You are on page 1of 11

9

Araling Panlipunan
EKONOMIKS
Unang Markahan-Modyul 2:
Ang Matalinong Ekonomista: Mga Salik sa
Paggawa ng Matalinong Desisyon

1
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat at Tagalapat: JUNROY Z. VOLANTE


Teacher II (Camarines Sur National High School)
Tagasuri: CYNTHIA T. SONEJA
Education Program Supervisor, SDO Catanduanes
Editor/Tagasuri: JARME D. TAUMATORGO
Education Program Supervisor, SDO Naga City

2
TALAAN NG NILALAMAN

MODYUL 2 : Ang Matalinong Ekonomista: Mga Salik sa


Paggawa ng Matalinong Desisyon
Aralin 1.2 Ang Matalinong Ekonomista: Mga Salik sa
Paggawa ng Matalinong Desisyon
Panimula ………………………………………………………….. 4
Mga Tiyak na layunin ……………………………………………. 5
Talahulugan ……………………………………………………… 5
Mga Gawain sa Pagkatuto ……………………………………… 5
Pagsasanay 1 ……………………………………………………. 6
Pagsasanay 2 ……………………………………………………. 7
Pagsasanay 3 ……………………………………………………. 9
Pangwakas na Pagsubok ………………………………………. 10
Karagdagang Gawain …………………………………………… 10

Sanggunian ………………………………………………………. 11

3
Aralin Quarter 1: Week 1

1.2 Ang Matalinong Ekonomista:


Mga Salik sa Paggawa ng Matalinong Desisyon

Panimula

Huling araw na ng pag-submit ng inyong proyekto sa Math kinabukasan pero


wala pa kayong nasisimulan ng iyong grupo, bagama’t nung isang buwan pa ito
binigay ng inyong guro. Dahil dito, napagpasyahan ninyong mag-absent sa klase
buong araw para gawin ang proyekto sa Math.

Relate na relate ka diba? Pero ang tanong, tama ba ang ganitong desisyon? Matalinong
desisyon ba na maituturing ang pagliban sa klase para gumawa ng proyekto sa isang subject?
Para malaman ito, subukan mong timbangin ang maaaring makuha o mawala sa gagawing
desisyon.

Maaari kong makuha kapag Maaaring mawala kapag


ginawa ko ang proyekto lumiban ako sa klase
sa Math
Ano ang maaaring
makuha o mawala
sa gagawin kong
desisyon?

Malinaw na hindi ‘wise decision’ na isakripisyon ang 7 subjects alang-alang sa iisa.


Paano kung nagbigay ng mga summative test o kaya’y performance task nung araw na kayo’y
lumiban? Idagdag pa yung mami-miss ninyong mga lessons, tiyak higit na malaki ang
mawawala sainyo kapag itinuloy ang inyong desisyon. Kung ganun, ano ang solusyon?
Mapagkumbabang aminin sainyong guro ang pagkukulang at humingi ng dagdag na palugit
sa pagsusumite ng proyekto. Baguhin ang nakagawiang mañana habit o ang pagpapaliban
ng mga gawain upang hindi na malagay sa kaparehong sitwasyon. Kung maaari namang
gawin ngayon, bakit ipagpapabukas pa.
Dahil ang Ekonomiks ay tumutukoy sa wastong pagtugon sa suliranin ng kakapusan,
mahalagang kasanayan ang maaari nating malinang mula sa pag-aaral nito. Ito ay ang
paggawa ng matalinong desisyon. Sa modyul na ito, ating pag-aaralan ang mga salik na dapat
isaalang-alang sa paggawa ng matalinong desisyon.

4
Kasanayan sa pagkatuto
at Tiyak na layunin

Narito ang mga kasanayan na inaasahang malilinang sayo kapag iyong isinapuso
ang pagsagot sa mga gawaing nakapaloob sa modyul na ito.
Kasanayan sa Pagkatuto: Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-
araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan (AP9MKE-Ia-2)
Mga Tiyak na layunin:
1. Nabigyang kahulugan o paglalarawan ang matalinong desisyon,
2. Nasuri ang mga konsepto sa ekonomiks na may kaugnayan sa matalinong
pagdedesisyon; at
3. Nailapat ang mga salik sa paggawa ng matalinong desisyon sa mahahalagang isyung
panlipunan sa kasalukuyan.

Talahulugan

Basahin at unawain ang ilan sa mga salita o konseptong ating ginamit sa pagtalakay
ng paksa. Ang iyong pagkaunawa sa mga konseptong ito ay mahalaga sa pagkamit
ng ating mga layunin sa pagtalakay.

 Trade-off - Ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang


bagay. Halimbawa, may bakante kang oras, mag-aaral ka ba o maglalaro?
 Opportunity cost - Tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na
handing ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. Kapag pinili mo ang
paglalaro kaysa pag-aaral isinasakripisyo mo ang halaga ng pag-aaral na
maaari mo sanang makuha kung ito ang pinili mo.
 Marginal thinking - Ang pag-sasaalang-alang sa karagdagang benepisyo o
halaga na maaaring makuha sa gagawing desisyon. Kung pag-aaral ang pinili
mo kaysa paglalaro, hindi lang mataas na grade ang maaari mong makuha,
maaari rin na madagdagan ang allowance mo o kaya’y ibili ka ng magulang mo
ng gadget na matagal mo ng nilalambing sa kanila. Sa ekonomiks, ang ibig
sabihin ng ‘marginal’ ay dagdag.
 Incentives - Ang premyo o reward na kakabit ng gagawing desisyon.
Halimbawa, sinabihan ka ng magulang mo na ibibili ka ng mountain bike kapag
napasama ka sa Top 10 sa klase. Ang mountain bike, ay maaaring
makaganyak sayo na piliing mag-aral kaysa maglaro.

Mga Gawain sa
Pagkatuto
Batay sa ginawa nating pagsusuri sa paunang gawain sa itaas, paano mo bibigyang
kahulugan o ilalarawan ang isang MATALINONG DESISYON? Kumpletuhin ang
pangungusap sa kabilang pahina.

5
Matalino ang isang desisyon kapag_____________________

Sa ekonomiks, maituturing na matalino ang isang desisyon kapag isinaalang-


alang ang 4 na pangunahing salik: Trade-off, Opportunity cost, Marginal
thinking at Incentives. Tandaan mo lang ang acronym na TOMI para madali
mong maalala ang mga ito.

Opportunity Marginal
Cost Thinking

Matalinong desisyon

Pagsasanay 1

Muling basahin at unawain ang kahulugan ng apat na salik sa paggawa ng


matalinong desisyon sa talahulugan. Subukan natin ang iyong pagkaunawa sa
pamamagitan ng paglalapat sa mga ito.

Sitwasyon:
Ipagpalagay na ikaw ay pinuno ng isang bansang may malawak na lupaing
mainam sa pagtatanim. Ano ang ipag-uutos mong itanim, prutas at gulay na
isang food crops o tabako na isang cash crop na mahal maibebenta?

vs

Pinagkunan: https://tinyurl.com/yal85555 Pinagkunan: https://tinyurl.com/yyaf7g4k


Food Crops tulad ng gulay at prutas? Tabako na isang cash crop na mahal maibebenta?

6
Sa paggawa ng desisyon, mahalagang isaalang-alang ang Opportunity Cost o
ang halaga na maaaring mawala sayo.

Ano ba ang Ano ba ang


mawawala sa akin mawawala sa akin
pag pinili ko ang pag pinili ko ang
food crops? tabako?

OPPORTUNITY COST

Kung merong internet connection, subukang buksan ang mga link sa ibaba upang higit
kang magabayan sa gagawin mong desisyon. Kung wala naman, sapat na ang iyong sariling
hinuha o pagtataya

 https://www.unicef.org/mdg/poverty.html
 https://tinyurl.com/yym94slc

Matapos ang iyong ginawang pagsusuri at pagtimbang, ano ngayon ang pinal mong
desisyon? Food crops o Tabacco? Pangatwiranan.

Ang aking desisyon ay ____________________________


____________________ dahil ______________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________

Pagsasanay 2

Kung Tabacco ang napili mo, ang Opportunity Cost o ang halaga na maaari
mo sanang makuha sa pagtatanim ng Food Crops ay:

…at makakatulong Katumbas ito ng:


Food crops ka na mabawasan
revenue ang bilang ng 16 bata/minuto
namamatay na bata 1000/oras
$ 206 sa mundo dahil sa 24000/araw
Billion gutom 8million/taon
Worldwide
Pinagkunan: https://www.unicef.org/mdg/poverty.html, https://tinyurl.com/yym94slc

7
Kung Food crops naman ang napili mo, ang Opportunity Cost na maaari
mo sanang makuha ay ang halaga ng pagtatanim ng tabako:

…pero kapalit Katumbas ito ng:


naman nito ang
pagkasawi ng 10 tao/minuto
maraming buhay 600/oras
dulot ng 14400/araw
paninigarilyo
5256000/taon
Pinagkunan: https://www.unicef.org/mdg/poverty.html, https://tinyurl.com/yym94slc

Kung susuriin ang mga datos sa itaas, napakalaki ng opportunity cost o yung
halaga ng pagkain na mawawala sayo kapag pinili mo ang tabako. Sa dami ng
mga taong nakararanas ng gutom sa buong mundo, malinaw na isang
pag-aaksaya ng likas na yaman ang pagtatanim ng tabako. Bagama’t malaking
buwis ang naiaambag nito sa isang ekonomiya, hindi naman ito nakatutulong
upang masolusyunan ang problema sa kagutuman at nagiging sanhi pa ng kamatayan ng
maraming tao sa buong mundo.

Hindi natin alam, pero bahagi ng pang-araw-araw nating pamumuhay


ang apat na salik na ito. Hindi ba, araw-araw meron tayong mga bagay
na isinasakripisyo dahil limitado ang resources na meron tayo. Kapag
pinili mo bananaque kaysa burger, Trade off ang tawag dun! At
madalas, kapag bumibili tayo halimbawa sa kantin, gusto natin palagi ng
dagdag. Kaya nga suki ka ng siomai sa kanto na 3 for 10 pesos kaysa
sa ibang nagtitinda na limang piso ang bawat piraso. Marginal thinking
naman ang tawag dun! Kapag ipinang-DOTA mo naman yung baon mo,
ang opportunity cost nun malamang yung pamasahe o yung pang-
ulam mo sana. At higit sa lahat, ayaw na ayaw mong sumali sa mga
contest sa school, pero dahil sabi ni Mam may plus 5, kaya ikaw na
mismo ang nagvolunteer. Incentive naman ang tawag dun!

Subukan natin kung talagang naunawaan mo na. Sagutin ang gawain sa ibaba.

Matching type: Suriin kung anong salik sa paggawa ng matalinong desisyon ang tinutukoy
ng bawat pangungusap. Gumuhit ng linya na angkop na magdurugtong sa aytem A at B.
A B

Maraming bansa sa Aprika ang pinipiling


magtanim ng tabako kaysa mga food Trade-off
crops

Ang paggamit ng lupa sa pagtatanim ng


Opportunity
tabako ay nangangahulugan ng pagliit ng
lupa na maaari sanang gamitin sa Cost
pagtatanim ng pagkain

8
Sa pagtatanim ng food crops, hindi lang
nakatutulong na maibsan ang kagutuman Marginal
sa buong mundo, nababawasan pa nito thinking
ang mga suliraning pangkalusugan na
maaaring idulot ng tabako o paninigarilyo

Maraming bansa ang nagtatanim ng


Incentives
tabako dahil itinuturing itong cash crop o
mas malaki ang maaaring kitain.

Pagsasanay 3

Upang higit na mapalalim ang


iyong pagkaunawa sa mga
salik sa paggawa ng
matalinong desisyon,
panoorin ang maikling video
tungkol sa isang usaping pang-
ekonomiya na mainit na pinag-
usapan at pinagdebatehan ng
maraming ekonomista noong ika-18
siglo. I-click ang link na nasa ibaba ng
larawan. Kung hindi makapanood ng
video dahil mahina ang internet The Parable of the Broken Window
sainyo, subukang i-search sa Google Pinagkunan: https://youtu.be/HR2mxZX1B9w
ang pamagat para makuha ang buod
nito. Pagkatapos ay sagutin ang
hulign pagsasanay sa ibaba.

“The Parable of the Broken Window”

“Ang isang basag na bintana ay maganda para sa ekonomiya. Dahil lilikha


ito ng trabaho sa mag-aayos at dagdag na benta sa pagbibilhan ng salamin
na pampalit”. TAMA o MALI?

Pangatwiranan kung tama ba o mali ang ganitong argumento tungkol sa


basag na bintana. Iugnay ang iyong paliwanag sa natutunan hinggil sa
Opportunity Cost.
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

9
Pangwakas na
Pagsubok

Binabati kita sa ipinakitang interes sa pagsagot sa mga naunang gawain.


Kung meron pang mga konsepto o ideya mula sa ating tinalakay na hindi
mo pa lubusang nauunawaan, huwag mag-atubiling isulat ang mga ito sa
likuran nitong module bilang note saiyong guro. Mahalaga na lubos ang
iyong pagkaunawa sa mga konseptong tinalakay sa araling ito dahil
kakailanganin mo ito para sa mga susunod pang module.
Bilang panghuling gawain, sagutin ang maikling pagsubok sa ibaba:

FACT or BLUFF. I-shade ang FACT kung tama ang ipinapahiwatig ng pangungusap at
BLUFF naman kung mali.

FACT BLUFF
1. Matalino at tama ang isang desisyon kung ito’y makabubuti sa
sarili lamang
2. Sa pagpili sa pagitan ng dalawang bagay, mahalaga na isaalang
-alang ang halaga na maaaring mawala sa gagawing desisyon.
3. Ang pagsaalang-alang sa karagdagang benepisyo na maaaring
makuha ay tinatawag na marginal thinking.
4. Anumang benepisyo o pakinabang na makakaganyak sayo sa
pagbuo ng desisyon ay tinatawag na incentives.
5. Mahalagang sandata ang kaalaman sa Ekonomiks sa paggawa
ng matalinong
desiyon.

Karagdagang
Gawain

Gawin ito sa ½ na papel at isumite kasabay nitong module

 Mag-isip ng isang sitwasyon o bagay na kinakailangan mong pagdesisyunan.


Halimbawa, ang posibleng course na kukunin mo pag-kolehiyo, ang plano mong
panliligaw sa matagal mo ng crush etc. Ilahad ang iyong/inyong magiging desisyon
batay sa TOMI (Trade off, Opportunity Cost, Marginal thinking at Incentives)

Ano ang mga hindi ko


Ano ang natutunan mo sa gaanong naintindihan?
ating aralin? ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________

10
BIBLIOGRAPHY

2015. "Ekonomiks, Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral." In Ekonomiks, Araling


Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral, by Bernard R. Balitao et.al, 12-23. Pasig City:
Vibal Group Inc.
2016. Learn Liberty. November 17. Accessed June 1, 2020.
https://youtu.be/HR2mxZX1B9w.
2012. Philippine Council for Health Research and Development. June 13. Accessed June 1,
2020. http://www.pchrd.dost.gov.ph/index.php/news/2777-one-person-dies-every-six-
seconds-due-to-smoking-who.
2015. Unicef. Accessed June 1, 2020. https://sites.unicef.org/mdg/poverty.html.
Santos, Tomas U. 2012. The Varsitarian. July 6. Accessed June 4, 2020.
https://www.google.com/amp/s/varsitarian.et/filipino/20120706/isa_akong_househusb
and/amp.
Jamilla, Enrique. 2013. "Marriage and Life."
2012. GMA News. March 15. Accessed May 24, 2020.
https://m.youtube.com/watch?feature=youtu.be&v=Hib4MNAzqiQ.
https://tinyurl.com/yal85555 Date retrieved: May 18, 2020
https://tinyurl.com/yyaf7g4k Date retrieved: May 20, 2020
https://tinyurl.com/yc2g9p8j Date retrieved: May 20, 2020
https://tinyurl.com/y82rkh3e Date retrieved: May 19, 2020
https://tinyurl.com/y98f83xg Date retrieved: May 22, 2020

https://tinyurl.com/yd5xd6wr Date retrieved: May 22, 2020


https://youtu.be/Hib4MNAzqiQ Date retrieved: May 22, 2020

11

You might also like