You are on page 1of 5

WebQuest Template

Pagtatayo ng Negosyo,
Paano nga aba?

A WebQuest for Grade 9 (Ekonomiks)

Designed by

Cristopher C. Salinas
cristopher.salinas@deped.gov.ph

Panimula

Mapagpalang araw sa inyo! Sa pagtatapos ng ating aralin tungkol sa ‘Mga Organisasyon ng


Negosyo kung saan ay natalakay natin ang iba’t ibang uri ng negosyo ay dadako tayo sa
isang Gawain kung saan inyong magagamit ang inyong kakayahan sap ag-iimbestiga at
pagsasaliksik.

Isa sa inyong Kamag-anak o kaibigan ay magtatayo ng negosyo at humingi siya ng tulong


sa inyo kung ano ang mga kailangang papeles o permit ang kailangan upang makapagtayo
siya ng negosyo. Bukod sa mga kinakailangang papel, naghahanap din sya ng mga
impormasyon kung paano magsimula at mapanatili ang kanyang itatayong negosyo.

Dahil dito, kayo ay inaatasan na mag-imbestiga kung anu – ano ang mga kinakailangan sa
pagtatayo ng isang negosyo. Ang mga impormasyon na inyong makakalap ay
makakatulong upang makapagsimula ng negosyo ang inyong kamag-anak o kaibigan at
magabayan sya sa tamang pagpapatakbo ng negosyo.

Handa ka na ba kayo sa gawaing ito?

Gawain
Ang inyong grupo ay magsasaliksik kung anu-ano ang mga kinakailangan sa pagtatayo ng
isang negosyo.

Gawain # 1
Magsaliksik at mag - imbestiga tungkol sa mga papeles at permit na kinakailangan sa
pagtatayo ng isang negosyo. Ibuod ang inyong mga nasaliksik at isulat (typewritten) sa papel.
Gabay na tanong:

1.Anu – ano ang mga papeles na kinakailangan sa pagtatayo ng negosyo

2. Isa-isahin ang pagkakasunod sunod ng mga hakbang sa pagkuha ng mga papeles at permit.

Gawain # 2

Magsaliksik sa mga gabay kung paano magsimula at magtagumpay sa pagtatayo ng isang


negosyo. Gumawa ng isang presentasyon (powerpoint) tungkol sa mga nakalap na
impormasyon.

Gabay na tanong:

1. Paano magsimula ng negosyo? Paano ako magsisimula at magpaplano?


2. Anu-ano ang mga dapat kong tandaan sa pagtatayo ng negosyo?
3. Paano magtatagumpay ang aking negosyo?

Proseso

Ang inyong grupo ay binubuo ng limang miyembro , ang pagbuo ng grupo ay nakabatay sa
inyong guro. (assigned group members). Bawat miyembro ay mayrong nakaatang na
gawain na gagawin. Ito ay ang mga sumusunod.

Group Leader – Siya ang mag – oorganisa at mamamahala sa kabuuang Gawain ng mga
grupo. Responsibilidad niya na masigurado na ang lahat ng responsibilidad ng mga
miyembro ay nagagawa at magawa ito sa takdang oras. Siya rin ang magsasagawa ng
presentasyon na ginawa ng grupo at ibabahagi ito sa klase.

Tagasaliksik/researcher – Siya ang naatasan ng maghanap ng mga impormasyon na


makikita sa Web/internent. Responsibilidad niya na kausapin ang group leader tungkol sa
impormasyon na kanyang mahagilap. Dalawang miyembro ng grupo ang dapat na maging
tagapagsaliksik upang mabilis na makahanap ng mga impormasyon.

Tagapagsulat ng impormasyon – siya ang naatasan na isulat at ibuod ang mga


impormasyon na nakuha ng mga tagapagsaliksik.

Presentation Designer – ang kanyang responsibilidad ay gumawa ng isang presentasyon


(powerpoint) kung saan maipapakita ang lahat ng mga nasaliksik na impormasyon. Siya ay
dapat na makipag ugnayan sa tagapagsulat ng impormasyon at researcher upang maging
masiguro na tama ang nakalagay sa presentasyon.
Time frame:

Session Gawain / Activity Output


Session 1 – Unang Araw  Pagpupulong ng  Pangalan ng Grupo
grupo  Listahan ng kasapi
 Pagbibigay ng ng grupo at takdang
responsibilidad at Gawain ng bawat isa
Gawain ng bawat
miyembro
 Panimulang
pagsasaliksik at pag
-imbestiga
Session 2 – Ikalawang Araw  Pagpapatuloy ng  Pagsusumite ng
pagsasaliksik draft ng
 Pagbubuod at imbestigasyon
sintesis (printed)
 Paggawa ng
presentasyon
Session 3 – Ikatlong araw  Pagpapasa ng  Oral Presentation
presentasyon
 Pag-uulat at
presentasyon ng
bawat pangkat

 Ang gawaing ito ay gagawin ng tatlong araw, sa ikatlong araw ng sesyon ang
presentasyon ng mga datos na inyong nakalap.
 Ang Gawain 1 at Gawain 2 ay pagsasamahin at ibubuod sa isang presentasyon
(powerpoint). Ang powerpoint presentation ay naglalaman ng hindi lalagpas sa 10
slides.
 Sa paghahanap ng datos at impormasyon , maaaring gamitin ang mga web
resources na nasa ibaba. Ngunit maaari ding magsaliksik sa iba pang website kung
kinakailangan.
 Ang aktibidad ay ating gagawin sa Computer laboratory. Kung ang oras ay hindi
sapat para tapusin ang gawain ay maaari ding gumawa sa labas (home work).

Resources

Ang mga sumusunod na website ay makakatulong sa inyong pagkalap ng datos. Maaari din
kayong maghanap sa iba pang website kung kinakailangan.

https://www.buhayofw.com/financial-advice/business-investments/gabay-sa-pag-register-ng-
iyong-business-sa-pilipinas-unang-bahagi-51f7ae4f68601#.XoqX3YgzZPZ

https://attorneytotoy.blogspot.com/2018/12/mga-legal-requirements-na-dapat-mong.html
https://hoshilandia.com/2017/01/business-101-mayors-permit-o-city-business-permit-for-
new-small-business/

https://moneywise.com.ph/gabay-ni-juan-sa-pagtatayo-ng-negosyo/

https://www.palawanpawnshop.com/bagong-negosyante-budgeting-101

https://www.pinoybisnes.com/starting-a-business/registering-your-business/

https://www.youtube.com/watch?v=pZaQPzz68yg

https://www.youtube.com/watch?v=zJu4hZXtXNw

Ebalwasyon

Ang Rubrik sa ibaba ang batayan sa pagbibgay ng marka sa inyong output.

Criteria 5 4 3 2 Score
May mga datos
Nilalaman (mga Angkop ang Angkop ang at impormasyon Kulang ang
Impormasyon mga datos at mga datos at na saliksik pati datos at
at Datos) impormasyon impormasyon na rin ang mga impormasyon
na nakalap. ngunit hindi hakbang subalit at hindi
Kumpleto ang kumpleto ang mayroong nakapagsaliksi
mga hakbang mga hakbang kulang sa mga k tungkol sa
na nasaliksik na nasaliksik nasaliksik na mga hakbang
impormasyon
Nakapagpakita
Pagkamalikhain ng orihinal na Nakapagpakit
gawa. Ang a ng orihinal
presentasyon na gawa . Ang Orihinal ang
ng mga slide ay presentasyon pagkakalikha Nakapagpakita
maayos at ng mga slide subalit kulang at ng
kaaya – ayang ay maayos na hindi nakasunod pagkamalikhai
tingnan naipakita. sa n. Kulang ang
.Maganda ang Kumpleto ang kinakailangang mga slide.
pagkakadiseny dami ng slide. dami ng slide.
o
Ang mga slide
ay kumpleto
Nakapagpakit Maayos ang Ang mga
Nakapagpakita
Pagbubuod at a ng pag- pagkakabuod impormasyon
ng Pag-unawa
Sintesis unawa sa ngunit ay kinopya
sa
paksa sa kinakailangan lamang mula
pagsasaliksik pamamagitan pang pagbutihin sa mga
ng paksa. ng maayos na ang paggamit sa nasaliksik na
Naibuod ng pagbubuod at mga salita at paksa.
maayos ang sintesis pangungusap..
mga Nagpakita ng
impormasyon kaayusan sa
Mahusay ang mga salita at
mga salitang pangungusap
ginamit sa na ginamit
pagbuo ng
presentasyon
Presentasyon Maayos ang
Mahusay ang
pag-uulat at
pag-ulat. Hindi gaanong
Naintindihan
Madaling malinaw ang
ang Malabo ang
maintindihan pagpapaliwanag.
presentasyon. pag-uulat.
ang Nagpakita ng
Nagpakita ng Hindi nagpakita
presentasyon kaunting
ilang ng kaalaman
Nagpakita ng kaalaman sa
kaalaman sa sa paksa
kaalaman sa paksang
paksang
paksang sinaliksik
sinaliksik
sinaliksik

Konklusyon

Pagkatapos ng gawaing ito, kayo ay inaasahang magkakaroon ng ideya at kaalaman kung


ano ang mga proseso sa pagtatayo ng isang negosyo, anu ano ang mga papel at permit na
kinakailangan at magkaroon ng ideya kung paano magsismula ng negosyo. Ang gawaing ito
ay makakatulong hindi lang para sa inyong sariling kaalaman bagkus ay maibahagi din ang
mga natutunan sa inyong mga kapamilya , kama-anak at kaibigan at sa inyong komunidad.
Ang pagkakaroon ng negosyo ay isang gawaing pang-ekonomiya na makakatulong sa
pamilya at pati na rin sa ating bansa.

(4/6/2020)

You might also like