You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region V
Division of Camarines Sur
GLOBALTECH PROGRAMS FOR PROGRESS (GPPI), INC.
JUNIOR HIGH SCHOOL
006, Mendoza St., San Antonio, San Jose, Camarines Sur
SCHOOL ID: 410356

1ST QUARTERLY EXAMINATION


ARALING PANLIPUNAN 9
KABUUANG PANUTO: Basahing mabuti ang mga tanong at isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Lahat ay halimbawa ng pangangailangan MALIBAN sa isa.


a. Pagkain b. Damit c. Malinis na tubig d. Wala sa pagpipilian

2. Isaayos ang sumusunod mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na uri ng


pangamgailangn ayon sa teorya ni A. Maslow.
1. Pangangailangan sa Karangalan 4. Pisyolohikal at Biyolohikal
2. Pangangailngan sa Seguridad 5. Pangangailangan sa Sariling Kaganapan
3. Responsibilidad sa lipunan
a. 12345 b. 42315 c. 42135 d. 42513
3. Ano ang natatanging salik ng produksyon na fixed o takda ang bilang?
a. Lupa b. capital c. entrepreneur d. paggawa
4. Ano ang Kabayaran sa paggawa?
a. Sahod b. interes c. kita d. upa
5. Sistemang pang-ekonomiya kung saan pinapayagan and pribadong pagmamay-ari ngunit
nanghihimasok din ang pamahalaan sa pagdedesisyon sa produksyon ng ilang mahahalagang
produkto o serbisyo.
a. Traditional b. Market c. Command d. Mixed
6. Inanunsyo sa radio na maraming napagagaling na pasyente ang Osaka Iridology.
a. Presyo; c. Kita
b. Mga Inaasahan d. Demonstration Effect.

7. Umabot sa P60 kada kilo ng bigas, ngunit P100.00 lang ang sahod ni Ruben.
a. Presyo; c. Kita
b. Mga Inaasahan d. Demonstration Effect.
8. Binalita sa TV na may paparating na malakas na bagyo sa bansa sa mga susunod na
araw.
a. Presyo; b. Kita c. Mga Inaasahan d. Demonstration
Effect

9. Mahilig si Noy sa mga damit na polka dotted.


a. Presyo; b. Kita c. Panlasa d. Demonstration Effect e.
10. May panukala na magbibigay ng 50% discount sa lahat ng system ang SM sa susunod na
buwan.
a. Presyo; b. Kita c. Mga Inaasahan d. Demonstration Effect.

11. Duda sa RJ kung mawawala ang pimples niya sa loob ng isang araw tulad ng napanood
niya sa TV.
a. Mapanuri c. May alternatibo
b. Hindi nagpapadaya d. Hindi nagpapadala sa anunsyo
12. Sinisiguro ni Alice na tama ang timbang ng kanyang binibiling bigas.
a. Mapanuri c. May alternatibo
b. Hindi nagpapadaya d. Hindi nagpapanic-buying

13. Maagang bumili ng panregalo si Jerry para sa kaarawan ng anak.


a. Mapanuri b. May alternatibo
c. Hindi nagpapadaya d. Hindi nagpapanic-buying

14. Inobserbahan muna ni Malcom ang paligid at kusina ng isang karinderya bago siya
nagdesisyong kumain dito.
a. Mapanuri b. May alternatibo
c. Hindi nagpapadaya d. Hindi nagpapanic-buying
15. Ikinumpirma ni Diana and presyo ng isda sa lahat ng nagtitinda nito sa palengke.
a. Mapanuri b. May alternatibo
c. Hindi nagpapadaya d. Hindi nagpapanic-buying

16. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?


a. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral upang matugunan ang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao sa kabila ng suliraning dulot ng kakapusan.
b. Ito ay tumutukoy sa agham ng pag-uugali ng tao na nakakaapekto sa kaniyang rasyonal
na pagdedesisyon.
c. Ito ay masusing pagpapasya ng tao sa pagtugon sa mga suliraning pangkabuhayan na
kanyang kinakaharap.
d.Ito ay pag-aaral ng tao at lipunan kung papaan haharapin ang mga suliraning
pangkabuhayan.
17. Bakit kailangan magsagawa ng trade-off ang tao?
a. Upang makalikha ng mga produktong kailangan sa palengke.
b. Upang matugunan niya ang kanyang pangangailangan na magdulot ng higit na
kasiyahan
c. Dahil sa kawalan o limitado ang kaalaman sa pagpili at pagdedesisyon
d. Dahil may umiiral na kakapusan at kakulangan sag a produkto at serbisyo.
18. Ano ang posibleng dahilan kung bakit maaaring magkaroon ng suliranin ng kakapusan sa
lipunan?
a. Maaksayang paggamit ng mga pinagkukunang-yaman
b. Walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao
c. Limitadong pinagkukunang-yaman
d. Lahat ng nabanggit.
19. Kung ikaw ay isang rasyonal ng mag-aaral, paano ka dapat gumawa ng desisyon?
a. Isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan
b. Isaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon
c. Isaalang-alang ang trade-off at opportunity cost
d. Isaalang-alang ang relihiyon, paniniwala, mithiin at tradisyon
20. Ano ang tawag sa halaga ng inaasam na branded na damit na isinakripisyong hindi bilhin ni
Kobe upang makabili ng mas murang damit at pabango?
a. Trade-off b. Opportunity Cost c. Marginal thinking d. Incentive
21. Dapat na bigyang-pansin ng pamahalaan ang produksyon sapagkat ito ay isang pang-
ekonomiya na:
a. Lumilinang ng likas na yaman c. Lumilikha ng produkto at serbisyo
b. namamahagi ng pinagkukunang-yaman d. Gumagamit ng produkto at serbisyo
22. Ang mga sumusunod ay maaaring maganap kung uunahin ang pangangailangan kaysa
kagustuhan, MALIBAN sa:
a. Magiging maayos ang pagbabadyet ng pamilya
b. Maisasakatuparan ang lahat ng layuning sa pagpili at pagkonsumo
c. Magiging pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman sa lahat ng tao
d. Maaaring mabawasan ang suliranin sa kakapusan sa mga pinagkukunang yaman
23. Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong control at
regulasyon ng:
a. prodyuser b. pamahalaan c. konsyumer d. pamilihan
24. Ang mga ito ay ibig sabihin ng alokasyon, MALIBAN sa;
a. Paghahati b. Pagbabahagi c. Paggawa d.mekanismong pagbabahagi
25. Ang mga ito ay katanungang pang-alokasyon MALIBAN sa:
a. Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?
b. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
c. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
d. Sino ang gagawing produkto at serbisyo?

ENUMERATION: Para sa bilang 26.-30,tukuyin ang iba’t-ibang lebel ng pangangailangan at


pagkasunod- sunod nito ayon sa Teorya ni Abraham Maslow gamit ang pyramid sa baba. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa bawat numero.

30.

29.

28.

27.

26.

31. Ang kakapusan ay maaaring magdulot ng iba’t-ibang suliraning panlipunan. Alin asa
su,usumod ang HINDI kabilang sa mga ito?
a. Maaari itong magdulot ng kaguluhan sa mga taong nakararanas nito.
b. Tumataas ang presyo ng mga bilihin kung kaya nababawasan ang kakayahan ng mga
mamimili na bumili ng iba’t ibang produkto at serbisyo.
c. Pag-init ng klima na nagdudulot ng mas malalakas na bagyo at mahabang panahon ng El
Niño at La Niña.
d. Nagpapataas ng pagkakataong kumita ng malaki ang mga negosyante

32. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng kakapusan MALIBAN sa:


a. . Ang yamang kapital (capital goods) tulad ng makinarya, gusali, at kagamitan sa
paglikha ng produkto ay naluluma, maaaring masira, at may limitasyon din ang maaaring
malikha.
b. Bumababa rin ang bilang ng nahuhuling isda at iba pang lamang dagat dahilan sa
pagkasira ng coral reefs.
c. Pakaubos ng kagubatan na maaaring magdulot ng pagkasira sa natural na sistema ng
kalikasan, extinction ng mga species ng halaman at hayop, at pagkasira ng biodiversity.
d. Kakulangan ng supply ng bigas sa pamilihan dahilan sa bagyo, peste, El Niño, at iba

pang kalamidad .
33. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paraan na maaaring isagawa upang mapamahalaan
ang suliranin sa kakapusan maliban sa isa. Ano ito?
a. Kailangan ang angkop at makabagong teknolohiya upang mapataas ang produksyon
b. Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga polisiya na nagbibigay proteksiyon sa mga
pinagkukunang-yaman.
c. Pagpapatupad ng mga programa na makapagpapabuti at makapagpapalakas sa
organisasyon, at mga institusyong (institutional development) nakatutulong sa pag-unlad
ng ekonomiya,
d. Walang pakundangang paggamit ng tao ng mga pinagkukunang-yaman
34. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang-yaman tulad ng
yamang likas, yamang tao, at yamang kapital. Bakit nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito?
a. Limitado ang mga pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao
b. Sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang-
yaman
c. Sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong ipinagbibili sa
pamilihan
d. Malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang-yaman ng bansa

35. Ang suliranin ng kakapusan o scarcity ay maaaring masolusyonan sa pamamagitan ng _


a. pagdarasal na manalo sa Lotto
b. pagkakaroon ng maraming pera at ari-arian
c. wastong paggamit ng limitadong pinagkukunang-yaman
d. pag-iimbak o pagtatago ng maraming pagkain sa panahon ng krisis

36. “There isn’t enough to go around?” ay pahayag mula kay John Watson Howe. Ano ang ibig
ipakahulugan nito?

a. Limitado ang mga pinagkukunang-yaman kung kaya't kailangan gumawa ng tamang


desisyon kung paano gagamitin nang mahusay ang mga ito upang matugunan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
b. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayun din ang mga
pinagkukunangyaman.
c. Ang walang pakundangang paggamit ng pinagkukunang-yaman ay hahantong sa
kakapusan.
d. May hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig.

37. Ito ay nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang sa suplay ng isang produkto.
a. Alokasyon b. Kagustuhan c. Kakulangan d. Kakapusan
38. Mga bagay na ginusto lamang ng tao at maaring mabuhay ang tao kahit wala ito.
a. Edad b. Kagustuhan c. Kita d. Pangangailangan

39. Kabilang dito ang mga pangangailangan para sa kaligtasan at katiyakan ng buhay gaya ng
hanapbuhay, pinagkukunang-yaman, at seguridad para sa sarili at pamilya.
a. Makisalamuha b. Mabuhay c. Pangkaligtasan d. Pagpapahalaga

40. Alin sa mga sumusunod na pahayag tungkol sa ekonomiks ang hindi totoo?
a. Ang ekonomiks ay nakapokus sa pagkilos ng mga tao.
b. Ang ekonomiks ay pag-aaral tungkol sa produksyon, distribusyon, at pagkonsumo ng mga
kalakal at serbisyo.
c. Sa ekonomiks, pinaniniwalaan na walang ekonomiyang nakakaranas ng kakapusan
sa pinagkukunang yaman.
d. Sa ekonomiks, pinag-aaralan kung paano magpasya ang mga indibidwal,
negosyo, pamahalaan, at nasyon sa paglalaanan ng mga nakuhang yaman
41. Ito ay nag-aaral sa pangkalahatan ng ekonomiya ng isang partikular na rehiyong
heograpikal, bansa, kontinente o ang buong mundo.
a. Keynesian b Makroekonomiks c.Monetarist d.Maykroekonomiks
42. Isang batas na nagbibigay ng proteksiyon at nangangalaga sa interes ng mgamamimili
a. RA 7394 b. RA 7763 c. RA 7494 d. RA 7493
43. Ito ay isang diskarte na pumapabor sa patakarang piskal ng isang aktibista na pamahalaan
upang mapangasiwaan ang hindi makatwiran na indayog oswingsa halaga ng isangasset.
a.Keynesian b.Makroekonomiks c.Monetarist d.Maykroekonomiks
44. Ito ang nagdidikta ng pagkonsumo ng isang tao
a. Kita b. Utang c. Trabaho d. Pangangailangan
45. Sa antas ng produksyon, dito ginagawa ang pagkalap ng mga hilaw na sangkap(raw materials)
a. Secondary stage b. Primary stage c. Final stage d. third stage
46. Dito ang pagsasaayos ng mga tapos na produkto (packaging, labelling,and distribution) para
mapakinabangan ng tao.
a. Secondary stage b. Primary stage c. Final stage d. third stage

ESSAY TYPE
Panuto: sumulat ng maikling sanaysay gamit ang mga gabay na tanong.

47. -48. Ano sa iyong palagay ang kalakal na dapat maging priyoridad ng produksyon ng
ekonomiya?

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_________________________.
49-50. Anu-ano ang kahulugan ng produksyon sa pang araw-araw na pamumuhay?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_________________________.

“ Ang magandang kinabukasan ay para sa mga taong nagtitiwala sa kanilang kakayahan”

Inihanda ni: Iwinasto ni: Binigyang pansin ni: Inaprubahan ni:

STEPHANIE S. PACAMARRA
MELYJING T. MILANTE CATHY P. BRIZUELA DR. MARIE JANE S. PACAMARRA Ph.D
Guro SHS Coordinator Katuwang ng Punong Guro Punong Guro

You might also like