Or Or Or Or Pamumuhay ng mga Unang Tao sa Daigdig Araling Panlipunan 8 Layunin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naipaliliwanag ang uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig. ● Paano kaya kumuha ng pagkain ang mga sinaunang tao? ● Paano kaya sila namuhay? Paano kaya kumukuha ng pagkain sa araw-araw ang mga tao noong unang panahon? Pangangaso, Pamimitas, at Pangingisda Ang mga unang tao ay nabuhay sa pamamagitan ng pangangaso at pamimitas ng anumang makakain. Karaniwan ding nangingisda ang grupo ng tao gamit ang mga kasangkapang katulad ng sibat. Pagsasaka at Pag-aalaga ng mga Hayop Tinatayang 12,000 taon na ang nakalipas, nag-iba ang pamamaraan kung paano kumukuha ng pagkain ang mga tao. Nagsimula na silang magsaka at magpalaki ng sarili nilang mga hayop. Saan naman naninirahan ang mga sinaunang tao noon? Paraan ng Paninirahan Tumira ang mga unang tao sa mga kweba o mga bahay na gawa sa kahoy, dayami, o bato para sa kanilang proteksyon mula sa mga elemento ng kapaligiran. Paraan ng Paninirahan Paraan ng Paninirahan
Mayroon ding mga taong
walang permanenteng tirahan noon na tinatawag na ‘’nomads’’. Mayroon din ba silang wika at sining? Wika Noong una, ang mga tao ay gumamit ng mga tunog upang magbigay ng senyas ng panganib sa kanilang mga kasama. Nang sila ay nagsimulang maglakbay sa iba't ibang bahagi ng mundo, ang mga unang wika ay lumawak, at umusbong ang iba't ibang pamilya ng wika. Sining Nakita sa mga kuwebang tinirahan ng mga unang tao ang mga ebidensya ng sinaunang sining. Marami sa mga ito ay mga guhit ng mga hayop, katulad ng mga kabayo, baka, at marami pang iba. Marami rin sa mga gawang ito ay nagpapakita ng mga tatak ng kamay. Sagutin natin… 1. Paano manguha ng pagkain ang mga tao noong unang panahon? 2. Paglipas ng panahon, paano na sila manguha ng mga pagkain at ginawa rin nilang hanap buhay? 3. Magbigay ng halimbawa ng tirahan ng mga sinaunang tao. 4. Ano ang tawag sa mga taong walang permanenting tirahan? 5. Ano ang tawag sa unang Sistema ng pagsulat na ginamit ng mga sinaunag tao? Gumawa ng isang venn diagram na nagpapakita ng pagkukumpara ng buhay noong unang panahon at ngayon. Pangkatang Gawain: Hatiin sa dalawang grupo ang pangkat at ipakita kung paano ang pamumuhay noon at ngayon.