Isulatang SP kung
sole proprietorship, P kung partnership, KN kung korporasyon at KB kung kooperatiba.
21. Isang orhanisasyon na binubuo ng dalawa o higit pang indibidwal na nag hahati sa kita o pagkalugi ng negosyo.
22. Ang isang uri nito ay pantay-pantay napinangangasiwaan ang Negosyo kung saan panta-pantay din ang
pananagutan.
23. Pag-aari at pinamamahalaang iisa ng tao.
24. Sa negosyong ito, pag-aari ng iisang tao ang lahat ng mga bagay na nauukol sa Negosyo at lahat ng capital ay
nanggagaling sa kanya.
25. Binubuo ng hindi bababasa 15 katao na pinagtipon-tipon ang kanilang pondo upang makapag simula ng negosyo.

26. Kapag Malaki ang___________, lumalaki ang kakayahan ng mga konsyumer na bumili ng nais nilang produkto.
a. Capital b. Kita c. Lupa d. Gastos
27. Kapag ang demand ay mas mababa kaysa sa suplay, nagkakaroon ng_____ at nagsasaya ang mga ______.
a. Shortage, konsyumer b. Shortage, prodyuser c. Surplus, konsyumer d. Surplus, prodyuser

Para sa bilang 28-40, Isulat ang T kung TAMA ang pangungusap at M kung MALI.
28. Kapag may pagtaas sa kita ng mga mangagawa, may pagtaas din sa kanilang demand ng mga produkto.
29. Kapag may pagtaas sa kita ng mga negosyante, lumalaki ang kanilang pagkakataon na itaas pa ang dami ng kanilang
suplay sa mabenta nilang produkto.
30. Kapag tumaas ang presyo ng produktong pamalit, mananatili o tataas ang demand ng konsyumer sa produktong
normal.
31. Kapag tumaas ang presyong produkto ng komplimentaryong produkto A, malamang na tataas din ang demand ng
isang mamimili sa produkto A.
32. Kapag lumipas na sa uso ang isang produkto, bumababa ang demand para dito.
33. Kapag nasa uso ang isang produkto, ang mga prodyuser ay hindi nahihikayat na magbenta nito.
34. Ang pamilihan ay ang mekanismo na kung saan nagtatagpo ang konsyumer at prodyuser.
35. Mayroong panguahing actor sa pamilihan: konsyumer, prodyuser, at produkto.
36. Ang prodyuser ay may kakayahang kontrolin ang presyo sa pamilihang may ganap na kompetisyon.
37. Sa pamilihang may ganap na kompetisyon, sinumang negosyante ay malayang pumasok at maging bahagi ng
industriya.
38. Sa monosopnyo, iisang konsyumer ang bumibili ng maraming uri ng produkto at/o serbisyo.
39. Sa monopsonyong kompetisyon, nagaganap ang tinatawag na product differentiation sa pamamagitan ng packaging,
advertisement at flavor ng mga produkto.
40. Sa oligopolyo ng kompetisyon, may iisang uri ng produkto ang ginagawa’t binibenta subalit magkakaiba ang tatak.

. ------------------------------ End of Exam Every good citizen adds to the strength of a nation. ~ Gordon B. Hinckley
ANSWER KEY 1. A 2. D 3. B/C 4. E 5. F 6. D 7. B 8. A 9. A 10. D 11. D 12. B 13. C 14. E 15. C 16. E 17. C 18. D 19. A 20. A 21. P 22. KB 23. S 24. S 25. KB 26. B 27. B 28. T 29. T 30. T 31. M 32. T 33. M 34. T 35. M 36. M 37. T 38. T 39. M 40. T 41. T 42. T 43. M 44. T 45. M 46. T 47. T 48. B 49. C 50. D 51. B 52. C/D 53. B 54. A 55. B

You might also like