You are on page 1of 2

BAOBAOAN INTEGRATED SCHOOL

P-1, Baobaoan, Butuan City

Summative Assessment 3
Araling Panlipunan 9

Pangalan: _______________________________________ Petsa: _________


Pangkat: ________________________________________ Score: _________

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Bakit nagkakaiba ang paraan at dahilan ng pagkonsumo?


a. Maraming kalagayan ang isinasaalang-alang
b. Magkakaiba ang katangian ng mga nakakaapekto dito
c. Magkakaiba ang pangangailangan ng tao
d. Hindi tiyak ang pangyayari sa lipunan

2. Sa pagbabago ng presyo, sa anong pagkakataon tumataas ang pagkonsumo?


a. kakaunti ang suplay
b. marami ang suplay
c. mataas ang presyo
d. mababa ang presyo

3. Alin sa sumusunod ang nagsasaad na ang tao ay hindi naapektuhan ng demonstration effect?
a. Hindi sumusunod sa uso
b. Nahuhumaling sa suot ng mga artista
c. Binibili ang mga napapanahong gamit
d. Suportado ang mga ini-endorso nga paboritong artista

4. Bakit nakakaapekto ang pagkakaroon ng utang sa pagkonsumo ng tao?


a. Lumulobo ang kanyang utang kapag hindi nababayaran
b. Tumataas ang kanyang kakayahang makabili ng produkto
c. Nababawasan ang kanyang kakayahan na makabili ng produkto
d. Kakaunti ang naiipon sap era mula sa kita

5. Kapag pinag-uusapan ang pagkonsumo, bakit mas mainam na kunti ang utang?
a. Walang naniningil kapag nakatanggap ng sahod
b. Lumalaki ang ipon sa bangko
c. Walang utang na kailangang bayaran
d. Tumataas ang kakayahang kumonsumo

6. Paano nakakaapekto ang kalamidad sa pagtaas ng konsumo?


a. Nagkakaroon ng kakulangan sa supply ng produkto
b. Hindi na nakakabili ang mga tao sa pamilihan
c. Nagsasara ang mga malalaking tindahan
d. Inuuna ng mga tao ang kanilang tirahan

7. Sino ang may akda ng aklat na The General Theory of Employment, Interest, and Money na inilathala noong 1936?
a. Antonio Abatemarco
b. John Maynard Keynes
c. Frank Ackerman
d. Sandra Andraszewicz

8. Ang sumusunod ay ilan sa mga nakasaad sa aklat na pinamagatang The General


Theory of Employment, Interest, and Money na inilathala noong 1936 MALIBAN sa:
a. Malaki ang epekto ng kita sa konsumo
b. Kapag lumalaki ang kita lumalaki din ang kakayahang kumonsumo
c. Kapag lumiliit ang kila lumiliit din ang kakayahan kumonsumo
d. Ang ekonomiya ay nakabatay sa kita ng mga tao sa lipunan
9. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga nabanggit ng pinagmumulan ng
demonstration effect?
a. Billboards
b. Internet
c. Pahayagan
d. Radyo

10. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng mga inaasahan na kabilang sa mga salik
na nakakaapekto sa pagkonsumo?
a. Araw ng eleksyon
b. Kaarawan
c. Kalamidad
d. Palabas sa telebisyon

Para sa Bilang 11-15, tukuyin kung anong salik ng pagkonsumo ang maaaring makaimpluwensya sa mga sumusunod
na pahayag. Isulat ang titik lamang. A. Presyo; B.Kita; C.Mga Inaasahan; D.Demonstration Effect; E. Panlasa; F.
Edad; G. Panahon; H. Okasyon

11. Inanunsyo sa radio na maraming napagagaling na pasyente ang Osaka Iridology.


12. Umabot sa P60.00 ang kada kilo ng bigas, ngunit P100.00 lang ang sahod ni Ruben
13. Binalita sa TV na may paparating na malakas na bagyo sa bansa sa mga susunod na araw
14. Mahilig si Noy sa mga damit na polka dotted.
15. May panukala na magbibigay ng 50% discount sa lahat ng aytem ang SM sa susunod na buwan.

16. Ito ay tumutukoy sa entidad na bahagi ng paikot na daloy ng ekonomiya na tagalikha ng mga kalakal at
paglilinkod.
a. Sambahayan
b. Bahay-kalakal
c. Pamilihang pinansiyal
d. Pamahalaan

17. Alin ang nagpapakita ng epektibong ugnayan ng sector ng agrikultura at industriya?


a. Sa malalawak na lupain nagaganap ang mga produksiyon ng agrikultura samantalang ang industriya ay sa mga
bahay-kalakal.
b. Ang magsasaka ang pangunahing tauhan ng agrikultura samantalang ang mga entreprenyur naman ang kapitan ng
industriya.
c. Ang mga hilaw na materyales na nagmumula sa sektor ng agrikultura ay lubhang mahalagang sangkap sa sektor
industriya upang gawing panibagong uri ng produkto.
d. Ang industriya ay gumagamit ng mga makinarya samantalang ang agrikultura ay nanatili sa tradisyonal na
pamamaraan ng pagsasaka

18. Ano ang positibong epekto ng paglaganap ng impormal na sektor?


a. Sumasalamin ito sa paglaganap ng backyard industries.
b. Ito ay larawan ng pagiging industriyalisado ng bansa dahil sa dami ng nabubuksang trabaho.
c. Maraming mamamayan ang umaasa na lamang satulong ng pamahalaan.
d. Ito ay manipestasyon ng pagiging mapamaraan ng mga Pilipino para mabuhay

19. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paghina ng kalakalang lokal at panlabas ng mga bansang
naapektuhan ng globalisasyon?
a. ang patuloy na pag-unlad at paglawak ng mga korporasyong transnasyonal
b. ang pagtambak ng mga labis na produkto o surplus sa mga pamilihang lokal
c. ang mas malayang pagdaloy ng puhunan at kalakal sa mga developing countries
d. ang pagbabago sa kabuuhang antas ng pamumuhay ng mamamayan

20. Ang mga sumusunod ay batayan ng paglago ng ekonomiya maliban sa:


a. Pagtaas ng produksyon
b. Paglaki ng populasyon.
c. Produktibidad ng pamumuhunan
d. Produktibidad ng pamahalaan.

You might also like