You are on page 1of 6

9

Araling Panlipunan
EKONOMIKS
Unang Pamanahunang Pagsusulit

1
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat at Tagalapat: JUNROY Z. VOLANTE


Teacher II (Camarines Sur National High School)
Tagasuri: CYNTHIA T. SONEJA
Education Program Supervisor, SDO Catanduanes
Editor/Tagasuri: JARME D. TAUMATORGO
Education Program Supervisor, SDO Naga City

2
UNANG PAMANAHUNANG PAGSUSULIT
Araling Panlipunan 9 (Ekonomiks)
S/Y 2020-2021

Pangalan: ___________________________ Seksyon: ____________ Petsa: ______


Iskor
GOOD LUCK!
I. REMEMBERING (1-13)
1. Ang Ekonomiks ay isang agham panlipunan na nag-aaral sa wastong paggamit ng limitadong yaman
upang tugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Hinango ito sa
salitang Griyego na “oikonomia” na nangangahulugang
a. Pamamahala ng negosyo c. Pamamahala ng bansa
b. Pamamahala ng tahanan d. Pamamahala ng Yaman
2. Tumutukoy sa halaga ng bagay o nang “best alternative” na pangunahing nararapat na isaalang-
alang sa paggawa ng anumang desisyon.
a. Trade off b. Marginal Thinking c. Opportunity Cost d. Incentives
3. Ang kakapusan o scarcity sa mga pinagkukunang yaman ay suliranin hindi lang ng mahihirap
kundi maging ng mauunlad na bansa. Ano ang dahilan at nagkakaroon ng kakapusan?
a. Dahil sa mapang-abusong paggamit ng tao sa mga pinagkukunang yaman
b. Dahil sa mga natural na kalamidad tulad ng bagyo na pumipinsala sa mga pinagkukunang
yaman
c. Dahil limitado ang pinagkukunang yaman at walang katapusan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao
d. Dahil sa mga mapagsamantalang negosyante na minamanipula ang supply upang tumaas ang
presyo ng mga yamang ito
4. Tumutukoy sa mekanismo ng pamamahagi ng pin`agkukunang-yaman, produkto at serbisyo upang
maayos na maipamahagi at magamit ang lahat ng pinagkukunang yaman ng bansa.
a. Alokasyon b. Produksiyon c. Pagkonsumo d. Distribusyon
5. Sa ilalim ng Command Economy, ang pagpapasya kung ano, paano, para kanino at gaano
karaming produkto ang dapat likhain ay nakasalalay sa kamay ng;
a. Konsyumer b. Prodyuser c. Pamilihan d. Pamahalaan
6. Sistemang pang-ekonomiya na nagtataglay ng mekanismo ng malayang pamilihan kung saan ang
interaksiyon ng konsyumer at prodyuser ay dinidiktahan ng puwersa ng pamilihan tulad ng presyo.
a. Traditional Economy b. Market Economy c. Command Economy d. Mixed Economy
7. Ang Produksiyon ay isang gawaing pang-ekonomiya na dapat bigyang-pansin ng pamahalaan. Ito
ay may kinalaman sa
a. Paggamit ng mga produkto at serbisyo c. Paglinang ng likas na yaman
b. Paglikha ng mga produkto at serbisyo d. Pamamahagi ng pinagkukunang-yaman
8. Ang bawat salik ng produksiyon ay mahalaga sa paglikha ng mga produkto at serbisyo. Ang bawat
salik kapag ginamit ay may kabayaran tulad ng
a. Upa sa kapital, sahod sa paggawa, tubo sa entrepreneur at interes sa lupa
b. Upas a lupa, sahod sa paggawa, interes sa kapital at tubo sa entrepreneur
c. Sahod sa entrepreneur, upa sa paggawa, interes sa kapital at tubo sa entrepreneur
d. Tubo sa lupa, sahod sa paggawa, upa sa kapitalista at interes sa entrepreneur
9. Alin sa mga salik ng produksiyon ang kinakailangang matiyak ang produktibong paggamit dahil sa
katangian nitong fixed o takda ang bilang?
a. Lupa b. Paggawa c. Kapital d. Entrepreneurship
10. Gawain na may kaugnayan sa pagbili at paggamit ng produkto na magbibigay ng kapakinabangan
bilang tugon sa pangangailangan at kagustuhan ng isang tao.
a. Produksiyon b. Pagkonsumo c. Distribusyon d. Alokasyon
11. Alin sa mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo ang impluwensiya ng mga anunsiyo sa radyo,
telebisyon pahayagan, internet at iba pang social media?
a. Pagbabago ng presyo b. Demonstration Effect c. Mga Inaasahan d. Pagkakautang

3
12. Alin sa mga sumusunod na salik ang may direktang ugnayan sa pagkonsumo? Ibig sabihin, ang
pagtaas ng salik na ito ay magdudulot rin ng pagtaas sa pagkonsumo ng isang tao.
a. Inaasahan b. Kita c. Presyo d. Pagkakautang
13. Bilang mamimili, karapatan mong pumili ng produktong nais mong bilhin na magbibigay saiyo ng
kasiyahan at satispaksyon, kaakibat ng karapatang ito ang iyong pananagutan na:
a. Utangin ang produkto c. Bayaran ang produktong pinili
b. Tawaran ng husto ang produkto d. Linlangin ang taong binilhan ng produkto

II. UNDERSTANDING (14-21)


14. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang patotoo sa kasabihang “Lahat tayo ay Ekonomista”?
a. Ang pagiging ekonomista ay likas sa ating lahat
b. Lahat tayo ay nahaharap at gumagawa ng desisyon kaugnay ng suliranin sa kakapusan
c. Ang Ekonomiks ay praktikal na aralin kaya’t di na kailangang pumasok sa eskwela para
matuto nito.
d. Lahat tayo ay nagtataglay ng talino at kakayahan ng isang ekonomista
15. Ayon kay Jadrian Wooten, isang sikat na ekonomista sa Amerika, hindi maaaring matawag na
lubos na mamamayan ng isang bansa ang isang tao kung hindi ito marunong sa Ekonomiks. Ano
ang ibig sabihin nito?
a. Magiging ganap lamang ang pagkamamamayan kung ikaw ay nakapagtapos ng pag-aaral
b. Magiging bahagi ka ng pag-unlad at pagsulong ng bansa kung ikaw ay marunong sa
ekonomiks
c. Pangunahing katangian ng isang ganap na mamamayan ang pagiging magaling na
ekonomista
d. Walang silbi sa lipunan ang taong hindi marunong sa ekonomiks
16. Ang kakapusan ay maaaring magdulot ng iba’t-ibang suliraning panlipunan. Alin sa mga
sumusunod ang HINDI nagpapahiwatig ng suliraning ito?
a. Maaari itong magdulot ng kaguluhan sa mga taong nakakaranas nito.
b. Sa pagtaas ng presyo ng bilihin, nababawasan ang kakayahang bumili ng mga mamimili ng
mga produkto
c. Pag-init ng klima na nagdudulot ng mas malalakas na bagyo at mahabang panahon ng El Nino
at La Nina
d. Tinatago ng ilang negosyante ang supply ng mga produkto upang tumaas ang presyo nito.
17. “Bumili ang magsasaka ng baka, ginatasan niya ito saka ipinagbili ang gatas. Mula sa tinubo,
Magbabayad siya ng buwis sa pamahalaan.” Anong sistemang pang-ekonomiya ang angkop na
naglalarawan sa kuwento sa itaas?
a. Market Economy b. Traditional Economy c. Command Economy d. Mixed Economy
18. “Sa 3.767 Trilyong pisong budget ng pamahalaan noong nakaraang taon, pinakamalaking pondo
ang napunta sa Department of Education sa halagang P691 Bilyon. Sumunod ang Deparment of
Public Works and Highways (P643 bilyon), Department of Interior and Local Government (P172
bilyon), Department of Health (P164 bilyon) at panglima sa may pinkamalaking pondo ang ay
Department of National Defense (P145 bilyon)”. Sa anong mahalagang konsepto may
kaugnayan ang nasabing pahayag?
a. Produksiyon b. Alokasyon c. Pagkonsumo d. Organisasyon ng negosyo
19. Ano ang ipinapahiwatig ng ilustrasyon sa ibaba tungkol sa produksiyon?
a. Ang produksiyon ay isang proseso ng pagsasama-sama ng output tulad ng produkto at
serbisyo upang mabuo ang input.
b. Ang produksiyon ay ang proseso ng pagsasama-sama ng mga input tulad ng lupa, lakas-
paggawa, kapital at entrepreneur upang makabuo ng produkto at serbisyo.
c. Magaganap lamang ang produksiyon kung kompleto ang mga salik na gagamitin dito.
d. Magiging mas produktibo ang produksiyon kung mas marami ang lakas-paggawa kaysa sa
mga makinarya
INPUT PROSESO OUTPUT
Pagsasama-sama ng Kalakal o serbisyo
 Lupa pangkunsumo; kalakal o
materyales,
 Paggawa serbisyo na gamit sa
paggawa, kapital at
 Kapital entrepreneurship paglikha ng iba’t-ibang
 Entrepreneurship produkto

4
20. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapahayag ng kahalagahan ng produksiyon sa pang-
araw-araw na pamumuhay?
a. Ang produksiyon ang pinagmumulan ng mga produktong kailangang ikonsumo sa araw-araw
b. Ang produksiyon ay lumilikha ng trabaho
c. Ang pagkonsumo ang nagbibigay-daan sa produksiyon ng produkto at serbisyo, kaya dahil
dito masasabing mas mahalaga ang produksiyon kaysa pagkonsumo
d. Ang mga kinita mula sa bawat salik ng produksiyon ay nagagamit ng sambahayan sa pagbili
ng produkto at serbisyo
21. Sa papaanong paraan mo maitataguyod ang karapatan sa tamang impromasyon?
a. Pag-aralan ang nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami at komposisyon ng produkto.
b. Palaging pumunta sa timabangan ng bayan upang matiyak na husto ang biniling produkto
c. Pahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto at serbisyong bibilhin
d. Palagiang gumamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang kapaligiran.

III. APPLICATION (31-35)


22. Ang isang matalinong ekonomista ay
a. Gumagamit ng credit card sa iyong pamimili at lagging inaabangan ang pagkakaroon ng sale
b. Segunda mano ang binibili upang makamura at makatipid sa pamimili na pasok sa badyet
c. Sumusunod sa badyet at sinusuri ang presyo, sangkap at timbang ng produktong binibili
d. Bumibili nang labis sa pangangailangan upang matiyak na hindi mauubusan sa pamilihan
23. Kung ikaw ay kabilang sa sistemang Command Economy, alin sa sumusunod ang HINDI
nagpapakita ng gampanin ng kasapi ng sistemang ito?
a. Ang iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula s autos ng pamahalaan
b. Malaya kang kumikilos ayon sa sariling interes nang walang pakikialam ng pamahalaan.
c. Sama-samang isinasagawa ang mga gawain at pakinabang sa pinagkukunang-yaman.
d. Walang boses ang mamamayan dahil ang pagpapasya sa mga gawaing pang-ekonomiya ay
sentralisado
24. Sino sa mga sumusunod ang nagtataglay ng katangian ng isang huwarang entrepreneur?
a. Si John na isinangla ang lahat ng ari-arian upang makapagtayo ng isang restaurant.
b. Si Edmund na matalas na pinakikiramdaman ang gusto ng tao upang makapagbigay ng bago
at naiiba sa kanyang mga kostumer
c. Si Rhea na ginaya ang mga produktong ibinebenta ng katabing kainan para maka-engganyo
ng kostumer
d. Si Malou na hindi iniintindi ang kalidad ng kanyang produkto kumita lamang nang Malaki
25. “Habang pauwi ng bahay sakay ng kanyang kotse, narinig ni Rhea sa radyo na magkakaroon ng
pagtaas ng presyo ang lahat ng produktong petrolyo simula bukas. Dahil dito dumaan muna siya
sa gasolinahan at nagpa-full tank ng kanyang kotse”. Anong salik ang nakaapekto sa
pagkonsumo ni Rhea?
a. Presyo b. Kita c. Inaasahan d. Pagkakautang
26. Ang “No return, No exchange policy” ng ilang establisyemento ay itinuturing na labag sa batas.
Anong karapatan ng mamimili ang nilalabag nito?
a. Karapatan sa kaligtasan
b. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
c. Karapatan sa isang malinis na kapaligiran
d. Karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan

IV. ANALYSIS (27-31)


27. Bakit higit na maraming bansa ang tumatangkilik sa Mixed Economy kaysa ibang sistemang
pang-ekonomiya sa mundo?
a. Dahil ito na ang nakasanayan na sistemang pang-ekonomiya noon pang unang panahon.
b. Higit na epektibo ito kaysa ibang sistemang pang-ekonomiya
c. Akma ang mekanismo nito sa mga adhikain ng isang demokratikong pamahalaan.
d. Malaya ang sinuman na magnegosyo ng walang anumang panghihimasok mula sa
pamahalaan
28. Sa ilalim ng sistemang Market Economy, kusang tatakbo ang pamilihan o ekonomiya ng isang
bansa kahit walang panghihimasok mula sa pamahalaan. Ito ay dahil sa ‘invisible hand’ na siyang
gumagabay sa kilos ng prodyuser at konsyumer. Ano ang ‘invisible hand’ na ito?
a. Presyo b. Batas c. Monopolyo d. Kumpetisyon

5
29. Maliban sa pagkain, ang kamoteng kahoy ay mahalagang sangkap sa ilang produkto tulad ng
tela, beer, softdrinks, petroleum, alcohol at pharmaceutical products. Alin sa mga salik ng
produksiyon ang may pinakamahalagang papel sa pagbabagong anyo ng kamoteng kahoy sa
iba’t-ibang produkto?
a. Lupa b. Paggawa c. Kapital d. Entrepreneur
30. Ngayong taon nakatakdang ipatupad ang ikalawang bugso ng Sin Tax Law o ang pagpapataw ng
dagdag na buwis sa mga produktong alak at sigarilyo. Paano maaapektuhan ang pagkonsumo ng
mga Pilipino sa dalawang produktong ito?
a. Bababa ang pagkonsumo ng mga Pinoy dahil sa inaasahang pagtaas ng presyo nito
b. Tataas ang pagkonsumo ng mga Pinoy dahil sa mas pinaigting na marketing strategy ng mga
kumpanya
c. Bababa ang pagkonsumo ng mga Pinoy dahil sa nakakatakot na picture warning sa pakete ng
sigarilyo
d. Wala itong epekto sa pagkonsumo dahil likas sa maraming pinoy ang paninigarilyo at pag-
inom ng alak
31. “Naglalaan ng mahabang oras si Marife kapag naggo-grocery. Maliban kasi sa istriktong
pagsunod niya sa listahan ng mga dapat bilhin, sinusuri at binabalanse niya ang kalidad at presyo
ng isang produkto. Hindi niya pinalalampas tingnan ang expiry date at pinipili niya ang brand ng
de-lata na nasa ibaba ng mga estante. Less advertised kasi ito kaya’t higit na mababa ang
presyo”. Anong pananagutan ng isang mamimili ang ipinakitang halimbawa sa atin ni Marife?
a. Pagmamalasakit na panlipunan c. Kamalayan sa kapaligiran
b. Mapanuring kamalayan d. Pagkilos

V. EVALUATING (32-33)
32. Sino sa mga sumusunod ang maituturing na halimbawa ng isang “matalinong ekonomista”?
a. Si Sarah na gumagamit ng credit card sa pamimili at inaabangan ang pagkakaroon ng sale
b. Si Marco na segunda mano ang binibili upang makamura at makatipid sa pamimili
c. Si Jessa na sumusunod sa badyet at sinusuri ang presyo, sangkap at timbang ng produktong
binibili
d. Si John na bumibili nang labis sa pangangailangan upang matiyak na hindi mauubusan sa
pamilihan
33. Inutusan ka ng Nanay mo na mamalengke. Paano mo maipapakita sa isang simpleng
pamamaraan ang pagiging mapanagutang mamimili?
a. Isuplong ang mga tindahang mataas ang presyo kaysa Suggested Retail Price ng DTI
b. Makipagdebate sa mga mapagsamantalang negosyante hinggil sa karapatan ng mamimili
c. Ikumpara ang presyo ng lahat ng tindahan upang makamura
d. Magdala ng eco-bag o used plastic bag upang hindi na makadagdag sa problema sa basura

VI. CREATING (34-35)


Ibigay ang punong ideya o main concept na tinutukoy sa bawat chart.

Market
Pangangailanga Economy
n
Traditional
Mekanismo Economy
Resources Kagustuhan

48 49
Mixed
Pagkonsumo Alokasyon Resources Economy

Produksiyon Sistemang Pang- Command


ekonomiya Economy

You might also like