You are on page 1of 1

AP 7 Lesson no.

5: Ebolusyong Kultural ng Asya

1. Lesson 5: Ebolusyong Kultural ng Asya Panahong Paleolitiko Tinatawag din na Panahon ng lumang
bato 2.5 Million B.C – 10,000 B.C.E. Ang paglitaw ng mga kagamitan na ginawa mula sa magagaspang
attinapyas na bato Nabuhay ang mga tao sa pamamagitan ng pulu-pulutong na pangangalap ng mga
ligaw na pagkain Pangangaso at pamimitas ng mga prutas at gulay – pangunahing hanapbuhay ng mga
tao noong Panahong Paleolitiko Mga lalaki ang kadalasang nanghuhuli ng mga hayop, samantala ang
mga babae ang pumipitas ng mga prutas at kumukuha ng mga halamang makakain. Wala silang
permanenteng Tirahan Ginagamit ng mga tao bilang panakip ng katawan ang mga balat ng hayop at
malalapad na dahon Apoy – pinakamahalagang imbensyon noong Panahong Paleolitiko Hunter-
Gatherers System – sistemang Panlipunan noong Panahong Paleolitiko Nagsasagawa din sila ng mga
kulto o cult Panahong Neolitiko Tinatawag din na Panahon ng bagong bato 10,000 B.C.E. – 4,500
B.C.E. Maituturing na pinakamahalagang pangyayari sa panahong ito ang pagsisimula ng pagsasaka
Noong 10,000 B.C.E., nagsimula ang mga taong magtanim ng mga halaman at mag-alaga ng mga hayop
Nagsimula na ring komunsumo ang mga tao ng mga itinanim na butil at mga produktong gatas
Nagpapastol din sila ng mga hayop Neolithic Revolution – pagsulong o pag-unlad ng sistemang
pagsasaka noong Panahong Neolitiko Nakapatatag sila ng permanenteng Tirahan Kinailangan ng mga
tao na bantayan ang kanilang mga pananim laban sa ibang pangkatng tao at mababangis na hayop
Nagsimula ng lumaki ang populasyon sa bawatlugar Gumawa sila ng mga bagong teknolohiya para
panghasa, pamputol atpanghiwa Ang bawat pamayanan ay pinamumunuan ng isang matalino at
malakas na lalaki Animism – opisyal na relihiyon noong Panahong Neolitiko Gumawa sila ng mga
palayok mula sa luwad na ginamit bilang lutuan ng pagkain at imbakan ng mga labis na ani Panahon ng
Metal Nahahati sa Tatlong yugto na ang batayan ay ang uri ng metal: Copper Age – 5000 B.C.E. Bronze
Age – 4000 B.C.E. Iron Age – 1200 B.C.E. Pagtatanim, Pangingisda atPangangalakal – pangunahing
hanapbuhay ng mga tao noong Panahon ng Metal Ito ay ang panahon kung saan nagsimula na ang
pagtatag ng mga imperyo atpagsisimula ng mga digmaan sa mga pangkatng tao Polyteismo – opisyal
na relihiyon noong Panahon ng Metal

You might also like