You are on page 1of 29

TRIBONG MANGYAN SA MINDORO

UNGGOY O APES
“Paano nga ba nagsimula ang buhay
at ano ang pinagmulan ng tao?”
ANG SIMULA NG BUHAY
AT ANG
PINAGMULAN NG TAO
Mga Layunin:
• Matuklasan ang mga teoryang pinagmulan ng
buhay at ng mga tao
• Maipahayag ang pagkakaiba- iba nito sa
pamamagitan ng paghahambing.
• Matutong makiisa ang ang bawat isa sa mga
gawain at magpakita ng aktibong partisipasyon sa
klase.
Ayon sa pagsisiyasat, nagsimula ang buhay:

 Sa Teorya ng Paglikha na naayon sa Bibliya, at


 Sa Teorya ng Ebolusyon na ayon sa isang
Geologist na si Charles Darwin
TEORYA NG PAGLIKHA
(CREATION THEORY)
TEORYA NG PAGLIKHA (CREATION THEORY)

 Ayon sa Creationist theorists, ang Diyos ang lumikha ng


lahat sa mundo.

 Sinabi ni Duane Gish, na nagmula sa Institute for Creation


Research na, “We cannot discover by scientific
investigation anything about the creative processes used
by the Creator because they are not now operating
anywhere in the natural universe” (Encyclopedia of
Evolution)
TEORYA NG PAGLIKHA (CREATION THEORY)

 Sinusugan naman ito ni Henry Morris, at ayon sa kanya,


ang Bibliya ang aklat- aralin ng agham ng Creationism.

 Batay sa Pilosopiya ng scientific creationism nang


nabanggit na institusyon:

“Each major kind of plants and animals was created


functionally complete from the beginning and did not evolve
from some other organism. The first human beings did not
evolve from an animal ancestry, but were specially created in
fully human form from the start.”
Pitong Araw ng Paglikha
TEORYA NG EBOLUSYON
(Theory of Evolution)
TEORYA NG EBOLUSYON (THEORY OF EVOLUTION)

 Noong 1859, inilathala ni Charles Darwin ang Origin of the


Species kung saan nagsasaad ito ng dalawang pangunahing
ideya:
• Ang Katotohanan ng Ebolusyon
• Ang pangunahing pamamaraan ng ebolusyon sa
pamamagitan ng natural selection.

 Ang mga ideya ni Charles Darwin ay nabuo noong


naglakbay siya sa Galapagos Island noong 1835.

 Ayon sa kanya,ang ibat-ibang uri ng hayop ay nagbabago


ng anyo habang nakikibagay ang mga ito sa kanilang
kapaligiran.
TEORYA NG EBOLUSYON (THEORY OF EVOLUTION)

 Ito ang naging batayan ng teorya ng Natural Selection,


“Only the fittest survive”

 Ang kakayahan ng mga hayop at halaman na makibagay sa


kanilang kapaligiran ang magbibigay-katiyakan sa
pagpapatuloy ng pananatili ng kanilang uri.
PINAGMULAN NG TAO
• Inilathala ni Charles Darwin noong 1871 na ang tao ay
nagmula sa mga “Ape-like Creatures”

• Ang mga palagay ni Darwin ay batay lamang sa


embryology, comparative anatomy, animal behavior at
anthropology.
AUSTRALOPITHECUS
PINAGMULAN NG TAO
1. AUSTRALOPITHECUS
• Nagmula sa salitang latin na Australis, “ng Timog” at sa salitang Griyego
na Pithecus o “Bakulaw”
• Sila ang sinasabi na pinakamatandang ninuno ng tao at ito ay mahahati
sa apat na uri ng hominid (Pamilya ng mga tao)

a. Australopithecus Afarensis
• Pinakamatandang ninuno at ang labi may may tanda ng 3.9
hanggang 2.9 milyong taon na.
• May taas na 1.2 metro habang ang cranial capacity ay 380-
450cc.
b. Australopithecus Africanus
• Nabuhay noong 3-1.6 milyong taon na ang nakalilipas.
• Mas mataas ng bahagya sa Afarensis ng 1.4 metro at brain
capacity na 40-600cc.
• Nakitaan ng mga ebidensya na ang mga ito ay ang gumagamit
ng mga bat at patpat sa paghahanap ng pagkain.
PINAGMULAN NG TAO

c. Australopithecus Robustus
• Nabuhay noong 2.3- 1.3 milyong taong
nakalilipas.
• May taas na 1.5 metro at mas malaki ang
cranium kaysa sa mga naunang hominid.
d. Australopithecus Boisei
• Tinatayang nabuhay noong 2.5-1.2 milyong
taong nakalipas.
• Ang bungo ay nahahawig sa robustus subalit
mayroong natatanging katangian kung saan
ang bungo nito ay may ridge sa ibabaw nito.
HOMO HABILIS
PINAGMULAN NG TAO
HOMO HABILIS
• Sila ang pinaniniwalaang pinakaunang totoong
tao.
• Ang Homo Habilis ay nangangahulugang “Handy-
Man”.
• Ang mga fossil nito ay may edad na 2.4 milyong
taon na at halos kapanahunan kung kalain unang
naimbento ang kagamitang gawa sa bato.
• Sina Loius Leakey, Phillip Tobias at John Napier
ang nagbigay ng pangalan sa mga ito batay sa
mga fossil na natagpuan at nahukay nila sa Beds I
at II sa Olduvai Gorge sa Tanzania.
HOMO ERECTUS
PINAGMULAN NG TAO
HOMO ERECTUS
• Isa pang uri ng mga sinaunang tao na umusbong sa
Silangang Africa noong 1.6 milyong taon na ang
nakalilipas.
• Pinangalanan ang fossil remain na itong Homo Erectus
na ang ibig sabihin ay “Erect Man”
• Ang laki ng utak nito ay may 800 hanggang 900 ml.
• Ang balakang at binti ay nagpapakita na ito ay
nakatatayo ng tuwid at naglalakad gamit ang dalawang
paa.
• Nakatagpo rin ng fossil remains nito sa Java, Silangang
Africa, Hilagang Africa, China at Europe.
PINAGMULAN NG TAO

• Ang Java Man (dating tinatawag na


Pithecanthropus Erectus) at ang Peking Man
(na dating kilala bilang Sinanthropus
Pekinensis ay kabilang sa uri ng mga Homo
Erectus.

• Pinaniniwalaan na ang genus na ito ay ang


gumagamit ng apoy at ang ilan din sa mga
gumawa ng palakol at sibak.
HOMO SAPIENS
PINAGMULAN NG TAO

HOMO SAPIENS
• Pinaniniwalaan na kauna unahang lumitaw ang
mga Homo Sapiens o ang tinatawag na Man the
Wise: thinking man) noong 400,000 taon na ang
nakararan.
• Mas mataas ang braincase na nangangahulugang
mas malaki ang utak nito kumpara sa mga
naunang nabanggit.
PINAGMULAN NG TAO

Dalawang uri ang Homo Sapiens:


1. Neanderthal Man
• Natagpuan sa Wales, England, France at Germany.
• Matipuno ang katawan at tila nakalinang sa isang payak na kultura
batay sa kagamitang bato.

2. Homo Sapiens Sapiens


• Ayon sa mga siyentipiko sila ang mga natatanging tao na naghahari
saan man sila pumunta.
• Sila din ang unang modernong tao na nagging kaagaw ng mga
Neanderthal Man sa likas na yaman.
• Ang ugali ng mga Homo Sapiens Sapiens na mamuhay kasama ang mga
grupo ang nagtulak sa kanila upang magtatag ng mas komplikadong
mfga institusyon at kaugalian kasabay na ang paglinang ng wika.
APLIKASYON
• Ilahad ang pinagkaiba ng Creation Theory at Theory of
Evolution ayon sa inyong sariling pananaw.

• Sa pamamagitan ng isang table o chart, ipakita ang pinagkaiba


iba ng pinagmulan ng tao simula Australopithecus hanggang
sa Homo Sapiens.

Rubriks:
Punctuality ----------- 60%
Delivery -------------- 30%
Neatness -------------- 10%
Total ----------------- 100%
PAGSASANAY
1. Ayon dito, ang Diyos ang lumikha ng lahat.
a. Theory of Evolution
b. Bigbang Theory
c. Creation Theory

2. Ito ang isinulat na aklat ni Charles Darwin kung saan niya isinaad ang
katotohan ng ebolusyon at ang teorya ng natural selection.
a. Survival of the Fittest
b. Origin of the Species
c. Descent of Man

3. Ito ang pinakamatanda at piakakumpletong kalansay ng isang hominid na


sinasabing nakapamuhay sa mundo at nagpapakita na nakakapaglakad ng ito
ng tuwid.
a. Australopithecus
b. Homo Habilis
c. Homo Erectus
PAGSASANAY
4. Kilala bilang mga erect man at kabilang sa sinaunang taong ito
ang Java Man at ang Peking Man
a. Homo Sapiens
b. Homo Habilis
c. Homo Erectus
5. Ayon dito, nagsimula ang buhay sa pamamagitan ng ebolusyon
at natural selection.
a. Teorya ng Paglikha
b. Teorya ng Ebolusyon
c. Origin of the Species
MARAMING SALAMAT!

You might also like