You are on page 1of 31

Kulturang

Popular
Kabanata 1
Ano ang Kultura?
Ang kultura o kalinangan ay tumutukoy sa araw-araw na
pangkabuhayan ng isang grupo. sa pangkalahatan ay
tumutukoy sa aktibidad ng sangkatauhan. Sa isang payak na
kahulugan, ito ang "kaparaanan ng mga tao sa buhay", ibig
sabihin ang paraan kung paano gawin ang mga bagay-bagay.
Iba't iba ang kahulugan ng kultura na sumasalamin sa iba't
ibang mga teoriya sa kaunawaan, o sukatan sa
pagpapahalaga, sa aktibidad ng sangkatauhan. Sa iba, ito ang
kuro o opinyon ng buong lipunan, na maaaring makita sa
kanilang mga salita, aklat at mga
sinulat, relihiyon, musika, pananamit, pagluluto, at iba pa.
Ang salitang kultura ay hinango mula sa wikang Latin: na cultura na
may literal na kahulugang "kultibasyon" o "paglilinang". Ang kalinangan
ay isang katagang may maraming iba't ibang magkakaugnay na mga
kahulugan. Subalit, ang salitang ito ay pinaka pangkaraniwang
ginagamit sa tatlong payak na mga diwa:

Ang pagkakaroon ng matanging panlasa sa mga pinong sining at araling


pantao, at tinatawag ding mataas na kalinangan.
Isang binuong huwaran ng kaalaman, paniniwala, at ugali ng tao na
nakabatay sa kakayahan para sa masagisag na pag-iisip at pagkatutuo ng
pakikipagkapwa
Isang pangkat ng pinagsasaluhang mga ugali, pagpapahalaga, mga layunin,
at mga gawain na nagbibigay ng katangian sa isang institusyon o
panimulaan, organisasyon, o pangkat.
Nang unang lumitaw ang konsepto o diwa noong ika-18 at ika-19
daantaon sa Europa, may pahiwatig ito bilang isang proseso
ng paglilinang ng halaman o pagpapainam, katulad
ng agrikultura o hortikultura.

Noong ika-19 daantaon, ito ay naging tumutukoy muna sa pag-inam


o pagpino o pagdalisay ng isang indibidwal, natatangi na sa
pamamagitan ng edukasyon, at pagkaraan ay tumukoy na sa
pagsasakatuparan ng nasyonalismo, katulad ng mga adhikain o mga
mithiing pambansa.

Noong kalagitnaan ng ika-19 daantaon, ilang mga siyentipiko ang


gumamit sa katagang "kultura" upang tukuyin ang isang
pandaigdigang kakayahan ng tao.
Georg Simmel

isang sosyologong Aleman
na hindi positibista, ang
kalinangan ay tumutukoy sa
"ang paglilinang ng mga
indibidwal sa pamamagitan
ng ahensiya ng panlabas na
mga anyo na dumaan
sa obhetipikasyon sa loob ng
kurso ng kasaysayan".
Noong ika-20 daantaon, umahon ang "kalinangan" bilang isang diwa
na nakapagitna o naging pangunahin sa larangan ng antropolohiya,
na nagsasangkot ng lahat ng mga kababalaghan o penomenong
pantao na hindi puro mga kinalabasan ng henetika ng tao. Katulad ito
ng katagang "kultura" sa antropolohiyang Amerikano na may
dalawang kahulugan:

 1. Ang umunlad na kakahayan ng tao upang uri-uriin at katawanin ang


mga karanasan sa pamamagitan ng mga sagisag, at gumalaw na may
imahinasyon at malikhain;

2. Ang namumukod-tanging mga kaparaanan ng tao na namumuhay sa


iba't ibang mga bahagi ng mundo na nag-uri at kumatawan sa kanilang
mga karanasan, at kumilos na ayon sa pagiging malikhain nila.
Andersen at Taylor (2007)
Ang Kultura ay isang
komplikadong sistema ng ugnayan
na
nagbibigay kahulugan sa paraan ng
pamumuhay ng isang grupong
panlipunan o isang lipunan sa
kabuuan.
Panopio (2007)
ito ang kabuuang konseptong sangkap sa
pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos
atg gawi, at ang kabuuang gawain ng tao.
Mooney (2011)
ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at
paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa
isang lipunan.
Dalawang Uri ng
Kultura
1. Materyal

gusali, likhang- sining, kagamitan at iba


pang bagay na nakikita at nahahawakan at
gawa o nilikha.
2. Di- Materyal

kabilang dito ang batas, gawi, ideya,


paniniwala, at norms ng isang grupo ng
tao. Hindi tulad ng materyal na kultura,
hindi ito nahahawakan subalit ito ay
maaaring makita o maobserbahan.
Mga Elemento ng
Kultura
1. Paniniwala

-kahulugan at paliwanag tungkol sa


pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo.
- maituturing itong batayan ng
pagpapahalaga ng isang grupo o lipunan
sa kabuuan.
- nakakaapekto sa mga isyu at hamong
panlipunan ang paniniwala ng isang
indibidwal o pangkat ng tao.
2. Pagpapahalaga o Values

-maituturing itong batayan ng isang grupo o


ng lipunan sa kabuuan kung ano ang
katanggap- tanggap at kung ano ang hindi.
Batayan ito kung ano ang tama at mali,
maganda at kung ano ang nararapat at hindi
nararapat.
3. Norms

-mga asal, kilos o gawi na binuo at


nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan.

-nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon,


at pakikitungo ng isang indibidwal sa lipunang
kaniyang kinabibilangan.
4. Symbols

-ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay


ng mga taong gumagamit ditto. (White 1949)

-kung walang simbolo , walang magaganap


na komunikasyonat hindi rin magiging posible
ang interaksyon ng mga tao sa lipunan.
Kabanata 2
Unang Panahon
Saan nagmula ang
Pilipinas?
Paniniwalang Maalamat

Ang Pilipinas ay nagmula sa pagpupukulan ng


tipak- tipak na lupa at malalaking bato ng
tatlong naglalabang higante upang patunayan
kung sino sa kanila ang pinakamakapangyarihan
sa Pasipiko. Ang malalaking bato at lupang
bumagsak sa karagatang ito ang siyang
pinagmulan ng kapuluan.
Paniniwalang Mala- Ispiritwal

Ang Pilipinas ay nagmula sa pagkalalang ng


mundong kanyang kinabibilangan. Isang
makapangyarihang manlilikha ang gumawa ng
daigdig.
Paniniwalang Maka- Agham

1. Bulkanismo
- ang kapuluan ng Pilipinas ay nabuo dahil sa
pagputok ng bulkang nakahanay sa Pacific Ocean noong
panahon ng Tertiary. Nabiyak at lumitaw mula sa mga ito
ang mga batong nakahanay sa ilalim ng dagat. Sa
paglipas ng panahon, ang mga batong ito ay lumamig at
tumigas kaya’t nabuo ang mga kapuluan.
2. Tektonik

Ang paraang ito ay ang paggalaw ng lupa


sanhi ng pagkilos sa ilalim nito. Ang tektonikong
paggalaw ang nagging daan upang mabasag ang
malaking masa ng lupa o platong tektonikong
nag uumpugan, nagtutulakan o nagkikiskisan.
Continental Drift Theory ni Alfred
Wegener

- ang daigdig ay dating binubuo ng isang


super kontinente, ang PANGAEA, na sa pagdaan
ng panahon ay nagkawatak- watak dahil sa mga
pwersang pangkalikasan; lindol, pagputok ng
bulkan, agos ng tubig, sa ilalim ng dagat at iba
pa.
3. Tulay na Lupa
- Ang Pilipinas ay bahagi ng Sunda Shelf o
isang nakausling bahagi ng Asia. Sa pagtatapos
ng Panahon ng Yelo, ang tulay na lupa ay
nahubog bunga ng paglusaw ng malalaking
tipak ng yelo.
Maraming siyentipiko ang naniniwala sa Teorya
ng Tulay na Lupa batay sa mga sumusunod na
kadahilanan:

1. Ang mga uri ng hayop at halaman ay


magkakatulad at magkakahawig. Bunga ito ng
pagtakas o pagtawid ng mga hayop gamit ang
Tulay na Lupa sa Panahon ng Yelo.
2. Pagkakatuklas sa mababaw na lugar sa pagitan ng
Asia at Pilipinas sa dakong China Sea.

3. Nakarating ang mga Negrito sa Pilipinas mula sa


kalakhang bahagi ng Asya.

4. Kung bababa ang lebel ng dagat, makikita ang


mga lupang nagdurugtong sa Samar at Luzon. Ang
Borneo at Palawan ang nagdurugtong sa Mindanao
at
ang Bohol, Negros, Cebu, at Panay ay magiging
isang malaking pulo rin.

5. Ang natagpuang mga labi at buto ng mga sinaung


tao at hayop tulad ng elepante at iba pang
malalaking mammal ay sa tulay na lupa
nagsipagdaan.
4. Coral Reef Formation
- ang Pilipinas ay bunga ng tumigas at
nagkapatong- patong na coral reefs.

You might also like