You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Region VI – Western Visayas


Department of Education
Schools Division of Iloilo
DORONG-AN INTEGRATED SCHOOL
Tigbauan, Iloilo

(LAGUMANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNANAN 9)


UNANG MARKAHAN

Panuto: Ang pagsusulit na ito ay naglalayong masukat ang iyong mga natutunan mula sa
modules sa Unang Markahan. Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong bago ito
sagutan.
MARAMING PAGPIPILIAN

PANUTO: Isulat ang TITIK K kung KAGUSTUHAN ang tinutukoy at TITIK P kung
PANGANGAILANGAN. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.
1. alahas 6. cellphone (para sa negosyante)

2. bagong kotse 7. make-up kit

3. prutas at gulay 8. nike na sapatos

4. gamot 9. gatas para sa sanggol

5. damit 10. rolex na relo

PANUTO: Tukuyin kung anong konsepto ang inilalarawan ng sumusunod na aytem. Isulat
ang TITIK ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. Marginal Thingking D. Incentives


B. Sustainability E. Opportunity Cost
C. Equality

11. Pantay-pantay na pamamahagi ng bigas sa panahon ng ECQ.


12. Ang tubig na pinaglabhan ay ginamit na pandilig ng halaman.
13. Sinusuri ang maaaring epekto ng bawat alternatibo bago gumawa ng desisyun.
14. Sa unang buwan ng lockdown dulot ng COVID 19, marami ang nawalan ng trabaho
ngunit may ibinigay naman ang pamahalaan na Standard Amelioration Fund (SAF).
15. Hangad sana ni Jeff na makuha ang kaniyang pagka-uhaw sa sarap na maidudulot ng
milktea ngunit ipinagpaliban niya ito dahil nanatili na lang siya sa kanilang bahay.
PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Sagutin ng TAMA o MALI
ang bawat pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

16. Ang alokasyon ay mekanismo ng pagbabahagi ng pinagkukunang-yaman upang


matugunan ang pangangailangan ng sambahayan at lipunan.
17. Dahil sa kalabisan ng mga pinagkukunang-yaman, kailangang maibahagi ito ng
maayos sa mga kasapi ng lipunan.
18. Maaaring pagmulan ng krisis kung hindi maibabahagi nang tama ang pinagkukunang-
yaman ng ating bansa.
19. Nagkakaroon ng lunas ang kakapusan sa pamamagitan ng alokasyon.
20. Ang tradisyunal na ekonomiya ay nakabatay sa payak na uri ng pamumuhay ng tao.
21. Pinaghalong patakaran ng command at market economy ang bumubuo sa mixed
economy.
22. Sa ngayong panahon, wala ng gumagamit ng tradisyunal na uri ng ekonomiya.
23. Ang market economy ay isang malayang kalakalan kung saan ang kapangyarihan
ay nasa pamilihan.
24. Sa command economy ang pamahalaan ang nagdidikta sa alokasyon sa
pamamagitan ng central planning agencies.
25.Nagkakaroon ng kontrol ang pamahalaan sa pamamalakad ng ekonomiya sa ilalim
ng market economy.

PANUTO: Tukuyin ang uri ng sistemang pang ekonomiya na inilalarawan sa mga


sumusunod. Isulat ang TITIK ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. Market Economy C. Command Economy


B. Traditional Economy D. Mixed Economy

26. Ang mga gagawing produkto at serbisyo ay naaayon sa pamilihan na dinidikta ng


presyo.
27. Malaya ang mga pribadong sektor na magpatayo at kumita mula sa kanilang
negosyo.
28. Nakabatay ang paggawa ng produkto o serbisyo sa nakasanayang tradisyon at
paniniwala.
29. Ang mamamayan ay gumagawa ng produkto o serbisyo ayon sa pinag-uutos ng
pamahalaan.
30. Ang mga gagawing produkto ay maaaring pagmamay-ari ng mamamayan o ng
estado.

PANUTO: Basahing mabuti ang mga tanong at isulat ang TITIK ng tamang sagot.

31. Bakit nagkakaiba ang paraan at dahilan ng pagkonsumo?


a. Maraming kalagayan ang isinasaalang-alang
b. Magkakaiba ang katangian ng mga nakakaapekto dito
c. Magkakaiba ang pangangailangan ng tao
d. Hindi tiyak ang pangyayari sa lipunan
32. Sa anong salik na nakakaapekto sa pagkonsumo napapabilang ang mga kalamidad?
a. Demostration Effect
b. Kita
c. Mga Inaasahan
d. Pagkakautang
33. Alin sa sumusunod ang nagsasaad na ang tao ay hindi naapektuhan ng
demonstration effect?
a. Hindi sumusunod sa uso
b. Nahuhumaling sa suot ng mga artista
c. Binibili ang mga napapanahong gamit
d. Suportado ang mga ini-endorso nga paboritong artista

34. Bakit nakakaapekto ang pagkakaroon ng utang sa pagkonsumo ng tao?


a. Lumulubo ang kanyang utang kapag hindi nababayaran
b. Tumataas ang kanyang kakayahang makabili ng produkto
c. Nababawasan ang kanyang kakayahan na makabili ng produkto
d. Kakaunti ang naiipon sa pera mula sa kita

35. Kapag pinag-uusapan ang pagkonsumo, bakit mas mainam na kaunti ang utang?
a. Walang naniningil kapag nakatanggap ng sahod
b. Lumalaki ang ipon sa bangko
c. Walang utang na kailangang bayaran
d. Tumataas ang kakayahang kumonsumo

36. Paano nakakaapekto ang kalamidad sa pagtaas ng konsumo?


a. Nagkakaroon ng kakulangan sa supply ng produkto
b. Hindi na nakakabili ang mga tao sa pamilihan
c. Nagsasara ang mga malalaking tindahan
d. Inuuna ng mga tao ang kanilang tirahan

37. Sino ang may akda ng aklat na The General Theory of Employment, Interest, and
Money na inilathala noong 1936?
a. Antonio Abatemarco
b. John Maynard Keynes
c. Frank Ackerman
d. Sandra Andraszewicz

38. Ang sumusunod ay ilan sa mga nakasaad sa aklat na pinamagatang The General
Theory of Employment, Interest, and Money na inilathala noong 1936 MALIBAN sa:
a. Malaki ang epekto ng kita sa konsumo
b. Kapag lumalaki ang kita lumalaki din ang kakayahang kumonsumo
c. Kapag lumiliit ang kita lumiliit din ang kakayahang kumonsumo
d. Ang ekonomiya ay nakabatay sa kita ng mga tao sa lipunan
39. Anong salik ang nakakaapekto sa pagkonsumo na kinabibilangan ng mga anunsiyo sa
radyo, telebisyon, pahayagan, at maging sa internet at iba pang
social media?
a. Demostration Effect
b. Kita
c. Mga Inaasahan
d. Pagkakautang

40.Alin sa sumusunod ang halimbawa ng mga inaasahan na kabilang sa mga salik


na nakakaapekto sa pagkonsumo?
a. Araw ng eleksyon
b. Kaarawan
c. Kalamidad
d. Palabas sa telebisyon

Inihanda ni:

SHEENLY JOY C. TORDA


Teacher I

You might also like