You are on page 1of 8

ARALING PANLIPUNAN 9

S.Y 2022-2023

Pangalan: Grado at Pangkat: Iskor:

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap.Piliin ang tamang titik na tumutukoy
sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

1. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat:


A.Nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig.
B. Pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang
kanilang materyal na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan.
C. Pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.
D. Pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao.
2. Ang salitang ekonomiks ay galing sa salitang oikonomeia, isang salitang Griyego na ang ibig
sabihin ay:
A. pamamahala ng negosyo.
B. pakikipagkalakalan.
C. pamamahala ng tahanan.
D. pagtitipid.
3. May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang HINDI kasama sa
pangkat?
A. Ano ang mga produkto at serbisyong gagawin o lilikhain?
B. Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?
C. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?
D. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?
4. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?
A. kagustuhang desisyon
B. opportunity cost ng desisyon
C. tradisyon ng pamilya
D. dinadaluhang okasyon
5. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring maranasan ng mga tao. Bakit nagkakaroon ng
kakapusan sa mga ito?
A.Dahil limitado ang mga pinagkukunang yaman at walang katapusan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
B. Dahil sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga
pinagkukunang-yaman.
C. Dahil sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong
ibinebenta sa pamilihan.
D. Dahil likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang yaman ng
bansa.
6. Gumagamit ng siyentipikong paraan sa pag-aaral ng ekonomiks dahil ito ay isang Agham
Panlipunan. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Sapat na ang pansariling opinyon upang makabuo ng kongklusyon.
B. Mayayamang negosyante ang siyang tama sapagkat sila ang may hawak ng
puhunan.
C. Tinatanggap ang mga haka-haka lamang sa paggawa ng mga desisyon.
D. Naglilikom at nagsusuri ng mga datos o impormasyon upang makapagbigay ng lapat
o angkop na kongklusyon.
7. Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks bilang isang agham panlipunan?
A. Masagot ang hilig ng mga taong nasa pwesto.
B. Maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa.
C. Mapag-aralan ang pamamaraan ng pagpapalaki ng kita ng lahat ng mga malalaking
negosyante.
D. Makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal at makapaglingkod sa
ibang bansa.
8. Makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo ang
pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks?
A. Magkaroon ka ng sapat na talino para makapagturo rin ng ekonomiks.
B. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa
kolehiyo.
C. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
D. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang makatutulong sa
iyo sa pagdedesisyong pangkabuhayan sa ngayon at sa hinaharap.
9. Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan. Alin sa mga pangungusap ang
nagsasaad ng diwang ito?
A. Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay mahalaga
kayat dapat ipagpatuloy ang produksyon ng mga ito kahit na masira ang mga yamang
likas sa daigdig.
B. Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang katayuan ng
mga tao sa lipunan kaya’t nauuuri natin ang mahihirap, nakaririwasa, at mayayaman.
C. Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin nito ang mga
patakaran ng mayayamang bansa.
D. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, nakatutuklas ng paraan upang
patuloy na tumaas ang antas ng kita, empleyo, seguridad, at kagalingang panlipunan
ng mga mamamayan sa isang bansa.
10. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?
A. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakaimpluwensiya sa kaniyang
pagdedesisyon.
B. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning
pangkabuhayan.
C. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.
D. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na
kinakaharap.
11. Bilang bahagi ng lipunan, paano makatutulong ang pag-aaral ng ekonomiks?
A. Nagagamit ang kaalaman sa pag-unawa ng napapanahong isyu sa politika.
B. Nakatutulong ito upang maintindihan ang mga mahahalagang usaping
pangekonomiya.
C. Nauunawan mo kung bakit maraming tao ang nagnenegosyo.
D. Naiintindihan mo ang sistema ng paghahanap-buhay, paggasta at pagiimpok.
12. Masaya si Susan sa kanyang napiling damit dahil maliban sa ito ay maganda at mura, eco-
friendly pa. Ang sitwasyon na ito ay isang halimbawa ng anong konsept ng matalinong
pagdedesisyon?
A. Incentives
B. Marginal Thinking
C. Opportunity Cost
D. Trade-off
13. Ito ay ang pagpili o pagsakripisyo ng isang bagay kapalit ng isang bagay.
A. Incentives
B. Marginal Thinking
C. Opportunity Cost
D. Trade-off
14. Ngayong nasa Grade 9 na si Seth ay lalo pa siyang ginanahang mag-aral ng mabuti upang
makakuha ng average grade na 90 pataas dahil sa pangakong mamahaling cellphone ng kanyang
mga magulang. Aling salik ng matalinong pagdedesisyon ang inilalarawan sa sitwasyon?
A. Incentives
B. Marginal Thinking
C. Opportunity Cost
D. Trade-off

15. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang pag-aralan mo ang ekonomiks?


A. Ito ay dahil sa magagamit mo ang iyong kaalaman sa paghahanap ng trabaho sa
hinaharap.
B. Ito ay dahil sa makatutulong ito upang maintindihan mo ang kalakaran sa
ekonomiya.
C. Ito ay dahil sa makatutulong ito upang mahubog ang iyong pag-unawa, ugali at gawi
na magagamit mo para sa iyong kinabukasan at paghahanap-buhay sa hinaharap.
D. Ito ay dahil sa magagamit mo ito upang matulungan ang iyong pamilya sa
pagdedesisyon ng mga bagay-bagay sa araw-araw.
16. Nakaugalian na ni Eddie na pag-isipan muna nang mabuti ang pagdesisyon sa isang bagay
kung ito ba may pakinabang sa kanya o wala. Ang ginagawa ni Eddie ay isang halimbawa ng
anong konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
A. Incentives
B. Marginal Thinking
C. Opportunity Cost
D. Trade-off
17. Sa Command Economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at
regulasyon ng:
A. Konsyumer
B. Pamahalaan
C. Pamilihan
D. Prodyuser
18. Sa Market Economy, ito ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at
kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.
A. Likas-yaman
B. Pamahalaan
C. Presyo
D. Prodyuser
19.Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na may naiibang katangian ang lupa bilang salik ng
produksyon?
A. tinataniman ng mga magsasaka
B. patayuan ng mga imprastraktura
C. itinuturing ito na fixed o takda ang bilang
D. pinagmumulan ito ng mga input sa produksyon
20. Ito ay ang pinaggagalingan ng mga hilaw na materyales.
A. Lupa
B. Paggawa
C. Kapital
D. Entrepreneurship
21. Alin sa sumusunod ang mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya?
A. Upang mas mapalawig ang kitang pang-ekonomiya ng ating bansa.
B. Upang makamit ang pinakamataas na kasiyahan at kapakinabangan
mula rito.
C. Upang makaagapay ang lipunan sa mga suliranin at kung paano
episyenteng magagamit ang pinagkukunang-yaman ng bansa.
D. Upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
22. Ang sistemang pang-ekonomiko ay sumasagot sa apat na pangunahing katanungang
pangekonomiko. Alin sa sumusunod ang kasagutan ng Traditional Economy sa katanungang:
Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?
A. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan.
B. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa utos ng pamahalaan.
C. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa tradisyon, kultura at
paniniwala.
D. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan at
pamahalan.

23. Bakit kailangang isa-alang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng pinagkukunang-


yaman ng bansa?
A. Upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan
mula rito.
B. Upang mas lumaki ang kita nga ekonomiya ng ating bansa at ng mamamayan nito.
C. Mas mapalawig ang yamang-likas ng isang bansa na kagaya ng ating bansa.
D. Nararapat itong bigyang pansin dahil sa katotohanang may kakapusan na umiiral.
24. Ang sistemang pang-ekonomikong ito ay sumasagot sa unang katanungang pang-
ekonomiko batay sa puwersa ng pamilihan.
A. Traditional Economy
B. Market Economy
C. Command Economy
D. Mixed Economy
25 .Alin sa sumusunod ang may pinakawastong interpretasyon sa kasabihang, “There isn’t
enough to go around.” ni John Watson Howe?
A. May limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman kaya’t hindi ito sasapat sa
pangangailangan ng tao.
B. Ang walang pakundangan na paggamit ng pinagkukunang-yaman ay hahantong sa
kakapusan.
C. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga pinagkukunang-
yaman.
D. May Hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig.
26.Ito ay may tungkuling magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas at
kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang ating kapakanan.
A. Kamalayang Kapaligiran
B. Mapanuring Kamalayan
C. Pagkilos
D. Pagkakaisa
27. Papaano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay
kabilang sa market economy.
A. Wala sapagkat ang katungkulan ko sa ekonomiya nagmumula sa pamahalaan batay
sa plano.
B. Malaya akong makakakilos ayon sa sariling kong kagustuhan o interes nang hindi
pinakikialaman ng pamahalaan.
C. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakikinabang sa
pinagkukunang yaman.
D. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may control pa rin sa ilang
mga gawain.
28. Bakit mahalaga ang batas na nangangalaga sa karapatan ng mamimili?
A. Madali lamang matutunton ng pamahalaan ang mga negosyanteng lumalabag sa
patakaran ng pagkonsumo.
B. Nagbibigay-proteksiyon ito sa mga mamimili laban sa mga panganib sa
pagkonsumo.
C. Napapadali nito ang pamimili ng mga konsyumer sa mga tindahan.
D. Pinangangalagaan nito ang mga nagmamay-ari ng tindahan o negosyo.
29. Ang produksyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng:
A. paggamit ng mga hilaw na sangkap
B. pagtayo ng mga pabrika
C. pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng output o produkto
D. pagkamalikhain ng mga manggagawa
ARALING PANLIPUNAN 9
S.Y 2022-2023

Pangalan: Grado at Pangkat: Iskor:


1. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kabayaran sa paggamit ng kapital sa proseso ng produksyon?
A. interes C. renta
B. kita D. sweldo o sahod
2. Ang isang entrepreneur ay itinuring bilang “Kapitan ng Negosyo”. Ang sumusunod ay katangiang taglay niya
MALIBAN sa:
A. puno ng inobasyon.
B. maging malikhain.
C. may kakayahang magpatupad ng presyo sa pamilihan.
D. handang makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo.
3. Ang input ay mga salik na ginamit sa pagbuo ng produkto. Sa nabuong output na “mesa at silya”, alin sa
sumusunod ang mga input nito?
A. kagamitan, makinarya, manggagawa C. kagamitan, makinarya, manggagawa, kahoy
B. kahoy, kagamitan, makinarya D. tabla, makinarya, teknolohiya
4. Sa pang araw-araw na buhay ng mga tao ay may pagkonsumo. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagpapatunay
sa pagkakaiba ng produksyon at pagkonsumo?
A. Ang produksyon ay pagproseso ng produkto at ang pagkonsumo ay paggamit ng produkto.
B. Nililikha ang produkto sa produksyon, samantala ginagamit ito sa pagkonsumo.
C. Ang produksyon ay proseso ng pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng produkto at ang
pagkonsumo ay pagbili at paggamit ng produkto na magbibigay ng kapakinabangan sa tao.
D.Sa produksyon maraming produktong bibilhin samantala sa pagkonsumo nasisiyahan ang mga tao sa
pagbili ng produkto.
5. Aling batas ang nangangalaga sa kapakanan ng mamimili?
A. Republic Act 10368 C. Republic Act 7394
B. Republic Act 7160 D. Republic Act 9003
6. Sa apat na salik ng produksyon, ito ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng bagong produkto.
A. entrepreneurship C. Lupa
B. kapital D. paggawa
7.Sa. produksyon, nagaganap ang transpormasyon ng mga raw materials sa pagbuo ng bagong produkto sa
pamamagitan ng kahusayan at sipag ng mga:
A. kapitalista C. manggagawa
B. opisyales D. landlord
8. Bakit may malaking ginagampanan ang mga manggagawa sa ating pang araw-araw na pamumuhay?
A. Sila ang tagaproseso upang makabuo ng produkto.
B. Sila ang kumukuha ng mga hilaw na sangkap.
C. Ang kanilang paggawa ng mga produkto ay tumutugon sa pangangailangan ng mga tao.
D. Ang kanilang paglilingkod ay ipinagkaloob sa mga tao.
9. Ang mga manggagawang may kakayahang mental o may “white collar job” ay mas ginagamit ang kanilang isip
kaysa lakas ng katawan sa paggawa, samantala ang mga manggagawang may kakayahang pisikal o may “blue
collar job” ay________________.
A. ginagamit ang lakas ng katawan lamang
B. mas ginagamit ang lakas ng katawan na sinasabayan ng angking kakayahan sa kanilang paggawa
C. kakayahan at talino ng mga manager, doctor, inhinyero
D. nagtatrabaho sa malalaking kompanya
10. Ito ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo.
A. business outsourcing C. entrepreneurship
B. entrepreneur D. business plan
11. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapahayag ng kahalagahan ng produksyon sa pang araw- araw na
pamumuhay?
A. Ang produksyon ay lumilikha ng trabaho.
B. Ang mga kinita mula sa bawat salik ng produksyon ay nagagamit ng sambahayan sa pagbili ng
produkto at serbisyo.
C. Ang produksyon ay pinagmumulan ng mga produktong kailangang ikonsumo sa pang araw-araw.
D. Ang pagkonsumo ay nagbibigay- daan sa produksyon ng produkto at serbisyo, kaya dahil dito
masasabing mas mahalaga ang produksyon kaysa sa pagkonsumo.
12. Ang ay tumutukoy sa kita ng isang entrepreneur.
A. interes
B. renta o upa
C. sahod o sweldo
D. tubo o profit
13. Sino ang may akda ng aklat na The General Theory of Employment, Interest, and Money na inilathala noong
1936?
A. Antonio Abatemarco
B. John Maynard Keynes
C. Frank Ackerman
D. Sandra Andraszewicz
14. Ang mga sumusunod ay tungkulin ng mamimili MALIBAN sa isa.
A. Maipapahayag ang sarili at kumilos upang makatiyak sa
makatarungang pakikitungo
B. Mabatid ang kahihinatnan ng ating kapaligiran bunga ng hindi wastong
pagkonsumo
C. Magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas at
kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang ating kapakanan
D. Makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang isaalang-alang sa
paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ng pamahalaan
15. Alin sa mga sumusunod ay kabilang sa mga manggagawang may white-collar job?
A. karpintero
B. construction worker
C. driver
D. guro
16. Alin sa mga sumusunod ay kabilang sa mga manggagawang may blue-collar job?
A. karpintero
B. doktor
C. Inhenyero
D. accountant
17. Nakakaapekto ang kalamidad sa pagtaas ng konsumo dahil:
A. Nagkakaroon ng kakulangan sa supply ng produkto.
B. Hindi na nakakabili ang mga tao sa pamilihan.
C. Nagsasara ang mga malalaking tindahan.
D. Inuuna ng mga tao ang kanilang tirahan.
18. Alin sa sumusunod ang nagsasaad na ang tao ay hindi naapektuhan ng demonstration effect?
A. Hindi sumusunod sa uso.
B. Nahuhumaling sa suot ng mga artista.
C. Binibili ang mga napapanahong gamit.
D. Suportado ang mga ini-endorso nga paboritong artista.
19. Nagsasabi ito na madaling maimpluwensiyahan ang tao ng mga anunsiyo sa radyo, telebisyon, pahayagan, at
maging sa internet at iba pang social media.
A.kita C.pagkakautang
B. mga inaasahan D. demonstration effect
20. Ito ay nagsasabing kapag maraming utang na dapat bayaran ang isang tao, maaaring maglaan siya ng bahagi
ng kaniyang salapi upang ipambayad dito.
A.kita C. pagkakautang
B. Incentives D. demonstration effect

II. Mga salik ng ng Pagkonsumo. 21-25

You might also like