You are on page 1of 4

ST. JUDE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY, INC.

High School Department


Poblacion 6, Midsayap, Cotabato

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

Asignatura : Araling Panlipunan Petsa: Nov. 24, 2018


Baitang at Seksiyon: Grade 7-A Oras : 9:30 – 10:45 A.M.

I. LAYUNIN:

Gamit ang jumbled letters, tulong biswal at mga larawan ng iba’t-


ibang Pisikal na Ebolusyon ng Tao sa Mundo, matapos ang isang oras at
labinlimang minuto, ang 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:

1. nalalaman ang Pisikal na Ebolusyon ng Tao sa Mundo.


2. maayos na natutukoy ang iba’t-ibang katangian ng sinaunang tao at
ihahalintulad nito sa modernong tao.

II. PAKSANG ARALIN


a. Paksa: Ang Pisikal na Ebolusyon ng Tao sa Mundo
b. Sanggunian: Asya Bilang Ehemplong Kontinente ni Reynelle Bren G.
Zafra, pahina 68-70

III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain
a. Pagdarasal
b. Pagbati
c. Pagtala ng liban o mga lumiliban
2. Pagbalik-aral
Tanong:
Ibigay ang limang pangunahing rehiyon sa Asya.
3. Pagganyak
Ang laro natin ngayon ay guessing game. May inihanda akong
katanungan at sa bawat tanong ay may kaakibat na jumbled letters. Mula sa
mga letrang ito ay bubuuin ninyo ang tamang sagot. Ang nakasagot ng tama
ay may sopresang nakalaan.

1. Ito ay salitang Griyego na nangangahulugang “bakulaw”.


(kosthepi)
2. Pag-aaral tungkol sa pinagmulan ng isang tao o nilalang.
(yaerto)
3. Tumutukoy sa pag-aaral ng mga nahukay na labi, buto, at kasangkapan,
gaya ng banga
(hiyaloarkeo)
4. Siya ang lumikha ng teoryang ebolusyon ng tao
(rachles ridwan)
5. Mga lahing masasabing mahilig kumain ng prutas at gulay at hindi sila
kumakain ng karne.
(revobiher)
4. Pagtatalakay

Ang Pisikal na Ebolusyon ng Tao sa Mundo

Teorya sa Paglikha ng tao sa Daigdig:

1. Teorya ng Paglikha (Theory of Creation)


- Batay sa teoryang ito, sinasabing ginawa ng Diyos ang mundo, ang
tao, at ang mga bumubuo rito gaya ng halaman, hayop, tubig, lupa,
at iba pa, sa loob ng pitong araw.

2. Teorya ng Ebolusyon (Evolution Theory)


- Ito ang teorya ni Charles Darwin
- Ang salitang “Ebolusyon” ay nangangahulugang pagbabagong
nagaganap sa katangian ng isang nilalang sa paglipas ng panahon.
- Ayon kay Aristotle, ang salitang ebolusyon ay maaring tumukoy sa
hagdan ng buhay (ladder of life), kung saan ang isang organismo
ay nagbabago tungo sa mas maayos na porma.

Radiocarbon dating at Potassium-argon dating – ito ay makasiyentipikong


pamamaraan sa pag-aaral ng pinagmulan ng tao kung saan natukoy ng mga
siyentipiko ang panahon kung kailan unang nagkatao sa daigdig.

Hominidae – ito ay isang lahi kung saan nagmula ang unang tao kabilang din
ang mga hayop gaya ng bakulaw, unggoy, gorilya at orangutan.

Ebolusyon ng Tao

1. Australopithecus
- ang salitang ito ay nangangahulugang “Southern ape”. Ito ay mula sa salitang
latin na australis na nangangahulugang “timog” at salitang Griyego na pithekos
na nangangahulugang “bakulaw”.

- Itong lahi ay may maliit na utak; pangong ilong; maliit na ngipin, matulis at
maikling canine at premolar, at malaking molar, mahabang braso; at maikling
mga paa.

- Sila ay maituturing na herbivore.

Mga Tanyag na Lahi ng Australopithecus

a. Australopithecus anamensis – itinuturing na pinakamatandang uri ng


Australophitecus. Tinawag itong Anamensis na ang ibig sabihin ay “ng sa
lawa” dahil nahukay ang mga unang buto nito noong 1965 sa Kanapoi at
Allia Bay sa Kenya.
b. Australophitecus afarensis – taglay nito ang katangian ng pagiging
bakulaw at tao.
c. Australophitecus africanus - Ito ay nangangahulugang “Southern ape
ng Aprika”. Ito ang pinakaunang nakilalang Australophitecus.
2. Homo Habilis – tinaguriang “Handy man o able man” dahil ang lahing ito ay
marunong nang gumawa ng kasangkapan yari sa bato.
- Taglay ang may mas malaking utak kaysa sa Australophitecus
- Hindi pa marunong mangaso ang lahing ito.
3. Homo Erectus
- tinaguriang taong may matuwid na tindig at paglakad. Ito ay
tinatawag ding Homo ergaster.
- Ang mga lahing ito ay marunong ng gumamit ng apoy, manirahan
sa kuweba, at mangaso.
- Ito ay mas matangkad kaysa sa Homo Habilis
- Ang taas nito ay umaabot sa limang talampakan.
- Makikita ang lahing ito sa bansang Tsina at Indonesia at sa
kontinente ng Aprika.

Mga Bungo ng Homo Erectus:

a. Java Man – tawag sa bungo ng homo erectus na natagpuan sa Trinil,


Indonesia ni Eugene Dubois noong 1891.Ito ay tinatayang 700,000 taon.
b. Peking Man – bungo ng homoerectus na natagpuan sa Zhoukoudian sa
Tsina na tinatayang may edad na 420,000 taon.
c. Turkana Boy – kumpletong kalansay ng homo erectus na nahukay sa
Nariokotome sa Kenya noong taong 1984

4. Homo Sapiens - kilala bilang taong nag-iisip dahil taglay ang malaking utak na
umaabot sa pagitan ng 1,000-2,000 cc.
- Nakikita sa kontinente ng Aprika, Europa at Asya.
- Taglay ang patayong noo, bilog na bungo, at nakaungos na baba.
- Kinakitaang may mas mataas na uri ng teknolohiya sa paggawa ng
mga kasangkapang yari sa bato.

Iba’t-ibang uri ng Homo Sapiens:

a. Arhaic Homo sapiens – nabuhay sa mga lugar sa Aprika,


Europa, at Asya
b. Homo Sapiens Neanderthalensis – taglay nito ang may
malaking ilong, cheekbones, at utak na kasinlaki ng
kasalukayang tao.
c. Homo Sapiens Sapiens- ito ay mailalarawan na isang
modernong tao. Kabilang sa mga lahing ito ang mga
kasalukuyang tao. Ito ay tinawag ding Cro-Magnon.

Tatlong pangunahing pinagmulan ng tao batay sa kanilang aspektong pisikal:

1. Mongoloid – taglay ang manila-nilaw na balat at malalapad na hugis ng ulo.


- deretso at kulay-itim o kape ang kanilang buhok.
- singkit ang mata at may kakaunting buhok sa katawan.
- halimbawa ng lahing ito ang mga Hapones.
2. Caucasoid – madalas tawaging “white person” dahil sa maputing balat.
- Taglay ang may manipis na mga labi, matangos na ilong,
pangahang mukha, tuwid o maalon na buhok na kulay- blonde at
maasol o brown na mga mata.
- Ito ay kadalasang taglay ang pagiging balbon.
- Kabilang sa mga lahing ito ang mga Pranses, Persian, Italyano, at
Espanyol.
3. Negroid - taglay ang maitim na kulay ng balat, buhok at mata.
- kulot ang kanilang buhok at kakaunti ang buhok sa katawan.
- sila ay may mahabang hugis ng ulo.
- Isa sa mga lahing kabilang ang mga Aprikano.

5. Aktibidad:
Bumuo ng dalawang grupo at pag-aralan ang Iba’t-Ibang Pisikal na Ebolusyon ng
Tao sa Mundo.
6. Analisis (Pagsusuri):
Pamantayan: Bawat grupo ay pipili ng representanti na mag-uulat batay sa
mga katanungan na binigay ng guro.

1. Ano ang iba’t-ibang Pisikal ng Ebolusyon ng tao sa mundo at ipaliwanag


ang mga katangian nito?
2. Ano ang dalawang teorya ng paglikha ng tao sa mundo? Ipaliwanag

7. Paglalagom:
Ang ebolusyon ay ang pagbabagong nagaganap sa katangian ng
isang nilalang sa paglipas ng panahon. Ang teorya ng Paglikha at Teorya ng
Ebolusyon ay ilan sa mga teorya sa posibleng pinagmulan ng tao sa mundo.
Ang teorya ng Paglikha ay mariin na naninindigan na ang Maykapal ang may
likha ng tao at mundo samantalang ang Teorya ng Ebolusyon na ayon kay
Charles Darwin ay isa itong organismo na nagbabago sa pamamagitan ng
isang prosesong tinatawag na natural selection na upang manatiling buhay
ay nararapat lamang na siya ay makisabay sa pagbabagong nagaganap sa
kanyang kapaligiran.

IV. EBALWASYON

Sagutin ang mga sumusunod ng may buong husay.

1-4 Ibigay ang apat na Pisikal na Ebolusyon ng Tao sa Mundo.


Sagot: Australopithecus, Homo Habilis, Homo Erectus at Homo Sapiens

5.Anong lahi ang tinaguriang “Handy man o able man”, dahil ito ay marunong nang
gumawa ng kasangkapan yari sa bato?
Sagot: Homo Habilis

6. Anong lahi ang tinatawag ding Homo Ergaster at tinaguriang taong may matuwid
na tindig at paglakad?
Sagot: Homo Erectus

7. Anong lahi ang kilala bilang taong nag-iisip dahil taglay ang malaking utak na
umaabot sa pagitan ng 1,000-2,000 cc?
Sagot: Homo Sapiens

8. Anong lahi ang nangangahulugang “Southern ape” at taglay nito ang may maliit
na utak?
Sagot: Australopithecus

9-10 Ibigay ang dalawang teorya ng paglikha ng tao sa mundo.


Sagot: Teorya ng Paglikha (Theory of Creation) at Teorya ng Ebolusyon
(Evolution Theory)

V. TAKDANG-ARALIN
Basahin at aralin ang pahina 63-69 ( Kultural na Ebolusyon sa Asya)

Inihanda ni:

JEAN D. MORENO
Pre-Service Teacher

Iniwasto ni:

ROSALIE DIANO
A.P Teacher (7-A)

You might also like