You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division of Cabuyao
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 9

Pangalan:______________________________ Antas:________________
Petsa:________________ Guro:_________________

I. Panuto: Basahin , siyasatin, at suriin nang mabuti ang bawat aytem, piliin ang
tamang sagot sa katanungan at isulat sa sagutang papel.

1. Ang ekonomiks ay itinuturing na agham panlipunan sapagkat:


a. Ito’y paghahati ng mga limitadong pinagkukunang yaman ng lipunan.
b. Ito’y pamamahagi ng kita ng pamahalaan sa mga taong bayan.
c. Ito’y pagsasama-sama ng mga datos para pag-aralan ang bilang ng mga nandarayuhan
sa bansa.
d. Ito’y sumasaklaw sa pag-aaral ng kilos at gawi ng tao habang tinutugunan ang kanyang
mga pangangailangan.
2. Sinusuri ni Tobi ang karagdagang halaga ng isang bagay maging ito man ay gastos o
pakinabang sa gagawing desisyon. Aling salik ng matalinong pagdedesisyon ang inilalarawan?
a. Trade off c. Marginal Thinking
b. Incentives d. Opportunity Cost
3. Ito ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay na maaari sanang makamit.
a. Trade off c. Marginal Thinking
b. Incentives d. Opportunity Cost
4. Ang halaga ng bagay o nang best alternative na isinakripisyo o ipinalit sa bawat paggawa ng
desisyon.
a. Trade off c. Marginal Thinking
b. Incentives d. Opportunity Cost
5. Kung ikaw ay isang matalinong mag-aaral, paano ka dapat gumawa ng desisyon?
a. Isinasaalang-alang ang kaibigan at kapit-bahay.
b. Isinasaalang-alang ang hilig at kagustuhan.
c. Isinasaalang-alang ang magiging bunga ng desisyon.
d. Isiasaalang-alang ang itsura at porma.
6. Ngayong nasa Grade 9 na si Mergie ay lalo pa siyang ginanahang mag-aral ng mabuti upang
makakuha ng average grade na 90 pataas dahil sa pangakong mamahaling cellphone ng
kanyang mga magulang. Aling salik ng matalinong pagdedesisyon ang inilalarawan sa
sitwasyon?
a. Incentives b. Marginal thinking
c. Opportunity cost d. Trade-off
7. Buuin ang slogan `` Ang Ekonomiks ay..``
a. siyang tutugon upang kakapusan ay mabigyan ng solusyon.
b. magpapahirap sa kailangan at desisyon.
c. sagot upang lahat ay yumaman.
d. magbibigay kaalaman sa pamahalaang buhol-buhol.
8. Ang pagkakaroon ng ipad, tablet at cellphone ay itinuturing na kagustuhan. Ano ang dahilan
nito?
a. Hindi lahat ng tao ay kaya itong bilhin. c. Nasisiyahan ang magkakaroon nito.
b. Simbolo ito ng pagiging sikat. d. Mahal ang mga bagay na ito.
9. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng kakulangan?
a. Mabilis na pagdami ng tao. c. Pansamantalang di sapat ang supply ng bigas sa
pamilihan.
b. Maaksayang paggamit ng mga yaman. d. Pagkakalbo ng mga kagubatan.
10. Alin sa hirarkiya ng pangangailangan ni A.H. Maslow ang nagpapakita ng physiological na
pangangailangan?
a. Pagmamahal ng kaibigan
b. Hangin at Tubig
c. Makamit ang pinakamataas na pagkilala
d. Kaligtasan at seguridad
11. Kailan natin itinuturing na may pakinabang ang isang bagay?
a. Kung gagamitin natin ito sa paglikha ng bagong produkto.
b. Kung mahal ang presyo nito.
c. Kung laganap ito sa ating lugar.
d. Kung ginagamit ito upang matugunan an gating pangangailangan.
12. Sa ekonomiks pangunahing batayan nito ang suliranin ng kakapusan. Bakit nararanasan natin
ang kakapusan?
a. Hindi tamang paggamit ng likas na yaman.
b. Masyadong Malaki ang populasyon at konti lang ang pinagkukunang –yaman
c. Mapaminsalang kalamidad na nararanasan.
d. Walang katapusang kagustuhan at pangangailangan ng tao kahit limitado ang
pinagkukunang yaman.
13. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng ekonomiks na tumutukoy sa indibidwal maliban sa:
a. Pagpili ng kurso sa kolehiyo
b. Pagpili ng kaibigan
c. Pagbabudget ng baon
d. Pagbabayad ng buwis
14. Ang pangangailangan ay mga bagay na ginagamit ng tao upang mabuhay. Ano naman ang
kagustuhan?
a. Mga bagay na nakukuha sa madaling paraan.
b. Mga bagay para sa pansariling kapakanan.
c. Mga bagay na pansamantalang naaangkin ng mga tao.
d. Mga bagay na nagdudulot ng kasiyahan sa tao.
15. Makatutulong sa atin ang pagkakaroon ng good decision o matalinong pagdedesisyon
sapagkat…
a. maisasaayos o maplaplano natin ang limitadong pinagkukunang yaman.
b. magiging mapanuri tayo sa mga sitwasyon.
c. matutugunan ang ating mga pangangailangan at kagustuhan.
d. lahat ng nabanggit.
16. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga kagustuhan ng tao?
a. Cell phone b. Kotse c. Damit d. Alahas

17. Punan ang pagkakasunod-sunod upang mabuo ng Hiyarkiya ng pangangailangan ni A. H.


Maslow.

a. Physiological, Safety, Social, Self-esteem, Actualization


b. Physiological, Social, Safety , Self-esteem, Actualization
c. Safety, Physiological, Social, , Self-esteem, Actualization
d. Actualization Safety, Physiological, Social, , Self-esteem
18. Sa command economy, ano ang may komprehensibong kontrol at regulasyon ng ekonomiya?
ng bansa?
a. Prodyuser b. Konsyumer c. Pamahalaan d. Pamilihan
19. Ito ang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto, at serbisyo.
a. Kakapusan b. Alokasyon c. Ekonomiks d. Sistemang Pang-ekonomiya
20. Kung ang tradisyunal na ekonomiya ay nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwa, ano
naman ang tawag sa sistemang pang-ekonomiya na ginagabayan ng mekanismo ng
malayang pamilihan?
a. Market Economy c. Command Economyy
b. Sistemang Pang-ekonomiya d. Mixed Economy

21. Kung ikaw ay kabilang sa sistemang Command Economy, alin sa sumusunod ang
nagpapakita ng gampanin ng kasapi ng sistemang ito?
a. Ang iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng pamahalaan batay sa
plano.
b. Malaya kang kumikilos ayon sa sariling interes nang walang pakikialam ng pamahalaan.
c. Sama-samang isinasagawa ang mga gawain at pakinabang sa pinagkukunang-yaman.
d. May kalayaan ang mamamayan ngunit may kontrol pa rin ang pamahalaan sa ilang
gawain. Para sa bilang 22. Basahing mabuti ang sanaysay.

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Asya na nakilala sa buong mundo bilang isang bansang
demokratiko. Bago makamit ang minimithing demokrasya, ang bansa ay minsang napasailalim sa
diktaturyang pamahalaan. Pagkatapos ng batas militar, nanumbalik ang sigla at galaw ng
ekonomiya. Sa kasalukuyan ang pamahalaan ay nanghihikayat ng mga negosyante sa ibang bansa
para mamuhunan dito. Malaya ang mga mamamayan na magtayo ng kanilang negosyo ngunit ang
pamahalaan ang may kontrol sa pagpasok, pagtatayo at pangangasiwa sa negosyo. Sa ating
sistema sa kasalukuyan, pinahihintulutan nito na makagawa ng mga pribadong pagpapasiya ang
mga kumpanya at indibidwal. Kung magpapatuloy ang ganitong uri ng sistemang pang-ekonomiya,
hindi malayo na tayo ay makipagsabayan sa mga bansang mauunlad. Isang bansa na maraming
oportunidad sa mga mamamayan para magkaroon ng mataas na antas ng pamumuhay ng tao.

22. Batay sa teksto, anong uri ng sistemang pang-ekonomiya ang mayroon ang Pilipinas?
a. Command Economy b. Mixed Economy c. Market Economy d. Traditional Economy
23. Alin sa sumusunod ang may pinakawastong interpretasyon sa kasabihang, “There isn’t
enough
to go around”, ni John Watson Howe?
a. May limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman kaya’t hindi ito sasapat sa
pangangailangan ng tao.
b. Ang walang pakundangan na paggamit ng pinagkukunang-yaman ay hahantong sa
kakapusan.
c. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga pinagkukunang-
yaman.
d. May hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig.
24. Kumpletuhin ang mga salita upang makabuo ng pangungusap.`Sanhi ng pandemya naging
limitado ang mapagkukunan dahil sa quarantine kung kayat nagbunga ito ng higit na mahusay
na pagpaplano ng pamamahagi ng pinagkukunang yaman o`
a. tamang alokasyon sa pinagkukunang yaman. b. masustansyang pagkain sa
lamesa.
c. malinis at sariwang hangin d. Pagkasira ng kalikasan.
25. Mas mataas ang pagkonsumo kung mababa ang presyo samantalang mababa ang
pagkonsumo, kapag mataas ang presyo. Anong salik ang tinutukoy na nakakaapekto sa
pagkonsumo?
a. kita b. Mga inaasahan c. Pagbabago sa presyo d. Demonstration effect
26. Madaling maimpluwensyuhan ang tao ng mga anunsiyo sa radio, telebisyon, pahayagan at
maging sa mga iba’t-ibang media flatforms tulad ng Facebook. Anong salik ang tinutukoy na
nakakaapekto sa pagkonsumo?
a. kita b. Mga inaasahan c. Pagbabago sa presyo d. Demonstration effect
27. Naging pangunahing kampanya ng nakaraang administrasyon ang pagsugpo sa droga,ngunit
sa ating lipunang ginagalawan nagging talamak na ito na nagiging dahilan ng inti- unting
pagkasira ngkaisipan,pagkatao,at pangarap ng isang indibidwal. Ito ay nagpapakita ng
anong
uring pagkonsumo?
a. Tuwirang pagkonsumo
b. Mapaminsalang pagkonsumo
c. Produktibong pagkonsumo
d. Maaksayang pagkonsumo
28. Nagpunta ng palengke si Aling Marites upang bumili ng papaya na gagamitin niya sa kanyang
lulutuin na tinolang manok ngunit nakitang mahal ang presyo nito kung kaya’t bumili na
lamang
siya ng sayote na mas mababa ang presyo kaysa sa papayang hilaw. Ano ang ipinahihiwatig
ng ganitong pagkonsumo?
a. Ang produkto ay mayroong pamalit.
b. Ang produkto ay pangunahing kagustuhan.
c. Pareho ang reaksyon/ tugon ng mamimili kahit nagbabago
d. Lubhang mahalaga ang produkto.
29. Kapag pinag-uusapan ang pagkonsumo bakit higit na maganda ang walang utang?
a. Walang utang na Lumolobo.
b. Lumalaki ang ipon mula sa kita.
c. Nababawasan ang kakayahan na bumili ng produkto o serbisyo.
d. Tumataas ang kakayahang kumonsumo.
30. Ang pagdadala ng listahan sa pamimili ay makatutulong upang makatipid sa…
a. Enerhiya b. Panahon c. Pera d. Lahat ng nabanggit
31. Ang paulit ulit na paggamit ng produkto at serbisyo ayon sa Law of marginal utility ay nagiging
dahilan ng..
a. Pagtaas ng bilang ng pgkonsumo.
b. Bumababa ang kasiyahan sa pagkonsumo
c. Hindi nagbabago.
d. Pabago-bago.
32. Anong batas ang nagbibigay ng proteksyon at nangangalaga sa interes ng mga mamimili?
a. Consumer Rights of the Philippines
b. Revised Penal Code
c. Civile Code of the Philippines
d. Price tag Law
33. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng isang matalinong mamimili.
a. Mapanuri sa mga produkto at ikukumpara ang bawat isa upang makapagdesisyon nang
mas mabuti.
b. Pinipilit ang sarili na gumastos para lang mabili ang isang bagay kahit wala ito sa badyet.
c. Nagpapanic buying sa oras na may nalalapit na pagtaas ng presyo ng bilihin.
d. Hinahayaan lang ang mga pandarayang nakikita sa mga pamilihan.
34. May karapatan tulad ng sapat na pagkain, pananamit at edukasyon upang mabuhay. Anong
karapatan ng mamimili ang tinutukoy?
a. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
b. Karapatan sa Palastasan
c. Karapatan sa kaligtasan
d. Karapatang Pumili
35. Karapatang bigyan ng katiyakang ligtas at mapangalagaan ka laban sa pangangalakal ng
mga
panindang makakasama o mapanganib sa iyong kalusugan. Anong karapatan na mamimili
ang
tinutukoy?
a. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
b. Karapatan sa Palastasan
c. Karapatan sa kaligtasan
d. Karapatang Pumili
36. Ang presyong asukal ay patuloy na tumataas sa kabila ng pagsiguro ng Department of
agriculture na may sapat na supply nito. Ano ang tawagsa artipisyal na kakulangan na bunga
ng pagtatago ng produkto?
a. Hoarding b. Panic buying c. Smuggling d. Shortage
37. Karapatang makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang isaalang-alang sa
paggawa
at pagpapatupad ng anumang patakaran ng pamahalaan. Anong karapatan na mamimili ang
tinutukoy?
a. Karapatan sa isang malinis na kapaligiran
b. Karapatan sa Palastasan
c. Karapatang Dinngin
d. Karapatang Pumili
38. Anong pananagutan ng mga mamimili ang tungkuling maging listo at mausisa tungkol sa
kung ano ang gamit, halaga at kalidad ng mga paninda at paglilingkod na ating ginamit.
a. Pagkilos b. Pagkakaisa c. Mapanuring kamalayan d. Pamamalasakit ng Panlipunan

39. Si Julia ay bibili ng 1 kilong sibuyas. Nakita nya na kulang ang timbang nito, kung kaya’t
pinaulit niya ang pagtimbang ng tindera dito. Anong pamantayan ang ipinakita ni Julia bilang
isang mamimili.
a. Mapanuri c. Hindi nagpapadaya
b. Makatwiran d. Wala sa nabanggit
40. Idolong-idolo ni Nathan si Alden Richard na taga Laguna, kung kaya’t lahat ng iniindorso
nitong produkto ay binibili niya. Anong pamantayan sa mamimili ang kaniyang nilabag.
a. Hindi nagpapadala sa anunsiyo c. Hindi nagpapanic-buying
b. May alternatibo o Pamalit d. Lahat ng nabanggit
41. Si Rayne ay nais bumili sa online subalit hindi nakalagay ang presyo nito.the key. Anong
karapatan ng mamimili ang nilalabag sa sistemang PM is the key?
a. Karapatan sa isang malinis na kapaligiran
b. Karapatan sa Palastasan
c. Karapatang Dinngin
d. Karapatang sa Impormasyon

42. Ang mga pamahalaan ay patuloy na gumagawa ng batas at nagbabantay sa mga batas na
ipinapatupad. Bakit mahalaga ang mga batas na nangangalaga sa mga mamimili?
a. Upang matunton ng ating pamahalaaan ang mga negosyanteng lumalabag.
b. Nagsisilbing proteksyon ng mga mamimili sa mga panganib sa pagkonsumo.
c. Napapadali ang pagbiling produkto.
d. Pinapangalagaan nito ang mganegosyante.
43. Mahalaga sa paglikha ng produkto at serbisyo ang bawat salik ng produksyon.
Ang bawat salik ay may kabayaran kapag ginamit tulad ng.
a. upa sa may ari ng lupa,sahod sa lakas paggawa, interes sa kapitalista, at tubo sa
intreprenyur.
b. tubo sa may ari ng lupa,sahod sa lakas paggawa, interes sa kapitalista, at upa sa
intreprenyur
c. interes sa may ari ng lupa,sahod sa lakas paggawa, upa sa kapitalista, at tubo sa
intreprenyur
d. sahod sa entreprenyur, interes sa may ari ng lupa, tubo sa lakas paggawa, upa sa
kapitalista,
44. Ang mga sumusunod ay mahahalgang salik ng produksyon maliban sa.
a. Lupa b. Paggawa c. Entreprenyur d. Tubo

45. Ang entreprenyur ay itinuturing na “Kapitan ng Negosyo” sapagkat..


a. Siya ang utak ng produksyon.
b. Siya ang magiging katuwang sa pagpapaunlad ng bansa.
c. Siya ang gagawa ng produkto.
d. Kailangan may inobasyon.

II. Panuto: Basahin ang pangungusap at punan ng wastong sagot ang hinihingi ng
bawat bilang.

________ 46. Hindi lahat ng bagay sa kapaligiran ay maaring ikonsumo agad ng tao. Minsan
kailangan idaan sa proseso ang isang bagay upang higit na mapakinabangan. Anong
salik ng produksyon ang tumutukoy sa tinataniman ng mga magsasaka o
pinagtatayuan ng bahay kasama ang lahat ng yamang likas sa ibabaw at ilalim nito.
_________ 47. Ang lakas paggawa ang pinakamahalagang pwersang nagsusulong sa
kaunlaran.kabilang dito ang mga doctor, nurse, guro, abogado.
_________ 48. Ang likas na yaman ay hindi magiging kapakipakinabang kung gagamitin at
gagawing produkto .Anong salik ng produksyon ang tumutukoy sa kakayahang ng tao
na ginagamit sa produksyon ng kalakal o serbisyo?
_________ 49. Higit na magiging kapakipakinabang ang bawat sangkap kung ito ay
pagsasamasamahin. Ito ay tumutukoy sa proseso kung saan pinagsasama ang mga
salik (input) upang mabuo ang isang produkto (output). Ito ay tumutukoy din sa
paglikha  ng produkto o serbisyo na tumutugon sa mga pangangailangan at
kagustuhan ng tao.

__________ 50. Ang bawat sangkap ng produksyon ay mahalaga kabilang dito ang mga bagay
na ginagamit upang makalilikha ng kalakal at iba pang produkto gamit ang mga
makinarya o kasangkapang ginagamit sa paggawa. Ito ay maaari ding maiuugnay
sa salapi at imprastruktura tulad ng mga gusali, kalsada, tulay pati na ang mga
kalsada.
“ Walang halagang hindi inihahandog ng may pusong mahal sa bayan niyang irog,dugo, yaman, dunong,
katiisa`t pagod,buhay ma`y abutin magkalagot-lagot.”
Andres Bonifacio
Pag-ibig sa Tinubuang Bayan
Emilio Jacinto

Inihanda nina:

NATALIE D. LOPEZ JULIE ANN B. CASECA


Guro I Guro I

TERESITA A. ESPALDON MARIANNE B. MANLAPAS


Guro I Guro I

ERWIN A. BORJA
Guro I

Nabatid nina:

DENNIS S. ALFARO JANICE C DIONIDO


Dalubguro I Ulongguro I

Binigyang Pansin:

TEODORA M. GALANG
Dalubguro I/ OIC
Wastong Sagot:
1. D 26. D
2. C 27. B
3. A 28. A
4. D 29. D
5. C 30. D
6. A 31. B
7. A 32. A
8. C 33. A
9. C 34. A
10. B 35. C
11. D 36. A
12. D 37. A
13. D 38. C
14. D 39. C
15. D 40. A
16. C 41. D
17. A 42. B
18. C 43. A
19. B 44.D
20. A 45. A
21. A 46. LUPA
22. B 47. PROPESYUNAL
23. A 48. PAGGAWA
24. A 49. PRODUKSYON
25. C 50. KAPITAL

You might also like