You are on page 1of 4

Ebolusyong Kultural ng Sinaunang Tao

Panahong Paleolithic
- Ang salitang “paleolithic” ay nagmula sa mga salitang Greek na palaios na
nangangahulugang “luma” at litho o “bato.”
- Sila ay nomadic at nabubuhay sa pamamagitan ng pangangaso at pagtitipon
ng pagkaing pinipitas mula sa mga halaman sa kanilang kapaligiran at sila
ay naninirahan din sa mga yungib.
Ipinagkaiba nila sa karaniwang mga hayop na kasabay nilang nabuhay noon
panahong iyon:
 Paggamit ng mga kamay bilang panghawak ng mga kagamitan at sandata sa
pangangaso at pagtatangol ng kanilang sarili dahil sa kakayahang tumayo ng
tuwid;
 Kakayahang makapagsalita at makatanggap o makaunawa ng impormasyon;
at
 Pagkakaroon ng mas malaking utak kaysa sa anumang hayop sa daigdig.
Kagamitan: Spear, Apoy at Bato
Pamumuhay/Tirahan: Kuweba, Pangangaso at Pamimitas ng mga Bunga, at
Pangingisda.

Ang kasanayan ng tao sa paggamit ng kagamitang kanilang nilikha upang


matugunan ang kanilang pangangailangan ay tinatawag na teknolohiya. Ang
artifact ay halimbawa ng teknolohiyang nagawa ng tao noong Panahong
Prehistoric. Ito ay nakatulong nang malaki sa paglalarawan ng kultura ng Panahon
Prehistoric. Ang mga taong nabuhay noong Panahong Prehistoric ay gumagamit ng
kagamitang gawa sa matatalim na bato at graba na agad namang itinatapon
matapos gamitin. Ang pinakamahalagang tuklas ng tao sa panahong ito ay ang
paggamit ng apoy. Sa kanilang pagpapalipat-lipat kinailangan nilang langkop ang
kanilang sarili sa mga lupaing may malamig na klima. Isa ito sa mga salik na
natulak sa kanila upang matuklasan ang paggamit ng apoy. Dito rin nila natuklasan
ang paggamit ng apoy sa pagluluto ng kanilang pagkain.
Panahong Mesolitiko
- “Middle Stone Age”
- Ang panahong nalinang sa pagitan ng Panahong Paleolithic at Panahong
Neolithic
Ang ilang kagamitang tuklas sa panahong ito ay:
 Blade
 Point
 Lunate
 Trapeze
 Craper
 Arrowhead
Pamumuhay: Pangangaso at pag-iimbak ng mga pagkaing gulay, prutas at iba pang
pakain.
Mga Tuklas: Pagbubuo ng Pamilya, Blade, Lunate, Point, Trapeze, Craper,
Arrowhead at mga Ritwal.
Tirahan: Di permanente at gawa sa kahoy at bato
Karaniwan na rin ang kagamitang may kombinasyon ng kahoy o buto o hindi
kaya’y balat ng hayop, pagpapalayok, at paggawa ng buslo. Ito ang dahilan kung
bakit tinawag na kulturang materyal ang Mesolithic. Kapansin-pansin rin ang
pagpapaamo ng mga hayop tulad ng aso at ligaw na lobo. Karaniwan na rin sa
kanilang hapag-kainan ang isda at mga laman ng kabibe. Natuklasan din na ang
mga tao noong panahon ng Mesolithic ay may mga nakagawiang ritwal sanhi ng
natuklasang pinta ng mga sayaw at ilang instrumentong musikal, pinta ng mga
ritwal ng pagbuburol, at paglilibing sa patay ng isang pamilya o kamag-anak ng
kasapi ng isang pamayanan. Pagbubuo ng Pamilya ang pinakamahalagang
kontribusyon ng Panahong Mesolithic. Tinatayang ang panahon ding ito ang
naging hudyat ng transpormasyon ng tao mula sa pagiging taong barbaro patungo
sa isang taong sibilisado.
Panahong Neolithic
- Ay naganap noong 10,000 taon sa nakaraan.
Pamumuhay: Pagsasaka, Paghayupan, Paggawa ng kagamitan gawa sa luad,
Paghahabi ng Tela.
Ang karamihan sa tuklas noong Panahong Neolithic ay naging batayan ng uri ng
pamumuhay sa makabagong panahon. Sa panahong ito, natutunan na ng mga tao
na pakinisin, patalasin, at patulisin ang kanilang kagamitan upang higat na maging
kapaki-pakinabang sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Ang agrikultura
ang pinakamahalagang tuklas ng tao sa panahong ito. Dahil sa walang katiyakan
ang panustos ng pagkain sa pangangaso, natutuhan ng mga tao ng magsasaka at
maghayupan. Ito ang naging simula ng tao sa kanilang pimihang paninirahan. Sa
panahon ng kanilang pimihang tirahan, natuklasan ng mga tao na sila ay sadyang
malikhain. Sa matagal nilang pananatili sa isang lugar, nagkaroon sila ng panahong
lumikha ng iba pang kagamitan. Natutuhan nila ang paghahabi ng tela mula sa
hibla ng halaman at balat ng hayop. Natutuhan din nila ang paggawa ng kagamitan
mula sa luad. Natuklasan din nila ang kabutihan ng sama-samang pamumuhay.
Napagtanto nilang kailangang maprotektahan ang kanilang buhay mula sa
anumang sakunang dulot ng kalikasan tulad ng pagbabaha o kaya’y mula sa ibang
pangkat ng tao sa kanilang kapaligiran. Dito rin nagsimula ang pagtatatag ng isang
organisadong pamahalaan tinatawag na bayan o lungsod-estado. Ang relihiyon ay
higit ding naging organisado sa panahong ito. Ang paniniwala ng sinaunang tao ay
nakasentro sa kalikasan, espiritu ng mga hayop, at sa konsepto ng buhay
pagkamatay. Bunga nito, sila ay sumasamba sa maraming diyos at diyosa na
pinaniniwalaang nagkakaloob ng ulan, hangin, at iba pang puwersang
pangkalikasan. May mga lungsod-estadong gumawa ng mga megalith nagsilbing
pook-sambahan. Ito ang nagpasimula ng mga gawi, paniniwala, at mga ritwal ng
naging batayan pagpapahalaga ng lumagong populasyon ng sandaigdigan.

You might also like