You are on page 1of 7

ARALING PANLIPUNAN DEPARTMENT

ARALING PANLIPUNAN: GRADE 9 (EKONOMIKS)


UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

PANUTO: Basahin at unawain ang sitwasyon o pahayag sa bawat bilang. Ang bawat bilang
ay may apat na pagpipilian (titik A-D). Piliin ang angkop na titik na kumakatawan sa
pinakawastong sagot at ilagay sa sagutang papel.
1. Salitang Greek na nangangahulugang pamamahala ng bahay o sambahayan.
a. Nomos c. Oikonomiya
b. Oikos d. Ekonomiks
2. Ang mga pinagkukunan ng mga pangangailangan ng tao ay walang hanggan.
a. Tama c. Depende
b. Mali d. Wala sa nabanggi
3. Tumutukoy sa pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.
a. Incentives c. Marginal Thinking
b. Trade-off d. Opportunity cost
4. Tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa
bawat paggawa ng desisyon.
a. Trade-off c. Marginal thinking
b. Incentive d. Opportunity cost
5. Sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o
pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon.
a. Incentives c. Marginal thinking
b. Trade – off d. Opportunity cost
6. Ito ang pamamahagi ng mga kapos na pinagkukunang – yaman ng lipunan upang
makalikha ng pinakamahusay at de-kalidad na mga produkto at serbisyong
makatutugon sa paparaming pangangailangan at hilig ng tao sa paraang
pinakamatipid at pinakamabisa.
a. Produksyon c. distribusyon
b. Alokasyon d. pagkonsumo
7. Ang ekonomiks ay isang Agham Panlipunan sapagkat:
a. Pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang
kanilang materyal na pangangailangan.
b. Nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig.
c. Pinag-iisipan sa sa araling ito kung paano magkakaroon ng salapi ang tao.
d. Pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao.
8. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng
desisyon ay:
a. Dinadaluhang okasyon
b. Ang desisyon ng iyong kapwa
c. Opportunity cost ng desisyon
d. Batay sa pagpili ng maraming tao.
9. Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks bilang isang Agham Panlipunan?
a. Ibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming mahihirap.
b. Maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan ng isang bansa.
c. Mapag-aralan ang mga pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita.
d. Makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyunal at makapaglingkod
sa ibang bansa.
10.Ano sa palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng
kaalaman sa ekonomiks?
a. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa
kolehiyo.
b. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
c. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos at siyentipikong pamamaraang makatutulong
sa iyo sa pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap.
d. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks.
11.Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng ekonomiks?
a. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning
pangkabuhayan na kinakaharap.
b. Ito ay tumutukoy sa siyensya ng kaasalan ng tao na nakaiimpluwensya sa
kaniyang pagdedesisyon.
c. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning
pangkabuhayan.
d. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.
12.Ito ay pamamaraan sa produksyon at distribusyon ng mga produkto at serbisyo mula
sa paggamit ng pinagkukunang yaman para sa mamimili at prodyuser ng isang lugar
o bansa.
a. Alokasyon c. Produksyon
b. Distribusyon d. Sistemang pang-ekonomiya
13.Sistemang pang-ekonomiya na nakabatay sa kultura at tradisyon.
a. Mixed economy c. Traditional economy
b. Command economy d. Market economy
14.Sistemang pang-ekonomiya na nakabatay sa malayang kalakalan at pagkakaroon ng
pribadong pagmamay-ari.
a. Market Economy c. Traditional economy
b. Mixed economy d. Command economy
15.Sistemang pang-ekonomiya kung saan kontrolado ng pamahalaan ang mga salik ng
produksyon at pagdedesisyon sa usaping pang-ekonomiya.
a. Market economy c. traditional economy
b. Mixed economy d. command economy
16.Sistemang pang-ekonomiya kung saan may malayang kalakalan ngunit maaaring
makialam ang pamahalaan lalo na sa usapin tungkol sa proteksyon ng mga consumer
at producer.
a. Market economy c. traditional economy
b. Mixed economy d. command economy
17.Alin sa mga sumusunod ang mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya?
a. Upang mas mapalawig ang kitang pang-ekonomiya ng ating bansa.
b. Upang makamit ang pinakamataas na kasiyahan at kapakinabangan mula rito.
c. Upang makaagapay ang lipunan sa mga suliranin at kung paanong episyenteng
magagamit ang pinag-kukunang yaman ng bansa.
d. Upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at at kagustuhan ng
tao.
18.Bakit kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng
pinagkukunang – yaman ng bansa?
a. Upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at
kapakinabangan mula rito.
b. Upang mas lumaki ang kita ng ekonomiya ng ating bansa at ng mamamayan nito.
c. Mas mapalawig ang yamang likas ng isang bansa na kagaya ng ating bansa.
d. Nararapat itong bigyang pansin dahil sa katotohanang may kakapusang umiiral.
19.Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong control at
regulasyon ng:
a. Pamilihan c. pamahalaan
b. Konsyumer d. prodyuser
20.Sa market economy, ito ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga
mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga
prodyuser.
a. Likas – yaman c. Presyo
b. Pamahalaan d. Prodyuser
21.Ito ang nagiging motibasyon ng mamimili sa pagkonsumo. Kung mababa ito mas
marami ang makokonsumong produkto o serbisyo.
a. Presyo c. Pagkakautang
b. Kita d. Mga Inaasahan
22.Kapag may kalamidad, tumataas ang pagkonsumo sa kasalukuyan bilang
paghahanda sa hinaharap.
a. Kita c. Mga Inaasahan
b. Presyo d. Pagkakautang
23.Kapag marami ka nito, kakaunti ang mapagkukunan para sa pagkonsumo.
a. Kita c. Mga Inaasahan
b. Presyo d. Pagkakautang
24.Ang pagkonsumo ay naiimpluwensyahan ng mga radyo, telebisyon, pahayagan,
internet, at iba pang social media.
a. Kita c. Pagkakautang
b. Demonstration effect d. Mga Inaasahan
25.Malaki ang kaugnayan nito sa pagkonsumo ng tao ayon kay John Maynard Keynes.
a. Kita c. Pagkakautang
b. Demonstration effect d. Mga Inaasahan
26.Bakit nagkakaiba ang paraan at dahilan ng pagkonsumo?
a. Maraming kalagayan ang isinasaalang-alang
b. Magkakaiba ang mga katangian ng mga nakaaapekto dito.
c. Magkakaiba ang pangangailangan dito
d. Hindi tiyak ang mga pangyayari sa lipunan.
27.Sa pagbabago ng presyo, sa anong pagkakataon tumataas ang presyo?
a. Kakaunti ang supply
b. Marami ang supply
c. Mataas ang presyo
d. Mababa ang presyo
28.Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad na ang tao ay hindi naaapektuhan ng
demonstration effect?
a. Hindi sumusunod sa uso
b. Nahuhumaling sa mga suot ng mga artista
c. Binibili ang mga napapanahong gamit
d. Suportado ang mga iniindorso ng mga paboritong artista
29.Bakit nakakaapekto ang pagkakaroon ng utang sa pagkonsumo ng tao?
a. Lumulobo ang kanyang utang kapag hindi nabayaran
b. Tumataas ang kanyang kakayahang makabili ng produkto.
c. Nabaabwasan ang kanyang kakayahan na makabili ng produkto.
d. Kakaunti ang naiipon na pera mula s akita.
30.Paano nakakaapekto ang kalamidad sa pagtaas ng pagkonsumo?
a. Nagkakaroon ng kakulangan sa suplay ng produkto.
b. Hindi na nakakabili ang mga tao sa pamilihan
c. Nagsasara ang mga malalaking tindahan.
d. Inuuna ng mga tao ang kanilang tirahan.
31.Tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto.
a. Lupa c. kapital
b. Paggawa d. entrepreneur
32.Ito ang pinanggagalingan ng hilaw na materyales na ginagamit sa paggawa ng bagong
produkto.
a. Lupa c. kapital
b. Paggawa d. entrepreneur
33.Tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao magsimula ng isang Negosyo.
a. Lupa c. kapital
b. Paggawa d. entrepreneurship
34.Tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksyon ng kalakal o serbisyo.
a. Lakas paggawa c. blue collar job
b. Sweldo d. white collar job
35.Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa halaga ng entrepreneurship?
a. Nakalilikha ng bagong trabaho
b. Nakalilikha ng bagong produkto
c. Bagong kasanayan sa mga manggagawa
d. Dagdag na kita sa mga kawani ng gobyerno.
36.Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa konsepto ng “LUPA” sa salik ng
produksyon?
a. Puno b. Makina c. Mineral d. Tubig
37.Kung ang bayad sa manggagawa ay sahod, ano naman ang bayad sa lupa?
a. Interes b. Upa c. Kita d. Tubo
38.Alin sa sumusunod ang HIND kabilang sa kapital?
a. Manggagawa c. Gusali
b. Makina d. Kompyuter
39.Alin sa mga sumusunod na salik ang gumagamit sa mga gawaing pisikal at mental?
a. Lupa c. Kapital
b. Manggagawa d. Entrepreneur
40.Ito ang bunga ng pagsasama ng salik ng produksyon
a. Output c. Input
b. Function d. Return of Investment
41.Dalawang magkaibang konsepto ang kagustuhan at pangangailangan. Masasabing
kagustuhan ang isang produkto o serbisyo kapag higit ito sa batayang
pangangailangan. Kailan maituturing na batayang pangangailangan ang isang
produkto o serbisyo?
a. Kapag nakapagbibigay ito ng kasiyahan at kaginhawaan sa buhay ng tao.
b. Kapag hindi mabubuhay ang tao kung wala ang mga ito.
c. Kapag makakabili ka ng mas maraming bagay sa pamamagitan nito.
d. Kapag ang produkto ay magagamit mo upang maging Madali ang mahirap na
gawain.
42.Kailan mo masasabing matalino ang isang mamimili?
a. Kapag gumagamit ng credit card sa pamimili at lagging inaabangan ang
pagkakaroon ng safe.
b. Kapag bumibili ng segunda mano upang makamura at makatipid.
c. Kapag sumusunod sa badyet at sinusuri ang sangkap, presyo at timbang ng
produktong binibili.
d. Kapag bumibili ng labis labis sa mga pangangailangan upang matiyak na hindi
siya maubusan.
43.Ang produksyon ay mahalaga sa pang-araw-araw na pamumuhay. Alin sa mga
sumusunod ang hindi nagpapahayag nito?
a. Ang kinita ng bawat salik ng produksiyon ay nagagamit ng mga sambahayan sa
pagbili ng produkto at serbisyo.
b. Ang pagkonsumo ang nagbibigay daan sa produksyon ng produkto at serbisyo,
kaya masasabing mas mahalaga ang produksyon kaysa sa pagkonsumo.
c. Sa produksiyon nagmumula ang mga produktong kailangang ikonsumo sa pang-
araw-araw.
d. Ang produksiyon ay proseso na nagbibigay-daan sa paglikha ng hanapbuhay.
44. Ang Karapatan sa tamang impormasyon ay maaaring maitaguyod sa pamamagitan
ng:
a. Palagiang paggamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang
kapaligiran.
b. Pag-aaral sa nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami at komposisyon ng
produkto.
c. Pagpapahalaga sa kalidad at hindi sa tatak ng produkto o serbisyong bibilhin.
d. Palaging pagpunta sa timbangang bayan upang matiyak na husto ang timbang
biniling produkto.
45.Ang ahensyang ito ng gobyerno ang nagpapatupad ng mga batas hinggil sa kalakalan
at industriya. Pinangangalagaan nito ang mamayan laban sa maling etiketa ng mga
produkto at iba pang mapanlinlang na Gawain ng mga nagtitinda.
a. Department of Trade and Industry
b. Bureau of Food and Drugs (BFAD)
c. National Consumer Affairs Council
d. Professional Regulatory Commission
46.Ito ang nangangasiwa sa pagsusuri na ligtas ang mga gamut, pagkain at mga
produktong kosmetiko na ibebenta sa pamilihan.
a. Department of Trade and Industry
b. Bureau of Food and Drugs (BFAD)
c. National Consumer Affairs Council
d. Professional Regulatory Commission
47.Nangangasiwa sa mga Gawain ng mga propesyonal tulad ng mga accountant, doctor,
engineer, teachers atbp.
a. Department of Trade and Industry
b. Bureau of Food and Drugs (BFAD)
c. National Consumer Affairs Council
d. Professional Regulatory Commission
48. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagsasabi ng katotohanan tungkol sa proseso ng
produksyon?
a. Ito ay ang paglikha ng mga kalakal gamit ang pinagsama-samang salik nito.
b. Ang produksyon ay isang irreversible na proseso
c. Ang produksyon ang tumutugon sa ating mga pangangailangan.
d. Ang proseso ng produksyon ay matutuloy pa rin kahit wala ang isa sa salik nito.
49.Tumutukoy ito sa bagay o karanasan na nagiging pagganyak upang tangkilikin ang
isang kalakal o paglilingkod.
a. Marginal thinking
b. Trade-off
c. Incentives
d. Opportunity cost
50.Ang kakapusan ay umiiral sapagkat ___________________.
a. Nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang sa supply ng isang produkto.
b. Limitado ang pinagkukunang yaman at walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
c. Walang katapusan ang pinanggagalingan ng pinagkukunang yaman.
d. Wala sa nabanggit.
Prepared:

RONALD C. BAUTISTA CRISTOPHER C. SALINAS CLIFFORD B. PENALBA


Master Teacher I Teacher III Teacher II

Contents Checked:

RONALD C. BAUTISTA ARBEL A. BAYOT


Master Teacher I/O.I.C. A.P. Department Principal II

Contents Noted:

Dr. Crisaldo A. Belas


Public Schools District Supervisor

Contents Checked/Verified:

Alejo S. Filio Jr.


EPS – Araling Panlipunan
TEST KEY:

1. C
2. B
3. B
4. D
5. C
6. B
7. A
8. C
9. B
10.C
11.D
12.D
13.C
14.A
15.D
16.B
17.C
18.D
19.C
20.C
21.A
22.C
23.D
24.B
25.A
26.B
27.D
28.A
29.C
30.A
31.C
32.A
33.D
34.A
35.D
36.B
37.B
38.A
39.B
40.A
41.B
42.C
43.B
44.B
45.A
46.B
47.D
48.D
49.C
50.B

You might also like