You are on page 1of 1

U3 Aralin 3 Pamumuhay ng mga Unang Tao sa Daigdig

Mga Paraan ng Pagkuha ng Pagkain - Ang mga sinaunang tao sa daigdig ay may iba’t ibang paraan sa pangunguha
ng kanilang pagkain.

Pangangaso, Pamimitas, at Pangingisda - Ang mga unang tao ay nabuhay sa pamamagitan ng pangangaso at
pamimitas ng anumang makakain, mga 12,000 taon na ang nakalipas. Karaniwan ding nangingisda ang grupo ng
tao gamit ang mga kasangkapang katulad ng sibat. Kapag sila ay naging matagumpay sa pangangaso, dinadala nila
ang hayop sa kanilang kampo at ito ay ibinabahagi nila sa kanilang grupo. Namimitas naman ang ilan sa kanila ng
mga prutas, iba't ibang uri ng mani, at mga butil para sa buong grupo. Ang pagtutulungan ng grupo ang naging
dahilan ng kanilang survival.

Pagsasaka at Pag-aalaga ng mga Hayop - Tinatayang 12,000 taon na ang nakalipas, nag-iba ang pamamaraan kung
paano kumukuha ng pagkain ang mga tao. Nagsimula na silang magsaka at magpalaki ng sarili nilang mga hayop.
Nangyari ang rebolusyong agrikultural sa maraming bahagi ng daigdig, katulad ng Timog-Kanlurang Asya,
Silangang Asya, mga bahagi ng Amerika at Aprika. na Nagsimula ang mga unang tao magsaka sa pamamagitan ng
pagpitas ng mga buto ng prutas o butil ng mga halaman. Noong una, ginagamit lamang nila bilang pagkain ang
mga ito, ngunit napansin nila na tumatagal ang mga buto at butil, kaya naman sinubukan nila itong ikalat sa lupa.
Matapos tumubo ang kanilang pananim, nagtipon sila ng panibagong mga butil at buto mula sa mga ito upang
makapagtanim muli. Ang mga unang hayop na inalagaan at pinalaki ng mga tao ay ang mga aso, tupa, at kambing.
Maaaring nagsimula ang pag-aalaga sa mga hayop na ito dahil sa pangangaso. Kapag nakahuhuli sila ng mga
batang hayop, pinalalaki muna nila ang mga ito. Ang napalaking mga hayop ay nakapagparami, at ang kanilang
mga supling ay inalagaan din ng mga unang tao. Pinagkuhanan din nila ng pagkain ang kanilang pinalaking mga
hayop.

Paraan ng Paninirahan - Tumira ang mga unang tao sa mga kuweba o mga bahay gawa sa kahoy, dayami, o bato
para sa kanilang proteksiyon mula sa mga elemento ng kapaligiran. Subalit, hindi sila permanenteng nakatira sa
mga ito. Ang tawag sa ganitong pamumuhay ay nomadismo. Nagsimula ang mga unang tao na gumawa ng
permanenteng tirahan nang sila ay natutong magsaka. Marami sa mauunlad na komunidad noong panahong iyon
ay malalapit sa mga anyong tubig, katulad ng ilog. Nagdulot din ng, kung kaya naman lumaki ang mga komunidad
na pagrami ng populasyon ang pagsasaka ito.

Kultura - Ang kultura ng mga sinaunang tao sa daigdig ay makikita sa kanilang wika, sining, at relihiyon. Mula sa
mga ito ay mauunawaan ang paraan ng kanilang pamumuhay at mga gawain sa araw-araw.

Wika - Ang paggamit ng tunay na wikang may kakayahang magpabatid ng mga simbolismo at kahalugan ay bukod
tangi sa mga unang modernong tao. Noong una, ang mga tao ay gumamit ng mga tunog upang magbigay ng
senyas ng panganib sa kanilang mga kasama. Nang sila ay nagsimulang maglakbay sa iba't ibang bahagi ng
mundo, ang mga unang wika ay lumawak, at umusbong ang iba't ibang pamilya ng wika. Ayon sa mga scientist,
ang paggamit ng wika ay isa sa mga pinakamahalagang milestone sa ebolusyon ng tao.

Sining - Nakita sa mga kuwebang tinirahan ng mga unang tao ang mga ebidensya ng sinaunang sining. Marami sa
mga ito ay mga guhit ng mga hayop, katulad ng mga kabayo, baka, at mga bison. Marami rin sa mga gawang ito ay
nagpapakita ng mga tatak ng kamay. Pinaniniwalaan na ang mga ito ay gawa ng mga shaman na nagdasal para sa
matagumpay na pangangaso. Nakahanap din ng mga iskultura ang mga arkeologo. Ang ipinakilalang mga iskultura
ay nagpapakita ng matataba o buntis na kababaihan. Marami ring nakitang nililok o inukit na mga hayop.
Mayroon ding nakitang ebidensiya ang mga dalubhasa ng paggawa ng musika sa mga kuwebang tinahanan ng
mga unang tao. Nakahanap sila ng mga plawtang gawa sa buto at iba pang simpleng instrumento.

Relihiyon - Pinaniniwalaan ng mga eksperto na ang mga unang tao ay naniniwala sa mga espiritu ng
kalikasan. Ayon sa kanila, naniwala ang mga unang tao na ang mga elemento ng kalikasan—tulad ng

You might also like