You are on page 1of 4

Araling Panlipunan

GRADE 7

Aralin 1 – Kahulugan ng kabihasnan


Aralin 2 – Mga Katangian ng Kabihasnan
Aralin 3 – Tungo sa Pag-usbong ng Kabihasnan

Modyul 1: Konsepto at Katangian ng Kabihasnan

Ang Asya ang pinagmulan ng mga unang kabihasnan sa daigdig. Ang mga sinaunang
kabihasnan sa Asya ay umusbong sa mga lambak-ilog. Sa mga lambak-ilog na ito naitayo ang
mga lungsod-estado. Nalinang ang iba’t ibang kaalaman na nagging batayan ng pamumuhay sa
kasalukuyang panahon.

Kahulugan ng Kabihasnan at Sibilisasyon

Ang kabihasnan ay isag lipunan na may mataas at makabagong kaalaman sa pagsasaka,


pakikipagkalakalan, pamahalaan, sining, agham, at karaniwang may paraan ng pagsulat. Ang
kabihasnan ay nagmula sa salitang “bihasa” o pagiging eksperto o kagalingan sa isang bagay.

Katangian ng Kabihasnan
Ang mga mananalaysay ay nagbigay ng walong katangian ng kabihasnan. Ito ay ang
sumusunod:
1. Pagtatag ng mga Lungsod-Estado
Dadil sap ag-unlad ng Sistema ng agrikultura, nagkaroon ng kalabisan ng ani at imbak na
pagkain. Dahil ditto, lumago ang populasyon na nagging dahilan ng pagtatag ng mga lungsod-
estado mula sa mga simple at payak na pamayanan.

2. Organisado at Sentrelisadong Pamahalaan


Dahil sa paglago ng populasyon, kinakailangan ang isang Sistema ng pamamahala.
Kinakailangan ang mga pinuno upang gumawa ng batas, mamahala ng kalakalan at magkontrol
sa pamumuhay ng mga tao. Ito ay upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa mga
lungsod. Ang pamahalaan din ay nangongolekta ng buwis na ginagamit bilang pondo sa
pagbibigay ng serbisyo at proteksiyon sa mga mamamayan.

3. Masalimuot na Relihiyon
Ang relihiyon ay ang Sistema ng espirituwal na paniniwala, pagpapahalaga at mga
Gawain na karaniwang sumasaklaw sa isag makapangyarihang puwersa o nilalang. Ang mga
sinaunang tao ay sumasamba sa iba’t iabang diyos na kanilang iniuugnay sa kanilang
pamumuhay. Ang masaganag ani ay dahil sa pagkatuwa ng mga diyos at mga kalamidad dahil
sag alit nila.

4. Espesiyalisasyon ng Paggawa
Ang mga sinaunang kabihasnan ay bumuo ng isang ekonomiya na nangangailangan ng
mga dalubhasang manggagawa na may kasanayan at kahusayan sa paggawa ng bagay-bagay
gaya ng sandata, pagbuo ng mga tela at iba pa.

5. Estraktura ng Lipunan
Ang pagkakaroon ng espesiyalisasyon ng paggawa ay nagbunsod sa pagbuo ng iba’t
ibang antas sa lipunan. Ang mga lider ng relihiyon o mga pari at mga opisyal ng pamahalaan ay
karaniwang nasa mataas na antas ng lipunan.. kabilang sa kasunod na antas ang mga
magangalakal, opisyal ng military at mga artisan. Sa pinakamababang antas naman ang mga
magsasaka. Karamihan ng sinaunang kabihasnan, ang mga alipin ang pinakamababa sa lahat ng
antas.

6. Sistema ng Pagsulat
Kinakailangan ang Sistema ng pagsulat upang mawala ang mga batas, maiayos ang
talaan ng negosyo at kalakalan at magkaroon ng talaan ng mga kultura para sa susunod na
henerasyon.

7. Sining at Arkitektura
Ang sinaunang kabihasnan ay may mataas na antas ng kultura kabilang ang sining at
arkitektura. Bilang pagsamba sa mga dyos, nagtayo ang mga tao ng mga monument at templo
para sa pagsamba. Nagbigay din ng importansiya ang mga tao sa iba’t ibag kultural na Gawain
gaya ng pagsasayaw, pagkanta, at literature.

8. Public Works o Gawaing-bayan


Ginagamit ng pamahalaan ang pondo upang makapagtayo ng mga daan, dike at iba pang
pampublikong gusali upang magamit ng mga tao.

Tungo sa Pag-usbong ng Kabihasnan


Bago umusbong ang mga sinaunang kabihasnan, ang mga tao noong unang panahon ay
umaasa lamang sa kapaligiran. Gumagamit sila ng mga tapyas ng bato bilang kasangkapan at sa
pagkuha ng pagkain. Tinawag ang yugtong ito ng sinaunag tao na Panahong Pre-historiko.
Nahahati ang panahong ito sa Panahong Paleotiko o Panahon ng Lumang Bato, Panahong
Neolitiko o Panahon ng Bagong Bato.
Sa panahon ng Paleotiko, natuklasan ng tao ang paggamit ng apoy. Ginamit nila ito
upang panlaban sa mga hayop at panluto ng pagkain. Tinawag itong panahon ng lumang bato
dahil ang mga kasangkapan ay gawa sa magagaspang na bato.
Sa panahon ng Mesolitiko, mas nagging mahusay ang mga tao sa paghahanap ng
pagkain at paghuli ng hayop. Gumamit din sila ng “microlith” o maliliit na bato sa paggawa ng
mga kagamitan. Mas makinis narin ang mga batong ginamit ng mga tao sa panahong ito.
Natutuhan din ng mga tao ang mag paamo ng mga hayop at gumamit ng balat nito bilang
damit.
Ang panahong Neolitiko ang huling yugto ng rebolusyon kultural kung saan natutuhan
ng tao ang mag-alaga ng hayop at magtanim ng mga halaman. Mas makinis na bato ang ginamit
nila sa panahong ito. Dahil sa kanilang kaalaman sa agrikultura nagsimula silang manirahan sa
isang lugar at magtayo ng mga pamayanan. Napili ng mga sinaunang Asyano ang mamalagi sa
mga lambak-ilog dahil sa matatabang lupa na nagbibigay sa kaninala ng madaming ani. Natutu
din silang maghabi ng tela at gumawa ng palayok. Bunsod nito, dumadami ang kanilang ani,
alagang hayop at nagawang kasangkapan, natutuhan ng mga tao na maging mangangalakal na
kung saan nagging dalubhasa sila sa iba’t ibang Gawain sa pamayanan.
Kasunod ng panahong Neolitiko ay ang panahon ng Metal kung saan natutuhan ng taong
gumamit ng metal sa paggawa ng kasangkapan. Unang ginamit ang tanso ngunit dahil sa
mahirap itong mahanap sa kapaligiran ay napalitan ito ng bakal na ginagamit hanggang sa
kasalukuyang panahon. Ang panahong Metal ay nahahati sa tatlong yugto ng panahon. Una,
panahon ng Tanso na tinatayang naganap sa pagitan ng 4,000-2,000 BCE ang mga sinaunang
Egyptian ang unang pangkat ng taong nakilala sa kagamitang yari sa tanso. Sa Asya, tinataya ang
mga Armenian sa Asia Minor ang unang pangkat ng tao na kinilala sa mga kagamitan at armas
na gawa sa tanso. Pangalawa, panahon ng Bronze (2,000-1000 BCE), ang mga Sumerian mula sa
Sumer, Mesopotamia, ang unang pangkat ng tao na natuklasan ang bronze at gumawa ng
kasangkapan at armas na yari sa pinaghalong metal na tanso at lata na nagresulta sa bronze.
Pangatlo, ang panahon ng Bakal (1,000 BCE), ang mga Hittite na taga-Asia Minor, ang unang
pangkat na tao na nakagawa ng mga sandatang gawa sa bakal. Sila ang nakatuklas ng bakal sa
daigdig. Nakilala sila sa pakikidigma gamit ang armas na gawa sa bakal at war chariot.

Ang Pagkatatag ng Sinaunang Kabihasnan

o Simula ng Agrikultura at pag-aalaga ng hayop


o Matatag na ani at Labis na pagkain na kayang suportahan ang malaking
populasyon
o Permanenteng pamamalagi sa mga komunidad at lungsod
o Pag-usbong mga sinaunang kabihasnan sa daigdig

You might also like