You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Padada National High School
Unang Markahang Pagsusulit
Araling Panlipunan 9

Pangalan:_____________________________________________ Section:_______________Marka :___________


TEST-I (PAGPIPILI) Panuto: TUKUYIN KUNG ANO ANG TAMANG SAGOT SA MGA TANONG. BILUGAN LAMANG
ANG IYONG NAPILINGSAGOT.

1. Sa ilalim ng command economy, ang mga pagpapasya kung anong produkto at serbisyo ang dapat na likhain ay
nakakasalalay sa kamay ng;
A. konsyumer B. prodyuser C. pamilihan D. pamahalaan
2. Ang kakapusan o scarcityay maaaring umiral ssa mga pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas, yamang tao at
yamang kapital. Bakit nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito?
A. dahil limitado ang mga pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
B. dahil sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang-yaman
C. dahil sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong ibinebenta sa pamilihan
D. dahil likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang-yaman ng bansa
3. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?
A. isaalang-alang ang mga paniniwala, mithiin, at tradisyon B. isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan
C. isaalang-alang ang opportunity costsa pagdedesisyon D. isaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon
4. Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay naglalarawan ng ugnayan at pangunahing gawain ng bawat sektor ng
ekonomiya. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa bahaging ginagampanan ng sambahayan?
A. nagmamay-ari ng salik ng produksiyon B. gumagamit ng mga salik ng produksiyon
C. nagbabayad ng upa o renta sa lupa D. nagpapataw ng buwis sa bahay-kalakal
5. Ang produksiyon ay isang gawaing pang-ekonomiya na dapat bigyang- pansin ng pamahalaan. Ito ay may kinalaman
sa
A. paggamit ng mga produkto at serbisyo. B. paglikha ng mga produkto at serbisyo.
C. paglinang ng likas na yaman. D. pamamahagi ng pinagkukunang- yaman.
6. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?
A. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap.
B. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya sa kanyang pagdedesisyon.
C. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan.
D. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kanyang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan
sa harap ng kakapusan.
7. Ang kakapusan ay maaaring magdulot ng iba’t ibang suliraning panlipunan. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita
ng suliraning ito?
A. Maaari itong magdulot ng kaguluhan sa mga taong nakararanas nito.
B. Tumataas ang presyo ng mga bilihin kung kaya nababawasan ang kakayahan ng mga mamimili na bumili ng iba’t
ibang produkto at serbisyo.
C. Pag-init ng klima na nagdudulot ng mas malalakas na bagyo at mahabang panahon ng El Niño at La Niña.
D. Nagpapataas ng pagkakataong kumita ang mga negosyante.
8. Sa bawat pagpapasya ay kalimitang may trade-offat opportunity cost. Ang trade-offay ang pagpili o pagsasakripisyo
ng isang bagay kapalit ng ibang bagay at ang opportunity costay ang halaga ng bagay o best alternativena handang
ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. Bakit may nagaganap na trade-offat opportunity cost?
A. dahil walang katapusan ang kagustuhan ng tao
B. dahil sa limitado ang kaalaman ng mga konsyumer
C. dahil may umiiral na kakapusan sa mga produkto at serbisyo
D. upang makagawa ng produktong kailangan ng pamilihan
9. Kung uunahin ang pangangailangan kaysa kagustuhan, ang sumusunod ay maaaring maganap maliban sa _______.
A. hindi maisasakatuparan ang lahat ng layunin
B. magiging pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman
C. maaaring malutas o mabawasan ang suliranin sa kakapusan
D. magiging maayos ang pagbabadyet
10. Si Abraham Maslow ay kilala sa modelo ng herarkiya ng pangangailangan. Batay dito, isaayos ang sumusunod mula
sa pinakamababa hanggang pinakamataas ayon sa antas nito.
1. responsibilidad sa lipunan
2. pangangailangan sa seguridad
3. pisyolohikal at biyolohikal
4. pangangailangan sa sariling kaganapan
5. pangangailangan sa karangalan
A. 2, 3, 4, 5, 1 B. 1, 2, 3, 4, 5 C. 3, 2, 1, 5, 4 D. 4, 5, 1, 2, 3

11. Ang bawat salik ng produksiyon ay mahalaga sa paglikha ng mga produkto at serbisyo. Ang bawat salik kapag ginamit
ay may kabayaran tulad ng
A. upa sa kapitalista, sahod sa lakas-paggawa, tubo sa may-ari ng lupa, at interes para sa entreprenyur
B. upa sa may-ari ng lupa, sahod sa lakas-paggawa, interes sa kapitalista, at tubo sa entreprenyur
C. sahod sa entreprenyur, upa sa lakas-paggawa, interes sa kapitalista, at tubo sa entreprenyur
D. tubo sa may-ari ng lupa, sahod sa lakas-paggawa, upa sa kapitalista, at interes sa entreprenyur

12. Ang kagustuhan at pangangailangan ay dalawang magkaibang konsepto. Maituturing na kagustuhan ang isang bagay
kapag higit ito sa batayang pangangailangan. Kailan maituturing na batayang pangangailangan ang isang produkto o
serbisyo?
A. Magagamit mo ito upang maging madali ang mahirap na gawain.
B. Nagbibigay ito ng kasiyahan at kaginhawaan.
C. Hindi mabubuhay ang tao kapag wala ang mga ito.
D. Makabibili ka ng maraming bagay sa pamamagitan nito.
13. Papaano mo ipaliliwanag ang kasabihang “There isn’t enough to go around” na nagmula kay John Watson Howe?
A. Limitado ang mga pinagkukunang-yaman kaya’t hindi ito sasapat sa pangangailangan ng tao.
B. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga pinagkukunang-yaman.
C. Ang walang pakundangang paggamit ng pinagkukunang-yaman ay hahantong sa kakapusan.
D. May hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig.
16. Kung ikaw ay kabilang sa sistemang ipinag-uutos na ekonomiya, alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng
gampanin ng kasapi ng sistemang ito?
A. Ang iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng pamahalaan batay sa plano.
B. Malaya kang kumikilos ayon sa sariling interes nang walang pakikialam ng pamahalaan.
C. Sama-samang isinasagawa ang mga gawain at pakinabang sa pinagkukunang-yaman.
D. May kalayaan ang mamamayan ngunit may kontrol pa rin ang pamahalaan sa ilang gawain.
14. Kailan masasabing matalino kang mamimili?
A. Gumagamit ng credit cardsa iyong pamimili at laging inaabangan ang pagkakaroon ng sale.
B. Segunda mano ang binibili upang makamura at makatipid sa pamimili na pasok sa badyet.
C. Sumusunod sa badyet at sinusuri ang presyo, sangkap, at timbang ng produktong binibili.
D. Bumibili nang labis sa pangangailangan upang matiyak na hindi mauubusan sa pamilihan.
15. Sa papaanong paraan mo maitataguyod ang karapatan sa tamang impormasyon?
A. Pag-aralan ang nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami, at komposisyon ng produkto.
B. Palaging pumunta sa timbangang- bayan upang matiyak na husto ang biniling produkto.
C. Pahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto o serbisyong bibilhin.
D. Palagiang gumamit ng recycledna produkto upang mapangalagaan ang kapaligiran.
16. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapahayag ng kahalagahan ng produksiyon sa pang-araw-araw na pamumuhay?
A. Ang produksiyon ang pinagmumulan ng mga produktong kailangang ikonsumo sa pang-araw-araw.
B. Ang produksiyon ay lumilikha ng trabaho.
C. Ang pagkonsumo ang nagbibigay-daan sa produksiyon ng produkto at serbisyo, kaya dahil dito masasabing mas
mahalaga ang produksiyon kaysa sa pagkonsumo.
D. Ang mga kinita mula sa bawat salik ng produksiyon ay nagagamit ng sambahayan sa pagbili ng produkto at
serbisyo.
17. Anong ahensiya ng pamahalaan ang nangangasiwa hinggil sa timbang at sukat, madayang (tampered) timbangan at
mapanlinlang na pagsukat?
A. Bureau of food and Drugs(BFAD) B. Energy Regulatory Commission (ERC)
C. City/ Provincial/Municipal treasusrer D. Department of Trade and Industry (DTI)
18. Sangay ng agham panlipunan nanag-aaral kung paano tutugunan ang walang katapusang pangangailangan.
A. alokasyon B. pangangailangan C. economics D. Oppurtunity Cost
19. Saan nakatuon ang pag-aaral sa ekonomiks sa buhay ng tao?
A. Paggawa ng produkto B. paggawa ng desisyon C. paggawa ng alternatibo D. paggawa ng plano
20. Ang ekonomiks ay nagmula sa salitang Oikonomia na ibig sabihin ay
A. pamamahala ng sambahayan B.pamamahala ng bahay
C. pamamahala sa ekonomiya D. pamamahagi ng Negosyo
21. Ang Nagpanukala ng hirarkiya ng pangangailangan
A. Abraham Lee B. Howard Gardnier C. Abraham Harold Maslow D. Mc Celland
22. Bagay na nagddudulot lamang ngkaginhawaan ng tao
A. kagustuhan B. safety C. Pangangailangan D. kaligtasan
23. Mga bagay na dapat mayroon ang isang tao upang mabuhay
A. kagustuhan B. pangangailangan C. nais D. gusto
24. Ano ang dapat gawin upang di maubos ang mga isda na isa sa mga kailangan sa pagkain
A. Huwag magtapon ng basura sa dagat B. Huwag gumamit ng dinamita sa pangingisda
C. Huwag Mangisda D. Huwag nalang kumain ng isda
25. May kakapusan dahil_________ang pinagkukunang yaman
A. limitado B. nawawala C. nauubos D. nasisira
26. Bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya ano ang dapat gawin upang matugunan ang hamong dulot ng
kakapusan?
A. paggawa ng alternatibo
B. pagtatanim ng kahoy
C. paggawa ng matalinong desisyon
D. paggawa ng programa
27. Ito ay isang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ang ibang bagay
A. trade-off B. opportunity cost C. marginal thinking D. incentives
28. Tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksiyon ng kalakal o serbisyo.
A. lakas-paggawa B. paggawa C. kasiyahan D. katatagan
29. Ang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang yaman , produkto at serbisyo.
A. kawanggawa B. alokasyon C. bayanihan D. Pagbibigay ng donasyon
30. Nakapallob dito ang pangangailangan ng tao sa pagkain, tubig, hangin ,pagtulog, kasuotan at tirahan.
A. kaganapan ng pagkatao
B. pangangailangang panlipuanan
C. pangangailangang pisyolohikal
D. pangangailangan ng seguridad at kaligtasan

TEST-II (PASGSUSURI) Surrin ang tamang sagot at isulat sa patlang.

____________1. ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman.
____________2. tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng
desisyon.
____________3. Kabilang dito ang kasiguruhan sa hanapbuhay, kaligtasan mula sa karahasan, katiyakang moral
at pisyolohikal, seguridad sa pamilya, at seguridad sa kalusugan.
____________4. Kabilang dito ang pangangailangan na magkaroon ng kaibigan, kasintahan, pamilya at ng anak, at
pakikilahok sa mga gawaing sibiko.
____________5. ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan. Ang
pagkontrol ay alinsunod sa isang planong nauukol sa pagsusulong ng ekonomiya na pinangangasiwaan
mismo ngsentralisadong ahensiya (central planning agencies).

TEST –III (ENUMERASYON)

1-4 Apat na salik ng produksyon.


5-9 Salik na nakaiimpluwensiya sa mga pangangailangan ng tao
10-15 Ibigay ang mga uri ng sistemang pang-ekonomiya.

God Bless You!


Republic of the Philippines
Department of Education
Padada National High School
Unang Markahang Pagsusulit
Edukasyon sa Pagpapakatao 9

Pangalan:_____________________________________________ Section:_______________Marka :___________

TEST-I (PAGPIPILI) Panuto: TUKUYIN KUNG ANO ANG TAMANG SAGOT SA MGA TANONG. BILUGAN LAMANG
ANG IYONG NAPILING SAGOT.

1. Ang sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:


a. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad
b. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiaambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba
c. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito
d. Pagkakait ng tulong para sa kapuwa na nangangailangan
2. Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?
a. Sa lipunan, ang nangungibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin samantalang sa komunidad ang mahalaga ay ang
pagkakabukod-tangi ng mga kabilang ditto.
b. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes , mithiin at pagpapahalaga samantalang sa
komunidad, ang namumuno ang nagbibigay ng direksyon sa mga taong kasapi nito.
c. Sa lipunan, ang namumuno ay inatasan ng mga mamamayan na kamtin ang mithiin ng mga kasapi nito samantalang sa
komunidad, ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mithiin
d. Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop samantalang sa komunidad ay mas maliit na pamahalaan.
3. Ang buhay ng tao ay panlipunan . Ang pangungusap ay :
a. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay.
b. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa.
c. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa.
d. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan.
4. Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng pilosopiya sa Ateneo de Manila University, binubuo ng mga tao ang lipunan at
binubuo ng lipunan ang mga tao. Ito ay nangangahulugang:
a. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at hinuhubog ng lipunan ang mga tao.
b. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang nag-aaruga sa kaniya;
binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.
c. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mga kontribusyon ang nagpapalago at nagpapatakbo ditto;
binubuo ng lipunan ang mga tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao.
d. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aaruga sa tao at dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi
nito; binubuo ng lipunan ang tao dahil sa lipunan makakamit ang kaganapan ng kaniyang pagkato.
5. Ang sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:
a. Kapayapaan b. katiwasayan c. paggalang sa indibidwal na tao d. tawag
ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat.
6. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa
iyong bansa.” Ang mga katagang ito ay winika ni :
a. Aristotle b. St. Thomas Aquinas c. John F. Kennedy d. Bill Clinton
7. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?
a. Kapayapaan b. kabutihang panlahat c. katiwasayan d. kasaganaan
8. Ano ang kabutihang panlahat?
a. Kabutihan ng lahat ng tao b. kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan c. kabutihan ng bawat indibidwal
na kasapi ng lipunan d. kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito.
9. Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal. Ang pangungusap ay :
a. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan
b. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan
c. Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat isang indibidwal
d. Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin
10. Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa lipunan.
a. Tama, dahil ito ang mahalaga upang mangibabaw ang paggalang sa mga karapatan ng tao.
b. Tama, dahil ito ay inilaan na makamit ng tao sa lipunan ayon sa likas na batas.
c. Mali, dahil sa kalayaan , masasakripisyo ang kabutihang panlahat at sa pagkakapantay-pantay , masasakripisyo ang
kabutihan ng indibidwal.
d. Mali, dahil sa kalayaan , masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal at sa pagkakapantay-pantay , masasakripisyo ang
kabutihang panlahat.
11. Alin sa sumusunod ang maaaring ihambing sa lipunan ?
a. Pamilya b. barkadahan c. organisasyon d. magkasintahan
12. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mahusay na pamamahala?
a. May pagkilos mula sa mamamayan patungo sa namumuno
b. May pagkilos mula sa namumuno patungo sa mamamayan
c. May pagkilos mula sa mamamayan para sa kapuwa mamamayan lamang
d. Sabay ang pagkilos ng namumuno at mamamayan
13. Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan at kinabukasan ng pamayanan?
a. Batas b. kabataan c. mamamayan d. pinuno
14. Ano ang pinakamahalagang dahilan upang maging pinuno ang isang indibidwal?
a. Personal na katangiang tanggap ng pamayanan b. Angking talino at kakayahan sa pamumuno c. pagkapanalo sa
halalan d. kakayahang gumawa ng batas.
15. Sino ang nagsilbing halimbawa ng may puso para sa lipunan dahil sa adbokasiya niya ng pagkilala sa kulay ng balat?
a. Malala Yuosafsai b. Martin Luther King c. Nelson Mandela d. Ninoy Aquino
16. Sa isang lipunang pampolitika , sino/alin ang kinikilala bilang tunay na boss?
a. Mamamayan b. pangulo c. pinuno ng simbahan d. kabutihang panlahat
17. Ano ang tawag sa proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang higit na
matupad ang layuning ito?
a. Lipunang political b. pamayanan c. komunidad d. pamilya
18. Ano ang tawag sa nabuong gawi , tradisyon, paraan ng pagpapasya , at mga hangarin ng isang pamayanan?
a. Kultura b. relihiyon c. batas d. organisasyon
19. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng Prinsipyo ng Subsidiarity?
a. Pagsasapribado ng mga gasolinahan b. pagsisingil ng buwis c. pagbibigay daan sa Public Bidding d.
pagkakaloob ng lupang matitirikan
20. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng Prinsipyo ng Solidarity?
a. Sama-samang pagtakbo para sa kalikasan b. pagkakaroon ng kaalitan c. bayanihan at kapitbahayan d.
pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong
21. Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na ang tao ay pantay-pantay?
a. Lahat ay may kani-kaniyang angking kaalaman b. lahat ay dapat mayroong pag-aari c. lahat ay iisa ang
mithiin d. likha ang lahat ng Diyos
22. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
a. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao
b. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao
c. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon pangangailangan ng tao
d. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao
23. Sa ating lipunan, alin sa sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang kaniyang sarili sa bagay?
a. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula pamahalaan , kahit na kaya naman niya itong
bilhin o kaya ay hindi naman kailangan, dahil karapatan niya ito bilang mamamayang nagbabayad ng buwis.
b. Hindi mabitawanni Sheila ang kaniyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-anak dahil mayroon itong
sentimental value sa kaniya.
c. Inuubos ni Jerome ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa lamang mahahanap. Ayon sa
kaniya, sa ganitong paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan.
d. Lahat ng nabanggit.
24. Alin ang hindi naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya?
a. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay
b. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan
c. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao.
d. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng yaman ng
bayan
25. Sa lipunang pang-ekonomiya , ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?
a. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat
para sa tao batay sa kaniyang pangangailangan
b. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat
para sa tao batay sa kaniyang kakayahan
c. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, patas ay ang paggalang sa kanilang
mga karapatan
d. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagtiyak na
natutugunan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng tao.
26. Paano masisiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa Lipunang Pang-ekonomiya?
a. Nagbibigay ng tulong pinansiyal ang pamahalaan sa mga mahihirap na pamilya.
b. Sa pangunguna ng estado , napangangasiwaan at naibabahagi ng patas ang yaman ng bayan.
c. Sinisikap ng estado na mabigyan ng trabaho ang bawat mamamayan kahit hindi angkop sa kakayahan.
d. Tinutulungan ng estado ang mga manggagawa na makahanap ng hanapbuhay sa ibang bansa.
27. Bakit mas epektibo ang patas kaysa sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan?
a. Sa pamamagitan nito, mas isaalang-alang ang kakayahan ang pangangailangan ng bawat isa.
b. Walang kakayahang magpasiya para sa sarili at sa iba ang mga mamamayan.
c. Karapatan ng bawat mamamayan na matanggap ang narararapat sa kaniya
d. Hindi pantay-pantay ang mga tao , ngunit may angkop para sa kanila.
28. Paano maipakikita ang tamang ugnayan ng tao sa kaniyang pag-aari?
a. Sa pagbibigay ng higit na mataas na pagpapahalaga ng kaniyang mga ari arian kaysa kanilang sarili.
b. Sa pagmamayabang sa mga kakilala at kaibigan ang dami ng naimpok na salapi .
c. Sa pagpapakita na may kakayahan siyang bumili ng mga mamahaling gamit.
d. Sa pag-iwas na maitali ang kaniyang halaga bilang tao sa kaniyang pag-aari.
29. Bakit magkaugnay ang pag-unlad ng sarili sa pag-unlad ng bayan?
a. Nakikilala at sumisikat ang mga taong umuunlad.
b. Malaki ang maitutulong sa bansa kung maraming pera ang bawat tao
c. Ang bawat mahusay na paghahapbuhay ng tao ay may mabuting dulot sa pag-unlad ng bansa.
d. Nagkakaroon ng maraming oportunidad sa hanapbuhay ang taong mahilig paunlarin ang sariling kakayahan.
30. “Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng kaniyang paggawa. Hindi sa pantay-pantay na
pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na kayamanan. Nasa pagkilos ng tao sa anumang ibinigay sa kaniya ang kaniyang
ikayayaman.” Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
a. Ang tunay na mayaman ay hidi takot gumastos para sa mga hilig niya.
b. Naipakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa husay niya sa paggawa.
c. Mahusay ang taong may kakayahang makabili ng lahat ng kaniyang naisin.
d. Maipagmamalaki ng tao ang kaniyang sarili sa mga kagamitan na mayroon siya.
31. Ito ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba:
a. Iba’t iba tayo ng mga kakayahan
b. Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin.
c. Hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo ng mag-isa.
d. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ngiba.
32. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na:
a. Ang lahat ay magiging masunurin b. matutugunan ang mga pangangailangan ng lahat c. bawat mamayan ay
tungkuling dapat gampanan d. walang magmamalabis sa lipunan
33. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?
a. Sa ganito natin maipakikita ang ating pagkakaisa.
b. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sagawain.
c. Walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin
d. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.
34. Pangunahing layunin ng lipunang sibil ay”:
a. Pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan b. Pagbibigay-lunas sa suliranin ng karamihan c. pagtalakay ng
mga suliraning panlipunan d. pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan
35. Ang kahulugan ng mass media ay:
a. Impormasyong hawak ng marami b. isahan ngunit maramihang paghahatid ng impormasyon c. impormasyong
nagpapasalin-salin sa marami d. paghahatid ng maraming impormasyon
36. Tungkulin ng mass media ang pagsasaad ng katotohanan dahil :
a. Wala tayong ibang mapagkukunan ng impormasyon
b. Nagpapasiya tayo ayon sa hawak nating impormasyon
c. Maaari nating salungatin ang isinasaad nitong impormasyon
d. Pinaglalagakan lamang ito ng impormasyon
37. May kasinungalingan sa mass media kung mayroong:
a. Paglalahad ng mga impormasyong hindi pakikinabangan
b. Pagpapahayag ng sariling kuro-kuro c. paglalahad ng isang panig ng usapin d. pagbanggit ng maliit na detalye
38. Ang pananatili nating kaanib ng isang institusyong panrelihiyon ay bunga ng :
a. Kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa
b. kalakarang kinamulatan natin saating mga magulang
c. Kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon
d. Pagkakatantong hinditayo nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay
39. Ang sumusunod ay mgakatangian ng lipunang sibil, maliban sa :
a. Kawalan ng pangmatagalang liderato b. pagsasalungatan ng ibat ibang paninindigan c. kawalan ng
kuwalipikasyon ng mga kaanib d. panghihimasok ng estado
40. Ang samahang nagsasagawa ng ___ay maituturing na isang lipunang sibil .
a. Malayuang pagbibisiklita b. pagmamasid sa mga ibon c. pagtatanim ng mga puno c. pagsisid sa mga
bahura (coral reefs).

God Bless!
TEST PAPERS
nd
2 Grading Examination

Araling Panlipunan 9
Edukasyon sa
Pagpapakatao 9
Science 8

You might also like