You are on page 1of 20

TITLE HEADER

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit.


Yunit I: Heograpiya at Mga
Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Aralin 3.2: Ang Pagsisimula ng
Kabihasnan sa Daigdig
COUNTOUR
SCAFFOLD 2: MUSEUM BOX

Panuto: Gamit ang mga larawan at impormasyon ng mga kagamitan ng


unang tao sa iba’t ibang panahon mula sa mga nakalipas na gawain, gumawa
ka ng isang museum box na nagpapakita ng iyong pag-unawa at
pakikibahagi sa pagpreserba at pagpapanatili ng mga kontribusyon ng
sinaunang tao
SCAFFOLD 3: E-POSTCARD

Panuto: Pumili ng isang mahalagang kontribusyon ng mga


klasikal na kabihasnan sa daigdig. Lumikha ng E –postcard
tungkol dito.
LAYUNIN
A4. Napag-iisa-isa ang mga sinaunang kabihasnan sa Egypt,
Mesopotamia, India at China batay sa politika, ekonomiya, kultura,
relihiyon, paniniwala at lipunan
Ang kalagayang Pangheograpiya sa Pagbuo at Pag-unlad ng
Kabihasnan
Ang heograpiya ay pisikal na katangian ng mundo na malaki ang
kaugnayan sa pagsisimula ng sinaunang kabihasnan. Ang sinaunang
kabihasnan ay nagdaan sa mahabang proseso tulad ng karanasan sa
pamumuno, problema o suliranin na kinaharap, paglinang ng kasanayan
at kaalaman at kabilang din ang pakikipag-ugnayan na ginawa sa ibang
pangkat ng tao upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
Ang kabihasnan ay maunlad na yugto ng lipunan
na mayroong organisadong pamahalaan, mataas
na antas ng ekonomiya, relihiyon, sistema ng
pagsulat istrukturang panlipunan at teknolohiya.
Ayon sa mga historyador, mayroong batayan na
sinusunod sa pagtukoy ng isang kabihasnan, ito
ay ang-pamahalaan, ekonomiya, relihiyon,
sistema ng pagsulat, istrukturang panlipunan at
teknolohiya.
Pamahalaan
Dahil sa paglaki ng bilang ng mga taong naninirahan sa bawat
tribo o kaharian kinakailangan ang magkaroon ng mga pinuno na
mangangasiwa at magpapaunlad.
Ekonomiya
Dahil sa kailangan na matugunan ang bawat pangangailangan ng mga tao sa
pamayanan, natutunan na magkaroon ng iba pang hanapbuhay bukod sa
pagsasaka, pangingisda, at pangangaso. Ang ilan sa mga ito ay ang pagiging
mangangalakal, mandirigma, artisan at manlalayag
Relihiyon
Ang mga tao ay naniniwala na ang lahat ng kanilang nakikita ay may “nilalang na
lumikha ng lahat”. Madalas pinaniniwalaan nila ang kanilang pinuno ay
kinatawan ng kanilang diyos sa lupa. Ang mga tao ay sumasamba sa iba’t-ibang
diyos na pinaniniwalaan nilang magliligtas at mag-bibigay sa kanila ng
kasaganaan at kapighatian sa buhay
Sistema ng Pagsulat
Isang patunay na may mataas na kabihasnan ang isang pamayanan kung ang mga
tao ay nakapagpapahayag o may komunikasyon sa pamamagitan ng pagsulat.
Unang ginamit ng mga sinaunang tao ay simbolo o imahen sa pagsulat. Mula rito ay
naimbento nila ang sinaunang alpabeto na mabilis na natutunan ng mga tao
Istrukturang Panlipunan
Ang nagsilbing basehan o gabay ng bawat mamamayan sa kanilang lipunan na
kinabibilangan ang tungkulin na dapat nilang gampanan. Nararapat nilang gawin ang
tungkulin na nakaatang sa bawat tao gaano man ito kahirap
Teknolohiya
Kapag ang tao ay naka-imbento ng mga kagamitan o kasangkapan na
makatutulong para sa mas mabilis at masaganang pamumuhay ito ay
maituturing na pinakamahalagang batayan upang masabi na ang isang
pamayanan ay maunlad na. Ang mga pagbabagong nangyayari sa
kanilang kapaligiran ay nagbibigay ng ibayong pagpupunyagi upang
mas lalo pang paghusayan at mapabilis ang kanilang gawain.
Sinaunang Kabihasnan sa
Mesopotamia
Ang salitang Mesopotamia ay nagmula
sa mga salitang Greek na meso o
“pagitan” at potamos o “ilog”.
Samakatuwid, ang Mesopotamia ay
nangangahulugang lupain “sa pagitan
ng dalawang ilog”, partikular na ang
mga ilog ng Euphrates at Tigris.
Pagbuo ng mga Lungsod-estado sa
Sumer
Tinatawag na Sumer ang katimugang
bahagi ng Mesopotamia kung saan sumibol ang
mga unang lungsod. Ang tawag sa mga taong
naninirahan dito ay mga Sumerian, mula sa mga
maliliit na komunidad, lumago bilang lungsod
ang Uruk noong 3500 BCE na may tinatayang
populasyon na 50,000.Pagsapit ng 300 BCE,
marami pang mga lungsod ang naitatag tulad ng
Ur, Umma, Kish, Nippur at Lagash
Pamahalaan
o Ang Paring hari (priest-king) ang nagsisilbing pinuno ng pamayanan
o Taglay niya ang kapangyarihan ng pagiging pinuno ng pamahalaan at relihiyon
o Nagsisilbing tagapagpatupad ng batas upang mapanatili ang katahimikan at
kaayusan ng kanyang nasasakupan

Sistema ng Pagsulat
o Natutunan ang cuneiform, isang uri ng pictograph na naglalarawan ng mga bagay
na ginagamitan ng mga 600 na pananda sa pagbuo ng salita o ideya. Isang scribe
(taong eksperto sa pagsulat), ang umuukit sa isang clay tablet upang maitala ang
mahahalagang pangyayari
Istrukturang Panlipunan
Nahahati sa 3 na bahagi ang kanilang lipunan:
o Mataas na Uri (Upper Class)- kabilang dito ang paring-hari at matataas na
opisyal kasama ang kanilang pamilya.
o Gitnang Uri (Middle Class)- kabilang dito ang mga artisan, scribe at
mangangalakal
o Mababang Uri (Slaves) – kabilang dito ang alipin kasama ang magsasaka
Teknolohiya
o Naimbento nila ang paggawa at paggamit ng gulong
o Gumamit ng araro upang mas mapabilis ang sistema ng
pagsasaka
o Nakagawa rin sila ng mga palayok na ginagamitan ng
gulong (wheel spun pottery) at ng karwahe
o Sa larangan ng agham, sila ang nagpasimula ng pag-
oopera upang mapagaling ang karamdaman ng isang tao
o Sa matematika naman, naimbento nila ang paggamit ng
lunar calendar (na may 12 buwan), decimal system,
fraction, square root at paggamit ng timbangan at panukat
ng haba ng isang bagay
o Pinasimulan ang paggamit ng perang pilak
Pagbagsak ng Kabihasnang Sumerian
Ang pagkawala ng mahusay na pinuno, matatag
na sistemang politikal at ekonomiya at kawalan
ng pagkakaisa dahil sa isyu ng lupain at patubig
ng bawat lungsod-estado ay naging dahilan kung
bakit bumagsak ang kabihasnang ito. Dahil sa
pagtatalo at kawalan ng pagkakaisa tuluyang
humina ang kapangyarihan ng mga Sumerian na
nagbigay daan sa ibang pangkat na sakupin ang
lupaing ito.

You might also like